“Pero imposible ‘yan. Isang treasured venture sa kaniya itong martial arts training center!’“Hindi tayo magsasara.” Hindi nagmamadaling sinabi ni Nick, “Pero lilipat tayo.”“Lipat… Lilipat?” Nagulat si Dylan. Tumango si Nick, tumalikod siya para tingnan ang mga trabahador at ngumiti. “Oras na para mag move on tayo at lumipat sa ibang lugar.”“Dahil ba nagreklamo ang mga taong iyon tungkol sa atin? Pero saan naman tayo lilipat? Isang dekada na tayong nandito, tapos ngayon lilipat tayo ng wala man lang kahit anong plano para sa future. At saka, kung talagang aalis tayo sa lugar na ito, makakaya ba nating maghanap ng ibang location na mas maganda sa pwesto natin ngayon?” Hindi nagtagal ay nasampal si Dylan sa mukha ng mga sinabi niya nang makarating sila sa entrance ng bagong store at tumingin sa three-story building na nasa harap nila. Hindi lang iyon mas malaki sa dati nilang training center pero meron pa itong tatlong palapag!“Holy crap, boss! Ang laki ng lugar na ito.” “
‘Hindi ko talaga sila pinagbantaan. Paano ko naman iyon magagawa?’Wala ng sinabi na kahit na ano si Nick. Isang linggo ang nakalipas, opisyal ng inilipat ang training center sa bago nitong lokasyon. Maliban sa private space ni Nick sa third floor, na-furnish na ang first at second floor at handa ng magbukas para sa business. Sa araw na iyon, parehong sinama nila Conroy ta Harold ang kanilang mga tauhan para tumulong sa center. Nagdala rin sila ng ilang gift baskets at flowers at nilagay iyon sa reception counter para i-celebrate ang opening ng training center. Nagsindi rin sila ng mga firecrackers kaya mas naging maganda ang opening ceremony. Patuloy na pinapaalalahanan ni Conroy ang mga tauhan niyang gumalaw at tumulong, sobrang seryoso niyang tingnan. Habang nakatingin sa mga taong naghahakot ng mga gamit papasok, pati ang mga personnel na busy sa store, hindi napigilan ni Cameron na maging masaya sa kung paano ang takbo ng kanilang paglipat.Bigla siyang napatingin sa kot
Nang makita na biglang naging matulungin si Cameron, tinaas ni Waylon ang kilay niya. “Anong meron sayo ngayong araw?”Nilagay ni Cameron ang soup sa harap niya. “Dinner lang ‘yan. Wala namang nangyayari?”Ngumiti si Waylon at tinikman ang soup. “Medyo maalat.”“Maalat?” Tumayo si Cameron. “Uulitin ko na lang.”Hinawakan ni Waylon ang kamay niya at tumingin sa kaniya. “Nagbibiro lang ako. Tikman mo. Hindi naman maalat.”Hindi nagsalita si Cameron.Hinila siya ni Waylon papunta sa maniyang hita at hinaplos ang kaniyang pisngi. “Hindi mo naman kailangan ipilit ang sarili mong gawin ang bagay na hindi kung saan hindi ka naman magaling. Hindi naman kailangan magaling magluto ang asawa ko.”Niyakap siya ni Cameron at nilubog niya ang kaniyang ulo sa leeg ni Waylon.Napahinto si Waylon at hinawakan ang buhok ni Cameron. “Anong problema?”Mahina ang boses ni Cameron na nagsalita, “Ikaw ang nakakita ng store, ‘di ba? Sinungaling.”Nanahimik si Waylon. Hindi niya inamin pero hindi rin
Masaya si Cameron na marinig na maayos ang kalagayan ng kaniyang dad. Niyakap niya si Mahina at sinamahan niya ito sa guest area. “Bakit hindi ka tumawag sa akin para sunduin ka?”“Masyado naman yang hassle. Sinabi mo naman sa akin ang address kaya pumunta na lang ako pero hindi ko alam na lumipat na pala kayo. Buti na lang hindi naman masyadong malayo.”Habang naglalakad sila papunta sa rest area, nakasalubong nila si Dylan na kasama ang ilang estudyante. Nang makita nila na may kasama si Cameron na babae sa rest area, nagulat sila. “Cam, sino ito?” “Oh, ito ang best friend ko sa East Island, siya si Mahina. Sabay kaming lumaki, at halos isa na rin siyang Southern.”Magalang na tumango si Mahina sa kanila. “Hello.”Tahimik lang si Mahina at mahinhin. Maganda rin siya at palakaibigan. Namula ang mga lalaki at naging mabait din sila. “Hello, Mahina.”“Alright, mag-uusap muna kami. Tumakbo na kayo.” Kinaway ni Cameron ang kamay niya at nagpatuloy sa paglalakad pupunta sa rest ar
Si Leah at ang dalawa niyang kaibigan ay nasa mall para mag shopping, tumitingin sila sa mga luxury goods. Nang pumunta sila sa shop para sa luxury clothes, nakita niya si Zephir, at isa mg kaibigan niya ang nagtanong, “Oh, ‘di ba si Mr. Gosling ‘yon? Bakit nasa store siya na para sa babae?”Lumapit si Leah. “Bakit ka nandito?”Napahinto si Zephir, tumingin siya kay Leah pero hindi siya sumagot. Lumabas ang babae sa dressing room. “Zeph, maganda ba ‘to?” Nagulat si Leah nang makita niya ang isang babae. Sobrang kahawig nito si Daisie sa height at mukha. Nasaktan ang puso ni Leah pero hindi niya iyon pinakita. “Ito si…”Hindi sumagot si Zephir pero humawak ang babae sa kaniyang braso at ngumiti. “Ako ang girlfriend. Roxy Van Damme ang pangalan ko.” Daisie, Roxy, at Zeph.May naalala si Leah at natawa na lang siya sa sarili niya. Matagal ng naghahanap si Zephir ng ipapalit kay Daisie. Kinuha ni Zephir ang damit na hawak ng babae. “Bayaran na natin ito.”Ngumiti si Roxy. “
Isang inuman lang ni Leah ang laman ng glass at naglagay ulit siya ng bago.Gustong sumayaw ng dalawa niyang kaibigan at sinubukan nilang yayain si Leah pero tumanggi ito. “Hindi, kayo na lang.”“Hintayin mo na lang kami dito.” Pumunta na sila sa dance floor.Ininom ni Leah ang lahat ng beer sa bar top at nag-order pa siya ng ilang bote, at patuloy na uminom para wala na siyang maramdaman. Pero, kahit pa gaano pa karami ang kaniyang inumin, naiisip pa rin niya si Zephir. Masakit ang puso niya. Nahirapan si Leah na pumunta sa ladies’ room at nagsuka siya nang makarating siya sa banyo. Tapos umiyak na siya nang umiyak. Ilang sandali siyang nanatili doon bago lumabas kahit sira na ang kaniyang makeup. Pinilit niya ang kaniyang sarili na makabalik sa kaniyang upuan nang may bigla siyang nakasalubong na dalawang lalaking lasing, natumba siya sa sahig.Sobrang nahihilo na siya at hindi na niya kayang tumayo.Tumingin ang dalawang lalaki sa kaniya, napansin nilang lasing siya, kaya
Bago pa siya makarating sa kaniyang kotse, biglang tumakbo si Leah sa kalsada at nag-panic si Morrison. “Hey!” Bumusina ang mga kotse kay Leah. Tumakbo si Morrison para hilain siya. “Gusto mo na ba mamatay? Huwag mo akong idamay!”Tiningnan siya ni Leah, bigla na naman siyang umiyak, at umupo sa sahig. “Sinisigawan mo ako.”Tumingin ang mga taong dumadaan sa kanila.Nilagay ni Morrison ang kamay niya sa kaniyang bewang at tiningnan si Leah habang umiiyak. Nag-igting ang kaniyang panga at tumango siya. “Alright, kasalanan ko talaga at nangialam pa ako sa problema ng iba.”Kinarga siya ni Morrison at nilayo siya sa kalsada.Nagmaneho siya papunta sa station at ginising niya si Leah. “Gising, gising.”Dinilat ni Leah ang mata niya at inayos ang kaniyang upo. “Ayoko, gusto ko matulog.”Hinila siya ni Morrison palabas ng kotse. “Miss, sinasayang mo ang oras ko. Lumabas ka na. Tatawag na ako ng pulis para tumawag sa mom mo!”“Ayoko, huwag! Hindi ako lalabas!” Nakahawak si Leah sa k
Sobrang nagalit si Morrison nang marinig niya ang sinabi ng babae.Hindi niya maintindihan paano nagkaroon ng lakas ng loob si Leah na tumawag ng pulis at sabihin sa kanila na siya pa ang naging biktima.Dapat siya ang nang-harass kay Morrison!Tumawa si Waylon at sinabi, “Sige. Gusto mo bang manatili dito habang buhay?”Tumayo si Morrison at lumabas ng interrogation room kasama si Waylon. Nang lumabas sila ng police station, nakita nila si Leah na naglalakad sa harap ng pinto. Dinala na siya ng babaeng pulis officer sa ospital para sa examination, at lumabas sa resulta na hindi naman siya inabuso. At saka, ang receptionist ng hotel ang pwedeng maging testigo na siya ang tumanggi na kumuha sila ng dalawang kwarto habang lasing si Leah.At saka, si Morrison ang tumawag ng room service noong hating gabi, sinabi niya na nakatulog si Leah sa banyo habang siya naman ay dapat na maliligo.Sa huli, dalawang babaeng staff member ang naglabas kay Leah sa kwarto at tinulungan siyang magp
Sumang-ayon ang iba.Nang maihain ang pagkain, tiningnan ni Daisie ang puting pagkain na mukhang pamaypay at tinanong ang may-ari. “Ano ‘to?”Ngumiti si ang lalaki at ipinaliwanag, “Mylotic cheese ‘yan. Gawa yan mula sa gatas ng baka. Lokal na pagkain.”Tinikman ni Cameron. “Oh, ang sarap.”Tumikim din si Freyja at Colton at masarap nga iyon.Inihain ang susunod na pagkain. Dinala ito ng lalaki. “Manok ito. Gawa ito sa homemade na marinade, spicy oil, paminta at roasted walnuts. Specialty namin ito dito at gustong gusto ito ng mga turista.”Sinubukan yon ni Daisie at tinanong ni Cameron, “Kumusta?”Tumango siya at sumubo pa nang mas malaki. Sinubukan din yon ng iba.Nagdala ng soup dish ang lalaki. “Ito ang cream nv seaweed. Malambot ito at crunchy naman ang seaweed. Kapag idinagdag ang yam, mas masarap.”“Mukhang masarap. Ako muna ang titikim.” sumubo si Waylon.Tiningnan siya ni Cameron. “Ang bango.”Pagkatapos ng ilang pagkain ay inihain na ang sikat sa lugar. Mayroong bu
Nang gabing ‘yon, sa Taylorton…Nagi-impake si Daisie ng bag niya, para sa plano nilang road trip at iniisip kung ano pa ang kailangan nila.Nang lumabas si Nollace sa shower at nakita na seryoso itong nagpaplano, tumawa siya. “Magbabakasyon lang tayo, hindi lilipat.”“Maraming kailangan dalhin ang mga babae. Skincare, pagkain, at ang camera. Kailangan natin yung drone. Nagdala rin ako ng payong.”Naningkit siya. “Pati payong?”Tiningnan siya ni Daisie at seryosong sinabi, “Paano kung umulan?”Hindi alam ni Nollace ang sasabihin.May dalawa silang malaking suitcase at isang maliit. Tumayo si Daisie, tiningnan ang bag niya at pakiramdam niya ay sumobra siya. Kinamot niya ang kaniyang pisngi. “Parang lilipat ako.”Lumapit si Nollace sa kaniya at niyakap niya si Daisie. “Mabuti na lang at road trip ‘yon o kakailanganin natin ng U-haul.”Ngumiti si Daisie at niyakap siya. “Excited na ako para bukas.”Kinabukasan, nagmaneho si Colton papunta sa Taylorton. Nasa ibang sasakyan si Wa
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng