Share

Chapter 3.1

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nakatitig si Nicole sa kanyang repleksiyon sa salamin na nasa harap niya nang mga oras na iyon. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal doon na nakaupo sa harap ng salamin. Hanggang sa mga oras na iyon kase ay hindi pa rin siya makapaniwala na malapit na siya sa kanyang pangarap, ang makapaghiganti sa lalaking iyon.

Hindi naman pala ganun kahirap ang mapalapit dito, tama lang pala ang kanyang ginawa na magpa- sexy ng husto upang mapansin siya kaagad nito ngunit sa isang banda ng kanyang isip ay may agam- agam pa din siya. Hindi niya alam kung ano ang takbo ng isip ng lalaking iyon at hindi niya pa alam kung ano ang magiging trato nito sa kanya kung sakaling nasa iisang lugar na sila.

Nasisiguro niya na ang isang katulad nito ay hindi papayag na hindi matikman ang babaeng idine- date nito lalo pa kung ang babaeng ilalabas niya ay napaka- sexy na katulad niya.

Napabuga siya ng hangin, sa mga oras na iyon ay nararamdaman na niya ang pagkabog ng kanyang dibdib. Ngayon pa ba siya matatakot? Ngayon pa ba siya dapat kabahan sa mga bagay na napakatagal niyang pinagplanuhan? Napatitig siya sa kanyang salamin, napakaganda niya ng mga oras na iyon dahil siniguro niya talaga na magiging maganda siya at isa pa ay inubos niya talaga ang ilang oras sa harap ng salamin niya upang makuha niya ang ayos na gusto niya.

Napatitig siya sa kanyang repleksiyon sa salamin at pagkatapos ay napangiti siya ng mapait. Hindi ganun ang pinangarap niya noon, napakalayo ng itsura niya ng mga oras na iyon kumpara sa itsura niya dati noong nabubuhay pa ang kanyang ate.

Napaka- simple niya, ang totoo nga ay nakasuot pa siya ng salamin noon dahil may kalabuan ang kanyang mga mata, medyo wala din sa kaayusan ang kanyang mga ngipin kaya kinailangan niyang magpakabit ng braces.

Nasisiguro niya na kung kasama lang niya ang kanyang ate hanggang sa mga oras na iyon ay hindi siya magiging ganun. Hindi niya babaguhin ang kanyang sarili at ang kanyang panlabas na anyo, kung nabubuhay lamang sana ang kanyang ate.

Sa pagkaalala niya sa kanyang namayapang kapatid ay muli nanamang umahon ang galit sa kanyang dibdib, kung hindi sana dahil sa lalaking iyon ay hindi sasapitin iyon ng ate niya. Kung sana lang hindi siya pinaglaruan nito ay malamang na masaya silang namumuhay na dalawa ng magkasama.

Napapikit na lamang siya dahil sa mga alaalang rumaragasa sa kanyang isipan. Gabi- gabi niyang iniisip ang mga masasayang sandali nila ng kapatid niya. Mahal na mahal niya ito at alam niyang ganun din ito, napakabait nitong ate sa kanya dahil ito na rin ang nagsilbi niyang magulang. Maaga silang naulilang dalawa kaya sa murang edad nito ay ito ang naghanap buhay para lamang may ipakain ito sa kanya.

Sa bata nito noon ay pumasok na ito bilang isang labandera habang pumapasok sila parehas sa eskwela, kitang- kita niya kung paano ito nagsumikap para lamang mapatapos siya sa kanyang pag- aaral hanggang sa isang araw ay nakilala na nito si Steffano, ang dahilan kung bakit nito kinitil ang sariling buhay.

Hindi niya napigilan ang pagkuyom ng kanyang mga palad nang muli na namang pumasok sa kanyang isip iyon. Iyon ang naging dahilan kung bakit siya nawalan ng mapagmahal na ate, at dahil ito kay Steffano.

Napapikit siya ng maalala ang tagpong iyon.

Walang patid ang patak ng kanyang luha. Kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata ay ang walang tigil din namang pagbuhos ng malakas na ulan. Kasalukuyan siyang nakaluhod sa puntod nang mga oras na iyon. Ilang tao na ang pumilit sa kanya upang tumayo na doon at umalis na siya lalo pa at napakalakas ng buhos ng ulan.

Hindi niya inalintana ang malakas na ulan at ang ginaw nang mga oras na iyon. Tila namamanhid ang kanyang buong katawan dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Bata pa sila ay nawalan na sila ng mga magulang kaya ang ate lamang niya ang nagpalaki at nagtaguyod sa kanya maging sa kanyang pag- aaral.

Hindi niya lubos matanggap ang sinapit nito, nang mag- ungkat siya ng mga gamit nito bago ang libing ay nakita niya ang isang liham na nakapangalan dito, nilalaman ng sulat na hindi matatanggap ng lalaki ang ate niya dahil itinatanggi nitong siya ang ama ng dinadala nito. Nang malaman niya na nagdadalang tao pa pala ito ay mas lalo pang tumindi ang kanyang galit sa lalaking nagpadala ng sulat dahil pati ang walang kamuwang muwang na bata sa sinapupunan ng ate niya ay hindi nakaligtas sa mapait na kapalaran ng ate niya.

Ilang oras siyang nanatiling nakaupo sa harap ng puntod nito kahit na napakalakas ng ulan, wala siyang pakialam kung basang basa na siya at babad na sa tubig ulan, tanging ang sakit lamang sa kanyang dibdib ang kanyang nararamdaman dahil sa pagpanaw ng nag- iisa niyang mahal sa buhay. Walang kasing sakit ang mawalan ng taong minamahal, at hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin o kung paano siya muling magsisimula.

Halo- halong emosyon ang nararamdaman niya ngunit sa lahat ng iyon ay nananaig ang galit na nararamdaman niya sa taong dahilan kung bakit nawala sa kanya ang ate niya.

Manhid na siya sa mga oras na iyon, ni ginawin ay hindi na siya gininaw pa kahit babad na siya sa tubig ulan.

Sa huling pagkakataon ay hinaplos niya ang lapida ng kanyang ate at bumulong.

"Ipaghihiganti kita ate, pangako."

Napamulat siya ng kanyang mga mata, tandang tanda niya pa ang binitiwan niyang pangako sa puntod ng kanyang yumaong kapatid kaya hindi siya dapat magdalawang isip pa. Hindi ito ang tamang oras para kabahan siya dahil malapit na siya sa taong dahilan ng paghihiganti niya.

Napatitig siyang muli sa kanyang repleksiyon sa harap niya at pagkatapos ay ngumiti, ngiting hindi umabot sa mga mata bagkus ay ngiting may itinatagong balak sa likod nito.

Ilang saglit pa ay tumayo na siya upang magbihis, halos tatlumpung minuto na ang nakalipas sa usapan nila ngunit naroon pa din siya sa kanyang silid. Nasisiguro niyang wala pa ito doon dahil alam niya ang takbo ng utak nito kaya tinagalan niya muna bago siya nagdedisyon na magbihis na.

Nang makapagbihis siya ay muli nanaman siyang napatingin sa kanyang repleksiyon sa salamin upang sipatin ang kanyang sarili kung maganda nga ba ang suot niya.

Nakasuot siya ng isang kulat puting tube na halos makita ang taas ng kanyang dibdib, isama na rin ang kanyang cleavage.

Pagkatapos ay tinernuhan niya ng palda na kulay itim na medyo may kanipisan at halos ang kanyang panty lamang ang natatakpan dahil sa kaiklian. Sinubukan niyang umikot sa harap ng salamin at pagkatapos ay umangat ang kanyang suot na palda at pagkatapos ay napangiti siya ng makita ang itura nito kapag gumalaw ka. Litaw na litaw ang kanyang makikinis na hita na kahit sino naman ay mapapatigil kapag nakita siya.

Nasisiguro niyang tutulo ang laway nito dahil sa itsura niya ng mga oras na iyon. Dinampot niya na ang kanyang mga gamit pagkatapos ay mabilis na inilagay sa kanyang purse. Aalis na siya. Bago siya umalis ay tiningnan niya muna ang suot niyang relo, halos isang oras na pala ang lumipas sa itknakda niyang oras ng pagkikita nila at hindi niya napansin na ganun na siya katagal sa harap ng salamin. Bago siya humakbang paalis doon ay muli niyang tiningnan ang kanyang repleksiyon sa salamin at pagkatapos ay napabuga siya ng hangin. Sana lang ay makauwi pa siyang buhay.

Pagkatapos nito ay dali- dali na siyang umalis mula doon at lumabas na ng kanyang silid.

*******

Halos lumuwa ang mga mata ng mga taong nakakakita sa kanya nang makalabas siya ng building kung saan naroon ang tinutuluyan niyang condominium. Hindi niya man direktang makita ang mga mata ng mga tao ngunit ramdam na ramdam niya iyon, lalo pa at nasa tabi na siya ng daan kung saan ay medyo umiihip pa ang hangin kaya medyo tinatangay nito ang kanyang suot na palda.

Hindi niya na lamang pinansin ang mga iyon at ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad na akala mo tila walang nararamdaman na kakaiba. Hindi na lamang siya tumingin sa mga taong nasa paligid niya at nagtuloy tuloy lamang sa kanyang paglalakad hanggang sa makarating na siya sa tapat ng café kung saan sila nakatakdang magkita ni Steffano.

Nang makatapat na nga siya doon ay nanatili muna siyang nakatayo sa harap ng establisyimentong iyon at pagkatapos ay napatitig rito. Hindi niya alam ngunit tila nag- uumpisa ng kumabog ang kanyang dibdib, unti- unti na siyang nakakaramdam ng kaba kaya't napapikit siya ng kanyang mga mata at pagkatapos ay napahugot ng isang malalim na buntung- hininga.

Pagkatapos ng ilang sandali ay nagmulat na siya ng kanyang mga mata, hindi ito ang tamang oras para kabahan siya. Nag- uumpisa pa lamang siya sa kanyang mga plano kaya hindi siya pwedeng makaramdam ng kahit ano pang takot o kaba.

Muli siyang humugot ng isang buntong hininga at pagkatapos ay naglakad na papunta sa pinto ng café na iyon. Hindi kita ang mga tao na nasa loob kaya hindi niya masiguro kung nasa loob na nga ba ang katagpo niyang tao.

Nakahanda na ang kanyang kamay na itulak ang pinto, ngunit bago pa man umabot ang kamay niya sa pinto ng café na iyon ay may kamay na nauna sa kanyang magtulak ng pinto. Hindi niya naiwasan ang mapalingon, isang mestisong lalaki ang nagbukas ng pinto para sa kanya.

Nakangiti ang mga labi nito nang magtama ang kanilang mga mata.

"Thank you." Nakangiting sambit niya at pagkatapos ay pumasok na siya sa loob, hindi pa man siya nakakadalawang hakbang mula ng makapasok siya ay agad niyang naramdaman ang paghawak ng isang tao sa kamay niya kaya napalingon siyang muli sa likuran niya.

Ang lalaking nagbukas sa kanya ang nakahawak sa kanyang kamay, bumaba ang tingin niya sa kamay nito nakahawak sa kamay niya kaya agad nitong binitiwan ito. Hindi niya alam ngunit tila hindi siya nagiging kumportable kapag may ibang humahawak sa kanya, lalo pa at hindi niya ito kilala. Mabilis niyang binawi ang kamay niya at pagkatapos ay alanganing ngumiti siya dito upang hindi naman ito mapahiya.

"Yes? Anything wrong?" Kaswal na tanong niya at pilit na nginitian ito kahit na gustong gusto na niyang lumayas sa harap nito.

Ngumiti ito sa kanya, ngiting hindi kaaya- aya at bakas sa ngiti nito ang pagnanasa, lalo na nang bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib. Halos manindig ang kanyang mga balahibo dahil sa tingin nito sa kanya na halos hubaran na siya ng harap- harapan at tila ba ngayon lamang ito nakakita ng babaeng ganun ang suot.

Sa tingin naman niya ay mayaman ito at nasisiguro niya na hindi naman ito nauubusan ng babae. Naitatak na sa kanyang isip iyon, na kapag mayaman ang isang lakake ay papalit- palit ito ng babae dahil mabilis magsawa ang mga ito.

"Do you have a date?" Tanong nito na hanggang sa mga oras na iyon ay nakatitig pa rin sa kanyang dibdib.

"Of course." Walang gana naman niyang sagot. "I'll go ahead." Dagdag pa niya rito at tinalikuran na ito upang makaalis na sana doon ngunit muli na naman niyang naramdaman ang paghawak nito sa kamay niya at hindi lang iyon mabilis itong gumalaw at idinikit nito ang katawan sa katawan niya. Nakatalikod siya rito at nakaharap naman ito sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa ginawa nito lalo pa at idiniin nito ang pagkakadaiti ng kanilang katawan kung saan naramdaman niya ang isang matigas na bagay na tumutusok sa kanyang pwetan.

Hindi iyon buckle ng belt lang, alam niya kung ano iyon. Hindi niya maiwasan ang mapamura sa kanyang isip dahil sa inakto nito dahil kabastusan na ang ginagawa nito sa kanya.

Mabilis siyang gumalaw at hindi na siya nagsayang pa ng oras. Mabilis siyang gumalaw palayo rito at pinuwersa na niyang hinila ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito.

"Pervert!" Galit na sabi niya rito. Hindi niya gaanong nilakasan ang kanyang boses upang hindi sila makagawa ng eksena dahil mayroon pa naman siyang hiya kahit papano.

Sa halip na mag- sorry ay sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang sa paa at pagkatapos ay makahulugang ngumiti.

"Why? How much do you cost?" He ask mockingly.

Like what the hell? Sa tingin nito sa kanya ay p****k dahil sa suot niya ba?

Agad na kumulo ang dugo niya at sasagot na sana dito nang biglang may humawak sa beywang niya.

"Lets go," sabi nito at mabilis na hinila siya nito mula doon. Tanging isang mura ang pinakawalan niya sa hangin at inirapan ito habang nakatitig ito sa kanilang dalawa ni Steffano ng makahulugan.

Related chapters

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 3.2

    Inis na inis na napaupo si Nicole nang ipaghila siya ni Steffano ng upuan, sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya naka- encounter ng taong kagaya ng lalaking iyon, bukod na nga sa napakayabang ay napakamanyak pa dahil harap- harapan siya nitong binastos na daig pa ang isang bayarang babae. Hindi niya napigilan ang mapabuga ng hangin sa labis na inis. Kung tutuusin ay mas marespeto pa ng kaunti ang taong nasa harap niya ng mga oras na iyon, naibiling niya ang kanyang ulo nang ma- realize ang sinabi niya sa kanyang isip dahil pinupuri na niya ito. "Sorry for that, " narinig niyang hingi ng paumanhin nito kaya't napaangat ang kanyang ulo at napatingin dito. Sumilay ang nanghihingi ng paumanhing ngiti nito at pagkatapos ay napakamot ito sa ulo. Hindi niya alam kung mangingiti siya sa inaakto nito dahil sa ginagawa nito ay mas lalo lamang gumagwapo ito sa paningin niya. "Hindi mo naman kasalanan iyon, isa pa bakit ba kase ang mga mayayaman na kagaya ay napakayayabang. " Tuloy- tuloy

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 3.3

    Ilang sandali na ang lumipas simula ng dumating ang kanilang mga inorder na pagkain ay tahimik pa rin silang dalawa, hindi niya alam ngunit tila gusto niyang mainis sa sarili niya dahil sa inaakto nito. Hindi naman ganito ang plinano niya, ngunit kung sabagay ay sa ganito muna siya magsisimula hanggang sa tuluyan na niyang makuha ang loob nito. Dapat ay hindi lamang sila ganito subalit kailangan niyang makapasok sa kompanya nito upang araw- araw niyang malaman ang bawat plano at mga gagawin nito. Kailangan niyang mapalapit dito ng husto upang mas madali niyang maisagawa niya ang kanyang plano. Nang mag- angat siya ng kanyang ulo ay nasalubong niya ang mga mata nitong mataman siyang tinitingnan habang ngumunguya ito ng kinakain niya. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang dahil sa pagtitig nito sa kanya dahil ito pa lamang ang unang beses na lumabas siya upang makipag -date dahil hindi naman niya ito ginagawa sa mga nakaraang taon. Idagdag pa na isa siyang freelancer kaya nasa loob

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 3.4

    Nakatingin lamang siya sa labas ng sasakyan habang umaandar ito. Wala siyang lakas ng loob upang magtanong kung saan sila pupunta, kahit na kating- kati na siya upang tanungin ito. Ito ang unang beses na sumama siya sa isang taong hindi niya lubos na kilala, kaya labis ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Idagdag pa na si Steffano ang taong iyon, na siyang dahilan kung bakit wala na ang ate niya. Nagpakawala na lamang siya ng isang malalim na buntung- hininga upang kahit papano ay maibsan ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Hindi nga bat iyon naman talaga ang plano niya simula pa noong una, ang mapalapit dito at ng maisagawa niya ang paghihiganti niya? Ngunit sa kabilang banda ay oo ngat iyon ang plinano niya ngunit hindi ganun kadaling panahon. May kaba siya nararamdaman lalo pa at medyo palayo na ng palayo ang tinatahak nila, halos hindi na niya matandaan pa kung ano na ang mga dinaanan nila dahil bukod na nga sa madilim na ay puro ilaw na lamang an

