KELLYHANGGANG sa makarating ako sa Laguna ay wala akong natanggap na message o tawag mula kay Brandon. I admit, I feel disappointed. Siguro dahil gusto kong amuin niya ako . . . lambingin. Hindi ba ganoon naman sa pelikula? But then I realized, my life is not exactly like in the movies.“Anak!” masayang bati ni Nanay sa akin. Kaagad niya akong niyakap nang makababa ako ng sasakyan. “Na-miss kita, anak. Ang dala mo kasing umuwi. Parang ang layo-layo ng trabaho mo sa Laguna.” May himig ng tampo ang tinig niya. Ngumiti ako sa kaniya at hinagod ang kaniyang likod. “Pasensiya na, ’Nay. Medyo busy lang sa trabaho at saka . . . nagtitipid na rin. Ang mahal ng gas ngayon, sobra.”“Ayos lang, anak. Naiintindihan ko naman. Nami-miss lang kita.” Kumalas siya ng yakap sa akin at tiningnan ang mukha ko sa malapitan. “Nagpagupit ka? Bagay sa ’yo, bumata kang tingnan.” “Bolera si Nanay,” natatawa kong wika sa kaniya saka kinuha ang bag ko sa backseat. Tumawa si Nanay. “Anak kita, siyempre palagi
Huling Na-update : 2023-04-14 Magbasa pa