Thanks for patiently waiting for the update of this story. Maraming maraming salamat po...Comment down below if nagustuhan n'yo po ang aking story...
Eliza POV"This is it; this is really it," usal ko sa aking aking sarili habang naliligo sa banyo.Minadali kong tapusin lahat ng gawain sa bahay bago lakarin ang mga dapat kung isumiti sa aking unang araw ng trabahosa lunes. Mabuti na lang pagkagising ko ay tapos ng nagagahan sila Inay Linda at Rica. Ayon pa kay Inay, maagang umalis ng bahay si Rica. Nagpaalam itong uuwi muna sa kanila dahil may importante daw itong gagawin.Ewan ko ba sa babaeng iyon. Hindi na ako updated sa ganap sa kanyang buhay. Ganun din naman siya sa akin. Kahit magbestfriend kami ay may mga bagay na hindi ko sinasabi sa kanya tulad na lang ng totoo kung pagkatao. Mas open pa ako kay Anton, siguro dahil malaki ang tiwala ko sa kanya dahil na rin sa tagal ng aming pinagsamahan. Isa rin sa dahilan kung bakit atubili akong isiwalat ang aking sikreto kay Rica ay dahil likas itong madaldal at ayaw kong mabulyaso ang aking mga plano.Pasado alas diyes na ng umaga akong nakaalis ng bahay. Ibinilin ko na lang si Inay
Eliza POV "Welcome to your new home, Esay," masiglang bungad ni Anton ng pagkapasok pa lang namin sa pinto ng condo unit niya. Ngumiti na rin ako ng pilit upang hindi siya madismaya. Ako pa ba dapat ang magiinarte na nagmamagandang loob na ang tao na patirahin niya ako ng libre sa kanyang condo unit. Hindi pa rin kasi ako nakamove sa pag-iyak sa pag-alis ko sa aming munting tirahan sa bayan. Almost ten years of my life, ngayon lang ako titira sa ibang bahay. Nasanay na din ako sa payak na pamumuhay sa bayan kasama ang mga taong kumupkop sa akin. Si tatay Fidel at nanay Linda. Kahit masakit sa akin na iwan si Inay Linda ay kailangan kong tiisin alang-alang sa aking paghihigante upang makamit ang tunay na hustisya. Tiyak na nabili na ng salapi ang hustisya para sa aking tunay na mga magulang. Kaya't nakalimutan at nabaon na lang sa nakalipas na mga taon. Ipapatikim ko sa kanila ang sakit ng nawalan na hindi ko naggawa dahil sa aking kamusmusan noon. Ngayon, ay handa na ako harapin an
Eliza POV"Hindi ka pa ba tapos diyan Esay malalate ka na?" bulyaw ni Anton sa labas ng aking silid."Malapit na konti na lang," sigaw ko din habang nakaupo sa harap ng vanity mirror."Is this really me?" nahihiwagaang usal ko.Halos hindi ko na makilala ang aking sarili sa malaking transformation sa aking itsura mula ulo hanggang paa. Natagalan ako ng pagsuot ng contact lens sa aking mata na kulay gray upang matabunan ang aking brown eyes na siyang malaking pagkakilanlan sa akin.Inayos ko ang pagkalagay ko ng eyeliner upang matabunan ang aking almond eyes at magkarron ng monolid eyelid effect.Ang karaniwang nude lipstick na aking ginagamit ay pinatungan ko ng dark maroon lipstick, Naglagay din ako ng blush on at contour sa aking cheeks. Over-all look ko ay ay bolder and fiercer. Gone the simple and baby face Eliza. The woman in front of me is matured and definitely wiser.Nang makuntento sa aking nakikitang pagbabago sa aking hitsura, sinuot ko na ang kulot na dark brown short wig s
