Home / Romance / Mr. CEO, Marry My Mommy / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Mr. CEO, Marry My Mommy: Chapter 51 - Chapter 60

92 Chapters

Chapter 51

Guia POV May sasabihin pa sana ako pero nasa pinto na si Dylan. “Pinsan, dalian mo na diyan. Tama na ang sobrang pagpapaganda at baka lalo ma-inlove pa lalo si Larsen sa’yo,” nakangiti niyang saad. Lumapit si Jacob sa huli at marahang hinampas ang balikat nito. Walang itulak kabigin ang dalawa lalo at halatang may lahing puti ang dalawa. Australian ang ama ni Dylan samantalang Norwegian naman ang ama ni Jacob. Kung may pagkakahawig man silang dalawa, iyon ay ang parehong mas lamang ang pusong pinoy ng mga ito. “Umalis na nga kayong dalawa. Dito pa kayo nagtuksuan. Sige na, tatapusin ko na ang pagbibihis,” pagtaboy ko sa dalawa. Pareho silang umalis at nagpatuloy akong ayusan ng kasama ko. Ilang sandali rin ang lumipas at lumabas na kami sa silid nang matapos. Na-focus sa akin ang atensyon ng lahat nang bumaba na ako sa hagdan. “Wow! Mommy, you are so pretty just like me.” Humagigik pa si Vivienne sa sinabi niyang pagpuri sa akin. Natuwa ak
Read more

Chapter 52

Jacob POV I wanted to laugh at Guia's face but I stopped the urge to do so. She looked giddy by her reaction. Kahit anong pilit niyang itago ang kanyang kilig, nahalata pa rin sa kislap ng kanyang mga mata. Binaybay ko na ang daan patungo sa silid ni Tita Josephine. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pihitin ang doorknob. "Tita Jo, ano ba ang importante nating pag-uusapan?" bungad ko kaagad matapos isara ang pinto. Ilang hakbang ko lang at lumapit na ako sa sofa kung saan silang mag-ina nakaupo. Napukaw ang aking atensyon ang hawak na brown envelope ni Tita Josephine. May kung anong kaba ang gumuhit sa aking dibdib. "Maupo ka, hijo," minuwestra pa ni Tita Jo na maupo ako sa katapat na single leather seat. "Malamang nagtataka ka kung bakit gusto kitang makausap nang sarilinan." Napabuga pa siya ng hangin na parang may kung anong mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Inabot niya sa akin ang envelope na kanina lang ay hawak ni Dylan. "I'm dying."
Read more

Chapter 53

Guia POV Katatapos ko lang mag-check ng email. Kanina ko pa hinihintay si Jacob lalo at gusto kong malaman ang sadya sa kanya ng Tita Josephine. Nahihiwagaan ako sa kilos niya nitong mga nakaraang araw. Nawawaglit lang sa isip ko na kausapin siya lalo at napakabilis ng mga pangyayari sa mga buhay namin. Kung ilang araw pa lang kami sa Pilipinas ng aking mga anak pero, pakiramdam ko antagal na namin nandito. Napabuga ako ng hangin lalo at natambakan na pala ako ng trabaho. Ayaw ko naman na maging tampulan ng tsismis lalo at kabago-bago ko pa lang sa trabaho ay panay pa ang absent ko. Kahit pa sabihin na ako na ang fiance ni Jacob, naasiwa ako. Kaya, napagpasyahan ko ang isang bagay. Umawang ang pinto at pumasok si Jacob. Ni hindi kaagad niya napansin ang ngiti ko sa kanya hanggang sa pinatunog ko ang aking mga daliri. I snapped at him and that's how I got his attention. "Ano sadya nila Tita Jo sa iyo?" tanong ko kaagad sa kanya habang sinasara niya ang pinto
Read more

