Katatapos lang nilang kumain nang maramdaman ni Chestine ang paghilab ng kanyang tiyan. Ang akala niya ay napadami lang siya nang kain pero ilang minuto pa ang lumipas nang sunud-sunod na ang malalang paghilab. Napansin kaagad ni Johan ang hindi mapakaling si Chestine habang panay himas sa tiyan nito.
"Hey, are you okay love? Anong masakit?" nagaalalang tanong ni Johan sa kanyang asawa.Imbis na sagutin ni Chestine ang tanong ng kanyang asawa ay mariin na lang siyang napapikit dahil sa sakit na nararamdaman."Johan! Manganganak na ata si Chestine!" natatarantang sabi ni Celeste kay Johan.Wala nang sinayang na oras si Johan at kaagad niyang bihuhat ang kanyang asawa para isakay sa sasakyan. Maingat niyang iniupo si Chestine sa passenger seat at muling bumaling kay Celeste."Mama, ako na ang bahala kay Chestine. Makikisuyo na lang ako ng mga gamit ng mag-ina ko, paki-sunod na lang sa hospital," utos ni Johan sa biyenan at nagmamadaling sumakay sa driver's seat sabay binuhay ang makina at mabilis na pinasibat.Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ni Johan sa front mirror si Chestine at halatang nahihirapan talaga itong mag-labor. Napaawa siya sa naging itsura ng asawa niya ngayon."You can do this love, ilang sandali na lang lalabas na si baby Jonas kaya tiis lang huh? I'm here, so don't worry." Pilit pinalalakas ni Johan ang loob ng kanyang asawa."Next week pa dapat Johan, napaaga ata," sagot ni Chestine sa namamaos niyang boses."Na-excite siguro siya nang marinig niya ang boses ng grandma niya kanina. Kaya ngayon niya na naisipan lumabas," biro ni Johan."Si Mama, baka hindi niya alam kung saang hospital ako manganganak. Baka maligaw 'yon," nababahalang sabi ni Chestine."Last week ko pa sinabi sa kanya kung saan ka manganganak kaya alam niya na sa Ester Medical Hospital kita dadalin," imporma ni Johan sa asawa."Bakit kasi hindi mo pa siya isinabay satin? Para hindi niya na kailangan mag-commute mag-isa," angil ni Chestine."The hospital is not too far, pati 'yung ibang gamit niyo ni baby hindi pa ayos kaya naman nakisuyo ako kay Mama. Baka pag nag-tagal tayo sa bahay, doon ka pa abutin," paliwanag ni Johan.Hindi na muling nagsalita pa si Chestine at mayamaya lang ay huminto na sila sa tapat ng malaking private hospital. Kaagad na bumaba si Johan at umikot sa passenger seat para muling alalayan si Chestine sa pagbaba ng sasakyan.Sinalubong sila ng doctor at mga nurses ng hospital at mabilis silang inassist. Inihiga nila si Chestine sa stroller bed sabay ipinasok sa delivery room. Akmang susunod din sana si Johan sa loob ngunit pinigilan siya ng isang doctor."Sir, kayo po ba ang asawa ni Mrs?" tanong ng doctor kay Johan."Yes, ako nga," sagot ni Johan sabay may iniabot na chart ang doctor sa kanya na kinakailangan niyang pirmahan."Paki-fill up-an na lang nito at paki- pirmahan na rin para sa consent niyo" sabi ng doctor.Kaagad na kinuha ni Jonas ang chart mula sa doctor at mabilis na ni-fill up-an at pinirmahan ito."Hindi po ba ako p'wede sa loob doc?" tanong ni Johan."Bawal po, policy talaga ng hospital na patient and mga staff lang ng hospital ang p'wede sa loob," pagkasabi ng doctor ay kinuha niya na ang chart mula kay Johan at nagmadali nang pumasok sa loob ng deliver