HINDI nagdalawang isip si Zoe na kunin ang anak at itinago sa kaniyang likuran. Naalala niya ang huling pag-uusap nilang dalawa at hindi niya maitatanggi sa sarili na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin magustuhan ang tabas ng dila ng dalaga. Ngayong nagsasaya silang dalawang mag-ina tapos sa ganito lang sisirain ni Reighn 'yon."W-What?" nakataas na kilay na tanong ni Zoe nang marinig nito ang sinabi ni Reighn tungkol sa kaniyang anak. Alam ni Zoe na nasasaktan ang kaniyang anak sa higpit ng hawak nito, pero hindi niya kayang bitawan ang anak. Ayaw niyang tuluyang maagaw ni Reighn ang kaligayahan niya."You know. Hindi mo kasi siya gaanong kamukha kaya baka nagmana siya sa kaniyang tatay," tugon ni Reighn.Iba ang tono ng dating na 'yon kay Zoe kaya pakiramdam nito na baka may alam si Reighn tungkol sa kanila ni Dylan. Hindi man sinabi ni Reighn directly, pero alam niyang si Dylan ang tinutukoy niyang kilala na kamukha ni Dykeil.Nanatiling tahimik si Zoe at nabitawan niya si Dykeil
NAGING maayos sina Reighn at Dylan pagkatapos niyang makauwi galing kina Zoe noon, pero pansin niya na parang may nag-iiba sa dalaga. Hindi niya alam kung ano, pero unti-unti niyang tinatanong sa sarili kung baka siya rin ang naging dahilan ng pagbabago na 'yon."Saan ka galing?" bungad na tanong ni Dylan kay Reighn pagkapasok nito sa bahay.Hindi man lang siya pinasadahan ng tingin ng dalaga at diretso lang itong naglakad patungo sa kuwarto. Walang nagawa si Dylan kung hindi ang sumunod sa dalaga."Hindi ka puwedeng alis nang alis, babe. Alam mo namang buntis ka, 'di ba? Paano kapag may nangyari sa iyo tapos hindi ko alam? Sana naman sabihin mo sa akin kapag may mga lakad ka para masamahan kita."Pagkatapos sabihin ni Dylan noon na siya ang pinili nito ay bumalik si Reighn ng bahay, pero kahit na nandoon ang dalaga ay hindi niya man lang maramdaman ang presence nito. Madalas kasi na wala ito at kung nandito man ay minsan lang din siya kinakausap ni Reighn. Hindi niya alam kung galit
PAGKATAPOS ng sagutan nina Zoe at Reighn ay wala na ring naging balita si Zoe tungkol sa kanila ni Dylan. Alam niyang natauhan na rin si Dylan at mas pinili ang totoong pamilya nito. Hindi niya naman masisisi ang binata dahil alam ni Zoe na pangarap ng lalaki na magkaroon ng sariling pamilya. Hindi naman nila magagawa ang sekretong relasyon nila kung hindi lang kagustuhan ni Dylan na magka-anak.Akala ng dalaga ay tuluyan niya na itong mababawi sa kaniyang paraan at magkakaroon na rin ng isang masayang pamilya, pero nagkamali ito. Kung ano man ang nangyari sa kanila noon ay kailangan niya na itong ibaon sa limot. Hindi niya gusto na habang buhay ay naghahabol siya ng atensyon sa ibang tao.Una pa lang ay alam na ni Zoe na hindi siya ang babaeng pinapangarap ni Dylan. Isang rason lang naman kung bakit patuloy lang na nakikipag-usap sa kaniya ang lalaki ay dahil may kailangan ito sa kaniya.Napabuntong hininga si Zoe. Tama na ang pagpapaasa niya sa kaniyang sarili. Kung noon nga ay naka