Eliza POVPumasok ako sa isang glass door na may nakasulat sa taas na HR Department. Bumungad sa akin ang tahimik , malinis at malawak na silid. Isang middle-aged na ginang ang bumungad sa aking harapan."You must be the newly hired employee? I am Ms. Sylvia, come and sign these papers," pormal niyang sabi.Nagpalinga-linga muna ako sa buong paligid bago sumunod sa kanyang office table. Mahigit sampung lamesa ang nakalinya na may mga empleyadong nakatutok at abala sa kanilang gawain.Kinuha ko ang aking sign pen sa bag at maingat na inisa-isang pirma ang mga dokumentong nakalatag na sa lamesa ni Ms. Sylvia. Nang mapirmahan ko na ang lahat ay ibinalik ko ang mga ito sa kanya."Congratulations, Ms. Flores, you can now start working at the accounting office. You will be the Junior Accountant. Tara na at hinihintay ka na ng bago mong trabaho," masaya niyang paanyaya.Mainit naman ang pagtanggap ng bago kong kasamahan pagkarating ko sa aking departamento. Pinakilala ako ni Ms. Sylvia sa ex
Eliza POV A little bit SPG... Alas siyete pa lang ng umaga ay binabagtas ko na ang hallway ng Aragon Group of Companies papuntang elevator. Mabuti at wala pa masyadong empleyadong dumarating kung kaya't solong-solo ko ang elevator. Pakanta-kanta pa ako habang pinagmamasdan ang aking itsura sa glass wall. Dahil hindi ako nakatulog ng mahimbing kagabi.Napuyat akong kakaisip kung ano nga ba ang dahilan kung bakit imbes si Tito Joaquin ang nakaupong presidente ng kumpanya at bakit si Enzo mismo ang naginterview sa kanya at nakaupo mismo sa opisina ng presidente. Malinaw naman sa kanya ang mga pinag-usapan nila ng kanyang bagong boss at dahil nga sa mga mapanuring titig nito sa kanya na nagdudulot ng kakaibang sensasyon sa bawat dulo ng kanyang himaymay. All she thought hindi na siya maapektuhan sa mga titig ni Enzo ngunit nagkamali siya. Tiyak kong hindi niya ako nakilala dahil pormal lang ang kanyang pakikipag-usap sa akin. Ni hindi ko siya nakitaan ng mga facial expressions na kilal
Eliza POVInayos ko muna ang schedule ngayong araw ng bagong boss ko bago timplahan siya ng black coffee. Wala namang siyang appointment or business meetings. Just a couple of follow-ups from suppliers. Tinungo ko ang pantry at naghalungkat ng kape.Namangha ako sa nakitang mga dosenang packs of kapeng barako at nabasa ko ang brand at Nanay Linda's pa talaga ang nakasulat na label. Ito siguro ang dahilan kung bakit nakita ko siya sa palengke noong nakaraang linggo. Pinakyaw niya ang mga kape namin.Hindi naman talaga kami ang gumagawa ng kapeng barako. May supplier si nanay Linda at nirerepack nalang namin ni Ate Diding at nilalagyan ng panibagong label. Tamang-tama lang na pinakyaw niya lahat ng kapeng barako dahil pinasara ko na ang tindahan at pinabantayan na lang kay Ate Diding si Inay Linda para sa misyon kung ito.Agad akong nagtimpla ng kape at dinala ito sa loob ng kanyang opisina. Pagkapasok ko pa lang sa loob ay rinig na rinig ko na ang lagaslas ng tubig. Kung hindi ako nagk
Eliza POVTutok na tutok ako sa pag-aanalisa sa mga numerong nakaprinta sa mga dokumentong pinapaggawa ni Sir Enzo sa akin na nakalimutan ko na na tanghali na pala. Ni magmeryenda o uminom man lang ng tubig ay nakaligtaan ko ng gawin.Marami akong nakitang discrepancies at mga kahinahinalang withdrawal transactions na tantiya ko umabot na rin ng milyones. Hindi basta-basta mapapansin ang difference dahil iba-iba ang account na ginagamit. Malaki ang labas na puhunan at expenditures ngunit maliit ang pasok na profit.I wonder why hindi ito na napansin at na-audit ng tama ng mga accountants. For the last past five years ay same scenario. May account na pumapasok na nagbibigay ng maliit na kita ngunit malaki pa rin ang kawalan sa kumpanya. Mabuti na lang talaga at hindi pa rin naluluge ang kumpanya.Napapapitlag ako ng may dalawang kamay ang humahagod sa magkabilaan kung balikat."Miss Flores, let's have lunch, I don't take no for an answer. Let's go," maotoridad niyang sabi.Mabilis niya
