Home / Romance / Pagsuway ( Zuri Leigh Chui) / Chapter 31 - Chapter 36

All Chapters of Pagsuway ( Zuri Leigh Chui) : Chapter 31 - Chapter 36

36 Chapters

Book 2 - Chapter Six

Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha sa kanyang mga mata. Paano ba mawala ang sakit sa puso niya? Kung tutuusin wala naman itong kasalanan kung bakit hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya. When she declared her love for him, ay inamin naman nito sa kanya na hindi siya gusto nito. Pero bakit hanggang ngayon hindi pa siya makapag-move on talaga? Nasa kanya ang problema. Nakita niya ang effort ni Dallas to be friends with her again, pero hindi niya lang talaga kaya. Ano ba ang tamang gawin niya para makalimutan ang sakit sa puso niya? "Ang dali mo namang umuwi, anak. May problema ba?" Salubong sa kanya ni Loyda. Umiling siya. "Medyo sumama lang po ang tiyan ko, nay. Magpapahinga na po ako." Paalam niya sa ina matapos humalik sa pisngi nito. Kanina pa siya nakahiga sa kanyang kama, ay hindi pa rin dalawin ng antok ang dalaga. Naiisip pa rin niya ang huling pag-uusap nila ng binata. "Is something wrong, Paige? Galit ka ba sa akin? Pwede bang sabihin mo sa akin kung a
last updateLast Updated : 2024-03-24
Read more

Book 2 - Chapter Seven

Muling bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok roon ang sekretarya, kasama ang isang matangkad at morenong lalaki. Hindi maitatangging gwapo ito at ang lakas ng appeal dahil halata sa mga tingin ng sekretarya niya na humahanga ito rito. "Mr. Ramos, maiwan ko na po kayo." Paalam ni Rossie sa kanila. Akala ng dalaga ay aalis na si Dallas ngunit nanatili ito sa loob ng kanyang opisina at prenteng nakaupo sa visitor chair niya. Pasimpleng pinanlakihan niya ito ng mga mata. Ngunit matamis lamang siyang nginitian nito. Akala niya ay susunod ito, pero hindi pala. Naglakad palapit sa kanya ang bagong dating. "Good morning, Mr. Ramos." Bati ni Paige rito. "I don't really mind if you call me Harold. It's nice to finally meet you, Paige." Matamis itong ngumiti sa dalaga sabay abot ng kamay nito para makipagkamay sa kanya. Tinanggap iyon ng dalaga at sinuklian ito ng tipid na ngiti. "Same here, Harold. Have a seat." Iminuwestra niya ang kamay sa upuan. Isang tikhim ang nagpatigil sa
last updateLast Updated : 2024-03-29
Read more

Book 2 - Chapter Eight

"Mom, may nabalitaan po ba kayong naging boyfriend ni Paige?" kunyari ay hindi interesadong tanong niya sa kanyang ina. Ni hindi ito tinapunan ng tingin sa halip ay tuloy-tuloy siya sa pagsubo ng pagkain. Sandaling natigilan si Mrs. Thomas, pilit inaaninag sa mukha ng anak ang intensyon nito. At ng sa tingin niya ay wala lang rito ang tanong ng anak ay makahulugang sumagot."Maraming nanliligaw sa kanya, anak. Kaya lang ay wala naman akong nabalitaang naging nobyo ni Paige. Naka-focus lagi ang isip ng batang iyon sa kanyang pag-aaral kaya nga naging top sa board exam." sandali itong tumigil na tila nag-iisip. Samantalang gusto ng ngumiti ng malapad ng binata dahil sa sinabi ng ina.'May pag-asa pa siya sa dalaga!'"I think a certain Harold Ramos ang nanliligaw sa kanya ngayon. He's our newest client, son." Doon na nagtaas ng tingin ang binata. Halata sa itsura niya ang di naitagong inis sa narinig mula sa ina."I already declined his project, mom. Paano?" naguguluhang tanong niya rito
last updateLast Updated : 2024-04-10
Read more

