"Clara, balita ko ay si Dean ang boyfriend mo. Bakit wala siya dito ngayon sa mahalagang ganap sa buhay mo?" Nakangiting tanong ni Beatrix. Nakangiting hinarap ni Clara ang babae at hindi itinama ang sinabi nito. "Wala siya ngayon dahil may importanteng lakad ang pamilya nila. At kung itatanong mo naman kung bakit hindi ko pinili na samahan siya, well hindi ako clingy katulad sa ibang babae na mukhang takot na may ibang makita ang nobyo nila.""Ang defensive mo naman, masama ba magtanong dahil mag isa ka lang ngayon?" Pinalungkot pa ni Beatrix ang tinig."Mind your own business, Beatrix. Don't start to provoke my sister!" Mahinahon ngunit may diing turan ni Luke.Galit na inalis ni Aldrin ang kamay ng dalaga na nakahawak sa braso niya at sinamaan ito nang tingin."It's okay, sanay na ako sa katalasan ng dila ni Beatrix. Naalala ko noon, nawalan ako ng trabaho dahil sa kaniya.""Hey, that's not true! Hindi ko kasalanan noon kung bakit—" "That's enough, Beatrix!"Natahimik maging si
Magbasa pa