Eliza POVDalawang linggo na ako sa trabaho bilang executive assistant ni Enzo at patuloy pa rin ang aking pagpapanggap. Sinasanay ko na rin ang aking sarili sa bago kong imahe na kahit nakakapagod na magsuot ng mga disguise na abobot at kung ano-anong kolorote sa mukha at mga old-fashioned dresses ay dapat kung panindigan at pangatawanan.Tumawag din si Anton sa akin noong isang araw na hindi niya ako masasamahan sa condo unit niya dahil may mahalaga daw siyang aasikasuhin at panatag naman daw ang kanyang loob dahil nga kakaiba ang aking itsura ay walang magtatangkang gagawan ako ng masama.Hindi ko pa nababanggit kay Anton na si Lorenzo Aragon ang aking boss at isa ako nitong executive assistant. Ang alam niya ay junior accountant ako at si Joaquin dela Vega ang aking pinagtratrabahuan at dahilan kung bakit ako nasa opisina ngayon upang isakatuparan ang paghihigante.Hindi na rin ako kinukulit at inaakit o ninanakawan ng halik ng boss kong walang iba kundi si Mr. Lorenzo Aragon. Nag
HER POV “Wow, fren, hindi ka na talaga mareach.. kahit pa siguro buong araw na libutin ko itong mansiyon mo ay hindi ko matatapos!,” anas pa ni Rica sa akin na hindi mapigilang mamangha sa paglilibot sa bagong tapos na mansiyon na pinaggawa ko. "Sobra ka naman Ric! Hindi naman sobrang laki nito na hindi na tayo magkikita- kita. Sakto lang ito para sa atin nila Inay Linda," komento ko pa na nangingiti na rin sa reaksiyon nito. "Haler sakto lang, sobra- sobra na ito para sa atin. Iyon lang nga bahay ninyo sa probinsiya ay hindi na nga tayo naririnig ni nay Linda sa mga harutan at tsismisan sa maliit mong silid, ito pa kaya!," paliwanag pa nito. "Haist, fren, siyempre level-up na tayo ngayon iba na ang buhay natin ngayon at kasama ka sa pag-asenso ko!," tinapik- tapik ko si Rica sa kanyang balikat na sakto namang paglabas ni Inay Linda sa sasakyan na bagong dating. Pinasundo ko si Inay Linda sa probinsiya sa aking company driver. Wala na akong balita kay Mang Damian at kay Ma
"My son.... Enzo... hmmm...," pilit na ibinubuka ni mommy ang bibig niya upang kausapin ako ngunit pinigilan ko siya agad. "Shhhh... okay lang mommy, huwag ka munang magsalita, hindi makakabuti sa iyong kalagayan," sabi ko pa. Ngumiti si mommy sa akin at pinisil rin ang kamay kong hawak niya. Awa ng Diyos matapos ang mahabang oras ng operasyon at ilang oras niyang pananatili sa recovery room ay naggising na rin si mommy. Matagumpay ang naging operasyon kay mommy. Mabuti na lang ay minor reconstruction lang ng heart niya ang ginawa sa kanyang puso. Inayos lang ang mga valves na bumura ng daluyan ng dugo sa kanyang puso na hindi na madadala sa gamutan ng tabletas at kapsula. "Mom, don't worry too much, ayos lang ako, ang intindihin mo ang magpaggaling, okay?," tumatango-tango siya sa akin at biglang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. "Mom... naman please tatagan mo ang sarili mo... I love you, mom... please don't cry," sinikap kong hindi mapaiyak at mapiyok sa pagsubo