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 3.5

    Hindi niya napigilan pa ang kanyang sarili na kumawala ang isang ungol mula sa kanyang bibig. Hindi niya ito namalayan at hindi niya din ito inasahan. Pinipilit niyang imulat ang kanyang mata at pinipilit din niyang gisingin ang kanyang sarili dahil nawawala na ang katinuan niya dahil sa dala ng init ng labi nito. Ngunit habang nilalabanan niya ang kanyang sarili ay mas tumitindi lamang ang pagnanais ng isang bahagi ng katauhan niya sa mga ginagawa nito sa kanya ng mga oras na iyon. Ngunit kahit pa ganun ay inipon niya ang lahat ng katinuan na natitira pa sa kanyang utak at itinaas niya ang kanyang kamay hanggang sa mapunta ang mga kamay niya sa dibdib nito. Handa na siyang itulak ito palayo mula sa kanya ngunit biglang nagbago ang galaw ng labi nito. Mula sa padampi- damping galaw ng kanyang labi ay nag- umpisang maging mapusok ito. Ang kaninang panlalaban na nasa kanyang isip ay napawing lahat at natangay ng init ng labi nito. Nasa dibdib nito ang kamay niya ng mga oras na iyon

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 3.6

    Napamulat siya ng kanyang mga mata nang lumapat ang likod niya sa malambot na sapin ng kama. Hindi na niya namalayan pa na nakapasok na pala sila ng loob ng condo unit nito. Ni hindi niya man lang nakita ang itsura ng loob ng condo nito dahil abalang- abala ang kanyang isip at ang kanyang katawan sa tinatamasa niyang sarap dahil sa labi niyo na nakalapat sa mga labi niya. Hindi niya nagawang ibuka ang kanyang bibig upang magtanong dito dahil nakapatong ito sa kanya nang ilapag siya nito sa kama. Ang labi nito ay nananatiling nasa mga labi niya habang humahalik ng marahan kung saan punong- puno ito ng pag- iingat. Awtomatiko namang napataas ang kamay niya at napahawak sa batok nito upang mas lalo niyang ma- feel ang bawat kibot ng labi nito. Hindi na nakikinig ang utak niya sa katawan niya dahil alam niya sa sarili niya na nagugustuhan ng katawan niya ang ginagawa nito rito. Unti- unting naging marahas ang halik nito, mapusok. Hindi naman siya nagpahuli sa pagtugon dito. Kung gaan

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 3.7

    Nang matapos itong maghubad ay yumuko itong muli at ibinuka ang kanyang mga hita at pagkatapos ay muli nitong dinilaan ang kanyang basang- basang hiwa. Halos mabunot na ang buhot nito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya ng mga oras na iyon. Nauubusan siya ng lakas dahil sa sarap na ipinapatamasa nito sa kanya. Halos naging sunod- sunod ang mga naging pag- ungol niya at ni hindi na niya alam pa kung saan nga ba niya ibibiling ang ulo niya. Ramdam na ramdam niya rin ang pagkakapos ng kanyang hininga lalo na ng maramdaman niya ang dila nito sa mismong bukana ng pagkababae niya. Ramdam na ramdam niya ang sigaw ng kanyang katawan, kaya habang ipinapasok nito ang dila nito sa kanya ay iginalaw niya ang kanyang balakang upang salubungin ang bawat pagpasok ng dila nito sa kanya. Tumirik ang kanyang mata dahil dito dahil kakaibang sarap pala ang dulot ng dila kapag nasa pagitan na ito ng mga hita ng isang tao. Hanggang sa umakyat na ang halik nito pataas sa kanyang puson, sa kanyang pu

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 4.1

    Nagising siya dahil isang mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang beywang. Ramdam na ramdam ang ngalay ng kanyang tiyan dahil sa mabigat na bagay na nakapatong dito. Pagkamulat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang tiningnan kung ano iyon at halos mapasigaw siya sa labis na gulat. Nagpabalik- balik ang tingin niya sa nakapatong na kamay sa kanyang tiyan at sa mukha ng taong katabi niya ng mga oras na iyon. Doon lamang niya natanto kung ano ang ginawa niya kagabi. Sa puntong iyon ay tyaka lamang gumana ang kanyang isip at tila bumalik lahat ng katinuan niya sa katawan. Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha. Ano ba itong nagawa ko? Tanong niya sa kanyang isip. Napakagat labi na lamang siya dahil hindi niya alam kung ano nga ba talaga ang pumasok sa utak niya kagabi at pumayag siya na mangyari ang mga nangyari. Hindi kaya isipin nito na napakababa niya dahil nakuha siya agad nito? Napamura na lamang siya sa kanyang isip at napakamot sa kanyang ulo dahil sa katangahang naga

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 4.2

    Hindi niya alam kung gaano katagal ang naging byahe niya, halos mag- uumaga na at halos sumilip na ang liwanag sa kalangitan nang makarating siya sa kanyang unit. Mabilis niyang ibinaba ang ilan niyang gamit at pagkatapos ay nagtungo sa kanyang banyo. Binuhay na niya ang tubig at pagkatapos ay tinimpla na ito. Pagkatapos niyang gawin iyon ay mabilis na niyang hinubad ang kanyang mga damit upang lumublub sa bathtub. Napapikit siya ng maramdaman ang mainit na tubig na dumikit sa kanyang balat. Ramdam na ramdam niya ang pag- ginhawa ng kanyang pakiramdam dahil sobrang bigat ng pakiramdam niya. Idagdag pa na may kaunting kirot siyang nararamdaman sa pagitan ng kanyang mga hita. Napapikit siya ng mariin dahil sa ginhawang dulot ng mainit na tubig sa kanyang katawan. Hanggang sa ipinikit na niya ng mariin ang kanyang mga mata. Dito na muna siya maglulublob sa bathtub. ----HINDI niya alam kung ilang oras siyang nagbabad sa bathtub. Ang tanging alam niya lamang ay maliwanag na noong lum

Latest chapter

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 9.2

    Mabuti na lamang at walang halos tao sa parking lot nang dumating sila. Maganda iyon dahil walang makakakita sa kaniya na bababa siya mula sa sasakyan ng boss niya. Iniiwasan pa naman talaga niya ang ma- issue dahil gusto niya ay hindi siya paghinalaan ng mga tao lalo pa at gusto niyang malamang pasikot- sikot sa kumpanya.Nauna siyang bumaba ng kotse at hindi na niya hinintay pa si Steffano na pagbuksan siya ng pinto dahil baka nga may makakita sa kanila. Mahirap na. Ilang sandali pa ay sumunod na rin naman ito sa kaniya at pagkatapos ay nauna ng naglakad kaysa sa kaniya.Mabuti na lag din at hindi na siya nito kinausap pa katulad kapag dadalawa lang sila. Tahimik siyang sumunod rito at kapansin- pansin na pagkapasok na pagkapasok nito sa building ay kaagad na nagsisiyukuran ang mga tao rito na animoy tila isang kagalang- galang na tao.Bigla naman niya naisip na ano kaya ang nakita ng mga ito kay Steffano, o baka hindi pa lang nakikita ng mga ito ang dark side nito at ang akala lang

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 9.1

    Paglabas ni Steffano mula sa silid ay tumayo siya. Kailangan na niya itong makausap tungkol sa pagpasok niya sa opisina. Ayaw niya namang unang pasok pa lamang niya sa opisina nito ay magkaroon na siya kaagad ng issue. Hindi naman maiiwasan na magka- issue siya kapag nakita siya ng mga taong nakasakay sa kotse nito dahil knowing sa mga tao ay hindi nga malayong mangyari iyon.Hindi niya maiwasang hindi mapatitig rito nang lumabas ito sa silid nitong nakabihis na. Paano ba naman kahit saang anggulo talaga ito tignan ay talaga namang napaka- gwapo nito. Bahagyang bumuka ang kaniyang bibig ngunit nagsara rin at hindi makaapuhap ng salita.Ilang sandali pa ay tinignan siya nito at pagkatapos ay sinuyod siya ng tingin nito. Ilang sandali pa ay gumuhit ang isang ngiti sa labi nito at kitang- kita sa mga mata nito ang paghanga pagkakita sa kaniya.“You look gorgeous baby.” nakangiting sabi nito sa kaniya.Hindi naman niya naiwasang hindi pamulahan ng pisngi dahil sa papuri nito sa kaniya. Gu

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 8

    Pagmulat ng mga mata ni Nicole ay sumalubong sa kaniyang mga mata ang bakanteng kama. Medyo lubog pa ang kama tanda na may humiga doon. Nag- inat siya at pagkatapos ay bumangon pagkatapos ay inalala ang mga pangyayari kagabi. Sa pagkakatanda niya ay nasa sala sila at kumakain pagkatapos ay nakita niyang tulog si Steffano at—- hindi niya na maalala pa ang sumunod doon. Paano siya nakarating sa kama kung ganuon? Isa pa ay niyuko niya ang kaniyang sarili. Iyon pa rin naman ang suot niya kagabi ibig sabihin ay nakataulog din siya kagabi?Hindi na kasi niya maalalang nakatulog pala siya. Naaalala pa nga niyang nilalabanan niya ang antok niya dahil ayaw niyang makatulog siya doon pero nakatulog pa rin pala siya. Binuhat siguro siya ni Steffano. Hindi na lamang siya nito ginising.Kaagad na siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Tanong niya sa kaniyang isip. Wala naman ito sa banyo. Saan kaya ito nagpunta?Pagkatapos niyang maghilamos ay kaagad

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 7

    Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa byahe nila. Siguro ay dahil na rin iyon sa puyat niya kagabi at isa pa ay maaga pa siyang nagising kanina. Nagising nga siya dahil naramdaman niya ang paghalik sa kaniya ni Steffano.“We’re here.” nakangiting sabi nito nang magmulat siya ng knaiyang mga mata.Kaagad naman niyang inilibot ang tingin sa kaniyang paligid at nasa parking area na sila. Ilang sandali pa nga ay napahikab pa siya at pagkatapos ay napainat. Hindi niiya tuloy alam kung gaano ba siya katagal na nakatulog dahil umpisa pa lamang yata ng byahe nila ay nakatulog na siya. Hindi niya na naman tuloy nakita ang mga dinaanan nila katulad noong una siyang dinala nito sa condo nito.Umayos siya ng kaniyang upo at napatitig lamang s alabas ng bintana. Samantalang si Steffano ay bumaba na ng sasakyan at pagkatapos ay binuksan na ang pinto sa likod nila para ilabas ang maleta niya. Pagkatapos nitong maibaba ang maleta niya ay umikot ito patungo sa tapat niya at binuksan ang pinto.

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 6

    Napabuga ng hangin si Nicole at pagkatapos ay napaupo sa kaniyang kama, katatapos niya lang mag- empake ng kaniyang mga gamit ng mga oras na iyon. Medyo napagod siya dahil madami din siyang mga damit pero hindi naman lahat ay ikinarga niya sa kaniyang maleta. Pinili lamang niya ang mga inilagay niya, mga damit pang opisina at syempre ang mga damit na pang- akit niya kay Steffano. Hindi pwedeng mawala ang mga iyon dahil unang- una ay iyon naman talaga ang plano niya. Ilang sandali pa nga ay napatitig siya sa isang maletang damit niya. Hanggang kailan kaya siya mananatili sa tabi nito? Hindi niya alam kung gaano katagal ang gugugulin niyang panahon para tuluyang maisakatuparan ang paghihiganting hinahangad niya. Pero kailangan niyang bigyan ng palugit ang sarili niya dahil hindi naman pwedeng ubusin niya ang kaniyang oras sa paghihiganti lamang kay Steffano. Napatitig siya sa kisame, ganun na rin sa kabuuan ng silid niya. Ilang buwan niya kayang hindi makikita ang condo niya. Muli siya

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 5

    Malakas na ring ang gumising kay Nicole. Nakapikit pa niyang inabot ang walang planong tumigil sa pagtunog na alarm- clock na nakapatong sa kaniyang drawer na nasa tabi ng kaniyang kama. Nakapikit pa niyang inabot ito at pinatay. Napakaaga naman yata ng alarm niya masyado dahil inaantok pa siya. Pagkapatay nga niya ng alarm clock ay nagtalukbong siya ng kumot. Inaantok pa siya. Puyat pa siya kagabi dahil halos ala- una ng madaling araw ng umalis si Steffano sa condo niya. Masyado siya nitong sinulit na akala mo hindi sila magkikita ng matagal. —------ Isang ring na naman ang nagpagising kay Nicole, sa punto namang iyon ay hindi na tunog ng alarm clock kundi tunog na ng kaniyang cellphone. Ring ng ring ito at tila ba wala itong balak tumigil. Napilitan tuloy siyang bumangon upang hanapin ang kaniyang cellphone na hindi niya alam kung saan niya nga ba nailagay kagabi. Isa pa ay sino ba iyong tawag ng tawag sa kaniya na umagang- umaga. Halos katutunog lang ng alarma clock niya at nga

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 4.8

    Tahimik silang dalawa habang magkatabi sa sofa habang nakasindi pa rin ang telebisyon. Walang gustong umimik pagkatapos ng namagitan sa kanilang dalawa.Nang mga oras na iyon ay nakasuot na rito ang boxer nito at siya naman ay naisuot na niya ang kaniyang roba. Ang nararamdaman niyang hilo kanina ay bigla na lamang nawala pagkatapos nilang magniig ni Steffano.Ilang sandali pa ay inipinatong nito ang kamay nito sa kaniyang mga hita at pagkatapos ay narinig niya ang pagbuntung hininga nito."I'm sorry kung naistorbo kita." Mahinang sabi nito. Nilingon niya ito at nakita niyang nakapikit na ito at pagkatapos ay nakasandal sa sofa.Mukhang pagod ito sa trabaho at tila ba problemado. Gusto niyang tanungin ito kung bakit ganito ito ngunit alam niya namang wala siyang karapatang magtanong rito.Habang nakatitig siya rito ay hindi niya maiwasang tumitig sa matangos na ilong nito at sa makakapal nitong mga pilikmata. Kahit mababakas ang pagod sa mukha nito ay gwapong- gwapo pa rin ito at hind

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 4.7

    Nagsimulang mag- init ang kaniyang katawan dahil sa halik at haplos nito lalo na nang umpisahan nitong masahein ang isa sa kaniyang dibdib. Napakagat labi siya dahil sa sensasyong binubuhay nito sa kaloob- looban niya. Nagsimulang mag- init ang pakiramdam niya kahit nakabukas naman ang aircon. Ramdam na ramdam niya ang nag- uumpisang apoy sa pagitan ng kaniyang mga hita. May kung anong pumipintig doon. Hindi niya napigilan ang kaniyang bibig na magpakawala ng isang ungol. Awtomatikong lumabas iyon sa kaniyang bibig. Lalo na ng umpisahan nitong sapuhin ang isa sa mga iyon at isinubo. Napahawak ang isa niyang kamay sa buhok nito at ang isa naman ay sa likod ng ulo nito. Sinusubukan niya paganahin ang kaniyang utak ng maayos ng mga oras na iyon ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya na ito mapipigil pa dahil iba ang sinisigaw ng katawan niya. Nagugustuhan ng katawan niya ang ginagawa nito ng mga oras na iyon. Ang mga labi nito na nasa kaniyang dibdib ay nag- iiwan ng nagbab

  • HER SWEET REVENGE   Chapter 4.6

    Kumuha siya ng dalawang beer on can sa kanyang ref. Mas maganda ng beer ang inumin nila para hindi rin sila madaling masuya sa manok na kinakain nila.Isa pa, wala namang kanin iyon at puro manok lang din naman kaya iyon na lamang ang napili niyang kuhanin.Ilang sandali pa ay bumalik na siyang muli sa sala dala ang inumin na kinuha niya. Ibinaba niya ito sa harap nito at pagakatapos ay umupo sa tabi nito. Pagkaupo nga niya ay dinampot niya agad ang remote control ng telebisyon na nakapatong sa lamesita na nasa tabi niya lang naman.Agad niyang ini- on ito, hindi dahil gusto niyang manuod ng kung ano mang pelikula o programa sa telebisyon kundi para mawala ang awkwardness na bumabalot sa pagitan nilang dalawa.Hindi nagsasalita ito, bagkus ay nakatitig lang din sa telebisyon at hindi niya alam kung nanunuod nga ba. Well, nasa tabi niya ito at hindi niya ito tinitignan kase nahihiya siya at baka sabihin nito na masyado niya itong tinititigan kaya ginagamit na lamang niya ang kanyang pe

DMCA.com Protection Status