Home / Romance / Scars From The Past / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Scars From The Past: Chapter 21 - Chapter 30

33 Chapters

Chapter Twenty-One- The Training Ground

Eliza POV "Not now, not yet, soon Enzo magpapakita din ako sa iyo!" Kahit ako'y nalilito sa mga pinapakitang kilos ni Enzo ay hindi dapat ako magpapatangay sa aking damdamin. Isa siyang kaaway na dapat kong iwasan. Kahit pa siya'y nagkapuwang sa aking puso't isipan dahil sa kanyang matatamis na salita na puno pala ng paglilinlang, isa pa rin siyang taksil at hindi dapat pagkatiwalaan. Nagmadali akong lumabas sa aking pinagtaguan ng narinig ko ang sasakyan na mabilis na lumayo. Hindi na rin ako nagtagal sa sementeryo at nilisan ko ito. Pumara ako ng taxi ng may dumaan sa labas ng gate ng sementeryo. Nagpahatid ako sa pinakamalapit na shopping mall. Tanghali na pala kung kaya't umorder ako sa isang sikat na fast food chain ng combo value meal. Sobrang gutom at uhaw ko kung kaya't simot lahat ng pagkain na inorder ko. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago nagpasyang maglibot libot muna sa loob ng mall. Bukod sa sobrang init sa labas para umuwi, mas maginhawa naman ang aking pakiramda
Read more

Chapter Twenty-Two- The Call

Eliza POV Pasado alas siyete na ng gabi ng makarating ako sa aming tahanan. Naabutan ko si Inay Linda at Rica na naghahapunan sa aming munting lamesa sa kusina. Inanyayahan nila akong sumabay sa kanila sa pagkain ngunit tumanggi ako. Mukhang masarap pa sana ang ulam dahil paborito kong tuyo at adobong kangkong ngunit pagod talaga ang aking katawang lupa at kailangan ng magpahinga. "Inay, magpapahinga na po ako at napagod ako sa biyahe. Rica ikaw na bahala dito," malamya kong sabi dahil bibigay na talaga ang aking talukap sa matinding pagod. "O, siya bes, pahinga ka na mukhang galing ka sa bakbakan at lowbat ka na, ako ng bahala dito" iiling-iling na sabi ni Rica. Tumuloy na ako sa aking silid. Ni magpalit ng damit ay hindi ko na naggawa. Tanging black leather jacket ko lang ang aking naitanggal sa aking kasuotan. Pagod kong ibinagsak ang aking likod sa aking pang-isahang higaan. Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari dahil ako'y tinangay na ng karimlan. When you close your
Read more

Chapter Twenty-Three- Officially Hired

Eliza POV"This is it; this is really it," usal ko sa aking aking sarili habang naliligo sa banyo.Minadali kong tapusin lahat ng gawain sa bahay bago lakarin ang mga dapat kung isumiti sa aking unang araw ng trabahosa lunes. Mabuti na lang pagkagising ko ay tapos ng nagagahan sila Inay Linda at Rica. Ayon pa kay Inay, maagang umalis ng bahay si Rica. Nagpaalam itong uuwi muna sa kanila dahil may importante daw itong gagawin.Ewan ko ba sa babaeng iyon. Hindi na ako updated sa ganap sa kanyang buhay. Ganun din naman siya sa akin. Kahit magbestfriend kami ay may mga bagay na hindi ko sinasabi sa kanya tulad na lang ng totoo kung pagkatao. Mas open pa ako kay Anton, siguro dahil malaki ang tiwala ko sa kanya dahil na rin sa tagal ng aming pinagsamahan. Isa rin sa dahilan kung bakit atubili akong isiwalat ang aking sikreto kay Rica ay dahil likas itong madaldal at ayaw kong mabulyaso ang aking mga plano.Pasado alas diyes na ng umaga akong nakaalis ng bahay. Ibinilin ko na lang si Inay
Read more