"Mom, magpaggaling ka para sa amin ni Eliza... kailangan ka namin please... mom...," usal ko habang nasa labas ng operating room. Kinakailangang maoperahan agad- agad si mommy dahilan sa paghina ng puso nito. Ang dami ng komplikasyon ng sakit niya. Sa pagdaan ng panahon mas lalong lumalala ang kanyang kondisyon. We have the best doctors but then wala pa ring pinagbago ang kalagayan niya. I had to fly back here in the US without Eliza's knowledge. Masakit man na iwan ko siya ng walang paalam at kinakailangan upang hindi na siya madamay pa sa mga kaguluhan ng pamilya ko. Yes, my family... my mom's medical condition and my stepdad's evil doings. Hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko dahil ang akala ko na kapamilya at may malasakit sa amin ni mommy ay siyang nagtraydor sa amin. Kaya pala hindi gumagaling si mommy dahil mali- mali ang mga gamot na iniinom nito. At ang may pakana ng lahat ay walang iba kung hindi ang demonyo kong amain. Titodad did all these to momm
"Wow, friend, bigatin muna talaga, ang ganda ganda muna plus itong opisina mo super ganda, asinsado kana talaga," sabi ng kaibigan niyang si Rica na ipinalit niyang bagong executive assistant pagkatapos niyang palayasin ang malanding si Jen. Buhat ng tagpong nasaksihan kong kababuyan ng aking sekretarya at tinuring na boy bestfriend na si Anton ay hindi na ako nag-opisina pa sa silid na iyon.Agad kong pinabaklas ang opisina at nagpaggawa ako ng bagong silid sa top floor pa rin. Sa lapad ba naman ng espasyo sa executive floor ay makakagawa ako ng maraming silid kung gugustuhin ko.Dalawang silid lang ang pinaggawa ko.Ang aking main office at isang private suite kung saan ako matutulog kung maisipan kong hindi na uuwi pa sa nirentahang apartment. "Hindi naman friend!" nangingiti kong sabi dito. "Sus, napakalow key person mo talaga,Eliza!Obvious na obvious na nga deny ka pa diyan, eh, kurutin ko nga iyang singit mo ngayon, sige ka!" turan sa akin ni Rica. "Oo na nga, huwag mo
Pumara ako ng taxi at sumakay papunta sa E-Business Empire company. Ibinalik ko sa dating orihinal na pangalan ang kumpanya.Iyon ang una kong inilakad ng nauna akong humalili bilang OIC ng kumpanyang basta na lang nilisan ni Enzo. And this is the second time around he leave the company without any notice.Tila ba na parang bula na agad ding nawawala. Hindi naman nagtanong ang herodes na Enzo kung ano ang pinanggagawa ko sa kumpanya. In short, hinayaan na nito ako sa mga decision making ng kumpanya. At mas pabor nga sa akin ang ginawa ni Enzo dahil mabilis kung masasakatuparan ang aking mga plano. Ang una ay mapunta sa aking pangalan ang pag-aari ng kumpanya.Although, major stockholder din ang parents ni Enzo sa kumpanya ay mas malaki naman ng aking mga magulang. Si Daddy naman ang nagsimulang nagtatag ng kumpanya dahil siya naman ang bihasang arkitekto at ang mga itinuring niyang kaibigan ay pawang mga investors lamang. They are not really into developing properties u
"Make me the new version of me," saad ko sa tauhan sa parlor na pinasukan ko sa mall. Katatapos ko lang magshopping ng mga bagong damit dahil ang mga luma kong mga damit ay sabay ko ng dinespatsa sa basurahan. Out with the old me and even the pretender me.Just in with my new me, my new look. Sabay ng aking pagmomove on ay ang pagbabago ng lahat ng aking istilo.Mula sa mga damit papunta sa nakagawian na hitsura ay babaguhin ko na. Mabuti na lang at dininig ng Diyos ang aking hiling na patulugin ako at pahupain ang aking nalulumbay na damdamin. Kaya't may lakas akong makalabas ng apartment at tumungo sa mall at simulan na ang pagbabago sa aking sarili. "Yes mam, pagagandahin kita ng bonggang bongga, just wait and see," tugon pa ng baklang tauhan na sa unang tingin ay mapagkakamalang babae kung hindi lang ito nagsalita at narinig ko ang bekeng boses nito. Sinabi ko naman sa bakla ang gusto kong make-over na kalalabasan.Kinumbinse niya naman ako na kaya niyang gawin ang gusto
