Tumingin sa harap si Tanner, ini-start ang sasakyan at nagmaneho palayo.Nang makabalik sila sa apartment. Naligo si Pearl. Nang matapos siya naninigarilyo si Tanner sa kama, dinurog ni Tanner ang upos ng sigarilyo sa ash tray. “Pwede ka umuwi bukas.”Tumayo siya at lumapit kay Pearl pagkatapos ay nilagay niya ang kaniyang kamay sa pisngi ni Pearl at hinalikan siya.Hindi lumaban si Pearl sa halip ay nahulog siya sa bisig ni Tanner at hinayaan ang sarili niyang tanggapin ang halik niya—walang emosyon ang mata niya.Hindi siya tinali ni Tanner nang gabing yun pero hinahalikan siya kapag gusto niya. Nasa mainit silang sitwasyon, pero lamig lang ang nararamdaman niya. Hindi niya makita ang simpatya sa mata ni Tanner dahil sa dilim at hindi makita ni Tanner ang galit niya.Kinabukasan, sa mga Santiago…Hinatid ni Tanner si Pearl doon, at agad na lumapit si Mrs. Santiago pagkatapos niyang lumabas ng sasakyan. “Pearl.”Hinila niya si Pearl para yakapin, sumasakit ang puso niya. “Pasen
Tumawa si Tanner at bahagyang nanigas ang ekspresyon ng mukha niya. Gayunpaman, wala siyang sinagot,Tiningnan ni Helios ang horse ride sa racecourse at sinabing, “Matagal na tayong magkakilala, at alam kong hindi ikaw yung tipo na madaling sumuko sa relasyon. Kahit na hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo, mukhang nag-aalala nang sobra si Mr. Santiago para sa anak niya.”“Helios,” Ngumiti si Tanner, “Mas mabuting huwag kang mangialam sa buhay namin ni Pearl.”“Wala akong planong mangialam,” Ngumiti si Helios sabay simsim sa kaniyang kape. “Pero heto ang payo ko para sa iyo. Tumigil ka na bago pa mahuli ang lahat.”Natahimik si Tanner.Matapos ang ilang sandali, umalis si Tanner. Pinagmasdan siya ni Helios at napaisip nang malalim.Samantala, sa Soul…“Nakiusap si Mr. Santiago kay Helios para kumbinsihin si Tanner?” Tiningnan ni Maisie si Barbara.Habang nakaupo sa couch, sumimsim sa tsaa niya si Barbara at ngumiti. “Oo. Pumunta siya sa mansyon noong nakaraang araw at nak
Walang sinagot si Pearl. Suminghal si Tanner at mas lalong dumilim ang mukha niya. “Huwag ka mag-alala. Hindi kita papatayin.”Hinigpitan niya ang hawak sa pisngi ni Pearl at nagpatuloy. “Hindi kita hahayaang mamatay nang ganun-ganun na lang. Marami namang paraan para pahirapan ka.”Bahagyang namutla ang mukha ni Pearl at bumigat ang paghinga niya. Tinulak siya ni Tanner pabalik sa upuan niya at mabilis itong nagmaneho.Hinila siya ni Tanner papasok sa banyo nang makabalik sila sa apartment. Pinuno niya ang bathtub ng malamig na tubig at walang pag-aalinlangang hinagis si Pearl sa loob nito.Nabasa ang damit ni Pearl at natalsikan naman si Tanner ng tubig. Nabalot si Pearl ng napakalamig na tubig at nanginginig na siya sa sobrang lamig. Bago pa siya makakilos, hinila ni Tanner ang buhok niya at sinabi, “Bakit mo ako pinipilit na gawin ‘to? Gusto mo na ba talagang mamatay?”Nilubog niya ang ulo ni Pearl sa tubig, dahilan para magpumiglas ang isa. Napasinghap siya ng hangin nang hil
Tumango si Maisie. “Well, inaasahan ko na yun.”Tinawag ni Barbara ang waiter at nagpatuloy. “Sa apartment ni Mr. Hannigan siya nakatira ngayon, pero sa tingin ko kinukulong siya doon.”Nag-order siya ng isang tasa ng Blue Mountain coffee, at pagkaalis ng waiter, nagtanong siya, “Hindi ka ba nagtataka kung anong sinabi niya nang sabihin ko na gusto mo siyang makita?”Hawak ni Maisie ang isang tasa ng kape at sandali siyang natigilan. Matapos ang ilang segundo, sumimsim siya sa kape at nagtanong, “Anong sinabi niya?”“Ang sabi niya, ayaw ka niyang makita.”Nang makita ang crack sa mukha ni Maisie, tumawa si Barbara at dinagdag, “Sige, sige. Hindi na kita lolokohin.”Humalukipkip si Maisie at tiningnan si Barbara.Lumapit si Barbara at nakangiting sinabi, “Totoo na hindi niya sinabi na ayaw ka niyang makita, pero hindi niya rin sinabi kung kailan.”Tumango si Maisie. “Ibig sabihin, ayaw niya akong makita. Ayaw niya lang sabihin nang direkta.”Tumaas ang mga kilay ni Barbara. “So
