‘Hinding-hindi kita kailanman mamahalin!’Natigolan si Pearl. Pakiramdam niya ay mayroong sumaksak sa puso niya. Nanginig ang mga balikat niya, at tumulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata.“Hindi ko—-” Hinawakan ni Tanner ang mga pisngi niya at pinalapit siya sa kaniya.Kinagat ni Pearl ang balikat niya nang sobrang lakas hanggang sa itulak siya ni Tanner dahil sa sakit, dahilan para matumba siya sa bubog na nasa sahig.“Pearl!” Mabilis na lumapit si Tanner at binuhat siya mula sa sahig. Nanginig ang buong katawan niya nang makita niya ang esksena sa harapan niya.Bumaon ang mga bubog sa pisngi ni Pearl.Binuhat siya ni Tanner at sinugod sa ospital.Sa ospital…Nakaupo si Tanner at nakasandal sa pader malapit sa emergency exit. Puno ng upos ng sigarilyo ang sahig, at puro mantsa ng dugo ang palad at kwelyo niya.Nang maisip niya ang mga sugat sa pisngi ni Pearl, napatakip ng mukha si Tanner habang tumutulo ang luha mula sa kaniyang mga mata.Malungkot siyang bumalik sa w
Nag-drive papunta ng beach si Tanner at nakita ang taong nakatayo sa ilalim ng lighthouse sa hindi kalayuan. Agad niyang hininto ang kotse, bumaba ng kotse at tumakbo palapit sa lighthouse, at hindi na niya naisip na sagutin ang nagriring niyang phone.“Pearl!” Tumakbo palapit si Tanner sa tao. “Huwag—” Bumulusok agad si Pearl sa dagat nang hindi nagdadalawang-isip, at nilamon na ng malaking alon ng dagat ang kaniyang katawan.Natakpan ng yelong tubig dagat ang lahat ng tunog simula nung tumalon si Pearl, tinatakpan ang kaniyang nakalubog na katawan. Isang kamay ang humawak sa kaniya, at kinarga siya ni Tanner para iahon.Sa baybayin, nilagay niya ang kamay niya sa kabila niyang kamay, idiniin ito sa dibdib ni Pearl, at ginawa niya ang CPR. Nanigas ang katawan ni Tanner habang ginagawa ito, pero hindi siya tumigil, kahit sandali.“Pearl, please—” Pumipintig ang muscle ni Tanner at humihinto nang paulit-ulit habang inuulit-ulit ang CPR. “Please gumising ka na!” Ilang sasakyan an
Pumunta si Antonio sa nurse station at tinanong ang isang nurse nasa duty, “Excuse me, bakit ilang araw ng hindi pa rin gumigising ang anak ko?”Binasa ng nurse ang diagnosis at case ni Pearl at dahan-dahang pinaliwanag, “Pag ganun yung patient, maaari lang natin sabihin na dahil ito sa psychological factors. Nangyayari ito sa mga pasyente na may mood swings o gustong kumawala sa katotohanan dahil sa gusto nila. Kaya mananatili silang naka-isolate kahit nagamot na sila.“Kung may nararamdaman na ang pasyente pero ayaw niya gumising, dapat manatili lang rito ang pamilya niya, madalas siyang samahan, at kausapin siya para mabuhay ulit ang cranial nerves niya. Makakatulong yun sa kaniya na magising ulit.”Tumango si Antonio.Mabigat ang loob niya nang bumalik siya sa ward at nakita niya si Mrs. Santiago na nakatayo sa tabi ng kama, nakatingin sa anak niya at marahang umiiyak. Huminga siya nang malalim, kinuha ang coat niya, lumapit kay Mrs. Santiago, at binalot ang coat sa kaniya. “Um
Agad na tumayo si Tanner at tumakbo palabas para tawagin ang doctor.Nagmadali na pumunta sa ward ang doctor para i-check si Pearl. Hindi tumagal, nagmadali na pumunta sila Mrs. Santiago at Antonio.“Pearl!” Nakita na nakaupo na ang anak niya sa kama, hindi na pinansin ni Mrs. Santiago ang presensya ni Tanner, lumapit siya at nananabik na hinawakan ang pisngi ni Pearl. Hindi na niya napigilan ang umiyak. “Mahal kong anak, sa wakas gising ka na.”“Masaya ako na sa wakas gising ka na. Mabuti yan.” Mukhang gumaan ang loob ni Antonio, at parang isang malaking bato ang natanggal sa puso niya sa oras na ito.Walang emosyon si Pearl. Kahit na nagising na siya, hindi pa siya nagsasalita.Nagtataka siyang tiningnan ni Mrs. Santiago at hinawi ang mahaba na buhok ni Pearl na nakaharang sa pisngi niya para makita ang buong mukha nito. “Pearl?” Sa oras na iyon, ginalaw ni Pearl ang dry niyang labi, at narinig ang namamaos niyang boses. “Sino ka?” Agad na nagulat sila Mrs. Santiago at Anton
