Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1261 - Chapter 1270

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1261 - Chapter 1270

2769 Chapters

Kabanata 1262

Nakatayo si Maisie sa balkonahe at may kinakausap sa phone. Nang matapos ang tawag, may jacket na sinabit sa likod niya.Tiningnan niya ang lalaki na niyakap siya patalikod. “Bakit ang aga mo umuwi?”Tumawa si Nolan. “Wala naman mahalagang gagawin ngayon sa kumpanya, kaya umuwi ako agad.”Tiningnan siya ni Maisie. “Nagkabalikan na si Francisco at Naomi. Mukhang epektibo ang peke na engagement.”“Ikaw lang ang bukod tangi na nakaisip na makakaisip na humingi ng tulong kay Jackie.” Minasahe ni Nolan ang ilong ni Maisie at naningkit ang mata niya. “Pero base sa ugali niya, hindi siya tutulong nang walang kapalit. Kaya paano mo siya napapayag sa gusto mo?”Ngumisi si Maisie, tumingkayad, at pinulupot ang kaniyang braso sa leeg ni Nolan. “Dahil yun sa'yo.”Napakunot si Nolan. “Dahil sa akin?”“Pinsan mo siya kaya bakit hindi ka nagpapakita ng paggalang? Hindi niya mapapanatili ang negosyo niya sa Bassburgh kung hindi siya papayag na tumulong, hindi ba?” Tumawa si Maisie.Walang nag
Read more

Kabanata 1263

Lumapit si Francisco sa kaniya at inabot ni Anthony ang anak niya kay Francisco. Tiningnan ni Naomi si Francisco at tumayo sa harap ng master ng ceremony.Tumingin kay Naomi ang master ng ceremony. “Ms. Naomi Topaz, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa, na magsama sa matrimony, mahalin siya, samahan siya, damayan siya, at manatili sa kaniya sa hirap at ginhawa, habang nabubuhay kayo?”Tumingin si Naomi kay Francisco at nakangiting sinabi, “I do.”Pagkatapos ay tumingin kay Francisco ang master ng ceremony. “Mr. Francisco Boucher, tinatanggap mo ba ang babaeng ito bilang iyong asawa, na magsama sa matrimony, mahalin siya, samahan siya, damayan siya, at manatili sa kaniya sa hirap at ginhawa, habang nabubuhay kayo?”Hindi nagdalawang isip si Francisco. “I do.”Mahina niyang inangat ang veil ni Naomi, hinalikan siya sa pisngi at pareho silang nagpalitan ng singsing kasabay ang palakpakan ng mga tao.Ngumiti ang master ng ceremony at sinabi, “Ganap na kayong mag-asa
Read more

Kabanata 1264

“Ma’am, ako ito.”Lumaki ang ngiti sa mukha ni Maisie nang marinig ang boses sa kabilang linya. “Saydie?”Pumunta si Saydie sa Morwich halos kalahating buwan na, sinabi niya na nahanap na niya ang kaniyang totoong magulang. Pero, wala siyang narinig kay Saydie nang matagal. Nakatanggap din siya ng tawag mula kay Saydie pagkatapos ng matagal na panahon, sa sobrang tagal naisip niya na nakalimutan na siya ni Saydie.“Pasensya na, Ma’am. Natagalan ako bago kita matawagan.”“Wala yun basta ligtas ka.” Sumandal si Maisie sa pader. “Kumusta ka ngayon sa Morwich?”“Ayos lang ako, huwag ka mag-alala. At babalik na rin ako.”Nagulat si Maisie. “Saan ka babalik?”Sandaling natahimik si Saydie at sinabing, “Nakita ko na ang mga magulang ko pero… hindi naging maganda ang buhay katulad ng inaakala ko. Kaya nag desisyon ako na bumalik sa'yo.”Hind nagsalita si Maisie. Naririnig niya na naguguluhan si Saydie.‘Matagal niyang hinihintay na makita kung nasaan ang totoo niyang magulang. Kung tu
Read more

