Home / Urban / Realistic / The Ex-Husband's Revenge / Kabanata 231 - Kabanata 240

Lahat ng Kabanata ng The Ex-Husband's Revenge: Kabanata 231 - Kabanata 240

450 Kabanata

Kabanata 231

Nawalan ng pag asa ang mukha ni Guido habang napuno ng takot ang buong katawan niya.Nawala ang kulay sa mukha nila Ashwin at Michael, at lumubog ang puso nila nang napagtanto nila ang nangyayari.Hindi nila maintindihan kung bakit nagbago agad ang sitwasyon. Maayos naman ito kanina, ngunit biglang lumipat ng panig si Stanley at nasira ang plano nila!Ang malala pa dito, paano kung nagdesisyon si Guido na pagtaksilan sila at nabunyag kay Iris na may kinalaman sila dito?“Sabihin mo, sino ang nag utos sayo nito?” Mas lalong nagalit si Iris nang matuklasan niya na may iabgn tao maliban kay Guido na nasa likod nito.“Ito ay—”Napatingin si Guido sa direksyon ni Ashwin at Michael, nguit nang makita niya ang malupit na tingin sa mga mata nila, napahinto siya sa pagsasalita.“Sabihin mo kung sino ito, dali! Kapag hindi ka nag salita, tatawag ako ng mga pulis ngayon at ipapaaresto kita sa ilalim ng fiscal offense!” Ang sabi ni Iris.“Ito ay…” Hindi mapigilan ni Guido na manginig nang ma
Magbasa pa

Kabanata 232

Tumingin ng malupit si Michael kay Leon habang sinasabi niya ito.“Nababaliw ka na! Maraming beses ko nang klinaro na hindi ko boyfriend si Leon, at walang namamagitan sa aming dalawa, kaya tumigil ka na sa kalokohan mo!” Ang sabi ni Ariel.“Imposible yun! Ikaw ang nagpakilala sa kanya sa kumpanya natin, at dahil dito, natanggal mo rin si Conrad! Bakit mo ito gagawin para sa kanya kung hindi mo siya boyfriend? Sa tingin mo ba ay isa akong tanga, Ariel?” Nangutya si Michael.“Kalokohan! Sino ang nagsabi sayo na ako ang nagpakilala kay Leon sa kumpanya, at bakit mo naman naisip na sinisante ko si Conrad para sa kanya? Ito ang sasabihin ko sayo; si Iris ang gumawa nito, at wala itong kinalaman sa akin! Ako lang ang nasisis sa mga ginawa niya!” Sumabog na si Ariel.Hindi magandang karanasan at napasa ang sisi sa kanya, at dahil dito, umikot ang tsismis tungkol sa kanya na sila ni Leon, sa punto na nakakaapekto ito sa reputasyon niya. Isang himala na at naging tahimik siya tungkol dito
Magbasa pa

Kabanata 233

“Michael, Guido, Stanley, kayong tatlo ay may kinalaman sa pag setup kay Leon para sa fraud, at dahil sa ginawa niyo, nagkaroon ng malaking kawalan sa kumpanya, at hindi ito pwedeng pagbigyan! Simula sa araw na ito, opisyal na kayong sinisisante, at wala na kayong kinalaman sa Elegante Group!” Ang seryosong sinabi ni Iris.Dahil ang tatlo ay nagbigay ng kanilang serbisyo sa kumpanya ng maraming taon, nagdesisyon si Iris na magpakita ng awa sa kanila sa pagsisante sa kanila sa halip na kasuhan sila para sa krimen nila.“Salamat, Miss Young—” Ang tatlo ay pinasalamatan siya at tumayo sila, handa na silang umalis.“Miss Young, sandali lang,” Ang biglang sinabi ni Leon, humakbang siya paharap.“Ano yun?” Tumingin si Iris kay Leon.“Miss Young, sa tingin ko ay dapat pahalagahan ng lahat ang kakayahan ng isang tao na para maintindihan at itama ang pagkakamali ng isang tao. Sigurado ako na napilitan lang si Mister Wallace na maging parte nito dahil sa responsibilidad niya bilang breadwin
Magbasa pa

Kabanata 234

Sumunod sa kanya sina Leon at Ariel palabas ng kwarto.Humigpit ang mga kamao ni Ashwin habang pinanood niya na paalis ang mga ito, maputla ang mukha niya.Plano niya ang lahat ng ito upang palayasin si Leon, ngunit nasira ang lahat.Kahit na nakatakas siya ng walang problema, alam niya na naghihinala na sa kanya si Iris.Gayunpaman, dahil marami siyang isinakripisyo at nakamit para sa kumpanya, at dahil ang lolo niya ay isang shareholder sa Young Group, pinili ni Iris na bigyan ng isa pang pagkakataon si Ashwin.Lintik!Kahit na natalo siya, alam ni Ashwin na wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ito.Ang huling tinign ni Iris sa kanya bago ito umalis ay isang babala. Kapag may ginawa ulit si Ashwin, walang kasiguraduhan na hindi magpapakita ng awa si Iris sa kanya sa susunod!Sa oras na matapos na ang meeting, dumiretso si Leon sa Wick Group para humingi ng tawad kay Elder Wick ng personal at klinaro niya ang nangyari.Mapagbigay si Elder Wick tungkol dito; hindi lang sa
Magbasa pa

Kabanata 235

“Halata na nakatadhana na makasalubong natin ang isa’t isa, kaya bakit hindi tayo pumasok sa loob?” Ang sabi niya.“Hindi na. Nandito ako para sa isang meeting, kaya sa kasamaang palad, hindi ako makakasama.” Umiling si Leon.Isang ulila si Leon, at nagawa niya lang na makapasok sa college dahil nagtrabaho siya ng buong buhay niya na mag ipon para sa kanyang college fund. Gayunpaman, dahil mula siya sa hirap, mababa ang tingin sa kanya ng mga classmate niya at konti lang ang mga kaibigan niya.Hindi lang yun, isang mahiyain na tao pa siya at hindi siya masyadong nagsasalita.Kabaliktaran niya si Dominic; si Dominic ay mula sa mayamang pamilya na may milyon milyong dolyar na assets. Kaya naman, si Dominic ay isang sikat na bata at maraming may gusto na mga babae sa kanya noong panahon ng college.Sina Leon at Dominic ay hindi ang tipo ng mga tao na magkakasama sa labas, ngunit hindi lang yun, binubully pa ni Dominic si Leon noong nasa college.Bukod pa ito, walang nag iimbita kay
Magbasa pa

Kabanata 236

Si Dominic ay isa sa mga sikat na bata sa school, at maraming mga naaakit na babae sa kanya noon.Mas lalong lumala ito simula noong mag graduate sila at nagtatrabaho na ngayon, dahil napagtanto nila ang kahalagahan ng pera.Kahit na ang kayamanan ng pamilya ni Dominic ay wala lang kumpara sa mga bigating pangalan sa Springfield City, mas higit pa rin ito kaysa sa inaasahan nila, kaya ang presensya niya ay gumagawa ng kaguluhan kahit saan man siya pumunta.“Ah, nakasalubong namin ni Sean si Leon habang papunta dito, kaya late kami ng ilang minuto,” Ang paliwanag ni Dominic, ngumiti siya ng gwapo at nakakaakit.“Si Leon?”Napahinto ang lahat nang mapansin nila ang lalaking nakatayo sa likod nila Dominic at Sean.May panunuya at pagkasuklam sa mga mukha nila, maliban kay Janice.Ang makinang na tingin niya ay napunta sa mukha ni Leon, at binati niya si Leon ng may magandang ngiti. “Long time no see, Leon.”“Tama. Hindi ako makapaniwala na tatlong taon na ang lumipas…” Hindi mapig
Magbasa pa

Kabanata 237

“Ako ang magbabayad ng lunch ngayon, kaya guys, umorder lang kayo ng gusto niyo!” Ang malakas na sinabi ni Dominic.“Dahil sinabi mo ito, Dom, hindi ko pipigilan ang sarili ko!”“Mamahalin sa hotel na ito; hindi pa ako nakapunta sa ganitong lugar ng buong buhay ko.”“Ako rin. Ang tanging rason kaya makakakain ako dito ngayon ay dahil kay Dominic. Kung hindi, bakit ang isang white-collar worker na tulad natin ay pwedeng kumain ng mamahaling pagkain?”“Tama. Maswerte tayo at may kaibigan tayo na tulad ni Dominic.”Walang tigil ang mga papuri at paghanga sa mesa.“Hindi niyo na ako kailangan pasalamatan. Sa tingin ko ay hindi mahirap na bayaran ang lunch ng lahat,” Ang sabi ni Dom, tinaas niya ang dibdib niya na puno ng pride.Habang sinasabi niya ito, hindi niya mapigilan na tumingin sa direksyon ni Janice, umaasa na humanga ito.Para naman kay Leon, hindi niya ito kailangan katakutan!Gayunpaman, nadismaya si Dominic, hindi man lang tumingin si Janice sa direksyon niya. Sa hali
Magbasa pa

