Home / Romance / The Three Little Guardian Angels / Chapter 1141 - Chapter 1150

All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 1141 - Chapter 1150

2769 Chapters

Kabanata 1142

"Oo." Tumango si Maisie."Maisie." Nakatayo si Xyla sa harap ng pinto. Nakasuot siya ng dress mula sa anak ng lalaki. Kahit na hindi ito ayon sa katawan niya, maganda pa rin siyang tingnan.Lumapit si Xyla at sinabi sa lalaking may balbas, "Pasensya na, Mr. Sullivan. Kaibigan ko siya."Tumango si Sullivan. Pagkatapos, umalis siya para gawin ang gawain niya habang nasa pagitan ng labi niya ang maniyang sigarilyo.Hinila ni Xyla si Maisie papasok sa bahay. Kahit na hindi magarbo at malawak ang bahay katulad ng kwarto sa mansion, malinis ito. May isang batang lalaki at isang matandang babae sa bahay bukod sa kanila."Hi," Binati siya ni Maisie, at nahihiyang kumaway pabalik sa kaniya ang batang lalaki.Pero, hindi nagbigay ng sagot ang matanda kay Maisie na parang hindi niya naintindihan ang sinabi niya.Lumapit si Xyla at sinabing, "Siya ang nanay ni Mr. Sullivan. Bingi siya."Nagulat si Maisie. May sumagi sa isip niya, at humarap siya para tingnan si Xyla. "Akala ni Yorrick pata
Read more

Kabanata 1143

Nagulat si Maisie. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakangiti na tiningnan si Nolan. "Paano mo nalaman?"Pinisil ni Nolan ang ilong ni Maisie at sinabing, "Alam ko na mula ng malaman natin na si Mandy ang patay na katawan."Yumuko si Maisie pero walang sinabing kahit ano.Inakala niya na gusto ni Sullivan na ipaghiganti ang anak niya, kaya trinato niya si Mandy sa kung paano nito trinato ang kaniyang anak para makaganti."Hindi yun palalampasin ng mga Nix, hindi ba?" tanong niya.Tumawa si Nolan. "Wala silang magagawa kung ayaw nila palampasin. Kung pinatay ng kaaway si Mandy, hindi sila gagawa ng hakbang dahil hindi nila alam kung sino ang kalaban nila. At saka, sa tingin mo ba hahayaan ni Yorrick na magawa nila yun?"Nakahanap ng komportable na pwesto si Maisie sa braso ni Nolan at pinaglaruan ang butones ng shirt niya. "Ibig sabihin alam ni Yorrick na buhay pa si Xyla, 'di ba?"Binuhat siya ni Nolan sa couch at hinalikan siya habang may mahinahon na ngiti sa kaniyang mukha. "
Read more

Kabanata 1144

Yumuko si Nolan at tumawa, "Well, hayaan na natin sila sa problema nila."…Isang linggo matapos bumalik ni Xyla sa Zlokovia, nakatanggap siya ng imbitasyon sa isang talk show. Alam ng lahat na ang host ng show ay matapang para itanong lahat. Tinanong niya rin ang scandal niya kay Yorrick sa harap ng audience.Nang nakatutok ang camera kay Xyla, natahimik siya ng ilang segundo bago sumagot habang nakangiti, "Totoo ang scandal."Nagulat ang host. "Talaga?"Nanatiling nakangiti si Xyla. "Yes. Medyo komplikado lang ang relasyon sa pagitan naming dalawa ni Mr. Hathaway, kaya pinili kong huwag sabihin sa iba.Tumawa ang host at nagpatuloy. "Masyado kang totoo, Xyla."Pagkatapos, nagtanong siya ulit. "Pwede mo ba sabihin sa amin kung anong relasyon ang mayroon kayo ngayon ni Mr. Hathaway?"Nilaro ni Xyla ang tassel niyang hikaw. May kaunti siyang makeup at nakasuot ng frost green halter dress. Ang ganda niya tingnan at nagbigay ng eleganteng aura."Ngayon?" Tumingin siya sa camera a
Read more

