Matalim ang tinging ipinukol ni Ben sa anak habang sinusuri ang mukha nito. "Tsk, pareho na kayo ng ina mo. Alam ninyong may dadaluhan tayong pagtitipon ngayong gabi pero nagawa ninyo sumugod sa gulo!""Honey, huwag mo nang pagalitan ang anak natin at biktima lang din sjya nang hambog na kriminal na iyon!" Muling nilagyan ni Lucy ng cream ang pisngi ng anak na may pasa upang maitago iyon."Balita ko ay darating din ang isa sa apo ni Don Travis. Dapat makuha mo ang loob niya at magimg kaibigan, maliwanag?" Pagalit na utos ni Ben sa anak."Ako na po ang bahala sa bagay na iyan, dad." Mayabang na ngumisi si Brix sa ama at hindi na pinansin ang galit nito."Bilisan na ninyo diyan at aalis na tayo." Napasunod ang tingin ng mag-ina sa tumalikod ng ginoo. Nang magkatinginan ay sabay na napangiti."Anak, kapag naging kaibigan mo ang apo ng chairman ay sure na walang maglalakas loob na kalabanin ka pa. Malaking tulong din ito sa pagkakandidato ng iyong ama." Masayang turan ni Lucy habang inaa
Last Updated : 2024-09-24 Read more