Crizel Jhane povKinakabahan na pumasok ako sa kusina kung nasaan ang kwarto namin ni mama. Inaamin ko na excite akong makita ulit si Kiel. Excited akong makita kung ano na ang itsura niya sa nakalipas na dalawang taon. Kung may nagbago ba dito, o kung mas naging gwapo at makisig na ba ito.“Oh, Cj anak, dumating ka na pala. Halika at mag merienda ka muna.” Agad na sabi ni mama ng makita niya akong pumasok sa kusina." Mamaya na po ma, magbibihis po muna ako.” sagot ko at dumerecho sa aming kwarto. may tatlong maids room dito sa mansion ng mga Breslow, ang isa ay sa amin ni mama, habang ang dalawang kwarto naman ay sa dalawang katulong dito na, na katuka sa paglilinis ng buong bahay at sa ang isang kwarto naman ay para sa kusenera at taga plantsadora ng mga damit ng mga Breslow. Nahiga muna ako sa kama at pinikit ko ang aking mga mata. Ano nga ba ang gagawin ko mamaya kapag nagkita na kami ni Michael. Lalo na at ang sabi ni John ay may kasama itong nobya. Buntong hininga na bumangon
"Hindi mo sinasadya? Bobo ka ba ha?” bulyaw niya sa akin. Hindi ko naman kasi talaga sinasadya dahil napatid ako sa paa niya.“ Ano nangyayari dito?” bigla binundol ng kaba ang dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Michael.“Love, nandiyan kana pala. Paano kasi itong katulong niyo, ang tanga tanga binuhusan ba naman ako ng juice habang masaya kaming nag ku kwentuhan kami ni grandma, hindi ba grandma?” sumbong niya kay Kiel. Tumingin ako Kiel at bigla lumakas ang tibok ng puso ko ng mag salubong ang paningin namin na dalawa.“Kiel….” sambit ko sa pangalan niya habang nakatitig sa kanya.“Is that true grandma?” malamig na tanong ni Kiel sa lola niya. Napalunok naman ako ng laway ng tumingin ako kay ma’am Joan habang nakikiusap ang mata ko na sasabihin niya ang totoo sa apo niya.“Yes, it’s true.alam mo naman itong si Cj minsan ay pinapairal ang pagiging lamba. Pero hindi ko alam ngayon kung talagang hindi niya sinadya dahil hindi naman siya na patid. Nang sabihin ni Jenna na masaya kayon
Michael pov“Kamusta ka na? “ Tanong ko kay Cj ng magkaroon ng magkaroon ako ng pagkakataon na lapitan siya. Nasa taas na si Jeanna kasama si grandma, nag pasama kasi si grandma sa library dahil may importante daw siyang ipakita dito. Si mommy at daddy naman ay pumasok sa kwarto nila at si Aaliyah naman ay nasa entertainment room kasama ang bunso namin si Asher.“O-okay naman, ikaw kamusta ka na?" Aniya na umiwas ng tingin sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha niya habang abala siya sa paghuhugas ng plato, malaki na din ang pinag bago niya, pero ganun pa rin naman ang mukha niya na gaya ng dati maganda pa rin siya.“Okay lang din, ang sabi sa akin ni mommy, nagtuturo ka na daw sa preschool.” Muling tanong ko sa kanya. Nag punas muna siya ng kamay at muling humarap sa akin." Oo, nagtuturo na ako diyan sa St. Angels school. Mag isang taon na rin akong nagtuturo doon.” Sagot niya at ngumiti ng bahagya sa akin." Okay lang ba kung mag usap muna tayo?“ alam ko naman na nag uusap na kaming dala
CJ povMasaya kaming nag kwentuhan ni Kiel at para bang bumalik kami sa dati. Yung dati na parang may sarili kaming mundo.“Talaga? Kahit ako naman pangarap ko mag aral sa abroad. Gusto ko maranasan ang buhay ko sa abroad, yung ako lang mag isa. Gusto ko kasi maging independent.” Nakangiti kong sabi sa kanya ng ikwento niya ang buhay niya sa spain at kung paano siya nahirapan doon.“Mas maganda pa din dito sa atin J, kung ako ang tatanungin mas gusto ko na dito ka mag tapos kaysa sa ibang iba dahil maraming kang pwede matutunan at ma adopt na kultura nila doon. “ Aniya sa akin. Napatingin ako sa kamay kong hawak niya habang pinaglalaruan niya ang isang daliri ko.“Normal lang naman yun, dahil kahit ang mga foreigner dmna tumira dito sa atin ay na adopt din ang kultura natin.” Nakangiting saad ko sa kanya." Yeah, i know, kaya ayaw ko na mag aral ka sa ibang bansa dahil sa kultura na meron sila." Saad niya, napangiti naman ako ng makita kong may ilagay siya sa daliri ko.“Ano yan?" Tan
Michael pov“Hindi ka ba hatid sundo ng boyfriend mo?” tanong ko ng nasa sasakyan na kami papunta sa school kung saan siya nagtuturo sa mga bata. Medyo may kalayuan din sa bahay ni grandpa ang school na pinag tuturuan niya.“Ni John? Hinahatid niya ako minsan at sinusundo sa school, pero minsan lang dahil busy din siya sa work niya. Isa pa ayaw ko naman na obligahin siyang i hatid at sundo ako,dahil may sarili din siyang pinag kaka abalahan.” aniya na ngumiti sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinagot niya.“Cj hindi mo kailangan na obligahin siya dahil alam niya dapat ang obligasyon niya sayo bilang nobyo niya. Kung ako ang naging nobyo mo, kahit gaano pa ka busy ang schedule ko, gagawa ako ng paraan para lang masundo ka kung hindi kita pwedeng maihatid sa umaga. At alam dapat ni John yun mula ng maging nobya ka niya.” saad ko at nilingon siya. Yeah, dahil kung ako ang boyfriend niya hinding hindi ako papayag na pumasok at uuwi siyang mag isa. Ano pa ang silbi kung bakit nagi
Nang dumating ang 10 ng umaga, nagulat ako na pinuntahan ako ni Kiel sa school na may dalang pizza para sa mga bata tulad ng pinangako niya kanina. May dalawa kasi akong sesion dito sa school, isang pang umaga at isang pang hapon. “ Hi, kids ito na ang pizza na ipinangako ko kanina.” bati niya sa mga bata ng pumasok siya sa loob ng classroom.“ Yehey!” sabay sabay na sigaw ng mga bata. Uwian na rin kasi ng mga bata ngayon 10:30 at tama lang ang dating ni kiel para sa merienda ng mga bata.“ Kids sandali, umupo muna kaya at ako ang lalapit sa upuan niyo para bigyan kayo.” ani ko sa mga bata at lumapit kay Michael.“ Salamat kie ha, nag abala ka pa talaga ng merienda para sa mga bata.” saad ko at kinuha ang pizza sa kamay niya. Agad ko naman iyon nilapag sa mesa at binuksan.“ Tapos na ba ang klase mo?” tanong niya sa akin.“ Actually pa tapos na ang klase ko at magpapaalam pa lang ang mga bata.” sagot ko sa kanya at kinuha ang isang upuan para mak upo siya. “Upo ka muna, tama tama lan
“Nasabi mo na ba sa kanya ang totoo?" Tanong sa akin ni John ng dalawin niya ako ngayon sa school. Nandito kami ngayon sa paborito naming kainan malapit sa sa school.“Hindi pa niya alam. Ang alam niya hanggang ngayon na tayo paring dalawa. Hindi ko na rin magawang itama dahil sigurado na marami siyang itatanong kung bakit? At ayaw ko na mag kasamaan sila ng loob ng lola niya dahil kang sa akin.” Sagot ko sa kanya. Ayaw ko na dahil sa akin mahalit siya sa lola niya." Pero may karapatan ka din naman na sumaya Criz, at alam ko na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin sayo si Kiel. karapatan niyo na maging masaya na dawala, wag mo munang isipin ang ibang tao, isipin mo muna ang ang kaligayahan mo at ni Michael.” saad pa niya sa akin. Alam ko naman na may nararamdaman pa sa akin si Kiel dahil nakikita ko at nararamdaman ko yun kapag magkasama kaming dalawa. “Pero paano kung magalit sa akin ang buong pamilya niya si maam Mich at sir Austin, ang mga kapatid niya lalo na ang lalo niya
“Ma’am Mich, sir Austin gusto ko po sana na mag paalam sa aalis na po kami dito ni mama. Tatanawin ko po na malaking utang na loob ang pagpapaaral niyo sa akin. Dahil po dun nakapagtapos ako. Pero gusto ko din po kasi sana na magpahinga na po si mama, matanda na po siya, at gusto ko na rin po tumutok sa aking pagtuturo.” paalam ko kina Mich ng kumain na sila ng hapunan. Ang tungkol naman sa at sa paglipat namin ng bahay ay kinusap ko si mama tungkol doon at pumayag naman siya. Ang kailangan ko na lang ngayon ay ang mag paalam sa amo namin ni mama sa loob ng halos dalawampung taon.“Ha? Bakit biglaan naman ata iha? May problema ba kung bakit aalis na kayo ni Chris?” biglang tanong ni ma’am Mich.“Wala pong problema ma’am, gusto ko lang po talaga na maging tutok na sa pagtuturo at makapag pahinga na si mama sa pagiging labandera, total po sumasahod naman na po ako at kaya ko na po ibigay ang mga pangangailan niya.” sagot ko sa kanya at sinulyapan si Kiel. tahimik ito mula kanina ng du