Maingat na kinarga ni Ryleigh ang sanggol. Nagulat siya nang hawakan ng sanggol ang hinlalaki niya gamit ang maliit nitong mga daliri. “Maliit pala talaga lahat ng baby kapag bagong panganak.”“Tama. Maliit din si Louis nang ipanganak ko siya. Kulubot ang buong balat niya, at ang pangit niya,” Sagot ni Larissa.Natahimik si Louis at tumawa naman si Ryleigh.Naupo si Louis sa gilid ng kama at kinuha ang sanggol mula kay Ryleigh. Nagsimulang umiyak ang sanggol nang nasa mga braso na siya ni Louis. Nataranta siya at nagtanong, “Bakit siya umiiyak?”Lumapit si Maisie. “Akin na siya, ako ang kakarga.”Kinuha niya ang sanggol mula kay Louis at kinarga ito sa kaniyang mga braso. Marahan at bihisa niyang tinapik ang sanggol. Matapos ang isang minuto, huminto na sa pag-iyak ang sanggol.Lumapit si Larrisa at tumawa. “Mukhang gustong-gusto ka niya, Maisie.”Binalik ng nurse ang sanggol sa nursery.Hindi nagtagal sina Maisie at Barbara dahil alam nilang kailangan magpahinga ni Ryleigh, ka
‘Hinding-hindi kita kailanman mamahalin!’Natigolan si Pearl. Pakiramdam niya ay mayroong sumaksak sa puso niya. Nanginig ang mga balikat niya, at tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.“Hindi ko—-” Hinawakan ni Tanner ang mga pisngi niya at pinalapit siya sa kaniya.Kinagat ni Pearl ang balikat niya nang sobrang lakas hanggang sa itulak siya ni Tanner dahil sa sakit, dahilan para matumba siya sa bubog na nasa sahig.“Pearl!” Mabilis na lumapit si Tanner at binuhat siya mula sa sahig. Nanginig ang buong katawan niya nang makita niya ang esksena sa harapan niya.Bumaon ang mga bubog sa pisngi ni Pearl.Binuhat siya ni Tanner at sinugod sa ospital.Sa ospital…Nakaupo si Tanner at nakasandal sa pader malapit sa emergency exit. Puno ng upos ng sigarilyo ang sahig, at puro mantsa ng dugo ang palad at kwelyo niya.Nang maisip niya ang mga sugat sa pisngi ni Pearl, napatakip ng mukha si Tanner habang tumutulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.Malungkot siyang bumalik sa w
Nag-drive papunta ng beach si Tanner at nakita ang taong nakatayo sa ilalim ng lighthouse sa hindi kalayuan. Agad niyang hininto ang kotse, bumaba ng kotse at tumakbo palapit sa lighthouse, at hindi na niya naisip na sagutin ang nagriring niyang phone.“Pearl!” Tumakbo palapit si Tanner sa tao. “Huwag—” Bumulusok agad si Pearl sa dagat nang hindi nagdadalawang-isip, at nilamon na ng malaking alon ng dagat ang kaniyang katawan.Natakpan ng yelong tubig dagat ang lahat ng tunog simula nung tumalon si Pearl, tinatakpan ang kaniyang nakalubog na katawan. Isang kamay ang humawak sa kaniya, at kinarga siya ni Tanner para iahon.Sa baybayin, nilagay niya ang kamay niya sa kabila niyang kamay, idiniin ito sa dibdib ni Pearl, at ginawa niya ang CPR. Nanigas ang katawan ni Tanner habang ginagawa ito, pero hindi siya tumigil, kahit sandali.“Pearl, please—” Pumipintig ang muscle ni Tanner at humihinto nang paulit-ulit habang inuulit-ulit ang CPR. “Please gumising ka na!” Ilang sasakyan an
Pumunta si Antonio sa nurse station at tinanong ang isang nurse nasa duty, “Excuse me, bakit ilang araw ng hindi pa rin gumigising ang anak ko?”Binasa ng nurse ang diagnosis at case ni Pearl at dahan-dahang pinaliwanag, “Pag ganun yung patient, maaari lang natin sabihin na dahil ito sa psychological factors. Nangyayari ito sa mga pasyente na may mood swings o gustong kumawala sa katotohanan dahil sa gusto nila. Kaya mananatili silang naka-isolate kahit nagamot na sila.“Kung may nararamdaman na ang pasyente pero ayaw niya gumising, dapat manatili lang rito ang pamilya niya, madalas siyang samahan, at kausapin siya para mabuhay ulit ang cranial nerves niya. Makakatulong yun sa kaniya na magising ulit.”Tumango si Antonio.Mabigat ang loob niya nang bumalik siya sa ward at nakita niya si Mrs. Santiago na nakatayo sa tabi ng kama, nakatingin sa anak niya at marahang umiiyak. Huminga siya nang malalim, kinuha ang coat niya, lumapit kay Mrs. Santiago, at binalot ang coat sa kaniya. “Um
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa