Thank you for reading. Hindi ko alam bakit ako emotional sa chapter na ito. Hahaha... nakikiiyak ako kay Freya habang naglalakad siya. Hype! Salamat sa mga support niyo rito kay ALGUIEN at FREYA. Comment lang para may nababasa ako to inspire me more. Salamat po sa inyong mga nagbabasa.
FREYA Natatakpan ako nina Willow at Carmen kaya hindi ko makita si Alguien. Napatingin na lang ako sa hawak kong bouquet na puro puting rosas ang naroon. Nilingon ko ang paligid at ilang sandali na lang ay tuluyan nang lulubog ang araw. Ang simpleng preparasyon sa kasal ay hindi simple para sa akin. Nakikita ko ang effort ng kung sino man. Mula sa naglagay ng mga ilaw sa palibot na railings ng yate, na kahit may liwanag pa ay nakahanda na. Sa mga nag-ayos ng mesa at mga upuan. Nakita ko rin ang tatlong teenager na kung sino man sila ay baka mga kasama ng judge na nakita ko kanina na nasa may gitna at naghihintay yata na magsimula na kami. Walang simple sa tingin ko kasi pinaghandaan pa rin ng mga tao ni Alguien. “Ang saya ko talaga para sa’yo, Freya…” muling ulit ni Carmen sa akin ng mga salita. “Is it okay if I say na masaya rin ako para kay Alguien?” tanong ni Willow sa amin ni Carmen na ikinangiti ko na lang. Ayaw ko na dagdagan, mas mabuting walang alam si Carmen sa kakai
ALGUIEN I smiled warmly seeing Freya talking to Carmen. Nakikita ko na ibinibigay niya sa kaibigan ang bouquet niya. Some traditional stuff like giving it to someone you want to get married next. I was standing there when Rogelio gets near me and told me something. Tumango na lang ako at kinuha ang phone ko na hawak ni Rogelio. I went down to lower deck at doon ko tatawagan si papa. Iyon ang sabi ni Rogelio, na hinihintay ni papa ang tawag ko. “Alguien…” my father instantly answered my call. Mukhang mainit talaga ang ulo kagaya ng sinabi ni Rogelio sa akin. “Hola, Papá…” “What did I hear, Alguien?” “Que?” “You are marrying a peasant! Hijo de puta! You should stop that craziness before I get back there! Hindi ko pinamana ang lahat sa ‘yo para lang ibahagi mo sa babaeng ipinambayad atraso lang!” M!erda… Mukhang si Sheena na ang nagsabi kay papa ng tungkol kay Freya. Detalyado pa nga ang pagkakakuwento. Magaling na babae! “Are you listening?! Que estupido, Alguien! I raised you t
FREYA Ilang buwan na rin ang lumipas pagkatapos ng kasal namin at malaki na ang tiyan ko. Eight months na ang baby ko at tama si Alguien, lalaki ang anak namin. Pagkatapos ng kasal ay hindi kami bumalik ng mansion niya. Dinala niya ako rito sa Salvacion. Pinasamahan na rin niya ako kina Carmen at Rogelio. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero hindi na ako nagtanong. Alam ko na ang dahilan, ang papa niya na base sa narinig ko ay ayaw sa akin. Hindi ko alam kung kaninong bahay itong tinuluyan namin pero sabi ni Rogelio ay binili ni Alguien para tirahan namin dito. Nang gabing iyon, matapos kong marinig ang pakikipagtalo ni Alguien sa ama niya, ay umakyat na ako sa upper deck ng yate. Nagkunwa na lang akong masaya para hindi masira ang mood ng lahat. Sinadya ko ang mga kabataan, na kumanta sa kasal, lapitan para kausapin ko muna. Kung sina Willow o Carmen ay baka maiyak lang ako sa lungkot ko dahil hindi ako matatanggap ni Don Raymundo. Iyon naman kasi ang iniisip ko dati pa. N
