Share

Chapter 21

Author: GreenCoated
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

DINALA ni Dylan si Abby pabalik sa silid ni Dykeil. Wala silang puwedeng gawin kung hindi ang manalangin at maghintay ng magandang balita. Gusto lang nila ay maging maayos ang mag-ina.

Nang tuluyan nang kumalma si Abby ay nagpaalam si Dylan na lalabas. Gusto niya munang mapag-isa at ilabas ang bigat na nararamdaman niya. Naglakad ang binata hanggang sa matagpuan niya ang sarili na nasa roof top ng hospital. Nang makaapak pa lang sa sahig ay agad siyang sumigaw ng napakalakas.

Alam niyang walang makaririnig sa kaniya kaya ibinuhos niya na lahat. He wanted to hurt himself, pero kahit ilang beses niyang suntukin ang sarili ay para bang manhid na ang kaniyang katawan. Wala ng iba pang paraan para pawalain ang sakit sa kaniyang dibdib.

"Zoe, please, don't leave me," pagsusumamo niya habang nakatingin sa kalangitan. Inisip niya ang mga masasayang araw na kasama ang dalaga noon at ayaw niya pang matapos 'yon sa ganoon lang.

Pumikit siya at huminga nang malalim. Nang tuluyan niyang maikalma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • My Secret Romance   Chapter 22

    KASALUKUYANG nasa intensive care unit si Dylan kung saan nakahiga si Zoe. Nakasuot ang binata ng hospital clothing at facemask. Kanina pa siya nasa loob ng silid at kanina pa niya hindi inaalis ang tingin sa dalaga. Kitang-kita ng binata ang mga galos sa katawan ni Zoe at ang nakabalot na benda sa ulo nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang dalaga matapos ang kaniyang operasyon. Hindi rin sigurado si Dylan kung magigising pa ba ito lalo na nang mabalitaan ang detalyadoong aksidente sa kaibigan.Samantalang sina Abby at Alfred naman ay naiwang nakabantay kay Dykeil sa silid nito dahil isa lang ang pinapayagang pumasok sa intensive care unit. Alam ni Dylan kung ano ang hirap na pinagdadaanan ni Abby kaya naman nag-offer itong magbantay kay Zoe.Tinitigan ni Dylan ang mukha ni Zoe at nakaramdam ito agad ng awa sa kaniya. Simula noong dumating ang dalaga rito sa Pilipinas ay alam ni Dylan na iba na ang Zoe na nakilala niya. Hindi na ito 'yong dating Zoe na sobrang kulit at na

  • My Secret Romance   Chapter 23

    BAWAT salitang sinasabi ni Alfred ay naririnig ni Zoe. Sa tuwing maririnig niya ang boses ng binata ay naaalala niya 'yong mga huli nilang pag-uusap. Natatakot ang dalaga at hindi niya magawang mag-respond ng dahil doon."Zoe, hindi ko alam kung kaya ko pang lumaban. Sa tuwing nakikita ko siya ay alam ko isang araw ay magigising na lang ako na wala na kayo sa tabi ko. Hindi ko kayang maiwanan. Iniwan na ako ni Mommy. Hindi mo naman sa akin gagawin 'yon, 'di ba?"Hindi matukoy ng dalaga kung ano ang pinupunto ni Alfred sa sinasabi nito."Lalaki ako, pero napakaiyakin ko," sambit ni Alfred at mahinang tumawa. Inabot niya ang kaliwang kamay ni Zoe at mahigpit na hinawakan ito at takot itong bitawan. Sa kaniyang palagay ay kapag ginawa niya 'yon ay tuluyan nang mawawala sa kaniya ang lahat.Hindi sanay si Zoe sa tuwing naririnig si Alfred na nagdadrama. Nasanay kasi ang dalaga na palagi siyang pinapatawa ng binata. Isa pa ay alam niyang ayaw ni Alfred ng ganitong kadramahan, pero sino ba

