ILANG oras nga akong nakatulog. Paggising ko ay nasa dibdib ko pa ang librong ginawa kong pampaantok kanina. Bumangon na ako sa higaan at nag-inat-inat. Na-miss ko ang kuwarto kong iyon kaya maganda ang gising ko. Lumabas ako. Walang tao sa kusina at sala kaya nagderetso ako sa labas. Naabutan ko na naman na busy si Tatay doon. This time, he was fixing his old bycicle. "Gising ka na pala. Kumain ka na riyan, may natira pang ulam. Initin mo na lang," aniya nang mapansin ako.Pero may ibang hinahanap talaga ang mga mata ko. "Nasaan ang manugang mo, Tay?" walang gatol na tanong ko."Ah, 'yong asawa mo? Wala. Umalis kanina pa. Bumalik ng Maynila, may pasok pa raw siya."Parang bigla akong siniglahan dahil sa sinabi niya. "Talaga, Tay? May sinabi ba siyang babalik?"Umiling-iling si tatay. "Parang wala.""Sige po." Ngiting-ngiti pa ako habang bumabalik sa loob. Buti nga. Sana'y hindi na magbalik! Feeling ko, mae-enjoy ko nang husto ang pagbabakasyon ko roon. Pagkatapos ng isang linggo ay
Last Updated : 2023-07-08 Read more