SA anim na taong nasa ibang bansa si Dylan ay akala niya dahil lang ito sa galit sa kaniya ni Zoe kaya mas pinili nitong lumayo at iwan ang lahat sa Pilipinas. Hindi niya alam na may mabigat pala itong dahilan.Ang daming tumatakbo sa isip niya katulad na lang ng bakit ngayon niya lang na-realize ang lahat? Bakit kung kailan nagsisimula na namang magbago ay guguluhin muli siya ng kaniyang mga nalaman? Bakit nagawa ni Zoe na ilihim sa kaniya ito lahat?Noong unang beses na may nangyari sa kanila ni Zoe ay akala niya ay walang mabubuo. Hiyang-hiya si Dylan na harapin ang dalaga kaya mas pinili niyang iwasan ito. Alam niyang may mali sa araw na 'yon dahil parehas silang nakainom.Bakit hindi niya ito kaagad naisip?Unang kita pa lang ni Dylan ay alam niyang iba na ang nararamdaman niya kay Dykeil. Sa pangalan pa lang nito ay ramdam niyang kadikit niya na ang bata. Mula pa lang sa kahit na simpleng gawain ay magkapareho sila ni Dylan. Ganoon ba siya talaga kawalang muwang at pati ang sari
DALAWANG araw ang nakalipas noong magkita sina Zoe at Dylan. Alam ng binata na maling-mali ang ginawa niya sa dalaga kaya pinalipas niya muna ang dalawang araw bago nito naisipang puntahan ito sa kanilang bahay. Gusto niyang humingi ng sorry at ipaliwanag ang kaniyang sides. Balak niya ring itanong sa dalaga ang tungkol kay Dykeil.Mabilis na nakarating ang binata sa bahay nina Zoe dahil wala namang traffic. Katulad ng nakasanayan niya ay dumiretso kaagad siya sa loob. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Dykeil kay Alfred. Hindi niya mapigilang magalit at samaan ng tingin si Alfred. Siya dapat ang nasa posisyon 'yon."Tita Abby," tawag ni Dylan nang makasalubong ang ginang. May hawak itong tray na naglalaman ng tatlong baso na orange juice."Dylan, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Abby sa binata. Nilapag nito ang hawak na tray malapit sa lamesa. Tinignan niya ang paligid bago niya hinila ang binata palabas ng bahay. "Sinong nakakita sa iyo?"Napakunot noo naman si Dylan at nag
KINABUKASAN ay maagang nagising si Dylan. Hindi na nag-isip pa ang binata at agad na tinawagan ang kaibigan na doctor at sinabing magpapa-prenatal paternity test ito. Gusto niyang malaman kung totoo ba talaga ang kaniyang narinig noong gabi na mahuli niya ang kinakasama. Hindi niya sinabi kay Reighn ang totoong dahilan ng pagpunta nila sa hospital. Ang akala lang nila ay magpapa-check up sila para sa bata.Buong araw na para bang wala sa mood si Dylan. Napansin niya ang kagustuhan ni Reighn na kausapin siya, pero siya na agad ang umiiwas. Alam niyang napapansin niya na rin ang kilos ng binata dahil itinigil na nito ang pangungulit kay Dylan. Mabilis na natapos ang check-up kaya agad na silang bumalik pareho sa bahay."Babe, anong gusto mong kainin?" tanong ni Reighn. Napatigil si Dylan sa pagte-text at napatingin sa dalaga."Kahit ano," sagot ni Dylan at saglit na natahimik nang may maalala. "Alam ko naman na mas masarap ang luto mo kaysa sa mga sikat na restaurant."Napansin ni Dylan
NARAMDAMAN ni Dylan ang pagkahilo nang subukan niyang maglakad pagkatapos bumaba sa sasakyan. Diretso siyang naglakad papasok hanggang sa makahinto sa labas at tapat ng pintuan nina Zoe. Inilapag niya naman ang bitbit na plastic sa gilid."Zoe, open this door!" sigaw ng binata. Sunod-sunod ang pagkatok ng binata ng malakas sa pinto. Madilim na at alam niyang nagpapahinga na ang mga tao sa loob, pero wala siyang pakialam. Malakas ang tama ng alak sa kaniya kaya naman wala siyang nararamdamang hiya."Zoe, please, buksan mo ang pinto!" patuloy na wika ni Dylan. Hindi siya natigil sa pagkatok ng pinto hanggang sa napansin niya ang pagbukas ng ilaw kung nasaan ang kuwarto ng dalaga kaya agad siyang napaatras at napasilip.Pumunta ng balcony ang dalaga at sinilip kung sino ang taong nanggugulo ng gabi na. Katatapos niya lang maligo at nakasuot ito ng bathrobe."Dylan?" nagtatakang tawag ni Zoe na mamukhaan ang lalaki sa baba."Zoe, the door, please," nakangusong sagot ni Dylan at tinuro ang
WALANG nagawa si Dylan nang sabihin ni Zoe na umuwi na ito sa kanila. Pagkarating nito sa kanilang bahay ay nakapatay pa rin ang mga ilaw at wala pa rin siyang nadatnan doon. Hindi niya alam kung kailan uuwi si Reighn o uuwian pa ba siya ng dalaga. Iniisip niya na masaya ang dalaga sa ibang tao at samantalang siya ay nilalamon na siya ng mga tanong kung bakit.Inihiga ng binata ang kaniyang sarili sa kama at hindi niya mapigilang mapaluha lalo na nang maisip na napakatanga niya talaga. Iniwan niya si Zoe noon at niloko niya si Reighn. Alam niyang ito na ang karma na ginawa niyang pananakit sa dalawang dalaga.Kinabukasan ay nagising si Dylan nang maramdaman ang bigat na nakadagan sa kaniya. Nakita niya ang isang braso na nakayakap sa bewan niya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Reighn doon. Nagising naman ang dalaga, pero halatang inaantok pa."Babe, tulog pa muna tayo," ani ni Reighn. Noong mag-flashback kay Dylan ang nangyari kahapon kung saan ito nagpunta at sino ang kasama
AFTER two years.Zoe is happily married to Dylan Rodriguez. They already live under one roof ---- she, Dylan, Dykeil, and soon their daughter named Dianne. Hindi in-expect ng dalaga na masusundan pa si Dykeil lalo na at nakunan din ito si Zoe sa kanilang pangalawang anak ni Dylan.Katulad ng mga pinangako ni Dylan noon ay tinupad nito ang sinasabi niya magpapakatatay sa anak nila ni Zoe. Hindi lang ‘yon dahil nasaksihan din ni Zoe kung gaano ka-perfect si Dylan bilang asawa nito.Habang si Dykeil naman habang lumalaki ay nagiging kamukha na ng kaniyang ama. Ang ina naman nito na si Abby ay may sariling love life na. Nitong linggo ay nag-propose ang kaniyang Tito Gilbert sa ina at nakita ni Zoe kung gaano kasaya ang dalawa sa isa’t isa. Hindi naman tumutol ang dalaga dahil alam niyang magiging masaya ang ina sa lalaki.Kahapon naman ay nakatanggap si Zoe ng invitation galing kay Reighn. Isinama kasi siya bilang ninang ng panganay nitong anak na babae. Kahit alam ni Zoe na bad history s
NAGSIMULANG magbilang ang dalawang clown nang matapos nitong sabihin ang gustong mangyari. Sumibol ang kaba sa buong katawan ni Zoe nang magsipagtinginan ang mga tao sa kaniya."Again, bring me the parents of the celebrant," pag-uulit na sabi ng isang clown. Tumakbong lumapit ang mga bata sa dalaga at hinila ito papunta sa may unahan.Ilang segundong nakatayo si Zoe roon at para bang may hinihintay sila na ibang tao. Alam ni Zoe na walang nakakila kung sino ang totoong ama ni Dykeil, bukod sa kaniyang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang bulong-bulungan ng mga tao at nagtatanong kung nasaan ang tatay ng anak niya.Nang nilingon ni Zoe ang puwesto ng anak ay dumagdag pa sa kaniyang kaba nang hindi niya makita roon si Dykeil. Agad niya itong hinanap ng tingin at napatigil lang ang dalaga nang makita ang pamilyar na tao na hila-hila ng kaniyang anak papunta sa puwesto niya.Sa pagkakaalam ng dalaga ay walang balak pumunta si Dylan ngayon. Alam niyang may importante itong gagawin kaya h