Chapter 54

Guia POV Natapos nga akong mag-almusal, binilin ko na kay Manang Nelia ang kambal. "Kayo na po bahala sa dalawa mamaya, Manang," sabi ko. "Baka kayo na po ang sumundo sa dalawa. Kasama n'yo naman po ang apat na bantay ng dalawa," dagdag ko pa. "Walang problema, Ma'am Guia," sagot naman niya sa akin. "Guia na lang po ang itawag ninyo sa akin. Naaasiwa po ako kapag tinatawag ninyo akong ma'am." "Sige, Guia." Hindi naman nagtagal ay dumating na kaagad si Jacob nang marinig ko ang busina ng kanyang sasakyan. Lumabas na ako ng bahay at diretso na sa garahe. Pinagbuksan ako ng pinto ni Jacob kahit pwede naman na ang kanyang mga bodyguard ang gumawa. Hindi pa rin ako masanay-sanay na marami siyang bodyguards na kasama sa lahat ng kanyang mga lakad. Pakiramdam ko tuloy, isa siyang mafia boss imbes na isang mayamang businessman. "What were you thinking?" untag niya sa akin. Nagulat pa ako nang kumaway pa si Jacob sa mismong mu
Read more

Chapter55

Guia POV "Kuya Daryl! Ano itong ginagawa mo? Malalagot ka kay Papa," madamdamin kong saad. Kahit sinisita ko na siya isang kiming ngiti lang ganti niya sa akin. Lumapit siya sa akin at nabigla ako nang mahigpit niya akong niyakap. "Ito ang dapat kong gawin, bunso," aniya habang hinahaplos ang aking likod. Hinarap niya ako at hinaplos ang mukha. "Iyakin ka pa rin tulad ng dati." Nabigla ako sa sinabi niya. Sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayan na naiyak na pala ako at patunay ang pisngi kong basa na ng luha. "Kuya Daryl talaga, malakas ka pa rin manukso," nanunulis ang nguso na saway ko sa kanya habang pinapahid ang luha ko. "Baka itakwil ka ni Papa at ng mama mo," mahina kong saad. Bumalasik ang mukha ni Kuya Daryl. "Hindi ko siya kailanman itinuturing na ina, Guia. Para sa akin, si Mama Guada lang ang nararapat na tawaging ina. Kung papipiliin ako sa susunod kong buhay, isandaang beses kong pipiliin si Mama Guada kaysa sa kanya," may diin niyang sabi.
Read more

Chapter 56

Jacob POV My jaw clenched as I watched Guia's useless father. Bigla kong naisip ang ama kong si Jonas Larsen. Compared to Armando Cordero, mas mabuti pa rin si Papa kaysa walang kwentang ama ni Guia. My dad had an illegitimate child, but I saw how he repent. Mas pinili niya pa rin kami ni Papa. He tried to win mama back but to no avail. A tinge of pain is engulfing my mind. Kung kaya ko lang protektahan si Guia mula sa pamilya niya, gagawin ko lahat. Nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan sa mga eksenang natutunghayan niya. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Hindi ko maipaliwanag kung bakit naiinis ako sa karakas ng itsura nito. "It's been a long time, Guia," saad nito habang lumalapit sa tinutukoy nito. As a protective instinct, sinenyasan ko siyang manatili sa puwesto nito. Napailing na lang ang lalaki at biglang napakamot sa balikat nito. "Oops, I feel like I am interrupting something." "And you are?" tanong ko habang tinititigan ang lalaki mula
Read more

Chapter 57

Guia POV Hindi ako nag-angat ng tingin. Parang pinipiga ang dibdib ko na marinig na magiliw na magiliw kung tratuhin ni Papa ang anak niya sa pagkakasala. "Pagsisisihin mo ang pagtalikod mo sa pamilya mo para lang kampihan ang ibang tao, Daryl," ani Papa. "Wala akong pinagsisisihan, papa. Ginawa ko lang ang dapat ginawa ko sana noon pa. Noong nabubuhay po si Mama. Hinayaan ko lang na itakwil mo ang kapatid ko. Hinayaan kong tratuhin mo si Mama Guada nang masama. You never know how much I regret tolerating you on how you horribly treat your wife and love your other family," saad ni Kuya Daryl. Bakas sa kanyang mukha ang mga igat na tila puputok na sa pagpipigil ng galit. Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Kung ako lang, ayoko na mag-away pa sila ni Papa. Mas gusto ko na lang na manahimik. Mas pinamumukha kasi ni Papa sa aming dalawa na hindi niya pinagsisisihan ang masama niyang trato sa mama. "Let's go, Jacob. Umuwi na tayo," malamig kong saad.
Read more

