All Chapters of ALGUIEN ESPOSITO (Mafioso Societas Series 1): Chapter 21 - Chapter 30

48 Chapters

21. READY 1

FREYA Nang magising ako ay nasa cabin na ako sa yate nakahiga. Agad akong bumangon at hinanap si Alguien. Bigla kong naisip ang mga sinabi ko sa kaniya kanina sa mansion. Huminga ako ng malalim nang maisip na nagawa kong sagot-sagutin siya. Pero kasalanan naman niya… lagi na lang niyang pinapamukha sa akin na parang dapat ako magpasalamat na… na gusto niya ako. Bakit kailangan gano’n? Kung gusto niya ako ay gusto niya ako. Hindi na sana iparamdam pa sa akin na parang ang baba ng pagkatao ko kaya sigurado siyang sa susunod ay magsasawa na rin siya sa akin. Ang hindi ko rin kasi maintindihan sa sarili ko ay bakit ako nasasaktan sa ginagawa niya? Noong una naman ay gusto ko pang tumakas kasi nakakatakot siya. Bakit isang buwan mahigit lang ay parang iba na ang kinakatakutan ko? Ikinakatakot ko ang isipin na isang araw iba na ang gusto niya. Nang maramdaman ko ang mahinang paggalaw ng yate dahil sa alon ay saka ko naalala na kasal pala namin kaya ako nandito ngayon. Ano ba ang nang
last updateLast Updated : 2023-04-07
Read more

22. READY 2

ALGUIEN “Ready?” tanong sa akin ni Matthias na natatawa. “Ready ka na ba maging married man, Alguien?” segunda naman ni Nikias at sabay pa silang nagtawanang magkapatid. “Que estupidos…” usal ko na lang sa dalawa na pinagtatawanan ako at saka ako lumabas ng cabin kung saan ako nagbihis. Iniwan ko si Freya kanina sa cabin ko sa yate na ito, ang cabin kung saan ako galing ay ang cabin na nakalaan para sa kapitan ng yate. Bumalik ang isip ko sa mga pinagsasabi ni Freya kanina nang nasa helicopter pa kami. Lengguwahe na hindi ko akalain na alam niya. Hirap nga siya mag-English pero alam niya magsalita gamit ang lenggwaheng iyon. Nakakapagtaka. “Nag-aalangan ka na ba?” natawang tanong ni Nikias dahil tahimik lang ako habang naglalakad palabas. Sumunod na rin pala silang magkapatid sa paglabas ko. Napailing ako bilang tugon sa tanong niya. Hindi ako nag-aalangan, iba ang iniisip ko. “Do you have some associate that can speak European languages?” bigla kong natanong sa kanilang da
last updateLast Updated : 2023-04-08
Read more

23. WEDDING 1

FREYA Natatakpan ako nina Willow at Carmen kaya hindi ko makita si Alguien. Napatingin na lang ako sa hawak kong bouquet na puro puting rosas ang naroon. Nilingon ko ang paligid at ilang sandali na lang ay tuluyan nang lulubog ang araw. Ang simpleng preparasyon sa kasal ay hindi simple para sa akin. Nakikita ko ang effort ng kung sino man. Mula sa naglagay ng mga ilaw sa palibot na railings ng yate, na kahit may liwanag pa ay nakahanda na. Sa mga nag-ayos ng mesa at mga upuan. Nakita ko rin ang tatlong teenager na kung sino man sila ay baka mga kasama ng judge na nakita ko kanina na nasa may gitna at naghihintay yata na magsimula na kami. Walang simple sa tingin ko kasi pinaghandaan pa rin ng mga tao ni Alguien. “Ang saya ko talaga para sa’yo, Freya…” muling ulit ni Carmen sa akin ng mga salita. “Is it okay if I say na masaya rin ako para kay Alguien?” tanong ni Willow sa amin ni Carmen na ikinangiti ko na lang. Ayaw ko na dagdagan, mas mabuting walang alam si Carmen sa kakai
last updateLast Updated : 2023-04-12
Read more

24. WEDDING 2

ALGUIEN I smiled warmly seeing Freya talking to Carmen. Nakikita ko na ibinibigay niya sa kaibigan ang bouquet niya. Some traditional stuff like giving it to someone you want to get married next. I was standing there when Rogelio gets near me and told me something. Tumango na lang ako at kinuha ang phone ko na hawak ni Rogelio. I went down to lower deck at doon ko tatawagan si papa. Iyon ang sabi ni Rogelio, na hinihintay ni papa ang tawag ko. “Alguien…” my father instantly answered my call. Mukhang mainit talaga ang ulo kagaya ng sinabi ni Rogelio sa akin. “Hola, Papá…” “What did I hear, Alguien?” “Que?” “You are marrying a peasant! Hijo de puta! You should stop that craziness before I get back there! Hindi ko pinamana ang lahat sa ‘yo para lang ibahagi mo sa babaeng ipinambayad atraso lang!” M!erda… Mukhang si Sheena na ang nagsabi kay papa ng tungkol kay Freya. Detalyado pa nga ang pagkakakuwento. Magaling na babae! “Are you listening?! Que estupido, Alguien! I raised you t
last updateLast Updated : 2023-04-19
Read more

25. LOVE 1

FREYA Ilang buwan na rin ang lumipas pagkatapos ng kasal namin at malaki na ang tiyan ko. Eight months na ang baby ko at tama si Alguien, lalaki ang anak namin. Pagkatapos ng kasal ay hindi kami bumalik ng mansion niya. Dinala niya ako rito sa Salvacion. Pinasamahan na rin niya ako kina Carmen at Rogelio. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero hindi na ako nagtanong. Alam ko na ang dahilan, ang papa niya na base sa narinig ko ay ayaw sa akin. Hindi ko alam kung kaninong bahay itong tinuluyan namin pero sabi ni Rogelio ay binili ni Alguien para tirahan namin dito. Nang gabing iyon, matapos kong marinig ang pakikipagtalo ni Alguien sa ama niya, ay umakyat na ako sa upper deck ng yate. Nagkunwa na lang akong masaya para hindi masira ang mood ng lahat. Sinadya ko ang mga kabataan, na kumanta sa kasal, lapitan para kausapin ko muna. Kung sina Willow o Carmen ay baka maiyak lang ako sa lungkot ko dahil hindi ako matatanggap ni Don Raymundo. Iyon naman kasi ang iniisip ko dati pa. N
last updateLast Updated : 2023-04-30
Read more

26. LOVE 2

ALGUIEN “How’s Freya?” pabulong na tanong ko agad kay Willow nang lumapit siya sa akin. Narito kami sa loob ng mansion ni Doña Elisa Escarra Esposito. Kaarawan ng abuela namin kaya narito kaming lahat na magpipinsan sa Colombia. Willow rolled her eyes as her gaze was daggering Camilla who is now entering the mansion at napadako din tuloy ang tingin ko sa babae. I know what’s on Willow’s mind… pero ayoko naman magpaliwanag pa. Saka na ako magkukuwento sa kaniya kapag wala kami rito at wala akong tiwala sa mga tao rito. Alam ko na maraming s****p kay Papa rito. “Last week pa ang huling pasyal ko kay Freya sa Salvacion,” mahina ang boses na imporma sa akin ni Willow. “Malaki na ang tiyan ni Freya. Kailan mo ba huling inuwian?” “Last month pa.” “Last month?!” gulat na pagkaklaro nito. “Are you out of your mind? Dapat sinasamahan mo na siya. And don’t tell me na hanggang kabuwanan niya ay narito ka pa… dahil sa babae na 'yan?” I signalled her to stop talking. Nakalapit na si Camill
last updateLast Updated : 2023-05-03
Read more

27. DELIVERY 1

FREYA“Alguien!” masayang tawag ko sa pangalan niya at kahit mabagal ang pagkilos ko para makalapit sa kaniya ay nagawa ko naman. Eight months at two weeks na ang baby ko kaya two weeks na lang at manganganak na ako. “Careful,” ani Alguien nang makita niya ang pagmamadali ko. Tinitigan ko si Alguien nang malapitan ko. Halos two months din nang huli siyang nagpakita sa akin. Halos mawalan na nga ako ng pag-asa. Akala ko wala na siyang pakialam sa akin. Kahit anong sabihin pa nga ni Rogelio na busy lang sa Colombia ang boss niya ay pakiramdam ko nagdadahilan na lang. Naisip ko pa na baka nawala na ang interes niya sa akin ng tuluyan at hindi na ako balikan. Niyakap ko si Alguien dahil sa huli kong naisip. Nakakainis man na wala siya nagparamdam nakaraan, ay masaya pa rin ako na nandito na siya. Masaya ako na umuwi pa rin siya sa akin. “Kumusta ang lagay mo?” tanong niya sa akin at kinapa ang tiyan ko na sakto paghawak niya ay lumikot si Heres. Napangisi si Alguien at ngumiti na rin
last updateLast Updated : 2023-05-06
Read more

28. DELIVERY 2

ALGUIEN The moment I saw my child out of Freya's body, ay natigilan na ako. Nakatingin na lang ako kay Freya na naiiyak na hinawakan ang munting kamay ni Heres nang ipatong sa tiyan niya. Napatingin sa akin si Freya na ngumiti kahit lumuluha. Lumapit akong muli sa kaniya. I kissed her head at pinahid ang pawis sa noo niya. Nang ibigay na sa akin si Heres na nakabalot na sa pranella at nakadilat ay napangiti ako. My son has the same color of eyes as mine. My son. My heir. My pride. At hindi siya magagaya sa akin na tatratuhing kasangkapan lang para maipagyabang at maggamit sa paghihiganti. Ipapantapat kung kaninong anak para lang may maipagmalaki. Nang kunin na sa akin si Heres para tingnan ng pediatrician na kararating lang ay agad ko namang ibinigay. Nang sabihin na kailangan i-newborn screening ay pinayagan ko na. Tinawagan ko sina Carlos at Benjamin na sundan ang doktor na may dala sa anak ko at hihintayin ko munang matapos ang pag-asikaso ng lahat kay Freya dito sa deliver
last updateLast Updated : 2023-05-10
Read more

29. FIELVIA 1

FREYA Nakangiti ako na nilalaro ang baby ko. Limang buwan na si Heres at nakuha niya ang kulay ng mga mata ng tatay niya, hindi sa akin. At ang cleft chin niya na unti-unti nagiging visible na. Kung may namana man sa akin si Heres ay ang buhok nito, shape ng mga mata, labi, ilong. Mas marami naman siyang nakuha sa akin pero ang blue eyes na gaya sa ama ang mas nauunang napapansin. “Ready?” tanong sa akin ni Carmen pagkatapos kumatok sa pintong nakabukas lang naman. “Ready na. Nakabihis na si Heres. Magbibihis lang ako.” Kinuha na ni Carmen si Heres at inilabas. Nakaligo na rin ako kaya magpapalit na lang ako ng damit. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako ng kuwarto. Pupunta kami sa pediatrician ni Heres. Wala namang sakit ang baby ko, hindi lang papayag si Alguien na hindi magawa ang monthly check-up ng anak namin. Hindi na rin kami nagtagal sa clinic ng pediatrician ni Heres at bago kami umuwi ay naisip kong mag-grocery muna. Marami pa naman stocks sa bahay pero mas gusto kon
last updateLast Updated : 2023-05-14
Read more

30. FIELVIA 2

ALGUIEN “Remember what you told me to investigate for you?” tanong sa akin ni Nikias na ikinakunot ng noo ko. Wala akong maalala na may pinapaimbestigahan ako sa kaniya. Nasa Bulacan kami at kararating lang ni Nikias. May inayos kaming transaksyon ni Matthias at siya ay ngayon lang nagpakita. “Alin doon?” tanong ko na lang para sabihin na niya. May ugali kasi ito na kapag tingin niya ay wala nang pakinabang sa sitwasyon o hindi na interesado ang kausap ay sasarilihin na lang niya ang nalaman. At dahil sabi niya ay ako ang nagpaimbestiga kaya mabuti ring malaman ko. Baka naman importante at nawala lang sa isip ko. “Iyong mga bansa na may gamit ng Swedish language…” I smirked. Naalala ko na. Sineryoso niya pala iyon? But come to think of it… bakit ba nalimutan ko ang tungkol sa mga narinig kong salita kay Freya bago ang kasal namin? “Iilan lang naman ang bansang may gamit ng Swedish language,” simula ni Nikias. “Sweden, Finland, and Åland Islands. Mga 'yan ang may official use ng
last updateLast Updated : 2023-05-20
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status