Natagpuan niya ang sarili sa loob ng sportcar ni Gray. Magka-ugpong ang mga kamay niya at hindi makalingon dito. Akala nga niya kanina ay mag-a-away silang magkakaibigan pero basta lang umalis ang iba. Ngayon ay hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Gray."Are you cold?" maingat na tanong nito.Hindi pa man siya nakasasagot ay nilapag na nito sa kandungan niya ang suot nitong jacket kanina. Nagulat man siya ay inayos niya pa rin sa kandungan niya."B-akit mo sinabi iyong kanina?" tukoy niya sa sinabi nitong anak nito ang pinagbubuntis niya.Alam na ba nito ang totoo?"I lied so I can save you. Bakit ka ba binigyan ng mission ng sugar daddy mo samantalang buntis ka?" mariing tanong nito.Napalabi siya at nakahinga nang maluwag. At least hindi pa rin nito alam."Uhm, choice ko. Naiinip ako sa bahay," pagsisinungaling niya.Umiwas siya ng tingin noong sulyapan siya nito. Pinanatili niya ang tingin sa labas ng bintana. Natatakot siyang titigan ito at baka mabasa nito ang mga kasinung
Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya pero kita niya ang pagpatak ng luha ni Gray. Napakurap siya at hindi makapaniwalang lumuluha ito sa inamin niya. First time niyang makita ang ganoong reaksyon nito. Akala pa naman niya ay magagalit ito sa pagtatago niya."Seriously? You're n-ot kidding right?" hindi mapaniwalang paninigurado nito.Tumango siya ngunit napapikit ito nang mariin."Oh, God. What did I do to deserve this?" tanong nito sa hangin na kinailing niya.Siya na ang kusang tumingkayad upang h*likan ito. Napamulat ito ng mga mata at mukhang nagulat sa ginawa niya ngunit agad niyang hinatak ang batok nito upang hindi ito lumayo. Napangiti siya matapos maramdaman ang pagsagot nito sa kanyang h*lik. Ang mga braso nito ay agad na umikot sa bewang niya.Naglaban ang mga labi nila at akala niya ay kakapusin siya ng hininga sa h*lik na binibigay nito. Kung hindi pa dumiin ang hawak niya sa batok nito ay hindi na yata nito titigilan ang mga labi niya.Hinihingal siya noong hu
"Sinabi ko? What did I say, hm?" napakabanayad ng boses nito pero ang palad nitong nasa tiyan niya lang kanina ay pababa na sa pagitan ng mga hita niya."Gray, isa. Hindi ito joke. Totoo ba iyon?"Tinaliman na niya ito ng tingin ngunit ngumisi lang ito. Nagulat pa siya noong tuluyan nitong mailapat ang palad sa pagitan ng mga hita niya."Tell me first, what did I say," hamon nito habang ang daliri ay tinutukso na siya. Napaliyad na nga siya at muntik mapaungol kung hindi lang napigilan ang sarili.Sa inis niya ay inipit niya ang kamay nito ngunit napapikit siya nang mariin noong nagtagumpay pa rin ang daliri nitong mag-dive sa loob."Come on. Tell me what did I say, Dra. Sylvaine," panunukso nito.Maliit siyang suminghap. Agad na namigat ang paghinga niya. Ayaw niya man ay kusang bumuka ang bibig niya para magsalita."Ano'ng sinabi ko, hm?"Napamura siya sa isip noong maramdaman ang pagdagdag ng daliri sa loob niya."I l-ove you," mabilis niyang sagot ngunit nakakaloko itong ngumisi.