  • My Secret Romance   Chapter 24

    NOONG magising si Zoe ay sobrang saya ni Dylan. Gusto niyang pumunta roon, hawakan nang mahigpit ang mga kamay ng dalaga at yakapin. Gusto niyang sabihin sa kaniya 'yong mga nangyari noong wala pa itong malay, pero may pumipigil sa kaniya.Alam niyang hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita at iniisip ng binata nab aka kapag nakita silang dalawa ay maging dahilan pa ito para lalong magkasakit ang dalaga. Kaya kahit na gustuhin niyang gawin ang kaniyang binabalak ay may mga bagay na bumabagabag sa kaniya.Nagdahilan na lamang si Dylan sa ina ni Zoe na may emergency work ito at kailangan niyang puntahan 'yon. Ayaw niya lang mag-alala pa sila kapag sinabi niya ang totoong dahilan ng pag-alis niya. Mas mabuti na rin 'yon para sa nakararami.Walang ibang pupuntahan pa si Dylan kaya naman umuwi na lamang ito sa bahay na tinutuluyan nilang dalawa ni Reighn. Hapon na nang makarating si Dylan doon dahil dumaan pa siya sa isang store para bumili ng pasalubong kay Reighn. Kailangan niya k

  • My Secret Romance   Chapter 25

    DALAWANG linggo na ang nakalipas nang mabalitaan ni Dylan na nakalabas na sina Zoe sa hospital. Nabalitaan niya ring nasa bahay na sila nagpapahinga at nagpapagaling. Simula noong mangyari ang lahat noong nagkasagutan sila ni Reighn ay hindi pa siya ulit nakalalabas ng bahay. Madalas lang siyang dalhan ng kaniyang ina ng pagkain dito.Kahapon ay sinubukan niyang puntahan si Reighn sa bahay nina Hayden, pero wala ito roon. Hanggang ngayon ay hindi pa siya kino-contact ng kasintahan kaya wala siyang nagawa kung hindi ang umuwi na lang sa bahay. Sa ilang oras na nakatingin siya sa larawan nilang dalawa ni Reighn ay hindi niya mapigilang mag-isip.Ngayong araw ay napagdesisyunan niyang aayusin na ang lahat. Hindi niya puwedeng iwan si Reighn lalo na at magkakaanak na sila. Ito rin naman ang pinangarap niya simula noong una pa lang at ito ang magkaroon ng sariling pamilya. Kaya nga nagkaroon sila ng sekretong relasyon ni Zoe. Isa pa ay gusto niya na ring malinawan kung ano ba talaga ang na

  • My Secret Romance   Chapter 26

    HINDI mawala sa isip ni Zoe 'yong araw na marinig niya ang sinabi ng doctor. Pakiramdam niya ay meron siyang importanteng bagay na nawala at kailan man ay hindi na maibabalik. In-explain sa kaniya na naging mabuti ang kaniyang naging operasyon at 'yong mga nalaman nang i-examine ang kaniyang katawan.Bakit una pa lang ay hindi niya naramdaman sa sarili na buntis ito bago nangyari ang aksidente? Kung nagkaroon lang siya ng pagkakataon na malaman ay baka nailigtas niya pa ang anak.Sinisisi ni Zoe ang sarili dahil masyado siyang nagpaapekto sa kaniyang paligid. Ginugol niya ang oras sa mga walang kwentang bagay. Hindi niya man namalayan na pinapatay niya na ang bata sa sarili nitong sinapupunan.Maraming tanong ang pumapasok sa isip ni Zoe. Paano niya nagawa ang mga bagay na 'yon? Paano niya nakayanan na mangyari 'yon? Wala man lang ito nagawa para mailigtas ang bata. Sinisisi niya ang sarili sa pagiging makasarili nito.Noong umalis ang doctor at nalaman ang nangyari ay wala siyang iba

  • My Secret Romance   Chapter 27

    HINDI nagdalawang isip si Zoe na kunin ang anak at itinago sa kaniyang likuran. Naalala niya ang huling pag-uusap nilang dalawa at hindi niya maitatanggi sa sarili na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin magustuhan ang tabas ng dila ng dalaga. Ngayong nagsasaya silang dalawang mag-ina tapos sa ganito lang sisirain ni Reighn 'yon."W-What?" nakataas na kilay na tanong ni Zoe nang marinig nito ang sinabi ni Reighn tungkol sa kaniyang anak. Alam ni Zoe na nasasaktan ang kaniyang anak sa higpit ng hawak nito, pero hindi niya kayang bitawan ang anak. Ayaw niyang tuluyang maagaw ni Reighn ang kaligayahan niya."You know. Hindi mo kasi siya gaanong kamukha kaya baka nagmana siya sa kaniyang tatay," tugon ni Reighn.Iba ang tono ng dating na 'yon kay Zoe kaya pakiramdam nito na baka may alam si Reighn tungkol sa kanila ni Dylan. Hindi man sinabi ni Reighn directly, pero alam niyang si Dylan ang tinutukoy niyang kilala na kamukha ni Dykeil.Nanatiling tahimik si Zoe at nabitawan niya si Dykeil

  • My Secret Romance   Chapter 28

    NAGING maayos sina Reighn at Dylan pagkatapos niyang makauwi galing kina Zoe noon, pero pansin niya na parang may nag-iiba sa dalaga. Hindi niya alam kung ano, pero unti-unti niyang tinatanong sa sarili kung baka siya rin ang naging dahilan ng pagbabago na 'yon."Saan ka galing?" bungad na tanong ni Dylan kay Reighn pagkapasok nito sa bahay.Hindi man lang siya pinasadahan ng tingin ng dalaga at diretso lang itong naglakad patungo sa kuwarto. Walang nagawa si Dylan kung hindi ang sumunod sa dalaga."Hindi ka puwedeng alis nang alis, babe. Alam mo namang buntis ka, 'di ba? Paano kapag may nangyari sa iyo tapos hindi ko alam? Sana naman sabihin mo sa akin kapag may mga lakad ka para masamahan kita."Pagkatapos sabihin ni Dylan noon na siya ang pinili nito ay bumalik si Reighn ng bahay, pero kahit na nandoon ang dalaga ay hindi niya man lang maramdaman ang presence nito. Madalas kasi na wala ito at kung nandito man ay minsan lang din siya kinakausap ni Reighn. Hindi niya alam kung galit

  • My Secret Romance   Chapter 29

    PAGKATAPOS ng sagutan nina Zoe at Reighn ay wala na ring naging balita si Zoe tungkol sa kanila ni Dylan. Alam niyang natauhan na rin si Dylan at mas pinili ang totoong pamilya nito. Hindi niya naman masisisi ang binata dahil alam ni Zoe na pangarap ng lalaki na magkaroon ng sariling pamilya. Hindi naman nila magagawa ang sekretong relasyon nila kung hindi lang kagustuhan ni Dylan na magka-anak.Akala ng dalaga ay tuluyan niya na itong mababawi sa kaniyang paraan at magkakaroon na rin ng isang masayang pamilya, pero nagkamali ito. Kung ano man ang nangyari sa kanila noon ay kailangan niya na itong ibaon sa limot. Hindi niya gusto na habang buhay ay naghahabol siya ng atensyon sa ibang tao.Una pa lang ay alam na ni Zoe na hindi siya ang babaeng pinapangarap ni Dylan. Isang rason lang naman kung bakit patuloy lang na nakikipag-usap sa kaniya ang lalaki ay dahil may kailangan ito sa kaniya.Napabuntong hininga si Zoe. Tama na ang pagpapaasa niya sa kaniyang sarili. Kung noon nga ay naka