Kabanata 1145

Kinuha ni Xyla ang laptop. Tiningnan niya ang screen at message na nahagip ng mata niya.[Hihintayin kita.]Paglipas ng isang buwan, inimbitahan si Xyla para dumalo ng event ng high luxury brand sa Yaramoor. Nakasuot siya ng custom-made dress ng Somnus Star. Dress yun na may star rhinestone na light blue hanggang sa mag dark blue. May silk scarf sa balikat niya na gumagalaw sa tuwing kumikilis siya.Tumayo siya sa red carpet habang may ngiti sa kaniyang mukha at kumaway sa mga media reporter. Pagkatapos nun, naglakad siya kasama ang staff para sa autograph wall para pumirma.Biglang nagkaroon ng kaguluhan. Lumingon si Xyla at nakita si Yorrick na palapit sa direksyon niya kasama ang mga tao mula sa brand.Ang lalaki na may malapad na balikat at maliit na bewang ang naglalakad ng matikas ang tindig sa gitna ay ang lalaki na hindi niya nakit sa loob ng isang buwan.Sa ilalim ng flash, perpekto ang feature njya, at maputla ang mga tao sa gilid niya kung ikukumpara sa kaniya.Parang
Read more

Kabanata 1146

Nakipagpalitan ng tingin si Xyla kay Maisie at ngumiti. "Baka nga tadhana ito."Nakapangalumbaba si Maisie. "Nag-aalala kami ni Noles na magiging binata habambuhay si Yorrick noong nakaraan. Hindi ko talaga ito inakala."Suminghal si Nolan. "Kung tutuusin, middle-aged na siya at mag 37 na taong gulang na ngayong taon, kaya wala ng sapat na oras na natitira."Masama ang tingin ni Yorrick sa kaniya. "Tatlong taon ka lang na mas bata sa akin.""Okay, ilang taon na ba kayong dalawa sa inaakala niyo? At nagtatalo pa rin kayo na parang mga bata, nandito pa si Zee at Xyla, kaya pwede ba na huwag niyong ipahiya ang sarili niyo kapag nandiyan sila?" Kahit mukhang nagagalit si Madam Hathaway sa dalawang lalaki, mayroon siyang malaking ngiti sa kaniyang mukha sa buong oras na yun.Sinubukan ni Xyla at Maisie na pigilan ang tawa nila."Xyla." Tiningnan siya ni Madam Hathaway at kinuha ang wine glass sa mesa. "Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ng mom ni Yorrick sa'yo bago ito."Bahagyan
Read more

Kabanata 1147

Paglipas ng ilang araw, sa Stoslo…Nakita ni Ryleigh ang balita sa magazine na binabasa niya na umamin si Yorrick na ka-relasyon niya si Xyla. Mayroon ding larawan ang couple na kuha ng reporter."Hindi ko inakala na magiging couple sila!"Si Louis na nakaupo sa gilid habang umiinom ng kape ay bahagyang inangat ang kilay niya. "Hindi ba't magandang balita 'yun?""Syempre, magandang balita yun. Nahanap na ni Xyla ang kasiyahan na dapat sa kaniya, at hindi ka na niya iisipin." Nakapangalumbaba si Ryleigh at pinipigilan ang ngiti niya.Muntik na mabulunan si Louis sa kape niya at binaba niya ang tasa. "Ayan talaga ang bagay na inaalala mo?"Tumawa si Ryleigh. "Nagbibiro lang ako. Hindi ako nag-aalala tungkol doon. Iniisip ko lang…"Bumaba ang tingin ni Ryleigh. "Minahal ka niya ng sobra noon at naglaan ng anim na taon ng adult life niya sa'yo. Siguro ay sobrang lungkot niya noong maghiwalay kayo. At ngayong nahanap na niya ang ligaya na hinahanap niya, makakaalis na siya sa mapait
Read more

Kabanata 1148

Lumabas si Ryleigh sa ultrasound room habang hinahaplos ang tiyan niya. Hindi siya handa sa biglaang dagdag sa pamilya na nasa sinapupunan niya ngayon.'Nabuntis ako bago pa man ako maging handa biglang nanay.'Pero kung titingnan ang mga kilos ni Louis nitong mga nakaraang linggo, sinasabi niya sa akin na tumataba na ako, pero hindi niya ako pinipigilan kumain ng kahit ano. Hindi ako pinayagan magpuyat, kumain ng junk food, magsuot ng high heels, at kahit tumalon. Ibig sabihin ba nito matagal niya na 'tong napansin?'Tumayo si Louis at naghintay sa corridor. Magsasalita na sana nang makita niya si Ryleigh palabas ng kwarto. Pinigilan siya ni Ryleigh sa paghampas sa dibdib niya ng resulta. "Bakit hindi mo sinabi sa akin agad?"Kinuha niya ang report at tumingin sa agrabyadong mukha ni Ryleigh. "Ayaw mo… Ayaw mo ba magka anak?""Syempre hindi," Kabadong sagot ni Ryleigh. "Kung sinabi mo sa akin nung una pa lang, hinanda ko sana ang sarili ko. At ngayon nalaman ko na buntis ako bag
Read more