ALGUIEN “How’s Freya?” pabulong na tanong ko agad kay Willow nang lumapit siya sa akin. Narito kami sa loob ng mansion ni Doña Elisa Escarra Esposito. Kaarawan ng abuela namin kaya narito kaming lahat na magpipinsan sa Colombia. Willow rolled her eyes as her gaze was daggering Camilla who is now entering the mansion at napadako din tuloy ang tingin ko sa babae. I know what’s on Willow’s mind… pero ayoko naman magpaliwanag pa. Saka na ako magkukuwento sa kaniya kapag wala kami rito at wala akong tiwala sa mga tao rito. Alam ko na maraming s****p kay Papa rito. “Last week pa ang huling pasyal ko kay Freya sa Salvacion,” mahina ang boses na imporma sa akin ni Willow. “Malaki na ang tiyan ni Freya. Kailan mo ba huling inuwian?” “Last month pa.” “Last month?!” gulat na pagkaklaro nito. “Are you out of your mind? Dapat sinasamahan mo na siya. And don’t tell me na hanggang kabuwanan niya ay narito ka pa… dahil sa babae na 'yan?” I signalled her to stop talking. Nakalapit na si Camill
FREYA“Alguien!” masayang tawag ko sa pangalan niya at kahit mabagal ang pagkilos ko para makalapit sa kaniya ay nagawa ko naman. Eight months at two weeks na ang baby ko kaya two weeks na lang at manganganak na ako. “Careful,” ani Alguien nang makita niya ang pagmamadali ko. Tinitigan ko si Alguien nang malapitan ko. Halos two months din nang huli siyang nagpakita sa akin. Halos mawalan na nga ako ng pag-asa. Akala ko wala na siyang pakialam sa akin. Kahit anong sabihin pa nga ni Rogelio na busy lang sa Colombia ang boss niya ay pakiramdam ko nagdadahilan na lang. Naisip ko pa na baka nawala na ang interes niya sa akin ng tuluyan at hindi na ako balikan. Niyakap ko si Alguien dahil sa huli kong naisip. Nakakainis man na wala siya nagparamdam nakaraan, ay masaya pa rin ako na nandito na siya. Masaya ako na umuwi pa rin siya sa akin. “Kumusta ang lagay mo?” tanong niya sa akin at kinapa ang tiyan ko na sakto paghawak niya ay lumikot si Heres. Napangisi si Alguien at ngumiti na rin
ALGUIEN The moment I saw my child out of Freya's body, ay natigilan na ako. Nakatingin na lang ako kay Freya na naiiyak na hinawakan ang munting kamay ni Heres nang ipatong sa tiyan niya. Napatingin sa akin si Freya na ngumiti kahit lumuluha. Lumapit akong muli sa kaniya. I kissed her head at pinahid ang pawis sa noo niya. Nang ibigay na sa akin si Heres na nakabalot na sa pranella at nakadilat ay napangiti ako. My son has the same color of eyes as mine. My son. My heir. My pride. At hindi siya magagaya sa akin na tatratuhing kasangkapan lang para maipagyabang at maggamit sa paghihiganti. Ipapantapat kung kaninong anak para lang may maipagmalaki. Nang kunin na sa akin si Heres para tingnan ng pediatrician na kararating lang ay agad ko namang ibinigay. Nang sabihin na kailangan i-newborn screening ay pinayagan ko na. Tinawagan ko sina Carlos at Benjamin na sundan ang doktor na may dala sa anak ko at hihintayin ko munang matapos ang pag-asikaso ng lahat kay Freya dito sa deliver
FREYA Nakangiti ako na nilalaro ang baby ko. Limang buwan na si Heres at nakuha niya ang kulay ng mga mata ng tatay niya, hindi sa akin. At ang cleft chin niya na unti-unti nagiging visible na. Kung may namana man sa akin si Heres ay ang buhok nito, shape ng mga mata, labi, ilong. Mas marami naman siyang nakuha sa akin pero ang blue eyes na gaya sa ama ang mas nauunang napapansin. “Ready?” tanong sa akin ni Carmen pagkatapos kumatok sa pintong nakabukas lang naman. “Ready na. Nakabihis na si Heres. Magbibihis lang ako.” Kinuha na ni Carmen si Heres at inilabas. Nakaligo na rin ako kaya magpapalit na lang ako ng damit. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako ng kuwarto. Pupunta kami sa pediatrician ni Heres. Wala namang sakit ang baby ko, hindi lang papayag si Alguien na hindi magawa ang monthly check-up ng anak namin. Hindi na rin kami nagtagal sa clinic ng pediatrician ni Heres at bago kami umuwi ay naisip kong mag-grocery muna. Marami pa naman stocks sa bahay pero mas gusto kon
