author-banner
Sweety Elle
Sweety Elle
Author

Novels by Sweety Elle

Scars From The Past

Scars From The Past

Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
Читать
Chapter: Chapter Sixty-Three- Her Mansion
HER POV “Wow, fren, hindi ka na talaga mareach.. kahit pa siguro buong araw na libutin ko itong mansiyon mo ay hindi ko matatapos!,” anas pa ni Rica sa akin na hindi mapigilang mamangha sa paglilibot sa bagong tapos na mansiyon na pinaggawa ko. "Sobra ka naman Ric! Hindi naman sobrang laki nito na hindi na tayo magkikita- kita. Sakto lang ito para sa atin nila Inay Linda," komento ko pa na nangingiti na rin sa reaksiyon nito. "Haler sakto lang, sobra- sobra na ito para sa atin. Iyon lang nga bahay ninyo sa probinsiya ay hindi na nga tayo naririnig ni nay Linda sa mga harutan at tsismisan sa maliit mong silid, ito pa kaya!," paliwanag pa nito. "Haist, fren, siyempre level-up na tayo ngayon iba na ang buhay natin ngayon at kasama ka sa pag-asenso ko!," tinapik- tapik ko si Rica sa kanyang balikat na sakto namang paglabas ni Inay Linda sa sasakyan na bagong dating. Pinasundo ko si Inay Linda sa probinsiya sa aking company driver. Wala na akong balita kay Mang Damian at kay Ma
Последнее обновление: 2025-04-18
Chapter: Chapter Sixty-Two-His Mommy
"My son.... Enzo... hmmm...," pilit na ibinubuka ni mommy ang bibig niya upang kausapin ako ngunit pinigilan ko siya agad. "Shhhh... okay lang mommy, huwag ka munang magsalita, hindi makakabuti sa iyong kalagayan," sabi ko pa. Ngumiti si mommy sa akin at pinisil rin ang kamay kong hawak niya. Awa ng Diyos matapos ang mahabang oras ng operasyon at ilang oras niyang pananatili sa recovery room ay naggising na rin si mommy. Matagumpay ang naging operasyon kay mommy. Mabuti na lang ay minor reconstruction lang ng heart niya ang ginawa sa kanyang puso. Inayos lang ang mga valves na bumura ng daluyan ng dugo sa kanyang puso na hindi na madadala sa gamutan ng tabletas at kapsula. "Mom, don't worry too much, ayos lang ako, ang intindihin mo ang magpaggaling, okay?," tumatango-tango siya sa akin at biglang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata. "Mom... naman please tatagan mo ang sarili mo... I love you, mom... please don't cry," sinikap kong hindi mapaiyak at mapiyok sa pagsubo
Последнее обновление: 2025-04-17
Chapter: Chapter Sixty-One- His Whereabouts
"Mom, magpaggaling ka para sa amin ni Eliza... kailangan ka namin please... mom...," usal ko habang nasa labas ng operating room. Kinakailangang maoperahan agad- agad si mommy dahilan sa paghina ng puso nito. Ang dami ng komplikasyon ng sakit niya. Sa pagdaan ng panahon mas lalong lumalala ang kanyang kondisyon. We have the best doctors but then wala pa ring pinagbago ang kalagayan niya. I had to fly back here in the US without Eliza's knowledge. Masakit man na iwan ko siya ng walang paalam at kinakailangan upang hindi na siya madamay pa sa mga kaguluhan ng pamilya ko. Yes, my family... my mom's medical condition and my stepdad's evil doings. Hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko dahil ang akala ko na kapamilya at may malasakit sa amin ni mommy ay siyang nagtraydor sa amin. Kaya pala hindi gumagaling si mommy dahil mali- mali ang mga gamot na iniinom nito. At ang may pakana ng lahat ay walang iba kung hindi ang demonyo kong amain. Titodad did all these to momm
Последнее обновление: 2025-04-16
Chapter: Chapter Sixty- Decluttering
"Wow, friend, bigatin muna talaga, ang ganda ganda muna plus itong opisina mo super ganda, asinsado kana talaga," sabi ng kaibigan niyang si Rica na ipinalit niyang bagong executive assistant pagkatapos niyang palayasin ang malanding si Jen. Buhat ng tagpong nasaksihan kong kababuyan ng aking sekretarya at tinuring na boy bestfriend na si Anton ay hindi na ako nag-opisina pa sa silid na iyon.Agad kong pinabaklas ang opisina at nagpaggawa ako ng bagong silid sa top floor pa rin. Sa lapad ba naman ng espasyo sa executive floor ay makakagawa ako ng maraming silid kung gugustuhin ko.Dalawang silid lang ang pinaggawa ko.Ang aking main office at isang private suite kung saan ako matutulog kung maisipan kong hindi na uuwi pa sa nirentahang apartment. "Hindi naman friend!" nangingiti kong sabi dito. "Sus, napakalow key person mo talaga,Eliza!Obvious na obvious na nga deny ka pa diyan, eh, kurutin ko nga iyang singit mo ngayon, sige ka!" turan sa akin ni Rica. "Oo na nga, huwag mo
Последнее обновление: 2025-04-16
Chapter: Chapter Fifty-Nine- Her Return
Pumara ako ng taxi at sumakay papunta sa E-Business Empire company. Ibinalik ko sa dating orihinal na pangalan ang kumpanya.Iyon ang una kong inilakad ng nauna akong humalili bilang OIC ng kumpanyang basta na lang nilisan ni Enzo. And this is the second time around he leave the company without any notice.Tila ba na parang bula na agad ding nawawala. Hindi naman nagtanong ang herodes na Enzo kung ano ang pinanggagawa ko sa kumpanya. In short, hinayaan na nito ako sa mga decision making ng kumpanya. At mas pabor nga sa akin ang ginawa ni Enzo dahil mabilis kung masasakatuparan ang aking mga plano. Ang una ay mapunta sa aking pangalan ang pag-aari ng kumpanya.Although, major stockholder din ang parents ni Enzo sa kumpanya ay mas malaki naman ng aking mga magulang. Si Daddy naman ang nagsimulang nagtatag ng kumpanya dahil siya naman ang bihasang arkitekto at ang mga itinuring niyang kaibigan ay pawang mga investors lamang. They are not really into developing properties u
Последнее обновление: 2025-04-16
Chapter: Chapter Fifty-Eight- New Self
"Make me the new version of me," saad ko sa tauhan sa parlor na pinasukan ko sa mall. Katatapos ko lang magshopping ng mga bagong damit dahil ang mga luma kong mga damit ay sabay ko ng dinespatsa sa basurahan. Out with the old me and even the pretender me.Just in with my new me, my new look. Sabay ng aking pagmomove on ay ang pagbabago ng lahat ng aking istilo.Mula sa mga damit papunta sa nakagawian na hitsura ay babaguhin ko na. Mabuti na lang at dininig ng Diyos ang aking hiling na patulugin ako at pahupain ang aking nalulumbay na damdamin. Kaya't may lakas akong makalabas ng apartment at tumungo sa mall at simulan na ang pagbabago sa aking sarili. "Yes mam, pagagandahin kita ng bonggang bongga, just wait and see," tugon pa ng baklang tauhan na sa unang tingin ay mapagkakamalang babae kung hindi lang ito nagsalita at narinig ko ang bekeng boses nito. Sinabi ko naman sa bakla ang gusto kong make-over na kalalabasan.Kinumbinse niya naman ako na kaya niyang gawin ang gusto
Последнее обновление: 2025-04-16
TO LOVE A BILLIONAIRE

TO LOVE A BILLIONAIRE

Lumaking puno ng pagmamahal si Jayda ng kanyang mga magulang.Mahirap man sila ay naibibigay naman sa kanya ang kanyang mga pangangailangan at naigapang siya sa pag-aaral.Nakapagtapos siya ng kursong edukasyon at sa awa ng Maykapal ay naipasa niya ang board exam ng maluwalhati.Sa paghihintay niyang makapasok ng trabaho sa gobyerno bilang isang pampublikong guro ay napagpasyahan niyang magpartime bilang isang tutor ng isang 6 year-old na batang lalake na nirekomenda sa kanya ng kanyang propesora sa universidad kung saan siya nakapagtapos. Ang inaakala niyang simpleng bata lang ang kanyang tuturuan magbasa ay isa pa lang napakakumplikadong trabaho dahil sa tiyuhin nitong ubod ng strikto,dominante at walang puso kung umasta.Mukhang hindi lang ang bata ang kanyang magiging tutee pati na rin ang tiyuhin nito, paano niya kaya mapapalambot si Jethro Montenegro, na isang kilalang tycoon monster na walang puwang ang pag-ibig sa puso nito kung hindi poot at galit? Mahuhulog kaya sa kanya si Jethro na sa unang pagkikita pa lang nila ay nagpakita na ito ng disgusto sa kanya? Jethro Montenegro Isang kilalang eligible bachelor na business tycoon.Sa edad na 30 ay nanatili itong binata at walang planong mag-asawa dahil na rin sa responsibilidad na naiwan sa kanya ng kanyang yumaong bunsong kapatid, ang anak nitong si Timothy. Siya ang nagsisilbing legal guardian ng bata dahil ulila na rin siya sa magulang.Binuhos niya ang kanyang oras sa pagpapalago ng naiwang negosyo ng mga magulang na minsan hindi niya nabibigyan ng oras ang pamangkin.Naghire siya ng tutor ng bata upang matuto itong magbasa ngunit hindi niya inakala na pati siya matuturuan matibag ang pusong matigas pa sa bato.Mapapaglabanan niya kaya ang namumuong pagtangi niya kay Loren o magpapatangay na lang kaya siya sa kakaibang alindog ni Jayda sa kanya?
