Albrey It's dinner time, but Sav still doesn't come out of her room. I didn't even bother to cook dinner. Nagpadeliver na lang ako ng food para sa aming dalawa. I was impatient to wait for her here in the kitchen, so I decided to go to her room. I knocked first before turning the doorknob. Naabutan ko siya na abala sa mga papel na hawak niya. Tutok na tutok siya doon at mukhang hindi niya narinig ang pagkatok ko, maging ang pagpasok ko. Ano kaya iyang mga tinitingnan niya at pati pagkain ng dinner ay mukhang nakakalimutan na niya. "Sav," tawag ko sa kan'ya, gulat naman siyang tumunghay sa akin. "Albrey." "Hindi ka pa ba kakain? What are you looking at?" I said with astonishment on my face and slightly peeked at the paper she was holding. "Mga papeles na binigay ni Xander. Kailangan ko kasi itong pag-aralan dahil may conference bukas," sabi niya na nakatutok pa rin ang mga mata sa mga papel na iyon. Nagulat naman ako sa itinawag niya sa boss niya. "Xander?!" gulat na tanong ko.
Last Updated : 2023-04-11 Read more