Share

Chapter 5

last update Huling Na-update: 2023-03-23 10:38:20

"Oo, siya si Eunice Casson, ang magiging nanny ni Jonas," pagpapakila ni Johan kay Eunice sa kanyang asawa.

Pinakatitigan mabuti ni Chestine si Eunice sabay naningkit bigla ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya na halos magkasing edad lang pala sila ng magiging nanny ng kanyang anak kaya nagtataka niyang binalingan si Johan.

"Johan, ang akala ko kasing edad lang ni Mama ang kukunin mo. Hindi mo naman nabanggit sa 'kin na around age lang pala natin," sarkastikong puna ni Chestine.

Napansin din ni Chestine magandang mukha ni Eunice at ang makurba nitong katawan suot ang hapit na dress. Hindi maiwasan mainis ni Chestine dahil sa uri ng pananamit nito. Dahil hindi akma ang suot niya sa lugar na kanyang pinuntahan at higit sa lahat, hindi akma para sa mga mata ng asawa niya dahil kahit siya mismong babae ay alam niyang nakakaakit talaga ang suot nito.

"Love, hindi ko nga rin alam. Ang sabi niya ay nagkamali lang daw ang agency niya about her age," paliwanag ni Johan dahil alam niya kung anong natakbo sa isip ni Chestine sa mga oras na 'to.

Kilala niya ang asawa na mabilis ma-insecure sa mga babaeng nakikita niya kahit na alam niya naman na mas maganda siya kumpara sa kanila kaya sunud-sunod na lang ang naging pagtikhim ni Johan.

"Aware ka naman na pagiging nanny ng anak namin ang magiging trabaho mo rito sa bahay, pero bakit gan'yan ang suot mo? Wala ka bang disenteng damit?" pamumuna ni Chestine kay Eunice nang muli niya itong balingan na bigla nitong ikinapula dahil sa labis na hiya.

"Ches! You're too harsh!" sita ni Johan ngunit hindi pa rin nagpatinag si Chestine.

"Johan look, we offered a decent job bilang tagapag-alaga ng bata tapos pupunta siya rito na nakasuot ng gan'yan klase ng damit? Kahit naman siguro sino ganito rin ang iisipin. Baby sitter ang kailangan ng anak ko, hindi dancer ng club," diretsuhang paghahayag ni Chestine.

Napahawak na lang ng magkabilang sentido si Johan sumakit bigla ang ulo niya matapos nilang marinig ang sinabi ng kanyang asawa. Hindi naman maipinta ang mukha ni Eunice sabay napatungo na lang. Alam niyang may punto si Chestine sa sinabi nito tungkol sa kanyang pananamit.

"Sige po ma'am, hindi na po ako tutuloy hanap na lang po kayo ng iba na magiging nanny ng anak niyo. Pasensya na po kayo sa paraan ng pananamit ko kung hindi man kaaya-aya sa paningin ninyo, sadyang ganito lang po ako manamit," sabi ni Eunice sabay kuha niya na ng kanyang bag at folder.

Bigla naman nakaramdaman ng awa Johan para kay Eunice at akmang pipigilan niya ito nang maunahan siya ni Chestine.

"Wait," pigil ni Chestine kay Eunice nang tatalikod na sana ito para tumungo sa pinto.

"Bakit po ma'am? May gusto pa po ba kayong sabihin?" tanong ni Eunice nang muli siyang bumaling kay Chestine at Johan.

Huminga muna ng malalim si Chestine bago muling magsalita. Alam niya sa sarili niya na mali siya dahil nauunahan siya palagi ng ugali niyang mapanghusga at susubukan niya nang baguhin ang negatibo niyang pag-iisip simula ngayong oras na 'to.

"Don't go, you can stay here and be the nanny of our son. I'm sorry sa mga nasabi ko sa 'yo kanina, I didn't mean it," hindi inaasahang paghinging paunmanhin ni Chestine kay Eunice na ikinagulat ni Johan.

Hindi makapaniwalang napatitig si Johan sa mukha ng kanyang asawa at unti-unti sumilay ang ngiti sa mukha niya nang mag-sync in na sa isip niya ang sinabi ni Chestine. Ngayon lang ito tumanggap ng kanyang pagkakamali sa harap ng ibang tao.

"This is new... " wala sa loob na sabi ni Johan pero hindi na lang pinansin ni Chestine ang sinabi ng kanyang asawa.

Ayaw na sanang tanggapin ni Eunice ang trabaho dahil inaamin niyang nasaktan talaga siya sa mga sinabi ni Chestine sa kanya. Pero nang magtama ang mga nila ni Johan ay bigla siyang nabuhayan ng loob sa hindi malamang dahilan kaya kaagad na umaliwas ang mukha niya sabay nakangiti niya nang binalingan si Chestine na matiyagang naghihintay ng kanyang sagot.

"Wala na po sa akin 'yon ma'am, kalimutan na lang po natin ang nangyari," sagot ni Eunice habang nakangiti pa rin na parang walang nangyari.

"Good, it's up to you kung kailan mo gusto magumpisa," sabi ni Chestine gamit ang malumanay niya nang boses.

"Ayos lang po sa 'kin kahit bukas na bukas din ay magumpisa na po ako, " masayang sabi ni Eunice habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Chestine.

Tahimik lang na nakikinig si Johan sa kanilang naging usapan. Masaya siya hindi dahil pinigilan niya si Eunice kundi dahil alam niyang sinisikap ng asawa niyang baguhin ang kinaugalian niya.

"Bring all your things tomorrow dahil stay in nanny ka," paglilinaw ni Chestine kay Eunice.

"Opo, nakalagay naman po sa pinirmahan kong kontrata na stay in po talaga ako," segunda ni Eunice.

"So, everything is now settled. Ms. Cassano you can go home and come back tomorrow," sabi ni Johan kay Eunice at banayad niya itong nginitian.

"Sige po, alis na po ako. Marami pong salamat sa tiwalang ibinigay niyo sa 'kin," pasalamat ni Eunice bago siya naglakad palabas at tuluyan na ngang nawala sa paningin nila.

Naiwan silang mag-asawa sa living room habang si Chestine ay nanatili pa ring tahimik na parang kay lalim ng iniisip.

"What's wrong, love?" kunot ang noong tanong ni Johan kay Chestine dahil agaw pansin ang pagiging tahimik nito.

"Tama ba ang ginawa ko? Bakit pakiramdam ko bandang huli ay pagsisisihan kong siya pa rin ang kinuha nating nanny?" nagaalangang pag-amin ni Chestine sa asawa habang kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri.

"Ayan ka na naman sa pag-o-over think. Ang akala ko ba ay ayos na kanina?" dismayadong sagot ni Johan habang nakatingin sa asawa niyang hindi mapakali.

"Kung 'yan naman pala ang natakbo sa isipan mo, bakit mo pa siya pinigilan umalis kanina? Sana hinayaan mo na lang siyang mag-back out," angil ni Johan sabay napailing.

"Can I call her? And tell her not to come back to—" hindi na naituloy ni Chestine ang sanang sasabihin niya nang magsalita ulit si Johan.

"That's very unprofessional! Hindi gan'yan ang pagkakakilala ko sa 'yo na magpapaasa ka ng tao dahil lang d'yan sa pagiging delusional mo!" pagalit ni Johan kay Chestine.

"Bakit mo ba ako sinisigawan?? You can talk to me in a low tone but here you are, akala mo naman related ka doon sa tao!" bulyaw rin ni Chestine sa asawa.

Biglang natahimik si Johan sa sinabi ni Chestine at napagtanto niya ang sinabi nito. Bakit nga ba siya nagiging over reacted? Tila lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at kinuha niya ang isang kamay ng asawa sabay pinisil ito.

"I'm sorry love, alam mong pagdating talaga sa mga empleyado ay malambot ang puso ko. Hindi ako kagaya ng ibang employer d'yan na walang pakialam sa nasasakupan nila. Kilala mo 'kong ganito," pagaalo ni Johan sa asawa.