Pinakabagong kabanata

  • My Secret Romance   Ending

    AFTER two years.Zoe is happily married to Dylan Rodriguez. They already live under one roof ---- she, Dylan, Dykeil, and soon their daughter named Dianne. Hindi in-expect ng dalaga na masusundan pa si Dykeil lalo na at nakunan din ito si Zoe sa kanilang pangalawang anak ni Dylan.Katulad ng mga pinangako ni Dylan noon ay tinupad nito ang sinasabi niya magpapakatatay sa anak nila ni Zoe. Hindi lang ‘yon dahil nasaksihan din ni Zoe kung gaano ka-perfect si Dylan bilang asawa nito.Habang si Dykeil naman habang lumalaki ay nagiging kamukha na ng kaniyang ama. Ang ina naman nito na si Abby ay may sariling love life na. Nitong linggo ay nag-propose ang kaniyang Tito Gilbert sa ina at nakita ni Zoe kung gaano kasaya ang dalawa sa isa’t isa. Hindi naman tumutol ang dalaga dahil alam niyang magiging masaya ang ina sa lalaki.Kahapon naman ay nakatanggap si Zoe ng invitation galing kay Reighn. Isinama kasi siya bilang ninang ng panganay nitong anak na babae. Kahit alam ni Zoe na bad history s

  • My Secret Romance   Chapter 43

    NAGSIMULANG magbilang ang dalawang clown nang matapos nitong sabihin ang gustong mangyari. Sumibol ang kaba sa buong katawan ni Zoe nang magsipagtinginan ang mga tao sa kaniya."Again, bring me the parents of the celebrant," pag-uulit na sabi ng isang clown. Tumakbong lumapit ang mga bata sa dalaga at hinila ito papunta sa may unahan.Ilang segundong nakatayo si Zoe roon at para bang may hinihintay sila na ibang tao. Alam ni Zoe na walang nakakila kung sino ang totoong ama ni Dykeil, bukod sa kaniyang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang bulong-bulungan ng mga tao at nagtatanong kung nasaan ang tatay ng anak niya.Nang nilingon ni Zoe ang puwesto ng anak ay dumagdag pa sa kaniyang kaba nang hindi niya makita roon si Dykeil. Agad niya itong hinanap ng tingin at napatigil lang ang dalaga nang makita ang pamilyar na tao na hila-hila ng kaniyang anak papunta sa puwesto niya.Sa pagkakaalam ng dalaga ay walang balak pumunta si Dylan ngayon. Alam niyang may importante itong gagawin kaya h

  • My Secret Romance   Chapter 42

    NANATILING nakaupo at tahimik si Zoe. Hindi niya alintana ang babaeng nakaabang sa kaniyang harapan. Wala siyang dapat ikabahala dahil alam niyang hindi na sila pa magkakaayos ni Dylan. Wala na silang dapat pag-usapan ni Reighn.Alam niyang simula noong nag-usap sila ay alam niyang puro gulo lang ito. At kapag nagpakain na naman siya sa mga sinasabi nito ay baka may mawala na naman sa kaniya. Iyon ang kaniyang kinatatakutan."Zoe," muling pagtawag ni Reighn sa dalaga, "can I have your minute? May sasabihin lang sana ako."Hindi lumingon si Zoe at para bang nagbibingihan sa kaniyang paligid."Nak... Zoe," pagtawag ng kaniyang ina. Lumingon ang dalaga kay Abby at nakita niya ang pagtango ng ina na para bang ayos lang sa kaniya na iwanan sila kasama si Dykeil."I have nothing to say to her, mom," aniya ni Zoe.Kinuha ng dalaga ang plato ni Dykeil para sana sandukan ito ng pagkain, pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naramdaman ni Zoe ang paghawak ni Abby sa kaniyang kamay na para bang p

  • My Secret Romance   Chapter 41

    "MOMMY? Daddy?" tawag ni Dykeil. Natigilan ang dalawa nang marinig ang boses ng bata. Bumaba si Dykeil sa hagdan at lumapit sa dalawa. Samantalang napatayo naman si Dylan at hindi makatingin sa bata."I thought you are sleeping, baby?" tanong ni Zoe nang makalapit si Dykeil sa kaniyang binti. Napailing naman ang bata at tinaas ang dalawang kamay na para bang gustong magpakarga. Binuhat naman ito ni Zoe at hinalikan ang pisngi ng anak."You should goy upstairs, Dykeil. May pinag-uusapan pa kami at hindi puwedeng marinig ng bata 'yon," sambit ni Zoe. Hindi naman sumagot si Dykeil at nilapit ang bibig sa kanang tenga at bumulong nang may mapansin. Ngunit sa lakas ng pagkakabulong ni Dykeil ay alam niyang narinig ni Dylan 'yon."Bakit umiiyak si Daddy Dylan?" tanong ng anak. Nilingon naman ni Zoe ang binata at napansin niyang nagpupunas si Dylan ng luha. Nang matapos sa ginagawa ang binata ay tumingin siya kay Dykeil at ngumiti."Napuling lang ako," pagdadahilan ni Dylan."Are you two fig

  • My Secret Romance   Chapter 40

    KATULAD ng nakasanayan ay maagang nagising si Dylan para maghanda. Malapit na rin kasi ang paghaharap nila ni Zoe. Sa totoo lang ay hindi niya naman ito ginustong makarating sila sa ganitong sitwasyon. Isa pa ay ayaw niyang maipit si Dykeil sa hindi nila pagkakaintindihan ni Zoe, pero wala naman siyang magawa dahil baka tuluyan nang mapalayo sa kaniya ang anak.Napatingin si Dylan sa may pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Mabilis na lumapit ang binata roon at inaakalang si Reighn ang nasa likod ng pinto. Ilang araw na rin kasing hindi nagpapakita ang dalaga sa kaniya simula noong malaman niya ang totoo kay Reighn. Ngunit nang buksan ito ng binata ay hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa kaniya."What are you doing here?" walang emosyong tanong ni Dylan sa kaniya."Can we talk?" nakatingin sa mata na tanong ng kausap. Tinignan ni Dylan ang mga papel na iniwan niya sa lamesa bago niya ibalik ang tingin sa kaniyang harapan."I'm busy," maikling sagot ni Dylan. Hinawa

  • My Secret Romance   Chapter 39

    HINANAP kaagad ng mga mata ni Zoe 'yong calendar sa gilid at napansin niya ang papalapit na birthday ng kaniyang anak. Paano niya nagawang kalimutan 'yon?One week bago ang birthday ni Dykeil dapat ay nakahanda na ang mga surprise nito sa kaniya at ang mga hahandain nito. Ngayon ay dalawang araw na lang ang mayroon siya. Paano niya pa magagawang pagkasyahin ang araw na 'yon?"Makapaghahanda ka ba sa lagay na 'yan, Zoe? Bakit hindi mo na lang kausapin si Dylan tungkol diyan? Nakabalik nga si Dykeil dito, pero hindi ka naman maramdaman ng anak mo."Nangingilid na ang mga luha ni Zoe at pinipigilan niya na lamang na huwag ipakita ang emosyon sa harapan ng kaniyang ina. Hindi siya puwedeng maging mahina ngayon. Nang makalabas ang ina ng dalaga ay tuluyan nang bumuhos ang kaniyang luha.Biglang nawalan ng gana si Zoe sa kaniyang ginagawa nang mapagtanto niyang tama ang kaniyang ina. Pero iniisip niya na kapag pinakita niyang mahina siya ay baka tuluyang mawala sa kaniya ang anak. Iyon ang

  • My Secret Romance   Chapter 38

    NAKAKUYOM ang mga kamay ni Zoe nang pumasok sa loob ng bahay. Napansin kaagad ng kaniyang ina ang kinikilos ng dalaga kaya naman tinawag niya ito, pero hindi siya narinig ni Zoe. Nakatulalang napaupo si Zoe sa upuan at hindi maalis sa isip niya kung paano nagawa ni Dylan 'yon."Anak, may nangyari ba?" malumanay na tanong ni Abby sa anak. Hindi naman siya sinagot ni Zoe kaya tinawag niya ito. "I saw Dylan leave without saying anything. Narinig ko ring nasisigawan kayo. May problema ba?"Nanatiling tahimik si Zoe kaya naman hindi na nakapagtimpi pa si Abby at tinawag ang kaniyang anak sa malakas na boses. Napatingin naman ang kaniyang apo sa kaniya. Mabilis naman na inutos ni Abby sa katulong na iakyat muna ang bata sa taas para hindi marinig ang pag-uusap nila."Zoe," tawag muli ng ginang. Napalingon saglit sa kaniya ang dalaga. "Ano bang nangyari sa pag-uusap niyo ni Dylan at ganyan ka na naman kumilos?""Nothing, mom," maikling sagot ng dalaga. Ayaw na ni Zoe na dagdagan pa ang probl

  • My Secret Romance   Chapter 37

    IT'S been week since Dykeil decided to go with Dylan. Sobrang tahimik ng bahay nina Zoe at nakakapanibago. Lahat sila ay nakasanayan na nangungulit si Dykeil sa kanila, pero ngayon parang naglaho lahat."Anak, nandiyan na si Dykeil." Natigilan si Zoe sa pag-aayos ng ama at hinarap ang kaniyang ina na nakatayo sa may pintuan. "Hinatid siya ni Dylan.""Nandiyan pa po ba siya o umalis na?" tanong ng dalaga.Umiling naman ang ginang at pumasok sa loob ng kuwarto ni Zoe. Umupo si Abby sa gilid ng kama at para bang may gustong sabihin. Sumunod naman si Zoe at umupo sa tabi ng ina. Ilang segundo silang natahimik bago kunin ni Abby ang dalawang kamay ng kaniyang anak at hinawakan nang mahigpit."May dapat kang malaman, Zoe. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako, pero humihingi na ako agad ng tawad sa iyo." Napakunot ang noo ni Zoe at para bang hindi naiintindihan ang sinasabi ng ina. Ano pa ba ang dapat niyang malaman?"Ako ang nagsabi kay Dylan na anak niya si Dykeil." Natigilan si Zoe nang

  • My Secret Romance   Chapter 36

    AGAD na napalapit ang ina ni Zoe nang makita nitong umiiyak ang anak habang tinatawag ang pangalan ni Dykeil."M-Mom," naluluhang tawag ni Zoe. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang dalaga. Pinagtitinginan na sila ng mga tao at nagtataka na rin sa kanila."What happened, Zoe? Nasaan sina Dykeil?" bungad na tanong ni Abby nang si Zoe lang ang madatnan niya. Pinunasan naman ni Abby ang luha sa mga pisngi ng dalaga at hinahaplos ang likod nito para patahanin."Mom, si Dykeil po." Napatigil si Zoe sa pagsasalita at ramdam niyang muli na naman bubuhos ang panibagong luha niya."Calm down, Zoe. Ano bang nangyari? Nasaan sila?" sunod-sunod na tanong ng ginang. Hinintay niyang makasagot ang anak hanggang sa nalaman niya ang totoong dahilan nito."Si Dykeil po n-nawawala," nauutal na sagot ni Zoe."What?!" gulat nitong sambit, "paanong nawawala? Hindi ba niya kasama si Alfred kanina?"Umiling naman si Zoe at tinuro 'yong kaninang puwesto ni Dykeil sa upuan. Nandoon pa rin ang basket na da

DMCA.com Protection Status