room.Naiwan si Johan mag-isa sa labas habang nagpalakad-lakad. Mayamaya lang ay narinig niya na ang boses ng kanyang biyenan na si Celeste habang bitbit ang dalawang bag na naglalaman ng mga gamit ng mag-ina niya."Ma!" tawag ni Johan kay Celeste sabay kinuha niya ang dalawang bag na bitbit nito."Ano Johan, kamusta na ang anak at apo ko?" nagaalalang tanong ni Celeste kay Johan na may."Kapapasok lang po ni Chestine sa loob," sagot ni Johan sa kanyang biyenan sabay inaya niya itong maupo sa mga bakanteng upuan."Sana safe delivery ang mag-ina! Ang akala ko pa naman ay next week pa ang due date niya," sabi ni Celeste."Hindi ko rin po alam kung bakit napaaga, baka siguro naiinip na si Jonas sa loob," pabirong sabi ni Johan."Ay naku! Baka nga!" Pagsangayon ni Celeste."Johan??" tawag ng isang pang-babaeng boses sa pangalan ni Johan kaya sabay silang napalingon sa pinanggalingan nito.Nanlaki bigla ang mga mata ni Johan nang mapagsino niya ang babaeng tumawag sa pangalan niya at sabay pa silang napatayo ni Celeste. Nagulat si Johan nang bigla siyang yakapin ng babae. Dumako ang tingin niya sa gawi ni Celeste na may nagtatanong na tingin."Hey! Hey! Franzelle!" pagtataboy ni Johan sa babaeng kung makayakap animo'y isang linta.Mabuti na lang at bumitaw rin ang babae mula sa pagkakayakap niya kay Johan."Anong ginagawa mo rito sa hospital?" tanong ng babae kay Johan. Hindi man lang alintana ang presensya ng matandang si Celeste."Nasa delivery room ang asawa ko," tipid na sagot ni Johan sa babae."Oh! May asawa ka na pala at may baby ka na rin... " dismayadong sabi ng babae kay Johan."Oo, hija at ako ang biyenan ni Johan. Anak at apo ko ang nasa delivery room ngayon kaya kung p'wede lang dumistansya ka," sabat ni Celeste na may pagbabanta.Kaagad na bumitaw ang babae mula sa pagkakapulupot ng braso niya kay Johan."Ah-eh, pasensya na po kayo. Ako nga po pala si Franzelle kaibigan ni Johan from college," pakilala ni Franzelle sa kanyang sarili."In-inform lang kita dahil baka lang lumagpas ka sa linya hija," malamang sabi ni Celeste."Ma, pasensya na kayo. Ang alam kasi niya ay wala pa akong asawa kaya ganu'n na lang ang ikinilos niya kanina nang makita niya 'ko," sabi ni Johan kay Celeste."Maigi na 'yong nagkakaintindihan tayo," seryosong sabi ni Celeste kay Johan at Franzelle."Sige po, aalis na po ako. See you around na lang Johan," paalam ni Franzelle sa kanila.Palihim niya pang kinindatan si Johan bago siya tuluyang umalis ngunit hindi naman nakaligtas sa paningin ni Celeste ang ginawang ka-pilyahan ng babae."Johan... " tawag ni Celeste sa pangalan ni Johan gamit ang malalim niyang boses."Bakit po, Ma?" nagaalalang binalingan ni Johan si Celeste nang mahimigan niya ang kakaibang sa boses nito."Umamin ka sa 'kin, sino ang babaeng 'yon?" tanong ni Celeste kay Johan sabay ngumiti lamang ito at napakamot sa ulo bago siya sumagot."She's my ex-girlfriend po," sagot ni Johan.Nagsalubong ang dalawang kilay ni Celeste nang mapansin niyang nakangiti pa si Johan imbis na kabahan."Bakit parang tuwang-tuwa ka pa? Johan, ikaw umayos ka—" hindi na naituloy ni Celeste ang sasabihin niya nang magsalita ulit si Johan."A woman like her is just a part of my past, kung iniisip niyong niloloko ko ang anak niyo nagkakamali