Book 2 - Chapter Nine

Nagising siyang nananakit ang buong katawan niya. Hindi na niya maalala kung ilang ulit siyang inangkin ng binata. Mariing ipinikit ni Paige ang mga mata. Nangyari na ang gusto niya. May rason na siya para pakasalan ng lalaki. He took her virginity! Plano niya naman talaga iyong nangyari sa kanila ni Dallas. Nagtagumpay pa nga siya.Biglang bumukas ang pinto ng silid at iluwa roon ang napakakisig na binata. He was wearing only his black briefs."D-Dallas." Bulalas niya sa lalaki. Lumapit sa kanya ang binata at umupo sa kama."We need to talk, Paige." seryoso ang mukha nito. Sana lang pareho sila ng iniisip nito. Piping panalangin ng dalaga sa isip."Yeah, we really need to talk." sang-ayon naman niya."I want to marry you, Paige." Umawang ang labi ng dalaga sa narinig. Hindi na pala niya kailangang hilingin ritong pakasalan siya pagkatapos ng nangyari sa kanila."I feel responsible for what happened to us awhile ago. Magbibihis lang ako't pupuntahan natin agad ang nanay mo. Hihingin k
last updateLast Updated : 2024-07-21
Read more

Book 2 - Chapter Ten

"Kaya ko na. Sige na pwede ka ng umalis." "I can always cancel my meeting, babe. Mas importante ka kaysa sa ka meeting ko." may pag-aalala ang mukha ni Dallas na nakatingin sa kanya. May sakit kasi siya. May sinat siya dahil naulanan kahapon nang pauwi na siya sa bahay nila."Hindi na kailangan. Bumubuti na rin naman ang pakiramdam ko. Importanteng tao si Mr. Cheng, Dallas." pakusap niya sa asawa. Nakipagsukatan siya ng titig rito. Malalim na bumuntung-hininga ang lalaki bago sumuko sa kanya. "Fine. I'll go." nakahinga siya ng malalim sa pagsang-ayon nito. "Thank you, Dallas." tipid niya itong nginitian."Your welcome, wife. Babalik ako agad pagkatapos ng meeting. May gusto ka bang ipabili?" sabay kindat nito sa kanya. Pinamulahan siya ng mukha dahil doon. Ang laki na kasi ng ipinagbago niya, kung noong kabataan niya ay masyadong makapal ang mukha niya ngayon naman ay nahihiya siyang ipakita sa lalaki ang tunay na laman ng puso niya. She became reserved."W-Wala naman." umiling siy
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Book 2 - Chapter Eleven

"Hindi mo ba sasabihin sa asawa mo ang kalagayan mo, anak?" malungkot siyang umiling. Limang buwan na ang kanyang dinadala at hanggang ngayon ay hindi man lang siya nag-aksaya ng panahong ipaalam iyon kay Dallas. Tama na ang sakit na naranasan niya sa piling nito. Her one week stay with him leaved a mixture of pain and joy in her heart. Nagpapasalamat siya sa Panginoon na sa loob ng isang linggo ay naramdaman niya ang pag-aalaga ng asawa sa kanya. She did not regret what happened. Kung hindi siya nagpakasal rito ay hindi siya maiiwanan nito ng isang napakagandang alaala. Ang sanggol sa sinapupunan niya. Wala siyang balak na ipaalam sa lalaki dahil baka itakwil lang din ang anak niya gaya ng ginawa nito sa kanya. Galit ito sa kanya. Ni hindi siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag dito. Tama na iyong siya lang ang nasaktan. Bumuntung-hininga siya bago nagsalita. "Ayoko po, nay. Sa akin lang ang baby ko." selfish na kung selfish basta hindi niya ipapaalam dito na nagbunga ang m
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more
PREV
1234
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status