Biglang nahiya si Hector, pero mayroon siyang naalala. “Oo nga pala, ang middle-aged na babae na kasama kanina ng kapatid ko ay ang misis ng editor-in-chief namin.”Kumunot ang noo ni Maisie. “Ang karelasyon ni Mr. Lowe?”Tumango si Hector.Nag-isip si Maisie, ‘Ibig sabihin, nang nag-aaway si Linda at ang misis ng boss ni hector, si Mr. Lowe ang lalaki sa loob ng kwarto? Anong relasyon niya kay Linda?”Yumuko si Hector, halatang malungkot, “Gusto ko talagang payuhan ang kapatid ko, pero hindi siya nakikinig.”Ngumiti si Maisie. “Basta pinayuhan mo siya, ayos na yun. Nasa kaniya na yun kung makikinig siya o hindi. Hindi mo kasalanan na hindi siya nakikinig dahil ginawa mo na ang parte mo.”Tumango siya.Nang naglalakad na si Hector pabalik sa apartment niya, tinawag siya ni Maisie, tumalikod siya. “May iba pa ba?”Tiningnan siya ni Maisie. “Mas mabuting mag-ingat ka kay Mr. Lowe.”Natigilan sandali si Hector, pero nang makita kung gaano kaseryoso si Maisie, tumango siya.Pagli
Nanlamig ang mga mata ni Maisie. Si Linda siguro ang nasa likod nito!…Nang makita ng lahat ng nasa magazine company ang balitang yun, nagulat silang lahat.“Totoo ba yun? Nakulong dati si Hector?”“Nagbebenta siya ng droga at nasali sa mga away. Kriminal siya!”“Huwag kayo basta humusga dahil sa itsura. Nagkamali ba tayo ng pag-akusa kay Mr. Lowe tungkol sa nangyari sa relo niya?”“Posible. Nakulong na siya dati, kaya hindi na kakaiba kung ginawa niya talaga yun.”Nagkukwentuhan sila nang biglang dumating si Hector sa pinto, at natahimik silang lahat.Naglakad si Hector papunta sa desk niya at walang pinansin. Umalis siya pagkatapos kunin ang ilang dokumento at saka nakita si Liam na masayang naglalakad papunta sa kaniya nang nasa corridor na siya. “Kriminal, bakit nagpakita ka pa rin dito?”Hindi siya pinansin ni Hector at nilagpasan lang siya, pero hinarangan siya ni Liam gamit ang braso. “Hindi ba’t ang yabang mo noong nakaraan? Bakit ka tumatakas?”“Anong gusto mo?” Mah
Nagulat ang editor-in-chief. “Ano yun?”Tiningnan siya ni Hector at sinabing, “Mag-ingat kayo kay Mr. Lowe.”“Liam?” Naguluhan ang editor-in-chief. Tila nagulat siya sa sinabi ni Hector at nagtaka kung bakit siya kailangan mag-ingat kay Liam.“Anong problema?” Tanong niya.“Mayroong sariling hidden agenda si Mr. Lowe sa pagtatrabaho sa inyo. Ano man ang mangyari, bantayan niyo siya. Maiintindihan niyo rin yun balang-araw.”Pagkaalis ni Hector sa opisina, tiningnan ng editor-in-chief ag resignation letter na nasa desk niya at natahimik.Alam niya ang “alitan” nina Liam at Hector. 10 taon ng nagtatrabaho sa kaniya si Liam, at kilala na niya ang personalidad nito.Iresponsable at padalus-dalos si Liam na dahilan kung bakit hindi pa rin napo-promote hanggang ngayon. Mas magaling talaga si Hector kaysa sa kaniya, at may talento talaga ito sa fashion. Alam niya rin na si Liam ang nambintang kay Hector sa pagnanakaw ng relo niya dahil na rin sa inggit.‘Hindi ganoong klaseng tao si He
Pinaupo siya ni Nolan. Pagkatapos maupo ng editor-in-chief, bumukas ang bibig ni Nolan at marahang sinabi, “Nagustuhan ng misis ko ang recent beauty magazine na na-publish ng kumpanya mo, kaya pinapunta niya ako dito para itanong kung sino ang editor ng recent issues.”Natigilan ang editor-in-chief.Sumagot ang staff na nasa tabi niya, “Hindi ba’t ang editor ng recent issues ng beauty magazine ay si Hec—-”Bago pa niya matapos ang sasabihin, mayroon siyang napagtanto at natahimik.Kinuha ni Nolan ang tasa ng tsaa na inabot sa kaniya at nagtanong, “Hector ba ang gusto mong sabihin?”Nahihiyang ngumiti ang editor-in-chief. “Oo. Si Hector nga ang editor ng recent issues ng beauty magazine, pero nag-resign siya kahapon…”“Resigned? Anong nangyari?” Tanong ni Nolan habang sumisimsim ng tsaa.Bumuntong-hininga ang editor-in-chief at sumagot, “Ang totoo, magaling si Hector. Seryoso siya sa trabaho, at self-motivated siyang tao. Sa kasamaang palad, nakulong na siya noon, at malaking isy
“Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mong i-check ang surveillance recording ng Zen Garden. Alam ko naman na gusto mo rin malaman kung ano yung bagay na gustong sabihin sa iyo ni Hector pero pinili niya na lang mag-resign, tama?”Pagkatapos sabihin ang lahat ng gusto niyang sabihin, tumayo si Nolan at umalis.Hindi tanga ang editor-in-chief. Alam niyang pumunta dito si Nolan para kay Hector. Noong una, nawirduhan lang siya nang sabihin yun sa kaniya ni Hector bago siya umalis. Pero, pagkatapos ng lahat ng sinabi ni Nolan, kinilabutan siya at mas lalong nagduda sa kaniyang misis.Lumabas si Nolan sa fashion magazine company, at hinihintay naman siya ni Quincy sa loob ng sasakyan. Nang sumakay siya sa kotse, lumapit si Maisie mula sa back seat at nagtanong, “Sa tingin mo ay mag-iimbestiga ang editor-in-chief?”Tumawa si Nolan. “Nilinaw ko na sa kaniya ang lahat. Kung hindi niya pa rin yun maintindihan, wala na akong magagawa. Dapat lang siyang lokohin ng asawa niya.”Tumawa si M
Dagdag pa dito, nagpapaka-hard to get si Liam sa mga babaeng yun. Tatanggihan niya ang kabutihan nila, dahilan para mag-iba ang tingin nila sa kaniya at mas lalo siyang pagkatiwalaan. Hindi lang yun, pero alam ni Liam kung paano maglagay ng komportableng distansya sa pagitan nila. Pinapakita niyang isa siyang mabuti at mapagkumbabang gentleman, dahilan para ang mga misis ng mga mayayaman na yun na ang mga mister ay laging busy sa mga career nila ay mas lalong mahulog sa kaniya.Kapag dumating na ang oras, tatanggapin ni Liam ang kabutihan ng mga rich wives na yun, kinukuha niya ang pera nila para sa investment para naman lumapit sa mga gold-diggers. Salamat sa “investment” ng mga rich wives, mayroon siyang kakayahan na magrenta ng luxury cars, villa at apartment.Pagkatapos basahin ang impormasyon, hindi mapigilan ni Maisie na bumilib sa talento ni Liam sa pag-arte. Naniniwala siyang magiging matagumpay ito kung ilalagay niya sa tama ang talento niya, at ngayon lang niya ang dahilan
Natulala sandali si Liam bago kumunot ang noo. “Nagdududa na siya sa iyo? Paano yun nangyari?”Tinago niyang mabuti ang relasyon nila. At saka, nag-resign na si Hector at binabantayan siya ni Linda, imposibleng sinumbong siya nito.Bigla siyang mayroong naisip at saka tinabi ang upos ng sigarilyo. Naglakad siya at niyakap ang babae mula sa likuran. “Kung talagang nagdududa na siya sa iyo, bakit hindi… bakit hindi ka na lang makipa-divorce sa kaniya? Ipapangako ko, bibigyan kita ng mas magandang buhay.”Sandaling natigilan ang misis ng 1editor-in-chief bago tumawa at sumagot, “Anong sinasabi mo? Kapag nakipag-divorce ako sa kaniya ngayon, wala akong makukuha sa kaniya. Kapag nalaman niyang pinagtataksilan ko siya, hindi niya ako bibigyan ni singkong duling.”Ngumiti si Liam pero wala ng sinabi.Mayroong biglang naalala ang misis ng editor-in-chief, at nagdilim ang mukha niya. “Oo nga pala, hindi mo pa rin pinapaliwanag sa akin kung anong mayroon sa inyo ng malanding Linda na yun. G
Tinitigan ng misis ng editor-in-chief ang dokumento sa kamay niya, kumunot ang noo at tinapon ang folder sa harapan ng passenger’s seat at saka nagmaneho paalis.Kinabukasan, sa fashion magazine company.Mayroong inutusan ang editor-in-chief para alamin kung saan nagpupunta ang misis niya. Wala siyang malalaman kung hindi niya yun ginawa, pero nalaman niyang madalas na bumisita ang misis niya sa Omen Hotel at bawat bisita nito ay umaabot ng ilang oras.Hiningi niya rin sa restaurant ang kanilang surveillance footage, at tama nga, ang misis niya ang babaeng gumawa ng eksena sa restaurant.Tinanong niya yun sa asawa niya kahapon pero nagsinungaling nga sa kaniya ang misis niya.“Garfield, pumasok ka dito.”Pumasok ang secretary niya. “Sir, anong maitutulong ko?”Seryoso ang mukha ng editor-in-chief at matagal na nag-isip bago ibigay ang utos niya. “Tulungan mo akong alamin kung saan nagpupunta si Liam nitong mga nakaraang araw. At tandaa mo, huwag mo ipapaalam sa sinuman na iniimb
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa