“Uuwi ka na ba talaga, Ice?” pag-e-emote ni Zaver sa kaibigan nitong si Ice. Her real name was Ice Miho Finn. Ang nag-iisang babae sa grupo nila. Ang prinsesa nilang apat. “Iiwan mo na talaga ako?” Napaaray siya nang batukan siya nito. “Aray naman, Ice. Masakit ‘yon, ah.” Napanguso na lang siya.“Ang o.a mo talaga kahit kailan. Maka-iwan ka, may tayo ba?” masungit nitong tanong.“Ang sakit mo na magsalita, ah,” nakanguso niyang sabi. “Ang aga pa naman, eh, aalis ka na agad?” Mag-aalas nuwebe pa lang at kapag ganitong weekend ay minsan madaling araw na silang umuuwi. Linggo naman bukas at walang pasok sa opisina kaya walang problema.“I have too. You know my situation right now.” Napatingin ito sa relong pambisig. “You know I can't say no to Chief. Ipapamukha lang no'n sa akin na hindi ko siya mabibigyan ng apo.”“Alam mo, lahat ata ng magulang 'yan na lang ang problema nila. They all wanted grandchildren. Akala mo naman ang bilis maibigay natin. Kung mabibili lang ‘yan sa mall ay baka
Read more