Kahit na gigil na gigil na siya sa ama at napupuno na siya ng galit ay pikit-mata niyang sinunod ang gusto nito. Kinagabihan ay bumiyahe siya kasama ang sampong tauhan nito. Hindi niya inalis ang suot na facemask, mas lalo na ang itim niyang shade. Delikado ang pinagagawa ng ama niya at pupwede siyang makulong."Nasa dalampasigan na sila, Ma'am," imporma ng isang tauhan sa passenger seat.Tumango siya at binuksan ang bintana. Dama na niya ang simoy ng hanging dagat. Kung hindi lang siya buntis ay pipiliin na lang niyang mamatay kaysa magwagi ang ama niya. Kaya lang ay hindi niya pwedeng pabayaan ang baby niya, isa pa ay gusto pa niyang makasama si Gabriel."Make everything fast. Huwag niyong hayaan na matunugan kayo ng pulis," habilin niya noong makarating sila.Kita na niya ang yate ng ama. Napailing siya, lahat talaga ay gagamitin nito para lang sa illegal na negosyo nito."Excited na akong mag-taiwan. Kapag naka-ipon ako, ipapagawa ko ng bahay ang mga magulang ko," ani ng isang tin
Huling Na-update : 2023-05-01 Magbasa pa