NAGPAPAHID ng pawis si Nicole, may papikit pikit pa ang kanyang mga mata at feel na feel niya ang kanyang ginagawa. Nasa loob siya ng gym ng mga oras na iyon, hindi dahil gusto niyang mag - exercise kundi dahil gusto niyang makakuha ng atensiyon. Atensiyon na napakatagal na niyang inaasam- asam sa kanyang buhay.Wala naman na siyang problema sa katawan niya, ang katunayan pa nga ay matatawag ng perpekto ang katawan niya dahil medyo may kalakihan ang kanyang hinaharap at ang kanyang beywang ay maliit lamang at ang kanyang pang- upo ay meron ding kalakihan.Nakasuot siya ng tipikal na pang gym na damit kung saan halos lumuluwa na ang kanyang suot dahil sa kanyang dibdib. Alam niyang ang mga kalalakihan sa lugar na iyon kanina pa, simula nang pumasok siya ay hindi na mapakali ngunit sinawalang - bahala na lamang niya hanggang sa pumasok na ang taong inaantay niya.Humarap talaga siya kung saan ang lokasyon nito, alam niya kahit hindi siya lumingon ay pinapanuod siya nito dahil sino ba na
Huling Na-update : 2023-03-31 Magbasa pa