Chapter 58

Guia POV "Kailangan mo na yata bumalik sa opisina?" tanong ko pa. Ayaw ko man makaramdam ng disappointment pero hindi ko maiwasan na mabawasan ng excitement ang supposed to be lunch namin mag-anak. "The meeting can wait, Guia. Mas importante kayo ng mga anak ko. Our family will always be my priority from now on. Kaya nga marami akong empleyado para gumawa ng mga trabaho instead na ibaon ko ang sarili ko sa mga gawain na pwede naman na sila na ang gumawa," paliwanag pa ni Jacob habang tinitigan ako. Matay mang isipin, gusto kong matunaw sa uri ng titig niya sa akin. Siya kasi iyong lalaki na literal na hinugot mula sa mga paperback na kinahiligan kong basahin nang teenager pa ako. "You are literally stripping me naked by the way you look at me, Guia. Ngayon ko lang napansin ang ganitong side ng pagkatao mo," pansin ni Jacob. Umabot sa kanyang mga mata ang kanyang ngiti habang kagat-labi na nakatingin sa akin. Sabihin pa ay nanunukso siya sa uri ng m
Read more

Chapter 59

Guia POV "Breath, Guia," saway sa akin ni Jacob. Kumurap-kurap ang mga mata ko. Pakiramdam ko, pansamantala akong nakulong kung saang dimensyon at hindi ko na namalayan ang nasa paligid ko. Napalingon ako sa paligid at dinig pa ang palakpakan ng mga server na naroon. "Ang bagsik talaga ng kamandag mo, Larsen!" sigaw ulit ni Toby. Sa ginawa nila gusto ko na lang bumuka ang lupa at lamunin nito sa sobrang hiya. "Don't be shy. Hayaan mo silang itaas ang standard nila at humanap ng isang katulad ko," bulong ni Jacob sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na irapan siya dahil naprepreskuhan ako sa sinabi niya sa akin. Nagpatuloy kaming kumain. May dinalang mango mousse cake ang isang server na panay ngiti sa amin ni Jacob. Kakagat na sana ako ng isang slice nang mapansin na madilim ang mukha ni Jacob habang tinitingnan ang papalayong server. "Hoy, Larsen. Bakit masama ang tingin mo sa server?" usisa ko habang nilalantakan ang cake. Kasehodang
Read more

Chapter 60

Jacob POV "Pamilya din naman ako. Bakit mo naman ako hahadlangan na pumunta dito?" may kasamang ngiti na saad ni Jacques. Gusto kong pilipitin ang leeg ng kapatid kong may kakapalan ang mukha na basta na lang sumulpot sa isang mahalagang okasyon na hindi naman siya imbitado. "Kung may sadya ka tungkol sa trabaho, sa opisina na tayo mag-usap. Busy ako sa pamilya ko," walang gana kong asik. "You are so cold. Kalimutan mo na kasi ang mga naganap sa nakaraan. Huwag ka masyadong sentimental, kuya," katwiran pa ni Jacques habang umuupo sa harapan ko. Sinenyasan ko si Guia na ilayo muna ang mga anak ko. Ayoko naman na magalit sa harapan nila at baka mawala ang respeto nila sa akin. Lumapit na rin si Michael at inalalayan ang kambal. Tinanguan ko lang siya. Alam na niya kung ano ang gagawin. Napansin ko na rin na may kasama si Jacques nang dumating kaya alerto ang lahat ng siyam na bodyguards. "Wow, you're so concerned with the safety of the tw
Read more
PREV
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status