"Kilala nga kitang gan'yan, pero nakakapagtaka lang na ganu'n kabilis mag-switch ng emotions mo dahil lang sa babaeng 'yon," naniningkit ang mga matang sabi ni Chestine.

"Ito na naman ba tayo Ches? Pati pa ba 'yon pag-se-selosan mo? Oh come on! Ikaw ang nagbibigay ibig sabihin sa lahat ng bagay kahit wala naman kahulugan," asik ni Johan.

Napakagat labi na lang si Chestine dahil sa frustrations na nararamdaman. Lumalabas pa rin talaga ang likas n'yang ugali kahit anong pagpipigil niya.

"You know what love, sana nagpakatotoo ka na lang kanina kung ayaw mo talaga. Kita sa 'yo na nakonsensya ka lang kaya pinigilan mo siyang mag-back out. Tapos ngayon gusto mo siyang tawagan para sabihin na nagbago ang isip mo? Hindi magandang paguugali 'yan," panguusig pa ni Johan at napahawak sa batok.

"Fine, hindi na," pagsuko ni Chestine pero walang emosyong mababakas sa kanyang mukha.

Ayaw na lang ni Chestine na humaba pa ang pagtatalo nila dahil lang sa nanny ni Jonas. Tutal ay kasalanan niya naman talaga.

"Sa susunod pagisipan mo muna mabuti bago ka magdesisyon ng isang bagay," pangaral ni Johan sa asawa.

Dumako ang tingin ni Chestine sa kanyang cellphone nang mag-ring ito mula sa bulsa niya. Kinuha niya ito at tinignan muna kung sino ang nasa caller ID ngunit nagtaka siya nang mabasa ang pangalan ni Kayden, ang nakababatang kapatid ni Johan kaya agad niya ring sinagot.

"Yes, Kayden? Napatawag ka?" bungad ni Chestine kay Kayden sa kabilang linya at nagtatanong na tiningnan ni Johan si Chestine.

Kahit siya nagtataka rin bakit tumawag ang kapatid niya kay Chestine, alam nilang hindi ito tatawag kung walang kailangan.

"What? Gusto mo magbakasyon dito sa bahay ng isang buwan? Sigurado ka ba d'yan? Baka naman dito ka pa hanapin ng mga girlfriends mo," tanong ni Chestine kay Kayden na may kasamang biro.

"Ano?! Magbabakasyon si Kayden dito??" gulat na tanong ni Johan kay Chestine ngunit sinenyasan lamang siya nito na tumahimik na muna.

"Osige, sige. Kayo na lang ng kuya mo ang magusap mamaya ng personal about your reason for staying here," sabi ni Chestine sabay ibinababa niya na ang tawag at humarap kay Johan.

"Bakit ikaw ang unang tinawagan ni Kayden instead of me?" tanong ni Johan na may himig ng pagtatampo.

"I don't know, ang sabi niya hindi ka raw sumasagot sa tawag niya kanina pa," sagot ni Chestine sa asawa. Naalala ni Johan na nasa kwarto nga pala nila ang cellphone niya.

"Anong pang sabi niya?" tanong ulit ni Johan.

"He wants to stay here for a vacation dahil gusto niya raw kayong makasama ni Jonas. Pero hula ko talaga gusto niya lang takasan ang mga babae niya." Naiiling na sabi ni Chestine.

Kilala niya ang kapatid ng kanyang asawa na nuknukan ng babaero kaya nagpapasalamat talaga si Chestine dahil hindi gano'n si Johan.

Kaugnay na kabanata

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 6

    Kinabukasan ay kasalukuyang naghahanda si Chestine ng breakfast nang biglang tumunog ang door bell. Wala si Yaya Fei dahil inutusan niya itong mamalengke at si Johan pumasok na sa office kaya naman dalawa lang silang naiwan ni Jonas sa bahay.Tinanggal na muna ni Chestine ang suot niyang apron at saka siya naglakad patungo sa labas ng gate para tingnan kung sinong nag-do-door bell. Pagbukas na pagbukas niya ng gate ay biglang umaliwas ang mukha niya nang bumungad sa kanya ang brother in law niyang si Kayden. "Kayden! Ang akala namin next week ka pa darating?" gulat na tanong ni Chestine sabay kaswal niya itong niyakap. Gumanti rin ito ng yakap sa kanya at agad din naman humiwalay."Hindi na kasi ako makapaghintay na makita ang gwapong-gwapo kong pamangkin. Ang tagal na kasi nung huli ko siyang nakita baby pa siya that time," magiliw na sagot ni Kayden na bahagyang ikinahagikgik ni Chestine."Sandali lang, lalawakan ko ang bukas ng gate para makapag-park ka sa garahe ng kuya mo," sabi

