Nagulat si Zenovia at biglang pagalit na tumawa. “Baliw ka ba?”Lumaki ang ngiti ni Daisie, at makikita ang pagka tuso sa kaniyang magandang mata. “Plano mo bang bayaran ako? Sa'yo na si Nollace kapag binayaran mo ako ng $15,000,000.”Ginalit niya na si Zenovia sa puntong yon. “Wala ka ba sa katinuan? $15,000,000, paano mo naisip na kasing halaga mo ang pera na yon?”“Syempre, worth it ako.” Humalukipkip si Daisie. “$15,000,000 lang yon pero hindi mo kayang ibayad sa akin yon. Anong klase ng mayamang pamilya ka ba galing? Posible kaya na wala ganoong pera ang pamilya mo? Hindi pa ako nakakita ng mahirap na mayaman na pamilya.”“Ikaw!” Namula sa galit ang mukha ni Zenovia.‘Hindi naman sa walang $15,000,000 ang pamilya ko, pero magkano ba ang $15,000,000? Kahit na may ganoong halagang pera ang pamilya ko, hindi naman yon pwede ilabas at gamitin para bilhin ang isang tao nang ganoon lang.‘Akala ko magi-guilty ang babae na ito at hindi kayang iangat ang ulo niya sa harap ko pero ma
Magbasa pa