Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 481 - Chapter 490

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 481 - Chapter 490

2765 Chapters

Kabanata 481

Sinabi ni Maisie sa lalaki.Natanggal siya sa trabaho pero hindi siya maka-reklamo. Masaya na siyang nakalabas siya ng buhay. Kinuha ni Maisie ang phone niya at nag-reply sa message ni Ryleigh. Palihim siyang nakikipag-usap kay Ryleigh nitong nakaraang tatlong taon, pero hindi niya sinasabi kung nasaan siya. Ang alam lang ni Ryleigh ay nasa abroad siya.Nalaman ni Maisie na ang pamilya ni Lucas at ang lolo niya ay hinahanap siya, nalaman niya ito sa pakikipag-usap niya kay Ryleigh, at ang mga anak niya ay masayang kasama ang mga Goldmann. Si Waylon ay inihahanda para maging isang tagapagmana tulad ni Nolan at palaging nasa tabi ni Titus. Pero hindi sya nag tanong tungkol kay Nolan. Bakit kailangan ni Waylon gampanan ang trabaho ni Nolan sa ganitong edad, at bakit naman biglang inangkin sila ng mga Goldmann?Kinuha ni Maisie ang ilang litrato. Hindi pa niya pinapakita ang sarili niya nitong nakaraang tatlong taon na nasa Morwich siya, at pati ang media ay walang ideya kung an
Read more

Kabanata 482

Sumagot si Maisie, “Hindi ko pa alam kasi bago yun mangyari nakita ko si Rowena, pero hindi pa ako sigurado kung siya yun.”Walang balita kay Rowena sa loob ng tatlong taon, at nagpadala siya ng mga taong maghahanap sa kanya. Wala ring balita tungkol sa kanya sa Stoslo.Binaba niu Erwin ang tasa at nilapag niya sa lamesa ang litrato na kinuha niya mula sa bulsa. “Nakuha ko itong litrato noong nakaraang taon. Siguro para imbestigahan ko.”Tiningnan ni Maisie ang litrato. Isa itong babaeng naka-mask at sumbrero na nasa crowd matapos ang nangyari. Katulad ni Rowena ang tangkad at tindig nito!Inangat ni Maisie ang ulo niya sa gulat. “Tito Erwin, sinong nagbigay sayo nitong larawan ng nangyari?”Sinubukang magsalita si Erwin. “Siya.”Hindi na nagtanong si Maisie, pero ang mata niya ay nagdilim. Ayaw niyang siguraduhin na si Nolan yun at nanonood siya sa nangyari. Tanong ni Erwin, “Galit ka ba sa kanya, Zee?”Galit? Hindi alam ni Maisie kung galit ba siya dahil wala namang
Read more

Kabanata 483

“Kung personal mo syang tatanungin, makukuha mo siguro ang sagot.” Tinaas ni Erwin ang kilay niya at ngumiti. “Pero sa sitwasyon mo ngayon, may pakialam ka pa ba sa mga tao sa nakaraan mo? Maaring halos patay na siya at ang katawan ay nakaratay na lang sa kama na may ilang taon na lang para mamuhay. “At sya ang gusto ng divorce. Gusto mo ba talaga bumalik?”Dahil sa mga sinabi niya, napatayo si Maisie sa kanyang mga iniisip. …Si Ryleigh ay nagtatrabaho pa rin sa parehong cafe. Wala masyadong mga customer sa umaga, kaya maririnig niya kung may pumasok kahit hindi na siya tumingin. “Hello, ano ang sa inyo? “Isang latte.”Nanginginig ang daliri ni Ryleigh, at tinaas niya ang ulo niya nang marinig ang boses. Ngumiti siya nang makitang si Louis ito. “Bakit ka nandito?”“Hindi ba ako pwede bumili ng kape?” Kumunot ang noo ni Louis. Ginawa na nI Ryleigh ang order, “Syempre pwede.”Tumalikod siya para gawin ito at nilagay ito sa counter pagkatapos niya. “Latte mo.”Mah
Read more

