Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1241 - Chapter 1250

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1241 - Chapter 1250

2769 Chapters

Kabanata 1242

Nilapit ni Mr. Roswald ang kamay niya at hinaplos ang likod ng kamay ni Naomi.Nagulat si Naomi at napakunot habang nagpapatuloy si Mr. Roswald. “Sigurado ako na mangyayari din yun. Kailangan ko ng disente at matalinong misis tulad mo, Ms. Xavier.”Biglang hinila ni Naomi ang kaniyang kamay at sinabing, “Pasensya na pero may iba na akong nagugustuhan.”Nagbago ang ekspresyon ni Mr. Roswald, at hinila niya palayo ang kamay ni Naomi. “May nagugustuhan ka ng lalaki? Ano naman? May relasyon ba kayo? Kasal ba kayo? Kung alam ng magulang mo ang relasyon niyo, papayag ba sila?”Nagulat si Naomi. Sinubukan niyang hilahin ang kamay niya sa pagkakahawak ni Mr. Roswald pero hindi yun nangyari. Nagdilim ang mukha niya habang nagbabanta na, “Mr. Roswald, bitawan mo ang kamay ko.”“Ms. Xavier, gusto talaga kita. Gusto kita mula ng una kitang makita.” Hinila ni Mr. Roswald ang kamay niya at hinalikan dahilan para magtaasan ang balahibo sa kaniyang balat.Nandiri si Naomi at hinila ang kamay niy
Read more

Kabanata 1243

Sandaling nagulat si Naomi. Nanginginig ang pilikmata niya habang sinasabi na, “Wala rin akong ideya. Hindi ko alam kung ano ang relasyon natin ngayon. At saka hindi mo sineseryoso ang relasyon natin, hindi ba?”“Kahit na hindi pa ako nagkaroon ng relasyon noon alam ko na ang halik sa pagitan ng lalaki at babae ang nagpapakita ng paglalim ng relasyon. Pero wala tayo sa ganoong relasyon. Baka para sa'yo, hindi tayo ganoon.”Hindi alam ni Francisco kung tatawa ba siya o magagalit ngayon. Diretso lang siyang nakatayo sa harap ni Naomi at tinanong, “Sa tingin mo ba laro lang para sa akin ang mayroon tayo”“May pagkakaiba ba?” Namula ang mata ni Naomi na parang rabbit na kinakawawa.“Oo, mayroon.” Nilagay ni Francisco ang kamay niya sa pader sa gilid ni Naomi habang lumalapit siya. “Kung laro sa akin ‘to, hindi kita hahalikan. Makikipag-s*x lang ako sa'yo.Natakot si Naomi at na-estatwa siya sa pwesto niya. Diretso ang tingin niya kay Francisco habang palapit sa kaniya. Isang mala demo
Read more

Kabanata 1244

Nang hindi sumagot ai Naomi, lumingon si Francisco sa kaniya. “Ayaw mong makipag-date sa akin?”“Syempre gusto kong makipag-date sa'yo…” Napatigil si Naomi at tinanong, “Tayo na ba?”Humigpit ang hawak ni Francisco at hinila si Naomi palapit sa kaniya. “Talaga? Ayan yung tanong mo para sa akin? Mas ignorante ka pa sa inaakala ko.”Tiningnan siya ni Naomi at may ngiti sa kaniyang mukha.Kinabukasan, sa Soul…“Salamat kahapon, Naomi. Sinabi sa akin ni mom na tumawag sa kaniya yung lalaki at sinabi na hindi kami para sa isa't isa. Humingi pa siya ng tawad sa mom ko at nagulat siya.” Nagpapasalamat na sinabi ni Lucy.“Ayos lang. Ako nga dapat ang magpasalamat sa'yo.” Nakangiting sagot ni Naomim“Pasalamatan ako?” Naguluhan si Lucy. “Bakit mo ako pinasasalamatan?”Yumuko si Naomi. Kakaiba ang pakiramdam niya mula kahapon.Habang tinitingnan ang ngiti sa mukha ni Naomi, sinabi ni Lucy, “Tingnan mo at nakangiti ka na parang pusang Cheshire. Hindi naman in love, ano?”Namula sa kahi
Read more