Читать
Chapter: Chapter 8- Jayda
Nagmadali akong kumuha ng tuwalya ko sa cabinet at ibinalot sa aking katawang basa-basa pa ng tubig galing sa pagshoshower. Hindi ko akalain na hindi ko pala nailock ang pinto ng silid kung kaya't walang kahirap hirap na nakapasok ang bastos kong amo. Oo, bastos siya dahil basta-basta na lang susugod-sugod ng silid na hindi man lang kumakatok.Eh, paano naman niya maririnig, eh, nasa shower siya.Kahit na, bakit nanatili pa rin sa silid at prenteng inintay siya makalabas ng banyo.Talagang sinadya ng hudas niyang amo na bosohan siya. Naggigil at inis na inis siyang kinakausap ang sarili.Sinigurado niyang nailock niya ang silid bago nagbihis ng terno pajama niya.Pinatuyo niya ang basa at hanggang balikat niya na buhok bago magpasyang humiga sa kama. Nag-iinit ang pakiramdam niya ng mabalik sa kanyang isipan ang nagganap na eksena kaninang umaga at pati na rin sa nangyari ilang minuto pa lang. Naalala niya ang huling sinabi ng amo bago ito umalis ng silid na patas na sila dah
Последнее обновление: 2025-04-21
Chapter: Chapter 7- Jayda
"Shit, muntik na!" ang tanging nasabi ko sa kawalan sa paglabas ko sa pinto ng silid kung nasaan ang amo kong lalake na halos hubo't hubad na nakalapit sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na yelo, ang lamig lamig ng aking mga kamay. Ngayon lang may gumawa ng ganito sa akin na isang lalakeng nagtangkang molestiyahin ang inosenteng kong pagkatao. Molestiya ba ang matatawag doon, eh sa isip niya ay nagugustuhan niya rin ang paglapit ng kanyang among lalake sa kanya. Naghagilap siya ng mauupuan dahil hapong-hapo siya, tila nanginginig din ang kanyang tuhod sa kaba. Mabuti na lang ay may nakita siyang puting monoblock chair sa may bandang dulong bahagi ng silid. Hinila niya ito at ipinuwesto sa gilid ng office table ng amo. Dito na lang niya hihintayin ang amo. Gustong-gusto niya ng lumabas at lisanin ang lugar na ito ngunit hindi pupuwede. Pinaalalahanan niya ang sarili na walang sukuan sa laban na ito. Nagpakalawa siya ng malalim na buntong-hininga at pilit na pinapakal
Последнее обновление: 2025-04-21
Chapter: Chapter 6- Jayda
Pasado alas sais y medya na ng umaga ng magising si Jayda.Hindi siya masyado nakatulog ng mahimbing matapos masaksihan ang p********k ng dalawang nilalang na sa hula niya ay mga magulang ng kanyang tutee. Agad siyang bumangon sa higaan at dumeritso sa banyo upang maligo.Madali lang siyang natapos sa pag-aayos sa sarili.Suot niya na ulit ang bagong set ng uniporme niya bilang tutor ng batang si Timothy. Parang uniporme ito ng isang nurse ngunit makulay ang disenyong pambata. Nagmumukha yata siyang yaya imbes na guro. Isinantabi niya na ang isiping ganoon, importante ay may trabaho siyang marangal habang hinihintay ang resulta ng kanyang aplikasyon sa DepEd. Lumabas na siya ng silid at tinahak ang daan patungo sa elevator upang tumungo sa ground floor kung saan marahil ay hinihintay na siya ng kanyang tutee. Kung bakit kasi saan-saan lumilipad ang makamunduhan niyang pag-iisip pagkatapos niyang makita ang p********k ng mga amo niya.Hayan tuloy napuyat siya ng husto. Pagbukas
Последнее обновление: 2025-04-18
Chapter: Chapter 5- Jayda
