Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1151 - Chapter 1160

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1151 - Chapter 1160

2769 Chapters

Kabanata 1152

“Hector, sa tingin mo ba talaga nakikita ni Maisie ang halaga mo? Kung oo, bakit hindi niya hinayaang hawakan mo ang kumpanya imbes na pagtrabahuin ka lang doon?”Napansin ni Linda ang pagbabago ng ekspresyon ni Hector at mas lumakas ang tawa. “Kasing tanga ka rin ni lola. Kaya nababagay ka lang maging aso niya—-”Bumagsak si Linda sa sahig. Nang bumalik siya sa sarili, hinawakan niya ang pisngi at gulat na tiningnan si Hector. “Sinampal mo ako!?”Tiningnan ni Hector ang palad niyang medyo mahapdi pa rin, sinara niya ito at nilagay sa gilid niya. Huminga siya nang malalim. “Linda, walang ginawang mali si Maisie. Tayo ang may kasalanan.”Tumawa ulit si Linda. “Na-brainwash ka na ba ni Maisie?” Sumama ang ekspresyon niya. “Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako pupwersahin ni lola na magpakasal sa isang g*gong katulad ni Jimmy Zimmerman! Nakita mo kung paano niya ako tinrato!”Bumalik sa mga mata ni Hector ang mga alaala ng taong yun.Pinalayas ni Jimmy ang kapatid niya sa bahay ng
Read more

Kabanata 1153

“Kasalanan nga nina lola at Mom yun, pero inosente ka ba talaga?” Nanliit ang itim ng mga mata ni Linda sa tanong ni Hector, napasinghap siya.Nagpatuloy siya. “Alam mo ang pinaplano nina lola at mom, pero sumali ka, kaya kasabwat ka.”Napaatras si Linda, “H…hindi.”Walang sinumang totoong masama, pero wala rin taong talagang inosente. Pinili mong sumali kina lola at mom sa pagpaplano laban kay Maisie, kaya huwag mong pagmukhain na siya ang nag-frame sa iyo noon at sumira ng buhay mo. Inani mo lang ang itinanim mo.”Tumalikod si Hector. “Ang sama ng trato ni lola kay Maisie, pero pinatira pa rin siya nito sa lumang mansyon, sobrang pagpapakita na yun ng kabutihan. Wala tayong karapatan para humingi ng kabayaran.”“Kung wala kang ibang mapupuntahan, pwede kitang tulungan.” Umalis si Hector pagkatapos sabihin nun.Sumandal si Linda sa pader at napayuko. Hindi pa rin siya masaya sa nangyari.Ano pang punto ng pagsisisi niya ngayon? Akala ba nila ay pulubi siya na kailangan nilang l
Read more

Kabanata 1154

Biglang nahiya si Hector, pero mayroon siyang naalala. “Oo nga pala, ang middle-aged na babae na kasama kanina ng kapatid ko ay ang misis ng editor-in-chief namin.”Kumunot ang noo ni Maisie. “Ang karelasyon ni Mr. Lowe?”Tumango si Hector.Nag-isip si Maisie, ‘Ibig sabihin, nang nag-aaway si Linda at ang misis ng boss ni hector, si Mr. Lowe ang lalaki sa loob ng kwarto? Anong relasyon niya kay Linda?”Yumuko si Hector, halatang malungkot, “Gusto ko talagang payuhan ang kapatid ko, pero hindi siya nakikinig.”Ngumiti si Maisie. “Basta pinayuhan mo siya, ayos na yun. Nasa kaniya na yun kung makikinig siya o hindi. Hindi mo kasalanan na hindi siya nakikinig dahil ginawa mo na ang parte mo.”Tumango siya.Nang naglalakad na si Hector pabalik sa apartment niya, tinawag siya ni Maisie, tumalikod siya. “May iba pa ba?”Tiningnan siya ni Maisie. “Mas mabuting mag-ingat ka kay Mr. Lowe.”Natigilan sandali si Hector, pero nang makita kung gaano kaseryoso si Maisie, tumango siya.Pagli
Read more