Kabanata 484

Nang mag-rereply na sana si Ryleigh, kinuha ang phone niya, at nagulat siya. “Louis, ibalik mo sa akin yang phone!”Muntik na siyang tumakbo palabas para makuha ang phone niya. May nakita si Louis at nakita ang isang taong tumatakbo papunta sa kaniya, kaya tinaas pa niya lalo ang kamay niya. 6’2 ang tangkad niya, at hindi man lang mahawakan ni Ryleigh ang kamay nito. “Talon,” Sinubok siya ni Louis, “Pandak.”Galit na galit si Ryleigh. Sinipa niya ang tuhod nito, at napa-luhod si Louis dahil nabigla siya. Tumingin siya at nangalit ang kaniyang ngipin. “Ryleigh!”Kinuha ni Ryleigh ang kaniyang phone, humakbang palayo, at nagmamalaking ngumiti. “Hindi ko hahayaang magpakitang-gilas ka.”“Haha! Tumayo si Louis at tumawa. “Magaling, Ryleigh, tandaan mo. Kakailanganin mo rin ako balang araw.” Galit siyang tumalikod at umalis. Agad na nag-reply si Ryleigh sa message ni Maisie matapos niyang umalis, pero bigla siyang nakatanggap ng isa pang message na nagpagulat sa kanya. …
Read more

Kabanata 485

Paalis na si Ryleigh nang sabihin ni Quincy, “May rason si Mr. Goldmann.”Tumigil si Ryleigh at lumingon, pero bumalik na si Quincy sa loob.Sa study, nakatingin si Nolan sa bintana at may naalala. Tagos sa buto ang lamig na ipinakita ni Nolan, at naramdaman ito ni Quincy nang makarating siya sa pinto. "Mr. Goldmann, umalis na si Ms. Hills," sabi niya. "Mm." Naka-focus si Nolan, pero tumango lang siya.Nakakunot noo si Quincy nang hindi nagtanong si Nolan. "Mr. Goldmann, hindi mo ba tatanungin bakit siya nandito?"Mukhang hindi naapektuhan si Nolan, pero ang kamay sa kaniyang hita ay nakakapit ng mahigpit habang malamig ang mata niya. "Hindi na yun mahalaga." Tumingin si Quincy sa kaniya at hindi na nagsalita pa. Ang pagsasabi na hindi na yun mahalaga ay isang kasinungalingan. Kahit sino ay alam kung gaano kahalaga si Maisie sa kaniya at kung gaano niya ito kamahal.Kung hindi yun mahalaga, hindi na dapat niya nag-imbestiga sa insidente tatlong taon ang nakalipas at
Read more

Kabanata 486

Binaba ni Strix ang dokumento at inangat ang ulo niya para makita si Maisie. "Nasa gulo ang lolo mo ngayon. Gusto mo bang bumalik at makita ang pamilyang de Arma?"Nagulat si Maisie. "Anong nangyari?"Si Hernandez na lang ang natitirang tao sa mundo na kamag-anak niya, siya ay lolo niya. Pero bakit naman siya nasa gulo?Tumango si Strix. "Ang kabilang partido ng mga Royal ay nagpadala ng taong susunod sa lolo mo. Habang nasa gulo ang pamilyang de Arma ngayon, sinamantala nila ang oportunidad na sakupin ang mga pag-aari nila. Sa tingin ko na kaya nila ito ginagawa ay para pigilan ang lolo mo na makialam sa darating na eleksyon."Nagsasagawa ng eleksyon ang Stoslo kada-anim na taon. Hindi nakikialam ang royal family at gobyerno sa eleksyon. Siguro ang dahilan ni Roger sa paghingi niya ng tulong sa gobyerno ay para mapalakas ang impluwensya niya, o baka hindi lang ang trono ang gusto niya kundi ang buong Stoslo.Nang hindi makatanggap ng kahit anong sagot si Strix mula kay Maisi
Read more

Kabanata 487

Dumating ang sasakyan para pumarada sa Easton Estate. Malawak ang Easton Estate. Puno ng Irises ang garden, na personal na itinanim ni Strix. Lumabas si Maisie sa sasakyan, at magalang na sinabi ng mga tao sa gilid niya, "Binili ni Mr. Henry ang Easton Estate nang dumating siya sa Stoslo para sa business. Lahat ng tao dito ay tauhan ni Mr. Henry, at pwede mo sabihin sa kanila kung anong gusto mo."Tumango si Maisie. At isang katulong ang sinamahan siya sa manor. Pareho sa Hanns Palace ang dekorasyon sa manor, na halatang sobrang mahal. Pumunta siya sa couch at umupo. Matapos yun, tumingin siya sa lalaki at tinanong, "May alam ka ba tungkol sa pamilyang de Arma?""Ang pamiya de Arma?" Nagulat ang lalaki ng ilang sandali bago sumagot, "Sabi nila ang pamilyang de Arma at mga Kents ay ilang taon ng nag-aaway at ang mga de Arma ang nangunguna. Pero, nawawala si Hernandez ilang araw na ang nakalipas, at ang mga tauhan ni Roger ay sinamantala ang oportunidad na kunin ang teritoryo
Read more