    Huling Na-update : 2023-03-24
  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 7

    "Naiintindihan kong hindi kayo ang tipo ng taong mabilis magtiwala pero patutunayan ko na mapagkakatiwalaan niyo ako sa lahat ng bagay," determinadong sabi ni Eunice.Hindi na muling nagsalita pa si Chestine sabay tumalikod na lang at tahimik nang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa narating na nila ang magiging silid nito."Ito ang magiging kwarto mo," turan ni Chestine kay Eunice sabay binuksan ang pinto.Nauna nang pumasok si Eunice sa loob at nilibot niya ang kabuuan ng silid. Maliit lang ang espasyo pero maayos naman at malinis."Nasa kabila lang ang kwarto ni Jonas, bandang kanan para malapit ka lang sa kanya," imporma ni Chestine at tahimik na inoobserbahan kung paano ito gumalaw at kumilos."Sige po ma'am," sagot ni Eunice at sabay ipinatanong sa ibabaw ng kama ang dala niyang dalawang malaking bag."Kung may kailangan ka h'wag kang mahiyang magsabi sa 'kin at kung gusto mong kumain bumaba ka lang open sa lahat ang kitchen," sabi ni Chestine.Wala sa loob na napatitig si Eunic

    Huling Na-update : 2023-03-25
  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 8

    "Dahil first day mo naman, magpahinga ka na muna kami na bahala sa anak ko hanggang sa masanay na siya sa presensya mo," pabibigay konsiderasyon ni Chestine sa bagong nanny."Sige po ma'am, muka nga talagang kailangan niya munang mag-adjust base sa ikinilos niya kanina," sabi ni Eunice at ipinagpatuloy na ang pagkain."Mabuti na lang nandito si Kayden at least my son will feel relaxed and comfortable with his presence habang nag-a-adjust naman siya sa 'yo," sabi ni Chestine habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Eunice."May gusto lang po akong itanong sa inyo ma'am," nagaalangang sabi ni Eunice at sandali siyang huminto."Ano 'yon?" tanong ni Chestine."Hindi po ba makakaapekto sa trabaho ko ang nalaman niyo tungkol sa 'min ni Kayden? Baka kasi isipin niyo—" hindi na naituloy ni Eunice ang gusto niyang sabihin nang magsalita si Chestine."Wala naman akong pakialam sa namagitan sa inyo ng brother in law ko, as long as ikaw na nanny ng anak ko ay magagampanan mo ng maayos ang trabaho mo.

    Huling Na-update : 2023-03-26
  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 9

    "I'm home!" bungad na sabi ni Johan.Kauuwi niya lang galing sa nakakapagod na trabaho at kaagad na hinanap ng mga mata niya ang kanyang mag-ina sa paligid ngunit hindi niya nakita ang mga ito at sa halip ang bumungad sa kanya ay ang kapatid niyang si Kayden na pababa ng hagdanan. Nagtaka siya dahil ang alam niya ay next week pa ito uuwi."Kayden! Akala ko next week ka pa uuwi?" gulat na tanong ni Johan nang salubungin niya ito.Saka lang napansin ni Kayden ang kuya niya nang lapitan siya nito kaya naman kapwa pa silang nagkagulatan pareho."Oh! Kuya nandiyan ka na pala! Oo, kaninang umaga pa ako dumating at si ate Chestine ang naabutan ko," sagot ni Kayden kay Jonas."I see, so bakit nga napaaga ka ng uwi rito sa bahay namin ng ate Chestine mo? May naging problema ba?" nagtatakang tanong ni Johan."Mamaya ko na lang iki-kwento magbihis ka na muna tapos inom tayo," sabi ni Kayden at sabay siniko sa braso si Johan."Muka ka talagang alak! Pero sige na nga at pagbibigyan kita tutal ngayo