ALGUIEN “Remember what you told me to investigate for you?” tanong sa akin ni Nikias na ikinakunot ng noo ko. Wala akong maalala na may pinapaimbestigahan ako sa kaniya. Nasa Bulacan kami at kararating lang ni Nikias. May inayos kaming transaksyon ni Matthias at siya ay ngayon lang nagpakita. “Alin doon?” tanong ko na lang para sabihin na niya. May ugali kasi ito na kapag tingin niya ay wala nang pakinabang sa sitwasyon o hindi na interesado ang kausap ay sasarilihin na lang niya ang nalaman. At dahil sabi niya ay ako ang nagpaimbestiga kaya mabuti ring malaman ko. Baka naman importante at nawala lang sa isip ko. “Iyong mga bansa na may gamit ng Swedish language…” I smirked. Naalala ko na. Sineryoso niya pala iyon? But come to think of it… bakit ba nalimutan ko ang tungkol sa mga narinig kong salita kay Freya bago ang kasal namin? “Iilan lang naman ang bansang may gamit ng Swedish language,” simula ni Nikias. “Sweden, Finland, and Åland Islands. Mga 'yan ang may official use ng
ALGUIEN“Chelsea Perez…” Mathias yawned the name. “Sí… did your men find her?”“Nawala na sa isip kong ipahanap pa si Chelsea Perez…” Mathias shrugged and clicked his tongue with his teeth. “Trace and Chloe’s remaking of Romeo and Juliet’s love story became our main agenda for the last few months. Nalimutan natin ang lahat dahil sa pasaway na kapatid mong ayaw magpaawat kay Dimagiba.”“Should I thank Willow for that?” tanong ko na ikinatawa ni Mathias. Habang hinihigpitan ko kasi si Chloe, at hinahanapan ng mapapangasawa sa katauhan ni Zeno Scotto para mailayo kay Trace, ay gumawa naman ng paraan si Willow para maging tulay ng dalawa.“Yeah, Willow’s ‘obviously’ guilty with that,” natawang sang-ayon ni Mathias. “My sister is such a sucker for romance as we all know that. And with what you did with her ex years ago… I think my sister’s way of helping Chloe is her revenge on you.”“That’s unfair.” I snickered. “Sa pagkakatanda ko ay ‘napakiusapan’ lang naman ninyo ako ni Nikias para tap
FREYA “Kapatid ni Alguien ang tagapagmana ng CJ clothing line?” tanong ko sa kausap na nasa Pilipinas. Si Marco. Imbestigador na tanging pinagtitiwalaan ko. We are talking through another phone. The one my father doesn’t know I possess. Iniingatan ko na huwag malaman ni Pappa na mayroon talaga akong ibang phone, na hindi registered sa pangalan ko bilang prinsesa. I am using my old name with it when I registered it. Ayaw kong magalit sa akin si Pappa kaya hangga’t maaari sana ay hindi niya malaman ang pakikipag-ugnayan ko pa rin sa ilang tao sa Pilipinas. “Opo,” pagkumpirma ni Marco na tama ang sinabi ko. “Magkapatid sila sa ama. Iyan ang nakuha kong impormasyon mula sa mga balita, at sa mga social media na sila ang bumida sa mga post ng mga netizens ilang buwan na ang lumipas.” I smiled thinking na kapatid pala ni Alguien iyong si Chloe Jordan. Ngiti na agad kong inalis sa mga labi ko. I sighed. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako natuwa sa balita. I should be irritated na ma
