Napatda si Dean sa kinatayuan nang makita ang batang nakaupo sa sofa. Biglang kumabog ang dibdib niya dahil sa kaba. Ito ang isa sa dahilan kung bakit pumasyal siya dito sa bahay ng kaibigan. Ang makita nang personal ang bata. "Dean, mabuti at naisipan mo na ring bumalik dito sa ating bansa. Pinatatawag ko na si Aldrin sa katulong." Magiliw na kausap ni Sunshine sa matalik na kaibigan ng anak. "Tita, siya po ang anak ni Aldrin?" tanong niya habang hindi hinihiwalay ang tingin sa batang tahimik lang ding nakatingin sa kaniya at mukhang kinikilala siya. "Oh sorry, yes. Siya si Tyler." Binalingan ng tingin ni Sunshine ang apo. "Hijo, say hello to Tito Dean." Mabilis na nilapitan ni Dean ang bata at sinapo ang pisngi nito at sinuri ng husto. "May problema ba sa anak ko?" tanong ni Beatrix at parang hindi siya nakikita ng lalaki. Parang natauhan si Dean at mabilis na binitawan ang bata na halatang nagtataka sa ginawa niya. "Sorry, don't be scared. Ang cute mo kasi at may kamukh
Terakhir Diperbarui : 2024-05-29 Baca selengkapnya