BAWAT salitang sinasabi ni Alfred ay naririnig ni Zoe. Sa tuwing maririnig niya ang boses ng binata ay naaalala niya 'yong mga huli nilang pag-uusap. Natatakot ang dalaga at hindi niya magawang mag-respond ng dahil doon."Zoe, hindi ko alam kung kaya ko pang lumaban. Sa tuwing nakikita ko siya ay alam ko isang araw ay magigising na lang ako na wala na kayo sa tabi ko. Hindi ko kayang maiwanan. Iniwan na ako ni Mommy. Hindi mo naman sa akin gagawin 'yon, 'di ba?"Hindi matukoy ng dalaga kung ano ang pinupunto ni Alfred sa sinasabi nito."Lalaki ako, pero napakaiyakin ko," sambit ni Alfred at mahinang tumawa. Inabot niya ang kaliwang kamay ni Zoe at mahigpit na hinawakan ito at takot itong bitawan. Sa kaniyang palagay ay kapag ginawa niya 'yon ay tuluyan nang mawawala sa kaniya ang lahat.Hindi sanay si Zoe sa tuwing naririnig si Alfred na nagdadrama. Nasanay kasi ang dalaga na palagi siyang pinapatawa ng binata. Isa pa ay alam niyang ayaw ni Alfred ng ganitong kadramahan, pero sino ba
Read more