ALGUIEN “Tino ta?” tanong ng isang bata na naabutan kong nakaupo sa ibabaw ng mesa. Nasa kusina kami. Kauuwi ko lang din kaya nagtaka ako kung sino ang bata na nakatingin sa akin at nagtatanong. Ngayon ko lang ito nakita dito sa bahay. Galing akong Fielvia at nakibalita sa mga tao ni Nikias na naroon tungkol kay Freya. I only need time and I can face again my wife. My real wife. I will never consider Camilla as my wife no matter what the circumstances are. For now, I can only do every plan of mine discreetly. Hindi pwedeng malaman ni Camilla ang mga plano ko. That woman is dangerous. Hindi ko naman mapatay basta-basta at makokompromiso ang Excellante. “Tagataan ta?” tanong na naman ng bata sa akin na nagbalik sa kaniya ng atensyon ko. Napangiti ako sa kainosentehan ng bata. “Anong pangalan ng mama mo?” tanong ko sa kaniya. Baka anak siya ng kasambahay rito sa mansion. “Mama to?” tanong niya sa akin. Napangiti ako dahil kahit bulol siya ay bibo pa rin makipag-usap. Mukhang ma
FREYA ‘The king summoned you…’ Iyon ang sabi sa akin ng royal messenger ng hari, ni Pappa. Nakakatawa na lang isipin na dito sa Fielvia ay napakapormal ng lahat. Pwede naman sabihin na hinahanap ako ng ama ko at gustong makausap, pero kapag kinakausap talaga ako ng mga kawal at kahit sino na naninilbihan sa palasyo ay pormal talaga silang magsalita. “The Princess of Stellan, Crowned Princess Faith Van Ackere!” pakilala sa akin ng tagapagsalita ng ama ko. I rolled my eyes. Sa araw-araw na senaryo na lang ay gano’n ang sistema kapag pinapatawag ako rito sa Blue Hall. I know that formality is a must of course but I admit it is kinda boring most of the time. Ngumiti ako sa ama ko at lumakad palapit. Nasa harap na niya ako nang yumukod ako bilang pagbibigay galang sa trono niya. Tatanungin ko pa sana si Pappa kung ano ang dahilan at pinatawag niya ako nang matigilan ako dahil sa mga biglang pumasok. “Prince Froyan Van Ackere of Nilsen!” pakilala sa pinsan ni Pappa na ang mga mata ay
ALGUIEN “Look!” ani Willow sabay abot sa akin ng phone niya. Sinulyapan ko lang ang larawan ni Freya na pinapakita niya at ibinaling agad ang tingin kay Heres na naglalaro sa may garden kasama ang yaya. Three years… three years and still I can’t do anything. Minsan ay gusto ko nang isipin na wala talaga akong kwentang tao. Tama nga si Freya na masama ako, at tama nga yata siyang iwan ako para sumama sa iba. “Is she still with Isidro Ferreira?” tanong ko kay Willow pero alam ko naman ang sagot na hindi na magkasama ang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng Ferreira na iyon na nangialam sa amin ni Freya. Kung mayroon mang may kasalanan sa akin ay si Ferreira talaga dahil pakialamero siya. Wala siyang pinagkaiba sa pinsan niyang si Dimagiba, pareho lang silang epal sa buhay ko. “That's unnecessry question.” Willow rolled her eyes and made a face. “Alam naman natin na nakaraang taon lang kumalat ang balita sa underground na patay na ang asawa’t anak ni Isidro Ferreira. Nakaka
FREYA “Faith!” tawag sa pangalan ko ni pappa. Pangalan na parang hindi pa rin ako sanay na marinig na pantukoy sa akin. Nilingon ko siya na palapit sa akin at nginitian. Siguro ay kanina pa niya ako hinahanap. Narito kasi ako sa pond at nagpapakain ng mga alaga kong pato. Natutuwa ako sa kanila at sila ang naging mga libangan ko kapag nalulungkot ako. “You love them so much…” tukoy ni pappa sa mga alaga ko. “I do.” Gusto kong sabihin sana na ang mga pato kasi ay nagpapaalala sa akin sa pagkatao ko noon. Na katulad ako ng mga pato na masyadong dependent at naghihintay lang lagi ng mag-iintindi sa akin. “They are good pets.” Tumingin ako kay pappa at ngumiti ulit. Sa ilang taon ko na narito sa palasyo ay puro kabutihan lang niya ang nakikita ko. Wala akong makita na pangit o negatibo para ipuna, na hindi ko alam bakit naghahanap ako. Siguro kasi kapag marangyang buhay, ay iniisip ko lagi na may karugtong na kasamaan kagaya sa buhay na mayroon ang pamilya nina Alguien. Huminga ak