Kabanata 1265

“Gusto niyang malaman kung handa na ang katawan niya para mabuntis.” Nagtaka rin ang nurse. “Mukhang gusto talaga niya na magbuntis pero mahihirapan siya dahil sa malala niyang anemia at inflammation.”Mahigpit na nakatikom ang bibig ni Maisie.‘Sinasabi ng nurse na laging may pasa si Pearl sa palapulsuhan niya at iniisip niya na inaabuso si Pearl pero hindi siya makapaghintay na mabuntis…’May pakiramdam si Maisie na hindi lang ito ganoon kasimple pero walang kinalaman ang bagay na ito sa kaniya at ayaw niya na idawit ang sarili niya sa problema na ito.Hindi niya mapigilan na alalahanin ang lahat.‘Dati matapang at mapagmataas na babae si Pearl. Anak siya ng La Perla Group at talagang inaalagaan at sunod sa layaw. Isa siyang mataas na taong tinitingala ng mga tao na nakapaligid sa kaniya.‘Bukod sa pagiging arogante at mapagkumbaba, simple-minded lang din siya. Kung hindi, hindi siya mauutakan na Willow para i-frame ako.‘Sabagay, ang nangyayari sa kaniya ngayon ay dapat lang
Read more

Kabanata 1266

Parang matagal na dekada ang lumipas bago yun matapos. Patalikod na niyakap ni Tanner si Pearl habang ang daliri niya ay umiikot sa buhok sa batok niya. “Huwag mong balakin na iwan ako. Kahit na ayaw mo sa akin, kailangan natin pahirapan ang isa’t isa.”Hindi sumagot si Pearl at walang emosyon ang mata niya.Kinabukasan…Uminom ng tsaa si Maisie habang nakaupo sa kaniyang private room nang may pumasok na babae at nagtataka na tiningnan si Maisie.Pagkatapos umalis ng server, binaba ni Maisie ang baso at ngumiti. “Maupo ka.”Maingat na umupo sa tapat niya ang babae. “Bakit gusto mong makipagkita sa akin?”“Assistant ka ni Ms. Santiago, hindi ba?” Nilagyan siya ng tsaa ni Maisie. “May gusto akong malaman tungkol kay Ms. Santiago.”Bahagyang nagulat ang assistant. “Kilala mo ba si Ms. Santiago?”Sumagot si Maisie, “Magkakilala kami.”Nag-iingat ang assistant. “Hindi ako sigurado kung ano ang gusto mong malaman tungkol sa kaniya. Ini-imbestigahan mo ba siya gamit ako?”Kumuha ng
Read more

Kabanata 1267

Ngumiti si Pearl pagkatapos ay simara ang pinto habang nag-iisip. Pagkatapos niyang lumabas ng banyo, naglagay ng baso ng maligamgam na tubig si Tanner sa mesa at umalis ng kwarto.Umupo si Pearl sa kama at tiningnan ang baso ng tubig. Hindi niya mapigilan na maramdaman ang kabaliktaran habang kinukuha ang baso at humiga ulit.Tanghali na nang magising siya. Maayos na ang pakiramdam niya at nawala na rin ang bigat.Lumabas siya ng kwarto at nakahinga ng maluwag nang hindi niya nakita sa paligid si Tanner. Gumawa siya ng spaghetti sa kusina at dahil kinuha ni Tanner ang phone niya at may mga guard sa labas, hindi niya nakausap ang pamilya niya sa ilang buwan na ang lumipas. Kahit na lumabas siya, kailangan na pumayag muna ni Tanner at may susunod sa kaniya.Nabuhay siya sa torture at walang ibang kinaharap kund sakit. Ang tanging oras lang na nakakahinga siya ay kapag wala si Tanner.Pero bumalik agad si Tanner at nakita na gumagawa siya ng pagkain. Lumapit siya. “Wala ka na bang l
Read more

Kabanata 1268

Good mood si Mr. Saldana kaya hindi niya inisip ang hiling niya at binigyan siya ng wine. “Marami tayong alak. Uminom ka lang ng gusto mo.”Ngumiti si Tanner pero hindi nakangiti ang mata niya. “Mukhang masaya ka sa dinala kong babae.”“Maganda ang taste mo. Masaya ako sa isang ‘to.” Nilagay ni Mr. Salfana ang kaniyang braso sa likod ng couch at ngumiti. “Iniisip ko kung ibibigay mo siya sa akin?”Natigil ang kamay ni Tanner na nagsasalin pagkatapos ay binaba niya ang bote sa tabi ng kamay niya. “Gusto mo ang isang ‘to?”“Syempre, maganda siyang babaw.” Tiningnan siya ni Mr. Saldana mula taas hanggang baba at hinawakan ang baba niya. “Iba siya sa mga babae na nakikita ko dito. Mukha siyang disente. Kung hindi siya dumating kasama mo, iisipin ko na galing siya sa mayaman na pamilya. Saan mo siya nahanap?”Mahigpit na hinawakan ni Pearl ang wine glass Tiningnan ni Tanner si Pearl at mas nagdilim ang mata niya. “Basta masaya ka sa kaniya.”Ininom niya lahat ng wine sa kaniyang bas
Read more