Kabanata 1149

Napakunot si Yorrick. "Walang hiya ka!"'Plano niya bang patagalin ang pananatili niya dito at magpatuloy na magdala ng gulo sa buhay ko?'Binaba ni Nolan ang teacup at walang nagbago sa ekspresyon niya. "Bakit naman ako aakto na may modo kapag kasama kita?"Natawa si Yorrick dahil sa galit, nilagay ang braso niya sa kanto ng mesa, at tinitigan si Nolan. "Nagustuhan ka ba ni Maisie dahil sa kabastusan mo?"Kaswal na inangat ni Nolan ang sleeves niya. "Ipaliwanag mo sa akin. Gaano karami ang nakakahiya mong ginawa noong naghahanap ka ng magiging asawa?"Napatahimik si Yorrick.Habang nakatayo sa taas, sabay na tumalikod si Maisie at Xyla at binangga ni Xyla ang braso niya gamit ang kaniyang siko. "Ganito ba silang dalawa lagi?"Humarap si Maisie para tingnan si Xyla. "Nakikilala mo pa lang sila. Nasa 30s na silang dalawa pero umaakto pa rin na parang bata."Mas lumawak ang nakikita ni Xyla.'Palaging regal at prominente si Mr. Goldmann sa harap ng publiko, hindi siya naging pal
Read more

Kabanata 1150

Mahinang tumawa si Nolan. "Binigyan mo na sila agad ng singsing.""Bakit ako maghihintay?" Lumapit si Maisie sa kaniya at kumurap. "Sa halip na hayaan sila na mag order ng singsing sa ibang jewelry company, bakit hindi ako ang mauna?"Hinaplos ni Nolan ang ulo ni Maisie at puno ng pagmamahal ang mata niya. "Oo, tama lagi ang misis ko."Sa oras na yun, nakatanggap ng text message si Maisie sa kaniyang phone. Galing yun kay Ryleigh."Nolan!" Agad niyang binanggit ang pangalan ni Nolan pagkatapos basahin ang message at nakangiting sinabi. "Magiging uncle ka na!"Niyakap siya ni Nolan at nilagay ang baba niya sa noo ni Maisie. "Nice, at may iba pa akong magandang balita sa'yo. May anak na si Helios ngayon.""Pinanganak na ang baby?" Nagulat si Maisie at tiningnan si Nolan.Mahina siyang sumagot habang hinahawakan ang buhok ni Maisie. "Kakatanggap ko lang ng balita."Pagkalipas ng kalahating taon, matatapos na ang autumn…Bumalik si Nolan at Maisie sa Bassburgh pagkatapos maayos ng
Read more

Kabanata 1151

Ngumiti si Maisie. “Mabuti. Ikaw na yan, pero pinili mong hindi gamitin ang koneksyon mo. Ikaw mismo ang sumubok na pumasok. Hinahangaan kita dahil dun.”Maraming kilala ang tiyuhin niya. Madali nilang magagamit ang malakas nilang koneksyon kung gusto ngang pumasok ni Francisco, pero hindi niya ginamit ang advantage na yun at nakapasok gamit ang sarili niyang pagsisikap. Pinapatunayan lang nito na hindi siya walang silbi katulad ng tingin sa kaniya ng iba.“Malandi ka, bakit mo nilalandi ang boyfriend ko?” Mayroong kaguluhan sa mga kwarto, at maraming customer mula sa main hall ang napasilip.Isa na sa kanila si Maisie. Isang babaeng nasa 40s ang hinila ang isang dalaga palabas ng isang kwarto at sinimulan itong bugbugin.Nakatalikod ang dalaga kaya hindi makita ni Maisie ang mukha nito, tanging ang pagsampal at pagsipa lang ng mas matandang babae ang nakikita niya.Isang server ang sumubok na pigilan siya, pero tinulak siya palayo ng babae, “Huwag kang mangialam. Nag-book ng kwar
Read more
PREV
1
...
113114115116117
...
277
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status