kayo. I love your daughter very much," seryosong sabi ni Johan.Nakahinga naman ng maluwag si Celeste sa narinig niyang sinabi ni Johan. Ang akala niya ay babae ni Johan si Franzelle."Kaya pala natatakot si Chestine mapaligiran ka ng mga babae. Ganito pala ang eksenang nakikita niya." Naiiling na sabi ni Celeste."Mama, baka isipin niyo babaero ako. Wala na akong balak na maghanap pa ng iba sapat na sa 'kin ang anak niyo," paninigurado ni Johan."Alam ko namang tunay ang pagmamahal mo kay Chestine lalo na ngayong may supling na kayo. Sana lang ay h'wag kang magbabago at ipagpatuloy mo lang kung anong magandang nasimulan niyo," seryosong paghahayag ni Celeste at akmang magsasalita pa sana si Johan nang biglang bumukas ang pinto ng delivery room."Mr. Selvestre," tawag ng doctor kay Johan.Mabilis na tumayo si Johan at Celeste para salubungin ang doctor na kalalabas lang mula sa loob. Nakangiti rin silang sinalubong ng Dr."Doc, kamusta ang mag-ina ko? Safe ba ang naging delivery? Nasaan sila?" Sunod-sunod na tanong ni Johan."Safe po ang naging delivery ng mag-ina niyo kaya wala kayong dapat na ikabahala. Healthy ang inyong baby. Congratulations!" masayang anunsyo ng doctor sa kanila.Mabilis lang ang naging delivery ni Chestine at hindi ito nahirapan kaya naman nakahinga na ng maluwag si Johan at Celeste at kapwa nagkayakapan dahil sa labis na tuwa at muli nilang binalingan ang doctor."Maraming salamat po doc," pasalamat ni Celeste at nginitian lamang siya ng doctor."Ililipat na si Mrs. Selvestre sa isang private room at doon niyo pa lang po siya p'wedeng puntahan," sabi ng doctor."Ang anak ko doc? Nasaan na? P'wede na po ba namin siyang makita?" magkakasunod na tanong ni Johan."Nasa babies section siya at oo p'wede niyo na po siyang makita," magiliw na sagot ng doctor.Hindi na nagsayang pa ng oras sina Johan at agad na pinuntahan ang kanyang anak kung saan ito naroroon. Gustong maiyak ni Johan nang tuluyan na nilang makita si Jonas na masiglang kumakawag-kawag mula sa salaming nakaharang."Congratulations! Isa ka nang ganap na ama. Kaya mas lalo mo pang pagbutihin," galak na bati ni Celestine kay Johan sabay tapik sa balikat nito.Masaya sila habang pinagmamasdan ang munting anghel na masiglang lumilikot sa maliit nitong kinahihigaan."Ipinapangako ko anak, ibibigay ko sa 'yo ang buong pagmamahal ko na nararapat sa 'yo at sa Mommy mo," madamdaming sabi ni Johan sa sarili habang nakatanaw sa munti niyang anghel._Three years later..._"Jonas! Come back here!" malakas na tawag ni Chestine sa kanyang anak na nananakbo sa kanilang garden."Hayaan mo lang siyang maglaro ng maglaro hanggang sa mapagod. Mamaya kusa rin 'yan lalapit sa 'yo," sabi ni Johan habang abalang nag-ta-type sa kanyang laptop."Tirik na tirik ang araw tingnan mo oh! Tapos gusto mo hayaan ko lang," naiinis na sabi ni Chestine sa asawa.Mayamaya lang ay isinara na ni Johan ang kanyang laptop at lumapit sa kinatatayuan ni Chestine habang nakatanaw sa anak nilang si Jonas na nagtatatakbo sa katirikan ng araw."Ang init ata ng ulo ng asawa ko ngayon ah," puna ni Johan sabay ipininulupot niya ang mga braso niya sa baywang ni Chestine."Manang-mana ang anak mo sa 'yo Johan. He is only three years old pero napaka-tuso niya na. Minsan pa nga akala ko matanda na ang kausap ko." Naiiling na sabi ni Chestine."Gusto mo ba mag-hire na tayo ng nanny for him? Sabihin mo lang at may kakilala ako para naman nakakapag-relax ka rin," alok ni Jo
