SYLVAINE'S POVNang dahil kay Gray ay napa-extend pa ng isang araw si Sylvaine sa ospital. Nagpupumilit kasi itong iuwi na siya gayong ayaw niya. Sumakit lang ang ulo niya sa presensya nito, ayaw nitong umalis kahit na pinagtabuyan na ni Cassandra. Si Brylle nga rin ay nabwisit sa presensya nito kaya't umalis na roon, sinama nga nito ang kapatid niya kaya't naiwan siya sa loob ng kwarto kasama si Gray."Bumalik ka na sa mansyon mo, hindi ako sasama sa'yo," madiing bulong niya.Ngayong araw na kasi siya lalabas at hindi niya matakasan si Gray. Kanina pa ito nakaupo sa sofa, naka-dekwatro, at nagbubuklat ng magazine. Nakaharap ito sa higaan kung saan siya nakaupo."You will go with me, whether you like it or not."Nagtagis ang mga bagang niya sa pagiging bossy nito."Alam mo namang si Don Manuel ang ama ng anak ko di ba? Gusto mo yata siyang magalit—""Mukha ba akong natatakot sa sugar daddy mo?" nakangising tanong nito.Umawang ang mga labi niya, "Sugar Daddy?"Tumikwas ang kilay nito,
Last Updated : 2023-04-30 Read more