Kabanata 1245

Nakatikom ang labi ni Naomi.Tiningnan ni Anthony ang box ng snack sa kamay ni Naomi at malalim na napakunot. “Nelly, si Francisco… ba yun?”Tumigil sa pagtibok ang puso ni Naomi, ar kinabahan siya. Pero, hindi niya sinubukan na itago yun sa dad niya at inamin lahat. “Oo. Pasensya na, Dad. Dapat sinabi ko agad sa inyo.”“Kailan pa nagsimula?”“Kahapon…”“Hindi yun ang tinatanong ko. Gusto ko malaman kung kailan pa kayo nagkikita.” Napakunot si Anthony.“Isang buwan na ang nakalipas…” sumagot siya. “Naomi, sinabi mo sa akin na hindi ka makikigulo sa relasyon ko. Gusto ko talaga siya.”Huminga ng malalim si Anthony at seryoso na sinabing, “Oo, sinabi ko sa'yo noon na hindi ako makikialam sa relasyon mo, pero depende kung sino ang karelasyon mo. Nelly, hindi bagay sa'yo si Francisco.”“Dad, alam ko hindi maganda ang reputasyon niya pero wala akong pakialam sa paat niya.” Sumagot si Naomi. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya sumunod sa dad niya.Nang mapagtanto ni Anthony kung
Read more

Kabanata 1246

Kumuha ng mangkok si Nolan, naglagay ng soup at malakas na tumawa. “Hindi na kita aasahan na magluto. Ikaw na ang kikita ng pera at magpapakain sa akin.”Kinuha ni Maisie ang mangkok ng soup at tumawa. “Ang mahal magpakain ng CEO.”May sasabihin na sana si Nolan nang tumunog ang phone niya. Naningkit ang mata niya at sinagot ang tawag nang makita niya ang caller ID. “Anong problema?”May sinabi sa kaniya ang nasa kabilang linya at mahinang hum ang naging sagot niya. “Pupunta ako diyan ngayong gabi.”Nang matapos ang tawag, tiningnan siya ni Maisie. “Anong problema?”Bahagyang ngumisi si Nolan. “May gathering ngayong gabi, at nandon yung classmate mo.”Alam ni Maisie kung sino ang tinutukoy niya at pinatunog ang kaniyang dila. “Classmate ko? Hindi ba’t pinsan mo din yun?”Mas namangha si Nolan. “Pinsan mo rin yun.”Nang lumalim ang gabi, napuno ng ilaw ang siyudad. Napuno ang VIP Room #1 ng hotel restaurant ng mga kilalang tao. Habang pinapalawak ng mga Clifford ang kani
Read more

Kabanata 1247

“Si Mr. Clifford pala ito. Marami akong narinig tungkol sayo.” Tinaas ni Anthony ang glass niya at nag propose ng toast.Inangat ni Jackie at glass niya at nakangiting sinabi, “Marami rin akong narinig tungkol sa'yo, Mr. Topaz. Katulad na lang ng overseas collaboration mo sa Persian Gulf project.”Nagulat si Anthony at ngumiti. “Naging matagumpay ang Persian Gulf project ay dahil sa pagsisikap ko at ng ibang investor. Sila ang dapat na makakuha ng credit kung ikukumpara sa akin.”Mabagal na inubos ni Jackie ang red wine. “Mr. Topaz, masyado kang mapagkumbaba.”“Nga pala, kilala mo ba ang anak ko?” Tiningnan ni Anthony si Naomi. Nakita niyang nakikipag-usap si Jackie sa anak niya kanina.Saglit na tumigil si Jackie. “Anak mo pala ang dalaga na ito?”Sumagot siya, “Oo, minsan lang pumunta ang anak ko sa okasyon kaya sinama ko siya para masanay sa kanila.”“Ganoon pala.” Kalmado na paliwanag ni Jackie na, “Nagkita lang kami sa dinner banquet noong nakaraang araw.”Habang nakikinig
Read more

Kabanata 1248

“Hindi nakapagtataka na dinala ni Mr. Topaz ang anak niya ngayong gabi. Mukhang ito ang intensyon niya.”Habang nakikinig ng komento ng mga tao sa paligid niya, ngumiti si Anthony at walang sinabi.‘Inaasahan ko na mapalapit si Naomi sa isang mahusay na lalaki katulad ni Jackie.’Nang mag 9:00 pm, umalis si Nolan sa banquet at bumalik sa Blue Bay villa.Nagulat si Maisie nang makita niya si Nolan na maagang bumalik. “Bakit umuwi ka agad?”Tinanggal ni Nolan ang tie niya at hinubad ang kaniyang jacket. “Ang boring ng dinner kaya gusto ko umuwi agad para samahan ang asawa ko.”Ngumisi si Maisie at kinuha ang jacket mula kay Nolan. “Bakit? Wala bang magandang babae sa dinner party?”Patalikod niyang niyakap si Maisie, nilapit ang kaniyang mukha sa buhok niya at ngumisi. “Bukod sa'yo, lalaki lahat ng babae para sa akin.”Humarap si Maisie at nilagay ang kaniyang daliri sa labi ni Nolan. “Ayusin mo ‘yang mabulaklak mo na dila.”Mahina siyang sumagot ng hum, inayos ang kaniyang tin
Read more