Katatapos lang maligo ni Chestine at saktong kalalabas niya lang ng banyo nang maabutan niya si Johan na may kausap sa cellphone habang nakatayo sa may balcony.Papalapit na sana siya sa kinaroroonan nito nang biglang humarap si Johan at kaagad na nagpaalam sa kausap sabay ibinulsa niya ang hawak na cellphone. "Sinong kausap mo?" nagdududang tanong ni Chestine at hindi nakaligtas sa mga mata niya ang tila sunod-sunod na pagtikhim ni Johan."No one," tipid na sagot ni Johan."Talaga?" sarkastikong sabi ni Chestine."Pinagdududahan mo na naman ba 'ko Ches?" tanong din ni Johan na ikinasalubong ng kilay ni Chestine."Bakit ibinaba mo kaagad ang tawag nung makita mo 'kong nasa likuran mo? Sabay nagpaalam ka rin agad sa kausap mo?" panghuhuli ni Chestine sa asawa."Love, alangan naman nandiyan ka na sa harapan ko hindi pa kita pansinin?" kunot noong sagot ni Johan.Ang pagiging selosa ni Chestine ang madalas nilang pinagaawayan. Lalo na pag may ibang kausap na babae si Johan."Babae ba 'y
"Oo, siya si Eunice Casson, ang magiging nanny ni Jonas," pagpapakila ni Johan kay Eunice sa kanyang asawa.Pinakatitigan mabuti ni Chestine si Eunice sabay naningkit bigla ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya na halos magkasing edad lang pala sila ng magiging nanny ng kanyang anak kaya nagtataka niyang binalingan si Johan."Johan, ang akala ko kasing edad lang ni Mama ang kukunin mo. Hindi mo naman nabanggit sa 'kin na around age lang pala natin," sarkastikong puna ni Chestine.Napansin din ni Chestine magandang mukha ni Eunice at ang makurba nitong katawan suot ang hapit na dress. Hindi maiwasan mainis ni Chestine dahil sa uri ng pananamit nito. Dahil hindi akma ang suot niya sa lugar na kanyang pinuntahan at higit sa lahat, hindi akma para sa mga mata ng asawa niya dahil kahit siya mismong babae ay alam niyang nakakaakit talaga ang suot nito."Love, hindi ko nga rin alam. Ang sabi niya ay nagkamali lang daw ang agency niya about her age," paliwanag ni Johan dahil alam niya kung
Kinabukasan ay kasalukuyang naghahanda si Chestine ng breakfast nang biglang tumunog ang door bell. Wala si Yaya Fei dahil inutusan niya itong mamalengke at si Johan pumasok na sa office kaya naman dalawa lang silang naiwan ni Jonas sa bahay.Tinanggal na muna ni Chestine ang suot niyang apron at saka siya naglakad patungo sa labas ng gate para tingnan kung sinong nag-do-door bell. Pagbukas na pagbukas niya ng gate ay biglang umaliwas ang mukha niya nang bumungad sa kanya ang brother in law niyang si Kayden. "Kayden! Ang akala namin next week ka pa darating?" gulat na tanong ni Chestine sabay kaswal niya itong niyakap. Gumanti rin ito ng yakap sa kanya at agad din naman humiwalay."Hindi na kasi ako makapaghintay na makita ang gwapong-gwapo kong pamangkin. Ang tagal na kasi nung huli ko siyang nakita baby pa siya that time," magiliw na sagot ni Kayden na bahagyang ikinahagikgik ni Chestine."Sandali lang, lalawakan ko ang bukas ng gate para makapag-park ka sa garahe ng kuya mo," sabi