NANATILING nakaupo at tahimik si Zoe. Hindi niya alintana ang babaeng nakaabang sa kaniyang harapan. Wala siyang dapat ikabahala dahil alam niyang hindi na sila pa magkakaayos ni Dylan. Wala na silang dapat pag-usapan ni Reighn.Alam niyang simula noong nag-usap sila ay alam niyang puro gulo lang ito. At kapag nagpakain na naman siya sa mga sinasabi nito ay baka may mawala na naman sa kaniya. Iyon ang kaniyang kinatatakutan."Zoe," muling pagtawag ni Reighn sa dalaga, "can I have your minute? May sasabihin lang sana ako."Hindi lumingon si Zoe at para bang nagbibingihan sa kaniyang paligid."Nak... Zoe," pagtawag ng kaniyang ina. Lumingon ang dalaga kay Abby at nakita niya ang pagtango ng ina na para bang ayos lang sa kaniya na iwanan sila kasama si Dykeil."I have nothing to say to her, mom," aniya ni Zoe.Kinuha ng dalaga ang plato ni Dykeil para sana sandukan ito ng pagkain, pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naramdaman ni Zoe ang paghawak ni Abby sa kaniyang kamay na para bang p
"MOMMY? Daddy?" tawag ni Dykeil. Natigilan ang dalawa nang marinig ang boses ng bata. Bumaba si Dykeil sa hagdan at lumapit sa dalawa. Samantalang napatayo naman si Dylan at hindi makatingin sa bata."I thought you are sleeping, baby?" tanong ni Zoe nang makalapit si Dykeil sa kaniyang binti. Napailing naman ang bata at tinaas ang dalawang kamay na para bang gustong magpakarga. Binuhat naman ito ni Zoe at hinalikan ang pisngi ng anak."You should goy upstairs, Dykeil. May pinag-uusapan pa kami at hindi puwedeng marinig ng bata 'yon," sambit ni Zoe. Hindi naman sumagot si Dykeil at nilapit ang bibig sa kanang tenga at bumulong nang may mapansin. Ngunit sa lakas ng pagkakabulong ni Dykeil ay alam niyang narinig ni Dylan 'yon."Bakit umiiyak si Daddy Dylan?" tanong ng anak. Nilingon naman ni Zoe ang binata at napansin niyang nagpupunas si Dylan ng luha. Nang matapos sa ginagawa ang binata ay tumingin siya kay Dykeil at ngumiti."Napuling lang ako," pagdadahilan ni Dylan."Are you two fig
KATULAD ng nakasanayan ay maagang nagising si Dylan para maghanda. Malapit na rin kasi ang paghaharap nila ni Zoe. Sa totoo lang ay hindi niya naman ito ginustong makarating sila sa ganitong sitwasyon. Isa pa ay ayaw niyang maipit si Dykeil sa hindi nila pagkakaintindihan ni Zoe, pero wala naman siyang magawa dahil baka tuluyan nang mapalayo sa kaniya ang anak.Napatingin si Dylan sa may pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Mabilis na lumapit ang binata roon at inaakalang si Reighn ang nasa likod ng pinto. Ilang araw na rin kasing hindi nagpapakita ang dalaga sa kaniya simula noong malaman niya ang totoo kay Reighn. Ngunit nang buksan ito ng binata ay hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa kaniya."What are you doing here?" walang emosyong tanong ni Dylan sa kaniya."Can we talk?" nakatingin sa mata na tanong ng kausap. Tinignan ni Dylan ang mga papel na iniwan niya sa lamesa bago niya ibalik ang tingin sa kaniyang harapan."I'm busy," maikling sagot ni Dylan. Hinawa
HINANAP kaagad ng mga mata ni Zoe 'yong calendar sa gilid at napansin niya ang papalapit na birthday ng kaniyang anak. Paano niya nagawang kalimutan 'yon?One week bago ang birthday ni Dykeil dapat ay nakahanda na ang mga surprise nito sa kaniya at ang mga hahandain nito. Ngayon ay dalawang araw na lang ang mayroon siya. Paano niya pa magagawang pagkasyahin ang araw na 'yon?"Makapaghahanda ka ba sa lagay na 'yan, Zoe? Bakit hindi mo na lang kausapin si Dylan tungkol diyan? Nakabalik nga si Dykeil dito, pero hindi ka naman maramdaman ng anak mo."Nangingilid na ang mga luha ni Zoe at pinipigilan niya na lamang na huwag ipakita ang emosyon sa harapan ng kaniyang ina. Hindi siya puwedeng maging mahina ngayon. Nang makalabas ang ina ng dalaga ay tuluyan nang bumuhos ang kaniyang luha.Biglang nawalan ng gana si Zoe sa kaniyang ginagawa nang mapagtanto niyang tama ang kaniyang ina. Pero iniisip niya na kapag pinakita niyang mahina siya ay baka tuluyang mawala sa kaniya ang anak. Iyon ang
NAKAKUYOM ang mga kamay ni Zoe nang pumasok sa loob ng bahay. Napansin kaagad ng kaniyang ina ang kinikilos ng dalaga kaya naman tinawag niya ito, pero hindi siya narinig ni Zoe. Nakatulalang napaupo si Zoe sa upuan at hindi maalis sa isip niya kung paano nagawa ni Dylan 'yon."Anak, may nangyari ba?" malumanay na tanong ni Abby sa anak. Hindi naman siya sinagot ni Zoe kaya tinawag niya ito. "I saw Dylan leave without saying anything. Narinig ko ring nasisigawan kayo. May problema ba?"Nanatiling tahimik si Zoe kaya naman hindi na nakapagtimpi pa si Abby at tinawag ang kaniyang anak sa malakas na boses. Napatingin naman ang kaniyang apo sa kaniya. Mabilis naman na inutos ni Abby sa katulong na iakyat muna ang bata sa taas para hindi marinig ang pag-uusap nila."Zoe," tawag muli ng ginang. Napalingon saglit sa kaniya ang dalaga. "Ano bang nangyari sa pag-uusap niyo ni Dylan at ganyan ka na naman kumilos?""Nothing, mom," maikling sagot ng dalaga. Ayaw na ni Zoe na dagdagan pa ang probl
IT'S been week since Dykeil decided to go with Dylan. Sobrang tahimik ng bahay nina Zoe at nakakapanibago. Lahat sila ay nakasanayan na nangungulit si Dykeil sa kanila, pero ngayon parang naglaho lahat."Anak, nandiyan na si Dykeil." Natigilan si Zoe sa pag-aayos ng ama at hinarap ang kaniyang ina na nakatayo sa may pintuan. "Hinatid siya ni Dylan.""Nandiyan pa po ba siya o umalis na?" tanong ng dalaga.Umiling naman ang ginang at pumasok sa loob ng kuwarto ni Zoe. Umupo si Abby sa gilid ng kama at para bang may gustong sabihin. Sumunod naman si Zoe at umupo sa tabi ng ina. Ilang segundo silang natahimik bago kunin ni Abby ang dalawang kamay ng kaniyang anak at hinawakan nang mahigpit."May dapat kang malaman, Zoe. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako, pero humihingi na ako agad ng tawad sa iyo." Napakunot ang noo ni Zoe at para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ng ina. Ano pa ba ang dapat niyang malaman?"Ako ang nagsabi kay Dylan na anak niya si Dykeil." Natigilan si Zoe nang
AGAD na napalapit ang ina ni Zoe nang makita nitong umiiyak ang anak habang tinatawag ang pangalan ni Dykeil."M-Mom," naluluhang tawag ni Zoe. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang dalaga. Pinagtitinginan na sila ng mga tao at nagtataka na rin sa kanila."What happened, Zoe? Nasaan sina Dykeil?" bungad na tanong ni Abby nang si Zoe lang ang madatnan niya. Pinunasan naman ni Abby ang luha sa mga pisngi ng dalaga at hinahaplos ang likod nito para patahanin."Mom, si Dykeil po." Napatigil si Zoe sa pagsasalita at ramdam niyang muli na naman bubuhos ang panibagong luha niya."Calm down, Zoe. Ano bang nangyari? Nasaan sila?" sunod-sunod na tanong ng ginang. Hinintay niyang makasagot ang anak hanggang sa nalaman niya ang totoong dahilan nito."Si Dykeil po n-nawawala," nauutal na sagot ni Zoe."What?!" gulat nitong sambit, "paanong nawawala? Hindi ba niya kasama si Alfred kanina?"Umiling naman si Zoe at tinuro 'yong kaninang puwesto ni Dykeil sa upuan. Nandoon pa rin ang basket na da