    Huling Na-update : 2023-03-26
  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 10

    "So, p'wede mo na bang sabihin sa 'kin kung bakit napaaga ang uwi mo? Anong problema?" tanong ni Johan sa kapatid niyang si Kayden.Kasalukuyan silang nakaupo sa tapat ng isang mini bar sa loob ng bahay malapit sa kusina habang nakaupo at kapwa parehong may hawak na baso na naglalaman ng alak. Nakatingin si Johan sa kapatid na panay lang ang tungga."Easy, mukang malaki ang problema mo ah? Para kang may lakad kung makatungga ka," puna ni Johan kay Kayden at nginisihan lamang siya nito."Kuya, hinahabol kasi ako ng mga babaeng nagawan ko ng atraso gusto nilang pakasal sa 'kin kahit one night stand lang naman ang nangyari sa 'min." Naiiling na sabi ni Kayden.Dumako ang tingin ni Johan sa isang manipis na papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at kinuha niya ito at ibinilo sabay inihampas sa ulo ng kapatid."Aray! Para saan 'yon??" asar na tanong ni Kayden sa kanyang kuya na seryosong pa ding nakatingin sa kanya."Seryoso akong nagtatanong tapos dadali ka ng mga kabaliwan mo. Nakailang

    Huling Na-update : 2023-03-28
  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 11

    Maagang nagising si Chestine at dumako ang tingin niya sa asawang mahimbing pa rin na natutulog. Linggo ngayon kaya wala itong pasok sa office. Hindi alam ni Chestine kung anong oras na natapos sina Johan at Kayden kagabi dahil nauna na siyang nakatulog matapos niyang ilipat si Jonas sa sarili nitong silid. Tumayo na siya at sandaling pumasok sa banyo para mag-ayos ng sarili at mayamaya lang ay lumabas na rin siya at tumungo sa sa silid ni Jonas. Gising na ito nang maabutan niya.Hindi muna lumapit si Chestine kay Jonas at naisipan niya muna itong panuorin. Halatang kamumulat lang ni Jonas habang nakaupo sa ibabaw ng kama at kinukusot ang mga mata. Dumako ang tingin ni Jonas sa tapat ng pinto nang mapansin niya ang nakatayong pigura ng ina."Mommy! Good morning!" masiglang bungad ni Jonas sa kanyang mommy at saka lang lumapit si Chestine sabay binigyan ito ng isang mahigpit na yakap."Good morning too, sweetie. How's your sleep? Did you sleep well?" Nakangiting sabi ni Chestine kay

    Huling Na-update : 2023-03-29
  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 12

    "Eunice," tawag ni Chestine sa pangalan ng nanny ni Jonas nang maabutan niya itong naghihintay sa living room gaya ng inutos niya.Kaagad namang nag-angat ng tingin si Eunice nang marinig niyang tinawag ni Chestine ang pangalan niya."Ma'am," tawag din ni Eunice kay Chestine.Akmang tatayo sana siya para salubungin ito ngunit senyasan lang siya nito na h'wag nang tumayo."Paguusapan natin ang tungkol sa nanny duties mo kay Jonas," panimula ni Chestine.Tahimik lang na naghintay si Eunice sa susunod na sasabihin ni Chestine sa kanya."As you can see, Jonas is hard headed but he is sweet and kind like his Daddy Johan. So, I want you to try your best to gain his trust," sabi ni Chestine.Nauunawaan ni Eunice ang ibig iparating sa kanya ni Chestine. Paano nga naman niya magagampanan ng maayos ang trabaho niya kung 'yung batang kanyang aalagaan ay ayaw naman kanya."Naiintindihan ko po, ma'am. Makakaasa kayo," may paniniguradong sabi ni Eunice."Isipin mo na lang, this will be your first ta

    Huling Na-update : 2023-03-30
  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 13