"Naiintindihan kong hindi kayo ang tipo ng taong mabilis magtiwala pero patutunayan ko na mapagkakatiwalaan niyo ako sa lahat ng bagay," determinadong sabi ni Eunice.Hindi na muling nagsalita pa si Chestine sabay tumalikod na lang at tahimik nang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa narating na nila ang magiging silid nito."Ito ang magiging kwarto mo," turan ni Chestine kay Eunice sabay binuksan ang pinto.Nauna nang pumasok si Eunice sa loob at nilibot niya ang kabuuan ng silid. Maliit lang ang espasyo pero maayos naman at malinis."Nasa kabila lang ang kwarto ni Jonas, bandang kanan para malapit ka lang sa kanya," imporma ni Chestine at tahimik na inoobserbahan kung paano ito gumalaw at kumilos."Sige po ma'am," sagot ni Eunice at sabay ipinatanong sa ibabaw ng kama ang dala niyang dalawang malaking bag."Kung may kailangan ka h'wag kang mahiyang magsabi sa 'kin at kung gusto mong kumain bumaba ka lang open sa lahat ang kitchen," sabi ni Chestine.Wala sa loob na napatitig si Eunic
"Dahil first day mo naman, magpahinga ka na muna kami na bahala sa anak ko hanggang sa masanay na siya sa presensya mo," pabibigay konsiderasyon ni Chestine sa bagong nanny."Sige po ma'am, muka nga talagang kailangan niya munang mag-adjust base sa ikinilos niya kanina," sabi ni Eunice at ipinagpatuloy na ang pagkain."Mabuti na lang nandito si Kayden at least my son will feel relaxed and comfortable with his presence habang nag-a-adjust naman siya sa 'yo," sabi ni Chestine habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Eunice."May gusto lang po akong itanong sa inyo ma'am," nagaalangang sabi ni Eunice at sandali siyang huminto."Ano 'yon?" tanong ni Chestine."Hindi po ba makakaapekto sa trabaho ko ang nalaman niyo tungkol sa 'min ni Kayden? Baka kasi isipin niyo—" hindi na naituloy ni Eunice ang gusto niyang sabihin nang magsalita si Chestine."Wala naman akong pakialam sa namagitan sa inyo ng brother in law ko, as long as ikaw na nanny ng anak ko ay magagampanan mo ng maayos ang trabaho mo.
"I'm home!" bungad na sabi ni Johan.Kauuwi niya lang galing sa nakakapagod na trabaho at kaagad na hinanap ng mga mata niya ang kanyang mag-ina sa paligid ngunit hindi niya nakita ang mga ito at sa halip ang bumungad sa kanya ay ang kapatid niyang si Kayden na pababa ng hagdanan. Nagtaka siya dahil ang alam niya ay next week pa ito uuwi."Kayden! Akala ko next week ka pa uuwi?" gulat na tanong ni Johan nang salubungin niya ito.Saka lang napansin ni Kayden ang kuya niya nang lapitan siya nito kaya naman kapwa pa silang nagkagulatan pareho."Oh! Kuya nandiyan ka na pala! Oo, kaninang umaga pa ako dumating at si ate Chestine ang naabutan ko," sagot ni Kayden kay Jonas."I see, so bakit nga napaaga ka ng uwi rito sa bahay namin ng ate Chestine mo? May naging problema ba?" nagtatakang tanong ni Johan."Mamaya ko na lang iki-kwento magbihis ka na muna tapos inom tayo," sabi ni Kayden at sabay siniko sa braso si Johan."Muka ka talagang alak! Pero sige na nga at pagbibigyan kita tutal ngayo
