Third person"Naku! Kaya naman pala hindi mo na ko naaalalang puntahan, Beshie. May bago ka na pa lang KAIBIGAN," ani ni Bea kay Sav na may pagtatapong himig. Idiniin pa nito ang huling sinabi. Kasalukuyan silang ngayong naglalakad at kalalabas lang mula isang mall. Nagpasama kasi si Bea kay Sav dahil may binili ito. Naik'wento ni Sav ang tungkol sa bagong kaibigan na sinamahan niya kamakailan sa isang resto bar dahil broken ito. Hindi naman magawang hindi magtampo ni Bea dahil matagal-tagal na rin ang hindi sila lumalabas ni Sav."Nagtampo ka naman kaagad, sinamahan ko lang siya dahil kailangan niya ng makakausap, broken 'yong tao," paliwanag naman ni Sav sa kan'ya. Totoo naman ang mga sinabi niya, pero mukhang hindi pa rin nakuha sa paniwanag niya ang kaibigan."Wala ba siyang ibang kaibigan?" mataray na sabi pa nito at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Si Sav naman ay nakahabol sa kan'ya at patuloy siyang sinusuyo nito."Kagagaling n'ya lang sa abroad, kaya wala siyang ibang kaibigan d
Huling Na-update : 2023-04-26 Magbasa pa