    (WARNING: SPG CHAPTER) "At sa tingin mo ba, papayag ako sa gusto mo?" tanong ni Eunice habang diretsong nakatingin sa nagaalab na mga mata ni Kayden."Do you still remember how you react when I'm touching your plumpness? Two years ago?" mapanuksong tanong ni Kayden habang nilalaro niya ang gitnang dibdib ni Eunice.Napahinto si Kayden sa ginagawa nang pigilan siya nito sa pamamagitan nang paghawak ng kamay niya."Pilit ko nang inaayos ang buhay ko, pero heto ka at ipinipilit mo pa rin ang sarili mo sa 'kin," sagot ni Eunice na ikinaseryoso ng mukha ni Kayden.Sandaling pinakatitigan ni Kayden ang mukha ni Eunice at mayamaya lang nagdesisyon na siyang bitiwan sabay tumalikod. Ang buong akala ni Eunice ay tumigil na ito sa kahibangan niya at nakapag-isip-isip na ngunit laking gulat niya nang bigla itong humarap ulit at sinunggaban siya ng mapusok na halik sa labi na siyang labis niyang ikinabigla at hindi niya pa inaasahan ang sumunod na nangyari.Marahas na sinira ni Kayden ang suot n

    Huling Na-update : 2023-03-31

Pinakabagong kabanata

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 71

    (SPECIAL CHAPTER)_One Year Later_Masayang nilalaro ni Johan ang kanilang munting supling habang karga-karga niya ito sa labas ng mawalak na hardin at mayamaya lang lumapit si Chestine sa kanyang mag-ama nang may matamis na ngiti sa labi."Ang ganda-ganda naman ng baby namin na 'yan," magiliw na sabi ni Chestine sa kanilang baby girl kaya binalingan siya ni Johan sabay halik sa kanyang noo."Thank you for giving me another precious gift," naluluhang sabi ni Johan dahil sa labis niyang galak na ang tinitukoy ay ang kanilang pangalawang anak."Simula nang mailabas ko siya, parang ikaw 'tong naging mahabagin," biro ni Chestine kaya pagak na natawa si Johan."Masaya lang talaga ako dahil hanggang huli kasama ko kayo at may bonus pang maliit," sabi ni Johan sabay halik sa ulo ng anak."You proved your worth as a father and a husband, kaya hindi ako nagsisising bumalik kami sa 'yo," madamdaming sabi Chestine at niyakap ito ng mahigpit patalikod."Thank you Ches, and I love you so much," mad

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 70

    (WARNING! IT CONTAINS HEARTBREAKING SCENES)"Bakit ba sa 'min mo isinsisi 'yang kinasadlakan mo? May nagsabi ba sa 'yo na kalantariin mo ang asawa ko? Sarili mo nang desisyon 'yan Eunice! Wala kaming kinalaman sa kahibangan mo!" bulyaw ni Chestine ngunit mas nagngingitngit lang ito sa galit."Shut up! Ako dapat ang naging asawa ni Johan hindi ikaw! Matagal ko na siyang gusto simula pa noon! Pero naunahan mo 'ko!" gigil na sabi ni Eunice kaya napaawang ang bibig ni Chestine at hindi makapaniwalang tiningnan ito."Baliw ka na nga! You're deadly obsessed with my husband! Ang dami-daming lalaki diyan na p'wedeng magmahal sa 'yo ng totoo pero mas pinili mo ang ganitong landas, nakakaaawa ka!" maanghang na sabi ni Chestine kaya sinamaan siya nito ng tingin."Wala kang pakialam! Gusto ko si Johan! Gusto ko! Mahal ko siya! Kaya dapat ka lang mawala para maging akin siya ng tuluyan!" giit ni Eunice habang nakatutok pa rin kay Johan ang baril ngunit ang atensyon niya ay na kay Chestine.Nagulat