Rated SPG (Some scenes are not recommended for young readers, read at your own risk!!!!) "Come near me! What's your name again?" demanding na sabi ng bata kong tutee. "Hi, young master, again, I am your tutor, Ms. Jayda, you can call me teacher Jay, by the way what's your name too?" magiliw kong tanong sa kanya. " I am Timothy Montenegro; you can call me young master Tim or Tim for short. Let's start Ms. Jayda," seryosong niyang tugon. Napapantastikuhan talaga ako sa asta ng batang ito, kanino kaya ito nagmana. Hindi man lang marunong ngumiti at palagi lang nakasalubong ang kilay. Sayang at napakacute at gwapito pa naman nitong bata. Hindi bagay itong magseryoso sa batang edad nito. Walang mababakas ng pagkabatang-isip nito. Bawat kilos nito ay di numero at masasabi kong hindi ito marunong maglaro. Nagpalinga-linga ako sa loob ng silid kung saan kami mag-aaral ng mga lessons niya. Napupuno ito mga aklat na nakaarrange ng mabuti sa shelves.Hindi tipikal na silid
Последнее обновление: 2025-04-02
Chapter: Chapter 4- Jayda
Namangha ako sa matayog na steel gate. Bigla itong bumukas at dalawang nakaunipormeng bodyguards ang aking nakita na naghihintay sa magkabilang gilid ng nakabukas na gate. Isang malawak na sementadong daan ang tinahak ng sasakyan papasok sa isang engrandeng mansyon. Abot-abot ang aking kaba nang huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng magarbong grand entrance ng mansyon. Pinagbuksan ako ni Mang Dex at nagpasalamat ako sa kanya.Bumaba ako sa sasakyan at humakbang papsok ng mansyon. Sumalubong sa akin ang dalawang linya na nakahilerang mga housemaids.Sa tingin ko mga sampu cla. Isa-isa silang bumati sa akin at nagbigay daan sa akin papasok hanggang matapos ang huling linyang housemaids na bumati sa akin. Isang cute na batang lalake ang mariing nakatitig sa akin. Tila ba kinakabisado ang aking pigura at pati ang kilay nito ay magkasalubong na parang sinong matandang tao. "You are late!" nag-aakusang sabi ng bata. Natigilan ako sa malakas na boses ng bata na nakapamay
Последнее обновление: 2025-04-02
Chapter: Chapter 3- Jayda
"Handa na ba lahat ng mga gamit mo anak," bungad ni nanay mula sa pintuan ng aking kuwarto. Kasalukuyan akong nag-aayos pa ng iba ko pang kagamitan na dadalhin sa aking pagpasok sa trabaho bilang tutor. Nakaempake na ang aking mga damit sa maliit na travelling bag.Konting damit lang ang aking inimpake dahil wala iilang piraso lang din ang mayroon ako. Limang blusa at apat na kupasing pantalon.May baon din akong dalawang terno na pajama.May oras din naman siguro sa paglalaba kung kaya't sapat na itong dadalhin ko. "Opo inay handa na po lahat," magiliw kong sabi. Mababanaag ko ang lungkot sa mukha ni nanay ngunit pilit kong binabalewala. "Inay, halika po, payakap nga nay! Huwag na kayong malungkot uuwi din ako dito, hindi naman malayo ang pupuntahan ko," pagpapalubag-loob ko kay nanay. "Magpapakabait ka doon anak, ang bilin ko sa iyo ha, ingatan mo ang sarili mo.Wala kami doon para ipagtanggol ka kaya maging matatag ka," paalala ni nanay Niyakap ko si nanay at gumanti
Последнее обновление: 2025-04-02
Вам тоже понравятся
Married to a Dumb CEO
Married to a Dumb CEO
Romance · Pransya Clara
2.8K Кол-во прочтений
9 Muses Series #2: Love & Lies
9 Muses Series #2: Love & Lies
Romance · NicaPantasia
2.8K Кол-во прочтений
The Vapid Patient
The Vapid Patient
Romance · tineta
2.8K Кол-во прочтений
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss
Azvameth: The Deceiver Mafia Boss
Romance · Hanamitchiunnie
2.8K Кол-во прочтений
Scars of Yesterday
Scars of Yesterday
Romance · Amazing_Mind
2.8K Кол-во прочтений
A Random Guy I met Turns Out To Be My Husband!
A Random Guy I met Turns Out To Be My Husband!
Romance · mooncake_o07
2.8K Кол-во прочтений
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status