Kabanata 488

Sa Roger's mansion…Maririnig sa study ang pagbagsak ng baso. Ang lalaking maputi ang buhok ay may matikas na tayo, at ang turquoise niyang mata ay kasing talas ng agila."Mga tanga! Nalaman mo na ba kung sino ang may kagagawan nito?"Yumuko ang lalaki at sumagot, "Your highness, hindi pa namin alam kung sino ang gumawa non. Pero, dahil sa wala silang iniwan na buhay kahit isa ay mukhang gawa ito ng mga tao sa Metropolis."Ang taong mula sa Metropolis na tinutukoy niya ay walang iba kundi si Saydie. Kasamahan ni Mr. Henry. Kilala si Saydie sa pagiging mabagsik nito, at si Patrick, na mabagsik din, ay walang binatbat sa kaniya. Isa pa, bibigyan pa ni Patrick ng pag-asang mabuhay ang nahuli niya, pero hindi ganoon si Saydie. Hindi niya hahayaan nang ganoon ang kung sinuman na mahuli niya.Kilala bilang nakakatakot na babae si Saydie sa Metropolis. Kapag wala si Mr. Henry, siya ang namamahala sa Metropolis. Nire-representa niya si Mr. Henry, at dahil nangialam siya ibig sabihin
Read more

Kabanata 489

Bumalik ang tingin ni Nolan sa screen ng computer. Nakalagay dito ang impormasyon tungkol kay "Alice", pero konti lang ito. Maski litrato ay wala.Sa oras din na yun, nakatanggap siya sa message sa kaniyang phone. Galing kay Wesley, matagal niya ng kaibigan na nasa Stoslo.Matapos ang ilang araw…Ang pagtanggi ng anak ni Mr. Henry, na si Alice Henry, na makipagkita sa mga tauhan ni Prince Roger ay nagkaroon ng pagtatalo.Ang isa ay anak ni Mr. Henry, na talagang pinapahalagahan ng royal family at may kapangyarihan din na katulad sa royal family sa Morwich, at ang isa naman ay miyembro ng royal family sa Stoslo. Madalang lang na may hindi gumagalang sa prince.Oo, hindi niya ginalang ang prinsipe. At isa pa, hindi magalang na tumanggi si Ms. Alice nang inimbitahan siya ng royal family.Sa grandeng puti na living room, nakatayo ang mga katulong sa gilid at nagsasalin ng tsaa.Nasa 50s na si Queen Anna. Pamangkin siya ng eldest princess, ang tagapagmana ng Miller royal blood
Read more

Kabanata 490

Nagsagawa ng grand banquet ang Ashton Group sa hotel's banquet hall nang gabi para i-celebrate ang pagbabalik ng Ashton Group.Bakit nila isini-celebrate ang pagbabalik ng Ashton Group? Alam ng lahat na 60 years na ang Ashton Group sa Stoslo. Pero, dahil sa pag-urong, walang gustong mamumo sa Ashton Group matapos ma-bankrupt ng former chairman.Matapos sumama sa Ashton Group at naging pinaka malaking shareholder at chairman, ibinalik ni Wesley ang Ashton Group. Nang tanungin siya ng press kung bakit niya pinamunuan ang Ashton Group, sinabi niya lang na nagtrabaho siya bilang part timer bago siya pumasok ng university. Gustong gusto niya ang Ashton Group, kaya ayaw niyang makita na bumagsak ang kumpanya nang ganun lang.Straightforward at positibo ang sagot na yun. Totoo man o hindi, tumaas naman ang market value ng Ashton Group ng 70% mula nang si Wesley ang namahala. Pangalawa na ito sa pinakamalaking kumpanya sa bansa, at nandito ang atensyon ng lahat.Inimbitahan ni Wesley a
Read more
PREV
1
...
4748495051
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status