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 69

    "Jana, susunod ako kay Johan. Ikaw munang maiwan dito kasama ng anak ko," sabi ni Chestine ngunit umiling ito."No, sasama ako," hindi pagsangayon ni Jana kaya mariing napapikit si Chestine sabay hawak nito sa magkabilang balikat niya."Listen to me very carefully, ako at si Johan lang ang pakay ng babaeng 'yon. Pinain lang nila sina Troy at Kayden para gipitin kaming makipag-harap sa kanya, kaibigan ko rin si Troy mahalaga din siya sa 'kin pangako ko iuuwi namin si Troy sa 'yo ng ligtas," pagpapaintindi ni Chestine."Pero buntis ka ate, paano kung may mangyari sa inyo ng baby mo?" nagaalalang tanong ni Jana."Walang mangyayaring masama sa 'kin, okay? Mas hindi ko naman maaatim na si Johan ang sumusugal doon mag-isa kapalit ang buhay niya," sagot ni Chestine kaya wala na itong nagawa."Mag-iingat ka," bilin ni Jana."Oo, tinawagan ko na rin ang mga taong inutos sa 'kin ni Johan na tawagan ko, they are on their way, mabuti na lang iniwan sa 'kin ni Johan ang phone niya kaya alam ko kung

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 68

    "Mayamaya lang nandito na ang tagapag-ligtas niyong dalawa," sabi ni Eunice habang nakangising aso kaya ganu'n na lang ng panlilisik ng mga mata ni Kayden."B*tch!!" sigaw ni Kayden na ikinatawa lang ng pagak ni Eunice habang nakaupo siya paharap sa sandalan ng silya katapat sila."Anong kinalaman ko sa inyo? Bakit pati ako dinakip niyo?" Naguguluhan tanong ni Troy habang patayo silang nakatali ang kamay."Malapit ka rin kasi sa mag-asawang gumawa sa 'kin ng pilat na 'to, naisip kong magagamit kita para pang-dagdag konsensya kay Johan gusto ko rin magalit sa kanya ang sarili niyang kapatid kapag tinapos kita, hindi ba buntis din ang girlfriend mong si Jana na kapatid nila? Mas exciting pala!" sabi ni Eunice sabay halakhak ng malakas na labis namang ikinagalit ng dalawang binata."Wala ka na sa sarili mo! Baliw ka na! Pati mga walang kinalaman dito dinadamay mo!!" sigaw ni Kayden sa dati niyang kasintahan ngunit nginitian lamang siya nito ng nakakaloko.Sabay-sabay silang napalingon nan

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 67

    Paglabas nina Chestine at Jonas mula sa silid ay nakarinig sila ng malakas na hagulgol mula sa silid ni Jana kaya dali-dali silang pumasok sa loob upang alamin kung anong nangyayari.Hindi na nagabalang kumatok si Chestine at agad na binuksan ang pinto kaya bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Johan habang tila may kausap sa phone habang si Jana naman ay walang humpay sa pag-iyak, panay ang sigaw sa pangalan nina Troy at Kayden."K-Kuya Johan... si T-Troy... si K-Kuya K-Kayden... ano nang mangyayari sa kanila?" umiiyak na tanong ni Jana gamit ang boses na puno ng panginginig dahil sa takot habang nakahawak siya sa manggas ng damit nito at hindi na alintana ang presensya nilang mag-ina.Doon na umusbong ang kaba sa dibdib ni Chestine dahil kutob niya na may nangyaring hindi maganda kaya naman kaagad silang lumapit sa kinaroroonan nina Johan."J-Johan... anong nangyayari dito?" kinakabahang na tanong ni Chestine sa asawa niyang kasalukuyan may madilim na presensya sa mga ora

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 66

    "Aasikasuhin ko ang pag-transfer ni Jonas sa private isang school," sabi ni Chestine habang kasalukuyan silang kumakain ng breakfast."Leave it to me, ako nang bahala," prisinta ni Johan."Are you sure? Magiging busy ka na ulit sa trabaho," sabi ni Chestine ngunit umiling lamang ito."Saglit lang naman 'yon hindi pa gugugol ng isang buong araw pati ayokong magpapagod ka," sabi ni Johan na tila hindi 'yon big deal sa kanya."Sige, ikaw nang bahala," sabi ni Chestine sabay binalingan niya ang anak na tahimik lang na kumakain."Jonas, si Daddy na ang sasama sa 'yon sa pag-transfer ng school," imporma niya sa anak na ikinatango lang nito."It's okay Mom, I hope I will make a lot of friends there," sabi ni Jonas sabay malawak na ngumiti sa ina."Of course you will, isa ka kaya sa mga most friendly sa school mo doon sa Nashville," sabi ni Chestine sabay pisil sa pisngi nito."I'm glad to be back here in the Philippines Mom, the place where I originally came from," sabi ni Jonas na ikinangit