Kabanata 1155

Nanlamig ang mga mata ni Maisie. Si Linda siguro ang nasa likod nito!…Nang makita ng lahat ng nasa magazine company ang balitang yun, nagulat silang lahat.“Totoo ba yun? Nakulong dati si Hector?”“Nagbebenta siya ng droga at nasali sa mga away. Kriminal siya!”“Huwag kayo basta humusga dahil sa itsura. Nagkamali ba tayo ng pag-akusa kay Mr. Lowe tungkol sa nangyari sa relo niya?”“Posible. Nakulong na siya dati, kaya hindi na kakaiba kung ginawa niya talaga yun.”Nagkukwentuhan sila nang biglang dumating si Hector sa pinto, at natahimik silang lahat.Naglakad si Hector papunta sa desk niya at walang pinansin. Umalis siya pagkatapos kunin ang ilang dokumento at saka nakita si Liam na masayang naglalakad papunta sa kaniya nang nasa corridor na siya. “Kriminal, bakit nagpakita ka pa rin dito?”Hindi siya pinansin ni Hector at nilagpasan lang siya, pero hinarangan siya ni Liam gamit ang braso. “Hindi ba’t ang yabang mo noong nakaraan? Bakit ka tumatakas?”“Anong gusto mo?” Mah
Read more

Kabanata 1156

Nagulat ang editor-in-chief. “Ano yun?”Tiningnan siya ni Hector at sinabing, “Mag-ingat kayo kay Mr. Lowe.”“Liam?” Naguluhan ang editor-in-chief. Tila nagulat siya sa sinabi ni Hector at nagtaka kung bakit siya kailangan mag-ingat kay Liam.“Anong problema?” Tanong niya.“Mayroong sariling hidden agenda si Mr. Lowe sa pagtatrabaho sa inyo. Ano man ang mangyari, bantayan niyo siya. Maiintindihan niyo rin yun balang-araw.”Pagkaalis ni Hector sa opisina, tiningnan ng editor-in-chief ag resignation letter na nasa desk niya at natahimik.Alam niya ang “alitan” nina Liam at Hector. 10 taon ng nagtatrabaho sa kaniya si Liam, at kilala na niya ang personalidad nito.Iresponsable at padalus-dalos si Liam na dahilan kung bakit hindi pa rin napo-promote hanggang ngayon. Mas magaling talaga si Hector kaysa sa kaniya, at may talento talaga ito sa fashion. Alam niya rin na si Liam ang nambintang kay Hector sa pagnanakaw ng relo niya dahil na rin sa inggit.‘Hindi ganoong klaseng tao si He
Read more

Kabanata 1157

Pinaupo siya ni Nolan. Pagkatapos maupo ng editor-in-chief, bumukas ang bibig ni Nolan at marahang sinabi, “Nagustuhan ng misis ko ang recent beauty magazine na na-publish ng kumpanya mo, kaya pinapunta niya ako dito para itanong kung sino ang editor ng recent issues.”Natigilan ang editor-in-chief.Sumagot ang staff na nasa tabi niya, “Hindi ba’t ang editor ng recent issues ng beauty magazine ay si Hec—-”Bago pa niya matapos ang sasabihin, mayroon siyang napagtanto at natahimik.Kinuha ni Nolan ang tasa ng tsaa na inabot sa kaniya at nagtanong, “Hector ba ang gusto mong sabihin?”Nahihiyang ngumiti ang editor-in-chief. “Oo. Si Hector nga ang editor ng recent issues ng beauty magazine, pero nag-resign siya kahapon…”“Resigned? Anong nangyari?” Tanong ni Nolan habang sumisimsim ng tsaa.Bumuntong-hininga ang editor-in-chief at sumagot, “Ang totoo, magaling si Hector. Seryoso siya sa trabaho, at self-motivated siyang tao. Sa kasamaang palad, nakulong na siya noon, at malaking isy
Read more

Kabanata 1158

“Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mong i-check ang surveillance recording ng Zen Garden. Alam ko naman na gusto mo rin malaman kung ano yung bagay na gustong sabihin sa iyo ni Hector pero pinili niya na lang mag-resign, tama?”Pagkatapos sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin, tumayo si Nolan at umalis.Hindi tanga ang editor-in-chief. Alam niyang pumunta dito si Nolan para kay Hector. Noong una, nawirduhan lang siya nang sabihin yun sa kaniya ni Hector bago siya umalis. Pero, pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Nolan, kinilabutan siya at mas lalong nagduda sa kaniyang misis.Lumabas si Nolan sa fashion magazine company, at hinihintay naman siya ni Quincy sa loob ng sasakyan. Nang sumakay siya sa kotse, lumapit si Maisie mula sa back seat at nagtanong, “Sa tingin mo ay mag-iimbestiga ang editor-in-chief?”Tumawa si Nolan. “Nilinaw ko na sa kaniya ang lahat. Kung hindi niya pa rin yun maintindihan, wala na akong magagawa. Dapat lang siyang lokohin ng asawa niya.”Tumawa si M
Read more