Kabanata 238

Nagpanggap na galit si Dominic na para bang pinagtatanggol niya si Leon, ngunit sa katotohanan, binunyag niya ang kahihiyan ni Leon upang iangat ang sarili niya.Ito ang rason kung bakit pinilit niya na pumunta si Leon sa pagtitipon, upang pahiya si Leon sa harap ng lahat.“Ano? Pinagtaksilan siya ng asawa niya at nabuntis ito ng ibang lalaki? Nakakahiya!”“Nakakatawa naman! Hahaha—”Nabigla ang lahat nang marinig nila ito, ngunit sa huli ay tumawa sila.Walang kahit sino sa kanila ang humanga kay Leon, at ngayon at lumabas ang nakakahiyang balitang ito, pinagtawanan pa nila lalo si Leon at mas lalo silang nanuya.Ang tanging tao na hindi tumatawa ay si Janice, na siyang naawa talaga kay Leon. Alam niya na pinagtatawanan nila si Leon, at sinubukan niyang pagaanin ang loob ni Leon, “Leon… wag mo silang seryosohin.”“Wag kang mag alala. Sanay na ako dito,” Ang sagot ni Leon.Hindi siya isang tanga; alam niya na sinasadya itong banggitin ni Dominic upang ipahiya siya.Gayunpaman,
Magbasa pa

Kabanata 239

“Tama si Dom. Nagbibiro lang kaming lahat, kaya hindi mo ito dapat isapuso.”“Pati matagal na tayong hindi nagkikita, kaya sayang naman kung aalis ka agad…”Sunod sunod ang protesta sa kwarto.Nang marinig ito ni Janice, naisip niya rin na aalis si Leon dahil sa galit, kaya mabilis niyang sinabi, “Leon, dahil nandito ka, bakit hindi ka manatili para sa lunch? Hindi tayo nagkita ng tatlong taon, gusto kong mag usap tayo.”Masigasig si Janice; ang tanging rason kung bakit pumayag siya sa pagtitipon na ito ay dahil gusto niya subukang makasalubong si Leon, at ngayon at nandito si Leon, ayaw niyang umalis agad ito ng maaga.“Pasensya na, Janice, pero kailangan ko na umalis… Bakit hindi tayo magkita pagkatapos ng ilang araw, at pwede tayo nag umsa habang kumakain? Ako ang magiging host…” Ngunit bago pa matapos magsalita si Leon, bumukas ang pinto, at pumasok si Cynthia sa kwarto.“Sino ka?”Nabigla at humanga ang lahat nang makita nila ang magandang babae na pumasok sa kwarto.Kilal
Magbasa pa

Kabanata 240

Para naman sa pagpapahanga kay Janice—anuman ang pagtingin ni Dominic, mas higit si Cynthia kay Janice sa bawat aspeto, at kung kaya niyang makuha ang puso ni Cynthia, bakit niya kailangan si Janice?“Sino ka ba sa tingin mo? Bakit mo naman naisip na gusto kitang makilala?” Nangutya si Cynthia. Isa siyang spoiled at mayabang na babae na hindi nagbibigay ng oras na mga tao, paano niya naman tatanggapin ang kahilingan ni Dominic?“Ikaw…” Napahinto si Dominic nang marinig niay ito. Mataas ang tingin niya sa sarili niya, kaya natural, hindi niya hinayaan ang insulto ni Cynthia. “Sino ka ba sa tingin mo? Girlfriend ka lang ng walang kwentang lalaking ito, kaya bakit parang isang prinsesa ka kung magsalita?”“Lumayas ka!” Gumulong ang mga mata ni Cynthia, nang walang pasabi, tinaas niya ang kamay niya at sinampal niya sa mukha si Dominic.Pak—Tumunog ang malakas na sampal sa buong kwarto, at nabigla si Dominic sa punto na halos buamgsak siya sa lakas nito.“Walang hiya ka… para sampal
Magbasa pa
PREV
1
...
2223242526
...
45
DMCA.com Protection Status