LEA'S POV"Enjoying the pool?"Napamulat siya ng mga mata matapos marinig ang boses. Umangat ang gilid ng labi niya noong makita itong nakahalukipkip sa gilid ng swimming pool."I'm floating," mayabang niyang sagot bago muling pinikit ang mga mata.Pinapalutang niya kasi ang sarili sa tubig. Gusto niyang magrelax bago gawin ang sunod na plano niya."Nagrerelax ka riyan habang si Gray ay ikakasal na ulit?"Mabilis siyang napamulat ng mga mata. Nawala ang pokus niya sa pagpapalutang at agad na lumubog ang katawan sa tubig."What did you say?!"Nanlalaki ang mga mata niyang lumangoy palapit dito. Ngumisi ito ngunit halata sa mga mata nito ang galit."You heard me right. Umamin si Gray kay Sylvaine at gusto na itong ipakilala sa grupo," mapait na kwento nito.Nagtagis ang mga ngipin niya at umahon sa tubig."She chose that woman over me? Kaya siya nagmadaling hiwalayan ako para lang pakasalan ang babaeng dahilan ng pagkawala ng panganay na anak niya?!"Hindi niya mapigilan ang galit. Nanl
LEA'S POV"Are you seducing me?" madiing tanong ni Don Manuel sa kanya.Kinabahan man ay pilit siyang ngumiti."Why? Naaakit ka ba, Don Manuel?"Naningkit ang mga mata nito, "Stop what you are doing. I don't care if you are the ex-wife of the mafia leader; if I want to kill you, I will," mariing bulong nito.Natigalgal siya at nanginig ang mga labi. Alam niyang wala rin itong sinasanto pero hindi siya pwedeng umatras. Kailangan niyang makuha ang kuwintas!Mabagsik nitong binitiwan ang kamay niya na kinalingon ng iba. Napaiwas siya ng tingin sa inis ngunit namataan niya ang mga kaibigan ni Gray na papasok sa venue. Wala si Gray at Joachim pero ang presensya ni Dimitri, Damien, at Gustavo ay sapat na upang mataranta ang mga organizer at iilang kababaihan.Napamura siya sa isip. Ayaw niyang masira ang plano niya. Kinabahan siya matapos mahuli ang tingin ni Dimitri, napailing ito at tumikwas ang kilay. Kita niyang may binulong ito kay Gustavo kaya't nalipat dito ang tingin niya. Seryoso i
SYLVAINE'S POV"Is it necessary? Kailangan ba ay makuha ko muna sa ama ko ang kuwintas bago tayo ikasal?" tanong niya habang binubuklat ang katalog na puno ng damit pangkasal.Nag-angat siya ng tingin kay Gray. Binigyan na siya nito ng diyamanteng singsing sa daliri ngunit ayaw nitong magpakasal sila hangga't wala ang kuwintas. Hindi niya maiwasang magdamdam kaya lang pilit niyang iniintindi dahil sa ito ang leader. Baka ganoon nga kahalaga ang kuwintas ng Lola nito.Bumuntong hininga ito at hinaplos ang tiyan niya. Dinantay din nito ang baba sa kanyang balikat. Kasalukuyan silang nasa teresa ng bagong bahay. Nakaupo siya sa pagitan ng mga hita nito, nasa bawat gilid niya ang mabalahibong binti nito."Hm, that's the rule. For you to be recognized as my wife, you should be wearing the necklace."Napalabi siya at sinara ang hawak na katalog. Tinanaw niya ang asul na langit. Ayaw niyang lingunin si Gray. Sa totoo lang ay nagtatampo siya. Leader ito pero hindi kayang baguhin ang rules ng
Akala niya talaga nagbibiro lang si Gray pero ora mismo sa gabing iyon ay humarap sila sa Attorney. Hindi niya alam kung punong-puno lang siya ng saya at hindi masundan ang proseso. Natauhan na lang siya na tapos na ang kasal matapos maramdaman ang isa pang diyamanteng singsing sa daliri niya, sa itaas lang ng engagement ring na binigay nito.Ngayon nga ay sa isang restaurant sila at kasama ang mga kaibigan nito. Si Gabriel din ay nasa kandungan ni Gray. Siya naman ay hindi mapigilang titigan ang dalawang singsing sa daliri niya."Should we go home now?" bulong ni Gray sa kanyang tainga.Nawala ang atensyon niya sa singsing at nalipat sa palad nitong dumapo sa kanyang hita. Napangisi siya. Malamang na honeymoon ang nasa isip nito."Hindi ba masyado kayong nagmadali?" agaw ni Demitri sa kanilang atensyon.Napasulyap siya rito. Seryoso ito at tahimik na sumusubo pero ramdam talaga niyang ayaw ni Dimitri sa kanya."What's wrong about getting married? Dapat lang naman lalo pa't kailangang
Nanginginig si Sylvaine sa inis. Nang dahil sa pagdating ni Lea at Don Manuel ay nagkagulo sa meeting. Tiyak na sumasakit na ang ulo ni Gray kakarinig sa mga ka-grupo nitong tanong nang tanong sa kung anong nangyari at bakit na kay Lea ang kuwintas.Pigil niya ang galit at agad na hinila si Gabriel papasok sa pribadong kwarto ni Gray upang makaiwas sana sa gulo. Ngunit nagulat pa siya matapos sumunod doon si Don Manuel."W-hat? Dad—""See what's happening, Sylvaine? Kahit kumampi ka pa kay Gray, matatalo ko pa rin siya. Magbalik loob ka na lang sa akin upang hindi ka magaya kay Cassandra," hikayat nito.Tinago niya sa kanyang likod si Gabriel at hinarap ang ama."A-no'ng ginawa mo kay Cassandra, Dad?"Nilukob siya ng takot. Mukhang wala na itong pakialam kahit pa anak sila nito. Gagawin nito kung ano'ng gusto nito. Ngumisi ang ama niya, "Gusto mong malaman? Sumama ka sa akin—""No way, Dad. Kung ganyan na kayo kasama, hinding-hindi ako sasama sa inyo! Hindi ako susunod sa plano ninyo
After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan
SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag
GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k
"Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h
SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu
LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis
"Tell me, do you like him?" pinilit ni Gray na maging mahinahon ang boses niya ngunit kumakawala talaga ang inis mula roon. Kanina pa lang na makitang magkaharap ang dalawa ay umaakyat na ang galit sa kanya. Hindi siya nag-iisip ng masama ngunit hindi niya alam kung bakit nag-review siya ng cctv. And f*ck! He just wanted to strangle Gustavo's neck right now! "H-indi, Gray. Siya ang humalik. T-inulak ko siya." Pumikit siya nang mariin sa sagot ni Sylvaine. Alam naman niya iyon pero talagang kumikitid ang utak niya sa napanood. Hindi rin siya makapaniwalang kayang gawin iyon ni Gustavo. Humigpit ang yakap niya sa bewang nito. Umigting ang panga niya. Ayaw niyang magsalita dahil baka masaktan ito. "Hindi ko naman gusto si Gustavo. Nasampal ko pa nga siya dahil sa ginawa niya—" "Shh. Don't tell me the story," mabigat niyang bulong. He is territorial. Umiikot na sa isip niya kung paano kakausapin si Gustavo—mali, baka hindi na niya ito kausapin dahil sa nangyari. Kayang-kaya niya ito
Namimilog ang mga mata niya at hindi agad nakakilos sa ginawa ni Gustavo. Ngunit noong maramdaman ang labi nitong gumalaw ay mabilis niya itong tinulak at sinampal. Pumaling sa kaliwa ang mukha nito."Bastos!" gulat niyang sigaw at agad na tumayo.Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na hinalikan siya ni Gustavo. Paano na lang kung makita o malaman iyon ni Gray? Tiyak na magwawala ito!"We've been looking for you, Gustavo. Nandito ka lang pala kila Gray," boses iyon ni Dimitri.Bumaling siya sa harapan ngunit mas na-estatwa siya matapos makita roon si Dimitri... katabi ni Gray."G-ray," sambit niya sa pangalan nito ngunit malamig lang itong nakatingin sa kanya.Napayuko siya noong lagpasan siya ng tingin nito.Nakita ba nito? Binugso siya ng kaba at halos hindi na ito matingnan noong lumapit ito kay Gustavo."What are you doing here, Gustavo?" malamig na tanong din nito sa kaibigan.Nasamyo niya ang amoy ng alak sa katawan nito. Siguro nga ay totoong uminom ito pe
"Gray—""Go to your room, Gabriel," utos nito sa anak nila.Nakagat niya ang ibabang labi noong iwasan siya nito matapos ibaba si Gabriel mula sa bisig nito. Simula kaninang bumalik sila galing hideout ay malamig na ang pakikitungo nito. Gusto pa nga niyang sagutin si Lea kanina pero mas nataranta siya sa pag-iwan sa kanya ni Gray. Ngayon nga ay hindi niya makuha ang atensyon nito."Gray, please—""Not now, Sylvaine," malamig na sagot nito bago siya muling talikuran at lumiko patungo sa kabilang kwarto.Bumagsak ang mga balikat niya at halos mangilid ang luha. Wala naman sa plano niya ang patayin ito kahit pa i-utos iyon ng ama niya. Dapat pala ay sinabi niya agad at pinaliwanag dito, hindi sana siya nito pinagdududahan ngayon.Napapikit siya nang mariin at huminga nang malalim. Ayaw niyang pangunahan siya ng kanyang emosyon. Hahayaan niya muna ito sandali pero hindi siya papayag na hindi niya ito makausap ngayon.Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nagpalamig siya sandali