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 65

    "The smell of our new home is so goood!" bungad ni Chestine nang makapasok sila sa bago nilang bahay na ipinasadya ni Johan last year lang."Nagustuhan mo ba, love?" tanong ni Johan sa asawa at nakangiti itong binalingan siya."I don't like it, I love it!" tila excited na sagot ni Chestine habang nililibot niya nang tingin ang paligid."And you son, do you like our new home?" tanong naman ni Johan sa anak na gaya ni Chestine ay wala rin mapagsidlan ang tuwa."Of course Daddy! I also love it! It looks nice and fancy and the space is not too huge but looks spacious," masayang sagot ni Jonas kaya si Jana naman ang binalingan ni Johan."Feel yourself at home, bunso," sabi ni Johan sa kapatid at nginitian lamang siya nito. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang tila malungkot nitong mga mata."May problema ba?" tanong ni Johan ngunit umiling lamang ito."Wala Kuya," pagsisinungaling ni Jana at halata namang hindi kumbinsido si Johan."Na-mi-miss mo agad si Troy?" panghuhuli niya sa kapatid na

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 64

    Kinabukasan, palabas na sila ng hotel habang bitbit nina Johan at Kayden ang malalaking mga maleta na naglalaman ng kanilang mga gamit."Wala na ba kayong nakalimutan Kuya?" tanong ni Kayden habang inilalagay nila sa likod ng sasakyan ang mga bagahe."Wala na," sagot ni Johan sabay sarado niya na ng pinto ng likod ng sasakyan at saka siya humarap dito."Mag-iingat kayo," bilin ni Kayden sa kanila sabay silip niya na sa loob ng sasakyan kung saan naroroon sina Chestine, Jonas at Jana.Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya sabay kumaway at saka niya muling binalingan si Johan."Bumisita ka sa bahay kahit anong oras mo gusto, welcome ka ro'n," sabi ni Johan sa kapatid ngunit ngumiti lamang ito."Saka na siguro Kuya, alam mo naman galit pa sa 'kin si Ate Chestine ayaw niyang nakikita ang mukha ko," kiming sabi ni Kayden sabay napakamot sa ulo."Hindi galit sa 'yo 'yan, buntis lang kasi kaya masungit pero lilipas din ang init ng ulo niya sa 'yo," sabi ni Johan sabay tapik sa balikat nito.Hi

  • MY HUSBAND'S LOVER IS A NANNY   Chapter 63

    "Dito na muna ako mag-i-stay sa hotel mo Kuya habang hindi pa nakakauwi ng Pilipinas sina Mom at Dad. Si Troy kasi may flight siya bukas umaga at ilang linggo pa bago siya ulit bumalik dito," imporma ni Jana sa kanyang Kuya Johan."Wala namang problema sa 'kin, may mga available suite pa naman dito sa Balana so you can stay here," pagpayag ni Johan na ikinangiti nito."Thank you Kuya," pasalamat ni Jana sabay inangkla niya ang braso niya rito."Johan, hindi ba bukas na ang lipat natin sa bagong bahay?" paalalang tanong ni Chestine sa asawa."Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko na," sabi ni Johan nang mapagtanto niyang hanggang ngayon na nga lang pala sila rito sa hotel."Jana, you can stay with us in our new home kasi kung dito ka mag-i-stay, mag-isa ka lang. Walang titingin-tingin sa 'yo rito, wala si Troy, at si Kayden naman palaging nasa gimikan kaya doon ka na lang muna sa 'min habang wala ka pang makakasama," suhestyon ni Chestine na labis nitong ikinatuwa."Okay lang ba talaga ate?"

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status