"Oo, siya si Eunice Casson, ang magiging nanny ni Jonas," pagpapakila ni Johan kay Eunice sa kanyang asawa.Pinakatitigan mabuti ni Chestine si Eunice sabay naningkit bigla ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya na halos magkasing edad lang pala sila ng magiging nanny ng kanyang anak kaya nagtataka niyang binalingan si Johan."Johan, ang akala ko kasing edad lang ni Mama ang kukunin mo. Hindi mo naman nabanggit sa 'kin na around age lang pala natin," sarkastikong puna ni Chestine.Napansin din ni Chestine magandang mukha ni Eunice at ang makurba nitong katawan suot ang hapit na dress. Hindi maiwasan mainis ni Chestine dahil sa uri ng pananamit nito. Dahil hindi akma ang suot niya sa lugar na kanyang pinuntahan at higit sa lahat, hindi akma para sa mga mata ng asawa niya dahil kahit siya mismong babae ay alam niyang nakakaakit talaga ang suot nito."Love, hindi ko nga rin alam. Ang sabi niya ay nagkamali lang daw ang agency niya about her age," paliwanag ni Johan dahil alam niya kung
Huling Na-update : 2023-03-23 Magbasa pa