Nilagay ni Cameron ang kamay niya sa balikat ni Mahina at sinabi, “Nah, huwag mo na masyadong isipin. Hindi sila natatakot sayo. Gusto lang nila ipakita ang best nila sa harap mo.”Hindi pa rin maintindihan ni Mahina. “Pero bakit?”Suminghal si Cameron, tinapik niya ang balikat ni Mahina, at seryosong sinabi, “Marahil ito ay pribilehiyo ng isang babae.”“Pero babae ka rin naman.”Pinilit ni Cameron na ngumiti at sinabi, “Simula nang dumating ako dito hindi pa nila ako trinato bilang isang babae.”Matapos niyang magsalita, nakita ni Cameron na may tao sa labas ng pinto. Binawi niya ang kanyang kamay at lumapit sa pinto.Nasa labas ng pinto sila Sapphire at Chadwick. Lumapit si Cameron para tumingin sa kanila at tinanong, “Bakit kayo napunta ngayon dito?” Bago pa makapagsalita si Chadwick, may kinuha na regalo si Sapphire sa bag niya at binigay kay Cameron. “Miss, regalo ito para sayo. Sana magustuhan mo.”Ilang sandaling nagulat si Cameron bago niya kunin ang regalo. “Para sa a
Magbasa pa