Tumango si Pearl at mukhang sobrang nagtataka.Tumingin si Tanner sa malayo. “Nagsimula yun lahat nung kasal namin. Nung oras na yun, pumayag lang ako na magpakasal kasi gusto ng pamilya ko, pero hindi ko siya gusto…”‘Una kong nakita si Pearl sa dinner kasama ang mga Hannigan at mga Santiago. Hindi naman sa hindi ko pa nakikita si Mrs. Santiago sa La Perla Group, at hindi naman sa hindi ko siya kilala. Lagi nilang sinasabi na isang mayabang at mapangmataas na b*tch si Pearl Santiago, at ang scandal na lumabas sa socialite party dati kaya ayun ang event na naging simula kaya naging target siya binatikos ng publiko.‘Dahil nasangkot ang mga Hannigan sa ginawa ni Maizie para maayos ang estado ng mga Hannigan sa Bassburgh, inutusan ako ng dad ko na pakasalan ang ganung klaseng babae na walang reputasyon at walang hiya. At hindi ko napigilan at nalaman ko na kabaliktaran para ang lahat ng iyon.‘Nakita ko si Pearl sa dinner na yun, at ayun ang unang beses na makita ko siya.”‘Hindi na
‘Iniisip ko sa oras na yun, hindi ba niya gusto na pakasalan ko siya? Yung paalala niya, yung pag-intindi, at lahat ng hinaing niy ay peke lang?’‘Hindi naman sa wala akong pakialam sa kaniya, pero sa tuwing iniisip ko ang babaeng ito at gusto kong makipag-usap sa kaniya, pinaparamdam niya sa akin na hindi niya ako kailangan.‘Wala ba siyang puso? Hindi ko alam, at hindi ko gusto malaman. Kahit na may relasyon kami ni Sandy, at alam talaga niya ang tungkol don, hindi niya ako pinigilan. Nakadepende lang ba siya sa sarili niya? ‘Sa totoo lang, hindi, hindi siya nakadepende sa sarili niya. Mas wala lang siyang puso at mas malamig siya kumpara sa ibang ordinaryong babae.‘Nagsimula akong makaramdam na wala akong nakikita sa kaniya. Nagiging masaya siya sa tuwing mabuti ang trato ko sa kaniya, at minsan ko lang siya makita na ngumiti simula nun. Kahit na niyaya ko siya na mag dinner, lagi siyang magdadahilan ng kahit ano para iwasan ako.‘Oo, nagsimula na siyang iwasan ako.‘Marahil
‘Pero hindi niya ginawa.’‘Ang pagbubuntis ni Sandy ay parang isang bomba na sa tabi ko mismo sumabog at hindiko inaasahan. Sa kabilang banda, yung ex ko yung hindi ko makalimutan at siyang nagdadala ng magiging anak ko; samantala, siya naman ang babaeng gusto akong pakasalan. Hindi ko talaga alam ano ang gagawin ko.’‘Nang sa tuwing nakikita ko na umiiyak si Sandy, naaalala ko kaagad si Pearl. Hindi pa umiiyak si Pearl, at hindi ko pa rin siya nakitang umiyak at hindi pa rin niya pinapakita ang mahina niyang bahagi simula nung nagkakilala kami.’‘Nang ma-cancel ang engagement, at umalis siya ng apartment, hindi ko napigilan ang pagnanasa ko at dinungisan ko siya nung lasing ako. Sa wakas ay nahawak ko na ang mga kamay ko sa babaeng minsan kong kinaiinisan.’‘Hindi naman siya ganun kasama tulad ng iniisip ko, at hindi naman sa hindi niya kaya o ayaw niya lang talaga umiyak. Talagang wala siyang pakialam. Nasasaktan ang kalooban ko pag nakikita ko siyang umiiyak. Ayun ang dahilan ka
“Colton—” Gusto siyang pahintuin ni Maisie, pero huli na ang lahat.‘Pwede naman niya magsabi ngibang pangalan pero mas pinili niya si Nollace.’Kitang kita nang marinig ni Daisie ang pangalan ni Nollace, biglang nagdilim ang masaya niyang mukha.Napagtanto ni Colton na may nasabi siyang mali at kinamot niya ang ulo niya. “Sorry, hindi ko sinasadyang sabihin yun. Imbitahan mo na lang kung sino gusto mo. Hindi ako—”Bago pa man niya matapos ang kaniyang sinasabi, tumakbo na si Daisie papuntang taas, at sinundan ng pagbagsak ng pinto ang tunog ng mga hakbang niya.Tiningnan ni Maisie si Colton, at ngumuso ang bata. “Hindi ko sinasadya.”Hinaplos ni Maisie ang ulo niya. “Puntahan mo na at suyuin mo ang kapatid mo.”“Alam ko.” Binaba ni Colton ang bulaklak sa kamay niya at sinundan si Daisie sa taas.Pumunta siya sa kwarto ni Daisie at kumatok sa pinto. “Daisie, kasalanan ko yun, at nanghihingi na ako ng tawad sayo ngayon! Kaya please buksan mo na yung pinto!”Si Daisie, na nakata
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa