Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Kabanata 1711 - Kabanata 1720

Lahat ng Kabanata ng The Three Little Guardian Angels: Kabanata 1711 - Kabanata 1720

2769 Kabanata

Kabanata 1712

May kumatok sa pintuan, at pumunta si Ean sa study. “Sir, hinahanap niyo raw ako?” “Inutusan kitang hanapin kung sino ang traydor. Nakita mo na ba o hindi pa?” Masamang nakatingin ang malamig na mata ni Ken sa kaniya.Yumuko si Ean at parang may ideya na siya paano siya sasagot. “Sir, hinanap ko na po, pero hindi pa rin ako sigurado sa imbestigasyon ko.” “Bakit ba napakatagal mong kumpirmahin ang nangyari!” Inalis ni Ken lahat ng dokumento sa mesa, lumapit kay Ean, at hinawakan ang damit niya. “Sino yun?” Kinuyom ni Ean ang kamay niyang nakalagay sa kaniyang gilid at sumagot, “Mga tauhan ni Mr. Matthews. Nagtulungan na sila pati si Nollace, at alalm nilang plano mong gamitin ang pagkamatay ni Mr. Reese para pagbintangan sila.” Bumukol ang ugat sa likod ng kamay ni Ken. “Bakit may ebidensya si Nollace sa dahilan ng pagkamatay ni Jonah Reese? Naalala ko na may sinabi ako sayo na linisin lahat ng maiiwan na ebidensya na may kinalaman sa pagkamatay niya.” Tiningnan niya nang mas
Magbasa pa

Kabanata 1713

Sumagot ang lalaki, “Mga 9:00 a.m.” Sa kabilang banda, sa presinto…Dinala ng dalawang pulis sa interrogation room si Ean, at nasa kwarto na si Nollace. Nakaposas si Ean, naglakad siya papunta sa upuan sa harap ni Nollace, umupo siya. “Marahil tama nga ang sinabi mo.” Tumingin si Nollace sa kaniya habang tinatapik ng kamay niya ang mesa. “Dapat magpasalamat ka sa mga pulis na tamang oras ang pagdating nila. Kung hindi, patay ka na ngayon.” Ang naging deal nila noong gabi ay magiging witness ng kaso si Ean, at kailangan protektahan niya si Maggie. Kasama si Ean sa krimen dahil siya ang naglinis ng mga ebidensya ng pagpatay ni Ken kay Mr. Reese. Gagawing sakripisyo ni Ken si Ean.Malakas ang loob ni Nollace na mas magtitiwala si Ken sa iniisip niya kaysa pagkatiwalaan si Ean na iligtas siya. Kung gusto niya maging ligtas, kailangan mawala sa mundo si Ean. Pag patay na si Ean, wala na magiging proweba, kahit ebidensya o witness.Gusto ni Ken na patagong patayin si Ean, pero h
Magbasa pa

Kabanata 1714

Nasaktan ang anit ni Lara, nakatingin sa galit at namumulang mata ng taong nasa harap niya. “Pinatay mo ang Dad ko, at plano mong tumakas? Hindi ko hahayaang magtagumpay ka, Ken Pruitt. Dapat mapunta sa impyerno ang mga tulad mo!”“Kung pupunta ako sa impyerno, paano ka naman?” Lumapit si Ken sa kaniya habang nag-iisip. “Ikaw ang dahilan kaya naging ganito ang sitwasyon ng mga Reese ngayon. Sa tingin mo ba talaga tutulungan ka ni Nollace? Ginagamit ka lang niya. Huwag mo kakalimutan, kung hindi kita binigyan ng kapansanan, siguro napunta ka na sa mga kamay ni Donald at hihilingin mo na lang na sana namatay ka na lang.” Dinuraan siya ni Lara.Tumagilid ang ulo ni Ken, namula ang pisngi niya, at sinampal si Lara gamit ang likod ng kamay niya. Tumagilid ang katawan ni Lara, at makikita ang dugo na tumutulo sa gilid ng labi niya. Pero nakakatakot siyang tumawa. “At least nakita ko ang tunay mong kulay. Kahit na mapunt ako sa kay Donald, sa tingin ko na mas mabuti na yun kaysa naman s
Magbasa pa

Kabanata 1715

Kung hindi lang sakim si Ken at pinahinto na niya agad si Lara bago pa siya gumanti kay Daisie, hindi sana naubos ang kapangyarihan ng mga Reese. Pag gumawa ng desisyon ang isang tao, kailangan nilang isipin ang mga kapalit na kailangan nilang tiisin. Kahit piliin niyang gamitin si Lara para makuha ang malaking pamana na naiwan ni Jonah, sapat na para sa kaniya na gamitin ang pera na yun para matulungan ang mga Reese na mapabalik.Hindi matanggap ni Ken ang kapalaran niya at mas pinili niyang patayin si Jonah, gusto niyang gumawa ng gulo sa pagitan sila Nollace at Donald. Akala pa niya ay makakagawa siya ng paraan para kay Daisie.“Hindi talaga masaya sa pakiramdam pag bumabalik sayo ang ginagawa mo, ‘no?” Tumingin si Nollace, kalmado ang , mukha niya. “Kung hindi mo sana pinili na tumakas kasama si Ms. Reese siguro may pagkakataon ka pa ngayon.”Tumawa nang malakas si Ken pero sa isang kurap ay bumalik din ang ekspresyon niya. “Matagal ko ng gusto mawala sa nakakahiyang pagkakak
Magbasa pa

Kabanata 1716

Agad na lumapit si Colton at hinila palayo si Sandy. Nawala si Sandy sa balanse at natumba sa gilid ng kama. Malakas na umubo si Freyja at huminga nang malalim habang nakahiga sa kama.Kinakabahan ang nurse na baka may gawin ulit na masama si Sandy, kaya hinawakan niya si Sandy. Parang hindi pa siya kalmado at iniisip pa niya ang tungkol sa galit niya at kung bakit hindi si Freyja ang namatay…Pagod ang mga mata ni Freyja. Nakita niya kung paano naapektuhan ang mom niya sa pagkamatay ni Ken at kung paano nag break down si Sandy. Pareho silang anak ni Sandy, pero si Ken lang ang rason bakit sobrang lungkot ng mom niya.Bakit ba kasi siya nabuhay sa mundong ito? “Mrs. Pruitt, sobra na ito!” Hindi na napigilan ni Daisie. “Anak mo si Freyja, pero gusto mo siyang mamatay kasi nawala na si Ken?” Nawala sa sarili si Sandy at para na lang siyang shell na walang laman at walang kaluluwa. “Gusto ko lang si Ken…” May sasabihin sana si Daisie, pero nagsalita agad si Freyja. “Tama na.”
Magbasa pa

Kabanata 1717

Tahimik si Brandon.Hindi siya tinulak ni Daisie pero tumalikod siya at umalis. Ayun ang oras na nagsalita si Brandon. “Naiintindihan ko kung galit si Fey sa amin, pero mas malaya siya kaysa kay Ken. Malaya siya at pwede siyang pumili paano siya mabubuhay nang walang problema at iniisip. Masaya ako tungkol doon.”Tiningnan siya ni Daisie at umalis siya ng walang sinasabi.Matapos ang school celebration, kalahati ng taon ang lumipas.Pumunta si Daisie kay Freyja sa kabilang pintuan matapos niyang makipag-usap sa mga kaibigan niya tungkol sa performance.Parang katatapos lang ng exam sa kabilang pintuan. Lumabas na ang mga estudyante, at nasa dulo ng linya si Freyja. Kumaway si Daisie sa kaniya.Nang lumabas siya, tinanong ni Daisie, “Ano nangyari? Nakapasa ka ba?” “Sa tingin ko kailangan ng i-take ulit.” Nagkibit balikat siya at tinanggap na. “Hindi na yun mahalaga. Hindi lang naman acting ang pagpipilian ko.”Naglakad si Daisie sa tabi niya. “Anong plano mong gawin pagkatapos
Magbasa pa

Kabanata 1718

Nagulat ang kaibigan niyang may spiky hair, “Ano!?” Pero nakaalis na si Colton.Noong gabi, sa Hilton Villas…Pumarada ang kotse sa labas ng gate, at sumandal si Nollace habang nakatingin sa relo niya. May papalapit sa kaniya, at nang tumingin siya, ginulat siya ni Daisie habng nakangiti. “Matagal ka na bang naghihintay?” Nakatali ang maitim at kulot niyang buhok at pinili niya ang itim na sleeveless na A-line dress na may nakasabit na chain. Nakasuot siya ng puting flats at sobrang ganda niya at napakasaya. Inabot ni Nollace ang kamay niya para hawakan ang bewang ni Daisie. “Nagbihis ka.” Yumuko si Daisie at bumulong, “Kailangan may maganda akong iiwan na impresyon pag bumibisita ako sa bahay niyo.” Tumawa si Nollace. “Pumunta ka naman na doon dati.” “Isang beses lang yun. Kakaiba yun.” Ayun ay ang party ng mom niya, at maraming tao doon. Ito ay isang dinner kaya paano sila maging parehas?Dumating ang kotse sa Knowles mansion, at naglakad si Daisie sa likod ni Nollac
Magbasa pa

Kabanata 1719

May dalawang upuan doon. Walang tao sa paligid, pero may kubyertos, at hindi pa nagagalaw ang pagkain. Isa sa mga upuan ang may laptop bag na nakapatong.Iyon ay para pigilan ang mga tao na umupo doon.Lumapit siya at binaba ang tray niya na may pagkain. “Sino ito?” Matapos sabihin iyon, may lumapit sa kaniya at nilapag ang inumin sa harap niya.Tumingin siya, si Colton iyon.Inalis niya ang bag sa upuan niya at umupo, kinuha niya ang kutsara at nagsimulang hiwain ang steak na nasa plato niya.Tumingin si Freyja sa paligid, at wala ng ibng upuan sa paligid. “May nakaupo ba rito?” Dahan-dahan siyang ngumuya at hindi tumingin. “Wala.” “Ibig sabihin dalawang upuan ang kinuha mo?” “Ayokong kumain kasama ang mga hindi ko kilala.”Hindi alam ni Freyja ang sasabihin niya.Kalmadong tumingin si Colton sa kaniya. “May problema ba?” “Wala.” Ngumiti siya at kinuha ang pagkain niya, “Iwan na kita.” Tumalikod siya at aalis na sana nang pahintuin siya ni Colton. “Saglit.” Bago p
Magbasa pa

Kabanata 1720

Tapos na kumain si Daise at nilibot ang mansion. Nang may maalala siya, tinanong niya ang mga katulong sa direksyon ng kwarto ni Nollace at pumunta siya roon.Binuksan niya ang pinto at nakita na nakabukas ang mga ilaw, pero hindi siya makita.Sobrang laki ng kwarto niya at may grayscale tone at nordic style. May mga partition at carvings na naghihiwalay sa kwarto at sa study. Malinis ang study, at walang ibang mga gamit sa book racks maliban sa mga libro.Gusto ni Daisie na tingnan ang paligid, pero biglang may lumapit sa kaniya at may binulong sa kaniyang tainga. “Anong tinitingnan mo?”Nagulat si Daisie at tumalikod. Dumampi sa pisngi ni Nollace ang ilong ni Daisie, pero nakayuko pa rin siya. Tinaas niya ang kilay niya. “Gusto mo ba yung kwarto ko?”“Tu…tumitingin lang ako.”Umiwas siya ng tingin at bumulong, “Hindi ko pa ng nakikita.”Hindi niya inaasahan na bigla na lang lalabas si Nollace. Natawa si Nollace. “Nagseselos ka pa rin ba na nakapasok na si Lisa sa kwarto ko d
Magbasa pa

Kabanata 1721

Tumingin si Nollace sa phone niya at hindi napigilang tumawa.Tumingin si Edison at nakita si Nollace na nakangiti habang nakatingin sa kaniyang phone. Alam na niya kung sino ang nginingitian ni Nollace kaya tinanong niya, “Si Ms. Daisie ba yan?”“Syempre siya ito.”Lalo na’t, siya lang naman ang may lakas ng loob na punuin siya ng text messages.May biglang kumatok sa pinto, at nilapag ni Nollace ang phone niya. “Pasok.” Binuksan ng secretary ang pintuan at pumasok sa loob. Inabot niya ang blue invitation sa kaniya at sinabi, “Young Mr. Knowles, ito ang invitation letter galing sa royal family.”Tiningnan ni Nollace ang invitation letter na may simbolo ng royal family. Kinuha niya iyon, at isang imbitasyon iyon sa banquet na magaganap sa palasyo. …Nang maghiwalay ng daan sila Daisie at Freyja noong tanghali, bumalik na si Freyja sa dormitory niya. Nang makapasok siya, may tumawag sa kaniya at napahinto siya.Matapos ang ilang sandali, tumalikod siya para tingnan ang Dad iy
Magbasa pa
PREV
1
...
170171172173174
...
277
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status