Home / Romance / A Wedding Agreement / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of A Wedding Agreement: Chapter 11 - Chapter 20

89 Chapters

Chapter 10

Mag-uumaga na. Ngunit pabiling-biling pa rin ako sa higaan. Nakatulog naman ako kagabi pero maaga naman nagising. Mga alas-tres. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang nangyari sa sinehan at ang mga napag-usapan namin ni Dino. Hindi ko alam kung bakit parang natatakot na akong makipagkita sa kaniya bukas. Parang nahihiya ako para sa sarili ko.Tama ba na pumayag ako? P-Paano kung magbunga iyon? Paano ko iyon sasabihin kay Tatay? Hay... Ayoko sanang mag-overthink pero parang ganoon na nga ang nangyayari. Ito kasing si Jass, isang buwan na kami mahigit na kasal pero hanggang ngayon wala naman siyang ginagawang aksyon para magkahiwalay na kami. Puro iwasan at sungitan lang ang ginagawa namin. Naalala ko tuloy iyong babaeng tumawag. Tiyak akong kakilala niya iyon at may ugnayan sila sa isa't isa, sana naman ipaglaban niya kung ano mang mayroon sila sa mga magulang niya para mawalan na ng rason para magpatuloy pa ang kasal-kasalang ito. Para wala nang hadlang sa amin ni Dino. Makakapamu
last updateLast Updated : 2023-03-13
Read more

Chapter 11 Part 1

"KUMUSTA na, 'nak?" Si tatay sa kabilang linya. Kauuwi ko lang no'n galing trabaho. Ako ang tumawag para mangamusta. Kahit masama pa rin ang loob ko dahil sa ginawa niya ay hindi ko pa rin siya matiis."Okay naman, 'Tay. Na-cash out n'yo na ba 'yong pinadala ko?" Kapag araw ng sahod ay nagpapadala pa rin ako. Walang nagbago tulad ng kung paano ko siya aabutan ng pam-budget sa bahay noong doon pa ako sa amin nakatira."Oo 'nak, salamat. Pero hindi na naman ako nanghihingi sa 'yo. Dapat nga, hindi ka na rin diyan nagtrabaho. Kaya naman lahat ng asawa mo ang gastusin-""'Tay, ayoko pong umasa ro'n. Tsaka naiinip ako rito. Ang lungkot ko na nga, tapos magpapakaburyong pa ako kakatambay rito. Ayokong tumanda nang maaga, 'Tay." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Pasensya na talaga, 'nak. Pero hindi ko ginawa 'yan dahil tutol ako sa relasyon n'yo ni Dino. Iniisip ko lang talaga ang kinabukasan mo, anak."Huminga na lang din ako ng malalim. "Para saan pa ang pagtatapos ko ng pag-aaral
last updateLast Updated : 2023-03-14
Read more

Chapter 11 Part 2

ALAM kong nakaidlip na ako no'n nang may maramdamang kamay na dumantay sa aking noo. Napalunok ako dahil sa bigla at napamulat ng mata. Ngunit hindi ako agad nakakilos dahil tumagal ang kamay na iyon nang ilang segundo sa may noo ko. Parang sinasalat maigi kung mainit ba iyon.Then I heard an audible gasp. May nasamyo pa nga akong hangin. I liked the scent. Minty na may nasama pang men's perfume. 'Men's perfume?'"Wala naman eh. Si Mina talaga."Lalo akong hindi nakakilos. S-Si Jass ba 'yon? Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ang boses niya. Why? Sinabi talaga ni Mina na masama ang pakiramdam ko?Concerned ba siya sa akin? What for? Dahil natatakot siyang malaman ni Tatay kapag nagkasakit ako?But there's a part of me na bigla namang natuwa dahil sa kaniyang ginawa. 'No, Jennifer!'Ngunit bago pa ako nakakilos para sundan sana siya ng tingin ay nakalabas na si Jass. Marahan niyang binuksan at isinara ang pinto.Nasapo ko ang noong hinawakan niya. Kay init ng palad niya. Parang
last updateLast Updated : 2023-03-16
Read more

Chapter 12

"SO why don't you two have some honeymoon trip? Kahit mga isang buwan lang," wika ng doktora na sabay na ikinatigil namin ni Jass ng pagkain."My schedule's too hectic for that, Mom," agad na tanggi ni Jass."Eh 'di mag-leave ka. Ano ka ba naman? We are one of the shareholders of that hospital na pinagtatrabahuhan mo, but yet you still act as a mere employee."Napakislot ako dahil sa narinig. Mayaman nga pala sila talaga. "It's my passion that drives me para patuloy na pumasok at magtrabaho. I can't just take a leave, Mom," anito na balik na naman sa pagiging kalmado.Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng mga kobyertos. "So mas pinahahalagahan mo iyang trabaho mo kaysa sa kahilingan ko, ha, anak?" medyo tumaas na ang boses ng ginang. Nakita ko pa ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito. Masuyo namang hinagod ng biyenan kong lalaki ang likuran nito upang pakalmahin ito kahit na papaano."I'm just asking for a little more time, Mom. You know I'm not yet ready for it," segunda pa ni J
last updateLast Updated : 2023-03-17
Read more

Chapter 13

PASALAMAT ako't no'ng hapon ding iyon ay nagpaalam na ang aking mga biyenan. Kunwari pang inihatid namin ang mga ito ni Jass nang nakangiti sa isa't isa. Nakakapit pa siya sa beywang ko. Ewan ko kung bakit kailangan niya pang gawin iyon eh lantaran naman kung itanggi niya sa magulang ang pagkakaroon namin ng anak sa lalong madaling panahon.Nang makaalis na ang sasakyan ng mga ito, at tuluyan nang naisara ang gate ay biglang kalas namin sa isa't isa. Parang diring-diri si Jass sa akin. Hindi na ito nagsalita pa at umalis na ito sa harapan ko. Pumasok na sa loob. Makaraan ng ilang segundo ay sumunod din ako. Nagpang-abutan pa kami sa hagdan. "Get your things now," masungit na utos nito. Walang emosyon at kibong sumunod na lang ako. Tahimik din ako hanggang sa loob ng kuwarto niya at habang kinukuha sa kabinet ang mga damit ko. "E-Excuse me!" napapalunok pang wika ko dahil nakaharang ang malapad niyang katawan sa pinto. Hindi ako makadaan. "About the consequences anyway," anito na
last updateLast Updated : 2023-03-18
Read more

Chapter 14

AGAD akong yumuko at tumalikod sa sasakyan. Hindi ako maaaring magkamali. Kay Jass na sasakyan iyon."Sorry, Jen. May problema ba?" tanong ni Dino.Umiling-iling ako kahit nakatalikod sa kaniya. "W-Wala. Wala, Dino. Sige na, umuwi ka na. Ingat ka." Hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya. Naglakad na ako palayo. Samantalang ang sasakyan naman ay dumeretso na ng pasok sa gate. Habang naglalakad ay nakayuko pa rin ako. Pinagagalitan ang sarili."Nakakahiya ka, Jennifer. Una, dahil PDA ka. Pumayag kang makipaghalikan sa tabi ng daan. Pangalawa, nagpahuli ka sa asawa mo. May pinag-aralan ka pa namang tao pero ganiyan ang gawain mo. Nakakahiya ka!"Kulang na lang ay saktan ko na rin ang sarili ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat pa ba akong umuwi sa bahay ni Jass o hindi. Ano'ng mukha ang ihaharap ko sa kaniya? But on the contrary, pakialam niya ba? Siya nga may Yngrid na dinala niya pa sa bahay at inihatid pauwi. Malamang naghahalikan din ang dalawang iyon nang hindi ko nakikita. At
last updateLast Updated : 2023-03-24
Read more

Chapter 15

"MA'AM Jen? Okay lang ba kayo?" tanong ni Mina sa akin. Kanina pa kasi ako tulala lang habang nasa harap ng pagkain. Bumaba ako mga alas-nueve dahil sa pag-aakalang nagugutom ako. Pero nang ihain niya sa mesa ang pagkain ay hindi ko man lang iyon nagalaw.Marahil nagtataka rin ang katulong kung bakit namumugto ang mga mata ko. Pagdating ko pa lang kasi ng kuwarto ko ay nag-iiiyak na ako. Lalo na nang matanggap ko ang message ni Dino na nagso-sorry ito.'I'm sorry, Jen.' Iyon lang ang nabasa ko. Naghintay pa ako ng karugtong pero wala nang sumunod na message. Ni wala man lang paliwanag. Parang ambilis naman. Dahil ba mas malapit ang Jessa na iyon sa tinitirhan niya? Dahil ba ayaw ko pang ibigay ang hinihiling niya? Ang sabi niya mahal niya ako at willing siyang maghintay. Pero hindi ko akalaing may hangganan din pala ang lahat."Ayaw n'yo ba ng ulam, Ma'am Jen? Puwede ka naman mag-request ng iba kung ayaw mo-""Umiinom ka ba, Mina?" wala sa hinagap na tanong ko."P-Po? Eh... ano'ng ino
last updateLast Updated : 2023-03-27
Read more

Chapter 16

"MINA..." tawag ko sa kasama ko. Hindi ko alam kung ano'ng oras na at kung ano nang lagay ko nang mga sandaling iyon. Sobrang sakit na ng ulo ko, at wala na akong lakas pang kontrolin ang katawan ko. Naka-ubob na ako sa mesa at hindi alam ang gagawin. But the traitor in my head? Hindi pa rin siya maalis-alis. Bakit gano'n? Akala ko sa pag-inom ko ng alak malilimutan ko kahit sandali si Dino, pero napakalinaw pa rin ng gunita niya sa aking isipan."Takshil ka!" sabi ko pa na hindi ko alam kung umiiyak ba ako o tumatawa. I was laughing for a while, rinig ko pa nga ang halinghing ko pero mayamaya rin, bumuhos ang pighati. "Mahal na mahal kita pero bakit mo nagawa sa akin ito? You said you love me and you're willing to wait pero bakit ..." Yumuyugyog pa ang mga balikat ko habang umiiyak. "Bakit ang bilis mo naman yata nakahanap ng substitute ko? Dahil ba ayaw ko pang bumigay sa 'yo, ah?"Kumapa ang mga kamay ko kung may natira pa bang in can na may laman sa ibabaw ng mesa. Pero wala na a
last updateLast Updated : 2023-03-29
Read more

Chapter 17

HUMINGA muna ako nang malalim bago pumasok sa entrance ng mall. Kailangan kong labanan ang emosyon ko kung gusto kong mabuhay. Dahil hindi lang sa love life umiikot ang buhay ko. Kailangan ko pa ring magtrabaho, kumita ng pera. Dahil hindi naman pag-ibig ang nagpapalamon sa akin.Though sa bawat hakbang ko palapit sa store na pinagtatrabahuhan ko ay parang unti-unti nang nanghihina ang mga tuhod ko. Madaraanan ko kasi ang fast food kung saan nagtatrabaho si Dino. Sinisikap kong huwag matuksong malingon doon ngunit nagawa pa rin ng mga mata ko. Sa counter nakapuwesto si Jessa at nakita ko nga itong abala sa pag-aayos ng suot nitong headcap. Dahil hindi pa open sa mga costumer ang mall nang mga oras na iyon ay mga empleyado pa lang ang nasa loob. Naisip ko itong komprontahin. Para ipaalam dito kung ano'ng naging dulot sa pagpasok nito sa relasyon namin ni Dino. Gusto ko pa ring ipaglaban kung ano'ng meron kami. Dahil mahal ko pa rin si Dino at hindi ko alam kung makaka-move on ba ako.
last updateLast Updated : 2023-04-01
Read more

Chapter 18

"JEN, maniwala ka sa 'kin. Walang kami ni Jessa," pakiusap ni Dino nang muli kaming magpangita. Hindi kami nagkita noong breaktime dahil masyado akong naging busy. Kundi ngayong pagka-out namin."Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako o hindi," blangko namang sagot ko. Ewan ko ba kung ano'ng nangyayari sa akin nang araw na iyon. Hindi nawala sa isip ko si Jass. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita at naging kostumer ko siya kanina."Kung ayaw mo talagang maniwala, eh 'di patutunayan ko. Gusto mo sumama ka sa akin ngayon? Ipapakilala kita sa mga tita at tito ko pati mga pinsan na kasama sa bahay."Tumingin ako kay Dino. He looked so serious. What if nagsasabi nga siya ng totoo? What if I just gave him a second chance? I checked the clock. 6:20 pm pa lang. Naka-motor naman kami kaya tiyak na mabilis lang ang biyahe. "S-Sige nga," I dared him. "T-Talaga?" hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango ako. "K-Kung gano'n, tara." Iyon lang at mabilis niya akong inakay pasakay ng kaniya
last updateLast Updated : 2023-04-02
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status