RIZNANG makarating kami sa shop ay wala roon ang aking ina. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi pa ako handang makita siya. Masama pa rin ang loob ko sa mga nangyari but at the same time, I feel ashamed. Hindi ko siya dapat pinagsalitaan ng masasakit. Sa sobrang galit ko, hindi ko makita na naroon siya para magmalasakit sa akin.“Ma’am! Good afternoon po! It’s so nice to see you.” Niyakap ako ng mga staff ko. Nakatutuwa na hindi pa rin nila ako nakalilimutan.“Kumusta na kayo?” They all looked happy to see me. May ilang bago ang mukha pero kilala rin nila ako.“Okay naman po, ma’am. Na-miss po namin kayo.”“Upo kayo, ma’am. Tamang-tama po ang dating n’yo. Tikman n’yo po itong cookies. Bestseller po ’yan.” Inihain nila sa akin ang ilang pirasong cookies na hugis-cactus. Tinikman ko ang cookies at masarap nga iyon. “May pineapple, masarap. I like that it’s not so sweet. Ano ang pangalan nito?”“Sugariz po, ma’am. Gustong-gusto po ’yan ng mga bata rito. Iyan po ang palaging request
Last Updated : 2023-04-14 Read more