ALGUIEN Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa ako kinakabahan. Walang Rogelio na sumasagot ng mga tawag ko kahapon pa. Not even messages. At hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa Salvacion. Kaninang umaga pa kinuha ni Bruno ang phone ko, pinapakuha raw ni Mamita. They are really making me defeated before everything starts. Carajo… Nang pumasok si Willow sa kuwarto kung nasaan ako ay nakasimangot siyang lumapit sa akin. “And you really wanna continue this stupid wedding…” umiling siya. “This is insane, Alguien!” “I am doing my best for all of us,” asar kong tugon sa kaniya. Kanina pa ako badtrip dahil wala akong mabalitaan mula pa kahapon sa Salvacion at ngayong dapit-hapon na nga ang kasal namin ni Camilla tapos dadagdag pa siya. “This will break you! I am telling you, Alguien! This plan of yours will make your life a living hell! Huwag mo nang ituloy at piliin mo si Freya! Ipaglaban mo ang asawa mo!” Ipaglaban at matulad siya kay Damian? Choosing Freya will make her a tar
FREYA “C—Carmen?” nanginginig ang boses na tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko. Nagising ako dahil narinig kong umiiyak siya. “Car–Carmen? Kausapin mo ako… Nasaan ka?” Tumigil siya sa pag-iyak. Hindi ko alam kung nasaan siya. Madilim. Madilim na madilim ang paligid at ilang beses na akong natumba at natalisod sa kung ano-anong mga bagay na nasa loob ng kuwarto kung saan ako dinala. Kaninang umaga ay nagulat na lang kami ni Carmen na biglang pinasok ang bahay ng limang lalaki. Nanlaban kami pero may kung ano silang pinaamoy sa akin na dahilan kaya nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na naririnig ko ang mga iyak ni Carmen na parang nasa kabilang kuwarto tapos nakatulog ako ulit kasi hindi ko malabanan ang antok ko. Ngayon na lang ako nagising ulit. At si Heres… nasaan si Heres? “Carmen…” muling tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko pero hindi pa rin siya sumasagot. Kasalanan ko ba? Ito ba ang resulta ng pag-alam ko sa tunay na pagkatao ko? Ako ba ang nagpahamak sa kaibigan
ALGUIEN “You’re right. Ang asawa mo nga ang nawawalang prinsesa.” Matthias’ voice disturbed me. I turned my swivel chair paharap sa kaniya at napatingin sa pinto. Nakasara naman kaya safe ang impormasyon na sinabi niya, walang nakarinig. “Check this.” Inabot niya sa akin ang isang USB drive at saka naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng desk ko. Agad ko namang kinuha at tiningnan ang laman niyon. I read the information he got. Naniningkit na ang mga mata ko sa halo-halong emosyon. I pulled the flash drive from my laptop at napatingin kay Matthias. “Sino ang ibang nakakaalam nito?” “Tayo lang tatlo nina Nikias ang nag-iimbestiga tungkol diyan. Unless may sinabihan kang iba…” Matthias shrugged. “Si Nikias…” biglang naalala ko. Nasa Switzerland kami noong pinapaimbetigahan ko sa kaniya ang tungkol sa nawawalang si Princess Karina Faith Van Ackere pero… pero paano kung may nasabih palang iba iyon? Lagi pa namang may babaeng kasama. “Ako ang bahala kay Nikias, tatawagan ko ul