Kabanata 1249

Ito siguro ang unang pagkakataon na marinig ni Naomi na may ibang pumupuri kay Francisco. Inangat ni Naomi ang ulo niya at tiningnan si Maisie. “Ms. Vanderbilt, sa tingin mo rin ba mabuti siyang tao?”“Lagpas sa kalahating buwan ako nasa training camp noon, at dati si Francisco ay…” Hinalo ni Maisie ang soup sa mangkok. “Masasabi ko na matigas ang ulo at napaka aktibo? Pero totoong mas naging matured siya ngayon.”Nakatikom ang labi ni Naomi. “Hindi… hindi ko siya kilala noon, pero wala akong pakialam kung ano siya noon.”“Bakit mo siya gusto?”Naisip ni Naomi ang tanong na tatlong beses na tinanong sa kaniya ni Francisco noon dahil sa sinabi ni Maisie.Bumaba ang tingin niya. “Hindi ko rin alam. Sa tingin ko lang ay matino siyang lalaki.”‘Dahil ba sa mabait niyang ginawa sa hospital? O baka dahil sa niligtas niya ako aa kahihiyan ng pagbabayad ng kape sa cafe? O baka dahil sa oras na tinulungan niya ako nang bumangga kami sa rear-end ng ibang sasakyan at muntik na kaming ma-sca
Read more

Kabanata 1250

Tumawag si Francisco pagkatapos ng ilang minuto, at nakangiting sinagot ni Naomi ang tawag. “Hello…”Pagkatapos marinig ang sinabi sa kabilang linya, bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Naomi.Sa hospital…Nagmamadaling pumunta si Naomi sa pinto ng ward. Bukod kay Francisco, isang middle-age na lalaki ang nakatayo doon, ang dad niya na si Eugene.May plaster cast si Francisco sa kaliwa niyang binti, at mukhang wala namang malalang nangyari bukod sa leg injury niya. Umupo siya sa hospital bed at tiningnan si Naomi.Tumingin si Eugene at nagtaka. “Siya ay…’“Kaibigan ko.” Malamig na sagot ni Francisco.“Dahil ayos ka lang, magpahinga ka na.” Tumayo si Eugene at umalis sa ward.Lumapit si Naomi sa hospital bed at tinitigan si Francisco. “Ayos ka lang ba?”“Ayos lang. Mababaw lang na sugat ‘to.” Mahinang ngumiti si Francisco. “Kaya huwag kang mag-alala.”Yumuko ai Naomi at kinagat ang labi niya. “Pasensya na, tumawag… tumawag ako kasi hindi ako nakatanggap ng reply. Hindi ko alam
Read more

Kabanata 1251

Nang marinig yun ni Naomi, parang mga perlas na nahulog sa kwintas ang mga luha niya. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa sakit, at tumakbo nang hindi na lumilingon pa.Nakita siya ni Francisco na mawala sa pinto, kumirot ang puso niya. Kumibot ang mukha niya dahil sa pinipigilan niyang emosyon.Hindi na nakatiis pa si Samantha, kaya pumasok siya sa kwarto. “Bakit mo yun ginawa!?”Nagulat siya. “Mom——”“Samantha——“ Sinubukan siyang pigilan ni Kennedy, pero huli na. Napalingon si Francisco dahil sa sampal, pero hindi siya umimik.Huminga siya nang malalim at nagsalita pagkatapos kumalma. “Sa tingin ko ay may nararamdaman ka para sa babaeng yun at nasasaktan ka na paalisin siya. Bakit mo yun ginawa? Bakit hindi mo harapin ang problema?”Yumuko si Francisco at sumagot matapos ang ilang sandali, “Mom, hayaan niyo akong ayusin ito.”“Hayaan kang ayusin ito? Sa tingin mo ba magkakaroon ako ng pakialam kung hindi kita anak? Sige, hahayaan kita.” Dinuro niya si Francisco. “Ikaw ang g
Read more
PREV
1
...
123124125126127
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status