"So, p'wede mo na bang sabihin sa 'kin kung bakit napaaga ang uwi mo? Anong problema?" tanong ni Johan sa kapatid niyang si Kayden.Kasalukuyan silang nakaupo sa tapat ng isang mini bar sa loob ng bahay malapit sa kusina habang nakaupo at kapwa parehong may hawak na baso na naglalaman ng alak. Nakatingin si Johan sa kapatid na panay lang ang tungga."Easy, mukang malaki ang problema mo ah? Para kang may lakad kung makatungga ka," puna ni Johan kay Kayden at nginisihan lamang siya nito."Kuya, hinahabol kasi ako ng mga babaeng nagawan ko ng atraso gusto nilang pakasal sa 'kin kahit one night stand lang naman ang nangyari sa 'min." Naiiling na sabi ni Kayden.Dumako ang tingin ni Johan sa isang manipis na papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at kinuha niya ito at ibinilo sabay inihampas sa ulo ng kapatid."Aray! Para saan 'yon??" asar na tanong ni Kayden sa kanyang kuya na seryosong pa ding nakatingin sa kanya."Seryoso akong nagtatanong tapos dadali ka ng mga kabaliwan mo. Nakailang
(SPECIAL CHAPTER)_One Year Later_Masayang nilalaro ni Johan ang kanilang munting supling habang karga-karga niya ito sa labas ng mawalak na hardin at mayamaya lang lumapit si Chestine sa kanyang mag-ama nang may matamis na ngiti sa labi."Ang ganda-ganda naman ng baby namin na 'yan," magiliw na sabi ni Chestine sa kanilang baby girl kaya binalingan siya ni Johan sabay halik sa kanyang noo."Thank you for giving me another precious gift," naluluhang sabi ni Johan dahil sa labis niyang galak na ang tinitukoy ay ang kanilang pangalawang anak."Simula nang mailabas ko siya, parang ikaw 'tong naging mahabagin," biro ni Chestine kaya pagak na natawa si Johan."Masaya lang talaga ako dahil hanggang huli kasama ko kayo at may bonus pang maliit," sabi ni Johan sabay halik sa ulo ng anak."You proved your worth as a father and a husband, kaya hindi ako nagsisising bumalik kami sa 'yo," madamdaming sabi Chestine at niyakap ito ng mahigpit patalikod."Thank you Ches, and I love you so much," mad
(WARNING! IT CONTAINS HEARTBREAKING SCENES)"Bakit ba sa 'min mo isinsisi 'yang kinasadlakan mo? May nagsabi ba sa 'yo na kalantariin mo ang asawa ko? Sarili mo nang desisyon 'yan Eunice! Wala kaming kinalaman sa kahibangan mo!" bulyaw ni Chestine ngunit mas nagngingitngit lang ito sa galit."Shut up! Ako dapat ang naging asawa ni Johan hindi ikaw! Matagal ko na siyang gusto simula pa noon! Pero naunahan mo 'ko!" gigil na sabi ni Eunice kaya napaawang ang bibig ni Chestine at hindi makapaniwalang tiningnan ito."Baliw ka na nga! You're deadly obsessed with my husband! Ang dami-daming lalaki diyan na p'wedeng magmahal sa 'yo ng totoo pero mas pinili mo ang ganitong landas, nakakaaawa ka!" maanghang na sabi ni Chestine kaya sinamaan siya nito ng tingin."Wala kang pakialam! Gusto ko si Johan! Gusto ko! Mahal ko siya! Kaya dapat ka lang mawala para maging akin siya ng tuluyan!" giit ni Eunice habang nakatutok pa rin kay Johan ang baril ngunit ang atensyon niya ay na kay Chestine.Nagulat
"Jana, susunod ako kay Johan. Ikaw munang maiwan dito kasama ng anak ko," sabi ni Chestine ngunit umiling ito."No, sasama ako," hindi pagsangayon ni Jana kaya mariing napapikit si Chestine sabay hawak nito sa magkabilang balikat niya."Listen to me very carefully, ako at si Johan lang ang pakay ng babaeng 'yon. Pinain lang nila sina Troy at Kayden para gipitin kaming makipag-harap sa kanya, kaibigan ko rin si Troy mahalaga din siya sa 'kin pangako ko iuuwi namin si Troy sa 'yo ng ligtas," pagpapaintindi ni Chestine."Pero buntis ka ate, paano kung may mangyari sa inyo ng baby mo?" nagaalalang tanong ni Jana."Walang mangyayaring masama sa 'kin, okay? Mas hindi ko naman maaatim na si Johan ang sumusugal doon mag-isa kapalit ang buhay niya," sagot ni Chestine kaya wala na itong nagawa."Mag-iingat ka," bilin ni Jana."Oo, tinawagan ko na rin ang mga taong inutos sa 'kin ni Johan na tawagan ko, they are on their way, mabuti na lang iniwan sa 'kin ni Johan ang phone niya kaya alam ko kung