Chapter Twenty-Four- New Home

Eliza POV "Welcome to your new home, Esay," masiglang bungad ni Anton ng pagkapasok pa lang namin sa pinto ng condo unit niya. Ngumiti na rin ako ng pilit upang hindi siya madismaya. Ako pa ba dapat ang magiinarte na nagmamagandang loob na ang tao na patirahin niya ako ng libre sa kanyang condo unit. Hindi pa rin kasi ako nakamove sa pag-iyak sa pag-alis ko sa aming munting tirahan sa bayan. Almost ten years of my life, ngayon lang ako titira sa ibang bahay. Nasanay na din ako sa payak na pamumuhay sa bayan kasama ang mga taong kumupkop sa akin. Si tatay Fidel at nanay Linda. Kahit masakit sa akin na iwan si Inay Linda ay kailangan kong tiisin alang-alang sa aking paghihigante upang makamit ang tunay na hustisya. Tiyak na nabili na ng salapi ang hustisya para sa aking tunay na mga magulang. Kaya't nakalimutan at nabaon na lang sa nakalipas na mga taon. Ipapatikim ko sa kanila ang sakit ng nawalan na hindi ko naggawa dahil sa aking kamusmusan noon. Ngayon, ay handa na ako harapin an
Read more

Chapter Twenty-Five- The Disguise

Eliza POV"Hindi ka pa ba tapos diyan Esay malalate ka na?" bulyaw ni Anton sa labas ng aking silid."Malapit na konti na lang," sigaw ko din habang nakaupo sa harap ng vanity mirror."Is this really me?" nahihiwagaang usal ko.Halos hindi ko na makilala ang aking sarili sa malaking transformation sa aking itsura mula ulo hanggang paa. Natagalan ako ng pagsuot ng contact lens sa aking mata na kulay gray upang matabunan ang aking brown eyes na siyang malaking pagkakilanlan sa akin.Inayos ko ang pagkalagay ko ng eyeliner upang matabunan ang aking almond eyes at magkarron ng monolid eyelid effect.Ang karaniwang nude lipstick na aking ginagamit ay pinatungan ko ng dark maroon lipstick, Naglagay din ako ng blush on at contour sa aking cheeks. Over-all look ko ay ay bolder and fiercer. Gone the simple and baby face Eliza. The woman in front of me is matured and definitely wiser.Nang makuntento sa aking nakikitang pagbabago sa aking hitsura, sinuot ko na ang kulot na dark brown short wig s
Read more

Chapter Twenty-Six- The New Junior Accountant

Eliza POVPumasok ako sa isang glass door na may nakasulat sa taas na HR Department. Bumungad sa akin ang tahimik , malinis at malawak na silid. Isang middle-aged na ginang ang bumungad sa aking harapan."You must be the newly hired employee? I am Ms. Sylvia, come and sign these papers," pormal niyang sabi.Nagpalinga-linga muna ako sa buong paligid bago sumunod sa kanyang office table. Mahigit sampung lamesa ang nakalinya na may mga empleyadong nakatutok at abala sa kanilang gawain.Kinuha ko ang aking sign pen sa bag at maingat na inisa-isang pirma ang mga dokumentong nakalatag na sa lamesa ni Ms. Sylvia. Nang mapirmahan ko na ang lahat ay ibinalik ko ang mga ito sa kanya."Congratulations, Ms. Flores, you can now start working at the accounting office. You will be the Junior Accountant. Tara na at hinihintay ka na ng bago mong trabaho," masaya niyang paanyaya.Mainit naman ang pagtanggap ng bago kong kasamahan pagkarating ko sa aking departamento. Pinakilala ako ni Ms. Sylvia sa ex
Read more

Chapter Twenty-Seven- Her First Orgasm

Eliza POV A little bit SPG... Alas siyete pa lang ng umaga ay binabagtas ko na ang hallway ng Aragon Group of Companies papuntang elevator. Mabuti at wala pa masyadong empleyadong dumarating kung kaya't solong-solo ko ang elevator. Pakanta-kanta pa ako habang pinagmamasdan ang aking itsura sa glass wall. Dahil hindi ako nakatulog ng mahimbing kagabi.Napuyat akong kakaisip kung ano nga ba ang dahilan kung bakit imbes si Tito Joaquin ang nakaupong presidente ng kumpanya at bakit si Enzo mismo ang naginterview sa kanya at nakaupo mismo sa opisina ng presidente. Malinaw naman sa kanya ang mga pinag-usapan nila ng kanyang bagong boss at dahil nga sa mga mapanuring titig nito sa kanya na nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa bawat dulo ng kanyang himaymay. All she thought hindi na siya maapektuhan sa mga titig ni Enzo ngunit nagkamali siya. Tiyak kong hindi niya ako nakilala dahil pormal lang ang kanyang pakikipag-usap sa akin. Ni hindi ko siya nakitaan ng mga facial expressions na kilal
Read more

