Michael pov“Anak hindi mo, sinabi na kasama mo pala ang girlfriend mo. Iha, ako nga pala si Mich, ang mommy ni Kiel, ito naman ang asawa ko si Austin at ang isang anak namin na babae si Aaliyah.” Nakangiting pakilala ni mommy kay Jenna.“Hello po tita, tito, ikinagagalak ko po kayong makilala, ikaw din Aaliyah.” Nakangiting sagot naman ni Jenna." Kuya alam na ba ni ate Crizel Jhane, na dumating ka? For sure matutuwa yun kapag nalaman niya na nandito ka na, umiiyak kasi siya noon na umalis ka ng bansa na hindi man lang nagpaalam sa kanya.” May lungkot na saad ni Aaliyah sa akin. Bigla ko naman nakuyom ang palad ko ng marinig ko ang pangalan niya. Mula ng umalis ako ng bansa kinalimutan ko na ang pangalan na yan. At kung pwede lang sana ay ayaw na ayaw ko na marinig pa.“Ah, mom, dad, aakyat po muna kami Jenna sa room ko, may jetlag pa po kasi kaming dalawa at gusto ko sana na mag pahinga muna kami sa taas. Mamaya ko na lang po bibisitahin si grandpa kapag gising na po siya. “ paalam k
Last Updated : 2023-11-14 Read more