Kabanata 1269

“Mr. Hannigan, sinunod ko ang gusto mo—” Bago pa matapos si Peatl sa sinasabi niya, bigla siyang sinampal ni Tanner.Tumagilid ang mukha niya at na-estatwa siya sa pwesto niya. Hindi malakas ang sampal pero tumama yun diretso sa puso niya na durog na.Hinawakan ni Tanner ang balikat niya, tinulak siya sa pader, at tumingin kay Pearl. Hinawakan niya ang mukha nito at pinilit na iharap sa kaniya. “Pearl, isa kang sirang sapatos na walang gustong magsuot, kaya huwag mong isipin na makakatakas ka sa akin.”Namula ang mata ni Pearl pero pinigilan niya ang mga luha niya. Nag-iwas ng tingin si Tanner at hinila siya papunta sa elevator.Ang lalaki na nagtatago sa dilim ay agad na bumalik sa private room pagkatapos nilang umalis. Lumapit siya kay Mr. Saldana. “Sir, sa tingin ko ay totoo ang usapan. Hindi nangyari ang kasal sa pagitan nila dahil iniisip niya walang may gusto kay Ms. Santiago. Malakas ang loob niya na gawin siyang escort at sinaktan pa siya sa labas. Nagbanta din siya na hind
Read more

Kabanata 1270

Tumingin sa harap si Tanner, ini-start ang sasakyan at nagmaneho palayo.Nang makabalik sila sa apartment. Naligo si Pearl. Nang matapos siya naninigarilyo si Tanner sa kama, dinurog ni Tanner ang upos ng sigarilyo sa ash tray. “Pwede ka umuwi bukas.”Tumayo siya at lumapit kay Pearl pagkatapos ay nilagay niya ang kaniyang kamay sa pisngi ni Pearl at hinalikan siya.Hindi lumaban si Pearl sa halip ay nahulog siya sa bisig ni Tanner at hinayaan ang sarili niyang tanggapin ang halik niya—walang emosyon ang mata niya.Hindi siya tinali ni Tanner nang gabing yun pero hinahalikan siya kapag gusto niya. Nasa mainit silang sitwasyon, pero lamig lang ang nararamdaman niya. Hindi niya makita ang simpatya sa mata ni Tanner dahil sa dilim at hindi makita ni Tanner ang galit niya.Kinabukasan, sa mga Santiago…Hinatid ni Tanner si Pearl doon, at agad na lumapit si Mrs. Santiago pagkatapos niyang lumabas ng sasakyan. “Pearl.”Hinila niya si Pearl para yakapin, sumasakit ang puso niya. “Pasen
Read more

Kabanata 1271

Tumawa si Tanner at bahagyang nanigas ang ekspresyon ng mukha niya. Gayunpaman, wala siyang sinagot,Tiningnan ni Helios ang horse ride sa racecourse at sinabing, “Matagal na tayong magkakilala, at alam kong hindi ikaw yung tipo na madaling sumuko sa relasyon. Kahit na hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo, mukhang nag-aalala nang sobra si Mr. Santiago para sa anak niya.”“Helios,” Ngumiti si Tanner, “Mas mabuting huwag kang mangialam sa buhay namin ni Pearl.”“Wala akong planong mangialam,” Ngumiti si Helios sabay simsim sa kaniyang kape. “Pero heto ang payo ko para sa iyo. Tumigil ka na bago pa mahuli ang lahat.”Natahimik si Tanner.Matapos ang ilang sandali, umalis si Tanner. Pinagmasdan siya ni Helios at napaisip nang malalim.Samantala, sa Soul…“Nakiusap si Mr. Santiago kay Helios para kumbinsihin si Tanner?” Tiningnan ni Maisie si Barbara.Habang nakaupo sa couch, sumimsim sa tsaa niya si Barbara at ngumiti. “Oo. Pumunta siya sa mansyon noong nakaraang araw at nak
Read more
PREV
1
...
125126127128129
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status