Kabanata 1159

Dagdag pa dito, nagpapaka-hard to get si Liam sa mga babaeng yun. Tatanggihan niya ang kabutihan nila, dahilan para mag-iba ang tingin nila sa kaniya at mas lalo siyang pagkatiwalaan. Hindi lang yun, pero alam ni Liam kung paano maglagay ng komportableng distansya sa pagitan nila. Pinapakita niyang isa siyang mabuti at mapagkumbabang gentleman, dahilan para ang mga misis ng mga mayayaman na yun na ang mga mister ay laging busy sa mga career nila ay mas lalong mahulog sa kaniya.Kapag dumating na ang oras, tatanggapin ni Liam ang kabutihan ng mga rich wives na yun, kinukuha niya ang pera nila para sa investment para naman lumapit sa mga gold-diggers. Salamat sa “investment” ng mga rich wives, mayroon siyang kakayahan na magrenta ng luxury cars, villa at apartment.Pagkatapos basahin ang impormasyon, hindi mapigilan ni Maisie na bumilib sa talento ni Liam sa pag-arte. Naniniwala siyang magiging matagumpay ito kung ilalagay niya sa tama ang talento niya, at ngayon lang niya ang dahilan
Read more

Kabanata 1160

Natulala sandali si Liam bago kumunot ang noo. “Nagdududa na siya sa iyo? Paano yun nangyari?”Tinago niyang mabuti ang relasyon nila. At saka, nag-resign na si Hector at binabantayan siya ni Linda, imposibleng sinumbong siya nito.Bigla siyang mayroong naisip at saka tinabi ang upos ng sigarilyo. Naglakad siya at niyakap ang babae mula sa likuran. “Kung talagang nagdududa na siya sa iyo, bakit hindi… bakit hindi ka na lang makipa-divorce sa kaniya? Ipapangako ko, bibigyan kita ng mas magandang buhay.”Sandaling natigilan ang misis ng 1editor-in-chief bago tumawa at sumagot, “Anong sinasabi mo? Kapag nakipag-divorce ako sa kaniya ngayon, wala akong makukuha sa kaniya. Kapag nalaman niyang pinagtataksilan ko siya, hindi niya ako bibigyan ni singkong duling.”Ngumiti si Liam pero wala ng sinabi.Mayroong biglang naalala ang misis ng editor-in-chief, at nagdilim ang mukha niya. “Oo nga pala, hindi mo pa rin pinapaliwanag sa akin kung anong mayroon sa inyo ng malanding Linda na yun. G
Read more

Kabanata 1161

Tinitigan ng misis ng editor-in-chief ang dokumento sa kamay niya, kumunot ang noo at tinapon ang folder sa harapan ng passenger’s seat at saka nagmaneho paalis.Kinabukasan, sa fashion magazine company.Mayroong inutusan ang editor-in-chief para alamin kung saan nagpupunta ang misis niya. Wala siyang malalaman kung hindi niya yun ginawa, pero nalaman niyang madalas na bumisita ang misis niya sa Omen Hotel at bawat bisita nito ay umaabot ng ilang oras.Hiningi niya rin sa restaurant ang kanilang surveillance footage, at tama nga, ang misis niya ang babaeng gumawa ng eksena sa restaurant.Tinanong niya yun sa asawa niya kahapon pero nagsinungaling nga sa kaniya ang misis niya.“Garfield, pumasok ka dito.”Pumasok ang secretary niya. “Sir, anong maitutulong ko?”Seryoso ang mukha ng editor-in-chief at matagal na nag-isip bago ibigay ang utos niya. “Tulungan mo akong alamin kung saan nagpupunta si Liam nitong mga nakaraang araw. At tandaa mo, huwag mo ipapaalam sa sinuman na iniimb
Read more
PREV
1
...
114115116117118
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status