"Mayamaya lang nandito na ang tagapag-ligtas niyong dalawa," sabi ni Eunice habang nakangising aso kaya ganu'n na lang ng panlilisik ng mga mata ni Kayden."B*tch!!" sigaw ni Kayden na ikinatawa lang ng pagak ni Eunice habang nakaupo siya paharap sa sandalan ng silya katapat sila."Anong kinalaman ko sa inyo? Bakit pati ako dinakip niyo?" Naguguluhan tanong ni Troy habang patayo silang nakatali ang kamay."Malapit ka rin kasi sa mag-asawang gumawa sa 'kin ng pilat na 'to, naisip kong magagamit kita para pang-dagdag konsensya kay Johan gusto ko rin magalit sa kanya ang sarili niyang kapatid kapag tinapos kita, hindi ba buntis din ang girlfriend mong si Jana na kapatid nila? Mas exciting pala!" sabi ni Eunice sabay halakhak ng malakas na labis namang ikinagalit ng dalawang binata."Wala ka na sa sarili mo! Baliw ka na! Pati mga walang kinalaman dito dinadamay mo!!" sigaw ni Kayden sa dati niyang kasintahan ngunit nginitian lamang siya nito ng nakakaloko.Sabay-sabay silang napalingon nan
Paglabas nina Chestine at Jonas mula sa silid ay nakarinig sila ng malakas na hagulgol mula sa silid ni Jana kaya dali-dali silang pumasok sa loob upang alamin kung anong nangyayari.Hindi na nagabalang kumatok si Chestine at agad na binuksan ang pinto kaya bumungad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Johan habang tila may kausap sa phone habang si Jana naman ay walang humpay sa pag-iyak, panay ang sigaw sa pangalan nina Troy at Kayden."K-Kuya Johan... si T-Troy... si K-Kuya K-Kayden... ano nang mangyayari sa kanila?" umiiyak na tanong ni Jana gamit ang boses na puno ng panginginig dahil sa takot habang nakahawak siya sa manggas ng damit nito at hindi na alintana ang presensya nilang mag-ina.Doon na umusbong ang kaba sa dibdib ni Chestine dahil kutob niya na may nangyaring hindi maganda kaya naman kaagad silang lumapit sa kinaroroonan nina Johan."J-Johan... anong nangyayari dito?" kinakabahang na tanong ni Chestine sa asawa niyang kasalukuyan may madilim na presensya sa mga ora
"Aasikasuhin ko ang pag-transfer ni Jonas sa private isang school," sabi ni Chestine habang kasalukuyan silang kumakain ng breakfast."Leave it to me, ako nang bahala," prisinta ni Johan."Are you sure? Magiging busy ka na ulit sa trabaho," sabi ni Chestine ngunit umiling lamang ito."Saglit lang naman 'yon hindi pa gugugol ng isang buong araw pati ayokong magpapagod ka," sabi ni Johan na tila hindi 'yon big deal sa kanya."Sige, ikaw nang bahala," sabi ni Chestine sabay binalingan niya ang anak na tahimik lang na kumakain."Jonas, si Daddy na ang sasama sa 'yon sa pag-transfer ng school," imporma niya sa anak na ikinatango lang nito."It's okay Mom, I hope I will make a lot of friends there," sabi ni Jonas sabay malawak na ngumiti sa ina."Of course you will, isa ka kaya sa mga most friendly sa school mo doon sa Nashville," sabi ni Chestine sabay pisil sa pisngi nito."I'm glad to be back here in the Philippines Mom, the place where I originally came from," sabi ni Jonas na ikinangit