Chapter Twenty-Eight- Her Addictive Scent

Eliza POVInayos ko muna ang schedule ngayong araw ng bagong boss ko bago timplahan siya ng black coffee. Wala namang siyang appointment or business meetings. Just a couple of follow-ups from suppliers. Tinungo ko ang pantry at naghalungkat ng kape.Namangha ako sa nakitang mga dosenang packs of kapeng barako at nabasa ko ang brand at Nanay Linda's pa talaga ang nakasulat na label. Ito siguro ang dahilan kung bakit nakita ko siya sa palengke noong nakaraang linggo. Pinakyaw niya ang mga kape namin.Hindi naman talaga kami ang gumagawa ng kapeng barako. May supplier si nanay Linda at nirerepack nalang namin ni Ate Diding at nilalagyan ng panibagong label. Tamang-tama lang na pinakyaw niya lahat ng kapeng barako dahil pinasara ko na ang tindahan at pinabantayan na lang kay Ate Diding si Inay Linda para sa misyon kung ito.Agad akong nagtimpla ng kape at dinala ito sa loob ng kanyang opisina. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay rinig na rinig ko na ang lagaslas ng tubig. Kung hindi ako nagk
Read more

Chapter Twenty-Nine- The Lunch Date

Eliza POVTutok na tutok ako sa pag-aanalisa sa mga numerong nakaprinta sa mga dokumentong pinapaggawa ni Sir Enzo sa akin na nakalimutan ko na na tanghali na pala. Ni magmeryenda o uminom man lang ng tubig ay nakaligtaan ko ng gawin.Marami akong nakitang discrepancies at mga kahinahinalang withdrawal transactions na tantiya ko umabot na rin ng milyones. Hindi basta-basta mapapansin ang difference dahil iba-iba ang account na ginagamit. Malaki ang labas na puhunan at expenditures ngunit maliit ang pasok na profit.I wonder why hindi ito na napansin at na-audit ng tama ng mga accountants. For the last past five years ay same scenario. May account na pumapasok na nagbibigay ng maliit na kita ngunit malaki pa rin ang kawalan sa kumpanya. Mabuti na lang talaga at hindi pa rin naluluge ang kumpanya.Napapapitlag ako ng may dalawang kamay ang humahagod sa magkabilaan kung balikat."Miss Flores, let's have lunch, I don't take no for an answer. Let's go," maotoridad niyang sabi.Mabilis niya
Read more

Chapter Thirty- The Unexpected Visitor

Eliza POVDalawang linggo na ako sa trabaho bilang executive assistant ni Enzo at patuloy pa rin ang aking pagpapanggap. Sinasanay ko na rin ang aking sarili sa bago kong imahe na kahit nakakapagod na magsuot ng mga disguise na abobot at kung ano-anong kolorote sa mukha at mga old-fashioned dresses ay dapat kung panindigan at pangatawanan.Tumawag din si Anton sa akin noong isang araw na hindi niya ako masasamahan sa condo unit niya dahil may mahalaga daw siyang aasikasuhin at panatag naman daw ang kanyang loob dahil nga kakaiba ang aking itsura ay walang magtatangkang gagawan ako ng masama.Hindi ko pa nababanggit kay Anton na si Lorenzo Aragon ang aking boss at isa ako nitong executive assistant. Ang alam niya ay junior accountant ako at si Joaquin dela Vega ang aking pinagtratrabahuan at dahilan kung bakit ako nasa opisina ngayon upang isakatuparan ang paghihigante.Hindi na rin ako kinukulit at inaakit o ninanakawan ng halik ng boss kong walang iba kundi si Mr. Lorenzo Aragon. Nag
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status