Napabuntung-hininga ang dalaga. Kung pwede nga lang akuin na niya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ni Dallas ay inako na niya. Kaya lang ay suntok sa buwan talaga bago siya tingnan ni Dallas na may pagnanasa. Napasimangot siya sa naisip. Masyado naman yata siyang negatibo kung mag-isip. Di ba nga ang motto niya sa buhay ay ' Habang may buhay, may pag-asa'?" Magiging akin ka rin, baby ko. Tandaan mo iyan. " Nakangiting kausap niya sa picture frame na hawak. Larawan iyon ni Dallas na ninakaw pa niya sa family album ng mga ito noong ten years old. siya." Gumising ka na diyan, Paige! Tanghali na! " Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpagising sa dalagita. Pupungas-pungas naman itong bumangon. " Nandiyan na, nay! " Sagot na sigaw naman niya bago bumangon at nagpasyang maligo na. Lumabas na siya ng silid at tinungo ang kusina para kumain. " Good morning po, nanay! " Masayang bati niya sa ina sabay halik sa pisngi nito. " Godd morning din, anak. Masarap ang tulog natin, ah. ""
Magbasa pa