I can't never turn back time nor I can't never bring back the torn pieces into one.Hindi na maibabalik ang nakaraan at hindi na maaring maitatama ang pagkakamali. What was done was done.Hindi ko na dapat pang pag-aksayahanan ng mga luha at hinagpis ang taong ayaw ng magpakita sa akin at tila kinalimutan na lang ako ng ganun ganun na lamang. Bumangon ako sa higaan dahil hindi ako makatulog.Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng isang baso sa cupboard.Nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso na nakuha ko sa loob ng ref. Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa malamig na tubig na dumaloy sa aking lalamunan na pakiramdam ko kanina na nanunuyo na sa labis kong pag-iyak. "Pinapangako ko Enzo huling gabi na itong pagdadalamhati ko sa iyo, hinding-hindi na ako iiyak sa katulad mong walang kwenta!" malakas kong sabi sa kawalan. Napasalampak ako sa malamig na tiles at doon ibinuhos lahat ng sama ng loob.Isang buwan na rin akong ganito, wala sa sarili at laging pumapalahaw ng iyak. Dati sa b
"Tutuloy na po ako, maraming maraming salamat po sa lahat ng kabutihan at pag-aalaga n'yo po sa akin," pagpapaalam ko kay Manang Lupe. "Talagang hindi na ba kita mapipigilan, hija? baka kasi bumalik si Enzo dito at hindi ka maabutan, eh sayang naman," pagpipigil niya sa akin. "Hindi na darating iyon Manang Lupe, kung may plano iyong bumalik sana ay noong nakaraan pa," sabi ko pa sa kanya. "Sabagay tama ka naman hija," sagot nito. Isang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring Enzo na bumalik at nagpakita sa akin.Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan.Bakit hindi niya na lang direktang sabihin sa akin na tapos na ang kahibangan niya sa akin.Hindi itong pinaghihintay niya ako sa wala. Sa bagay, wala namang kaming matatawag na relasyon.We both shared how many nights of passion and union but there was never been total confrontation and affirmation of our true feelings for each other. Walang kami, what we shared was purely lust.Hindi matatawag na pag-ibig ang pin
Eliza POV Malapit na talaga akong maloloka sa kaiisip kung nasaan na si Enzo.Hindi ko maggawa itong tawagan dahil hindi ko naman alam ang numero nito. Hindi din alam ni Manang Lupe ang numero ni Enzo.Ang dahilan niya pa ay ang mister niya lang daw ang nakakatawag dahil mayroon itong sariling telepono. Ayon kay Manang Lupe ay hindi daw siya marunong gumamit ng telepono kaya't hindi na siya nag-abala pa bilhan ang sarili ng ganoong gamit. Mas gusto pa daw ni Manang Lupe ang magluto at maglinis ng bahay buong araw kaysa magbabad sa makabagong telepono. Kaya't hindi ko mawari kung paano kokontakin ang lalakeng tumangay ng aking pagkabirhen.Pagkatapos akong pagsawaan ay agad din akong iniwan ng basta basta ng walang pasabi. Inilipat ko ang mini stereo ni Manang Lupe sa aking silid upang hindi naman ako maburo.At least, maaliw ako sa pakikinig ng musika at pati na rin ang pag-awit ng videoke ay sinubukan ko na rin. Araw-araw na rin akong tumatawag kina Ate Diding at Inay Linda