"The smell of our new home is so goood!" bungad ni Chestine nang makapasok sila sa bago nilang bahay na ipinasadya ni Johan last year lang."Nagustuhan mo ba, love?" tanong ni Johan sa asawa at nakangiti itong binalingan siya."I don't like it, I love it!" tila excited na sagot ni Chestine habang nililibot niya nang tingin ang paligid."And you son, do you like our new home?" tanong naman ni Johan sa anak na gaya ni Chestine ay wala rin mapagsidlan ang tuwa."Of course Daddy! I also love it! It looks nice and fancy and the space is not too huge but looks spacious," masayang sagot ni Jonas kaya si Jana naman ang binalingan ni Johan."Feel yourself at home, bunso," sabi ni Johan sa kapatid at nginitian lamang siya nito. Hindi naman nakaligtas sa kanya ang tila malungkot nitong mga mata."May problema ba?" tanong ni Johan ngunit umiling lamang ito."Wala Kuya," pagsisinungaling ni Jana at halata namang hindi kumbinsido si Johan."Na-mi-miss mo agad si Troy?" panghuhuli niya sa kapatid na
Kinabukasan, palabas na sila ng hotel habang bitbit nina Johan at Kayden ang malalaking mga maleta na naglalaman ng kanilang mga gamit."Wala na ba kayong nakalimutan Kuya?" tanong ni Kayden habang inilalagay nila sa likod ng sasakyan ang mga bagahe."Wala na," sagot ni Johan sabay sarado niya na ng pinto ng likod ng sasakyan at saka siya humarap dito."Mag-iingat kayo," bilin ni Kayden sa kanila sabay silip niya na sa loob ng sasakyan kung saan naroroon sina Chestine, Jonas at Jana.Ngumiti lamang ang mga ito sa kanya sabay kumaway at saka niya muling binalingan si Johan."Bumisita ka sa bahay kahit anong oras mo gusto, welcome ka ro'n," sabi ni Johan sa kapatid ngunit ngumiti lamang ito."Saka na siguro Kuya, alam mo naman galit pa sa 'kin si Ate Chestine ayaw niyang nakikita ang mukha ko," kiming sabi ni Kayden sabay napakamot sa ulo."Hindi galit sa 'yo 'yan, buntis lang kasi kaya masungit pero lilipas din ang init ng ulo niya sa 'yo," sabi ni Johan sabay tapik sa balikat nito.Hi
"Dito na muna ako mag-i-stay sa hotel mo Kuya habang hindi pa nakakauwi ng Pilipinas sina Mom at Dad. Si Troy kasi may flight siya bukas umaga at ilang linggo pa bago siya ulit bumalik dito," imporma ni Jana sa kanyang Kuya Johan."Wala namang problema sa 'kin, may mga available suite pa naman dito sa Balana so you can stay here," pagpayag ni Johan na ikinangiti nito."Thank you Kuya," pasalamat ni Jana sabay inangkla niya ang braso niya rito."Johan, hindi ba bukas na ang lipat natin sa bagong bahay?" paalalang tanong ni Chestine sa asawa."Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko na," sabi ni Johan nang mapagtanto niyang hanggang ngayon na nga lang pala sila rito sa hotel."Jana, you can stay with us in our new home kasi kung dito ka mag-i-stay, mag-isa ka lang. Walang titingin-tingin sa 'yo rito, wala si Troy, at si Kayden naman palaging nasa gimikan kaya doon ka na lang muna sa 'min habang wala ka pang makakasama," suhestyon ni Chestine na labis nitong ikinatuwa."Okay lang ba talaga ate?"