A/N: Swedish to English… Karina… Stanna här. Gömma. (Karina… Stay here. Hide.) Mamma, lämna mig inte ... Jag är rädd. (Mama, don't leave me... I'm scared.) *************** Thank you po sa inyo na nagbabasa ng story nina Alguien at Freya. Malapit ko na po tapusin ang Season 1 ng story na ito. Support niyo po ako hanggang Season 2 at maiksi lang po itong story na ito. Salamat po sa mga nagbibigay ng gems.
ALGUIEN “Remember what you told me to investigate for you?” tanong sa akin ni Nikias na ikinakunot ng noo ko. Wala akong maalala na may pinapaimbestigahan ako sa kaniya. Nasa Bulacan kami at kararating lang ni Nikias. May inayos kaming transaksyon ni Matthias at siya ay ngayon lang nagpakita. “Alin doon?” tanong ko na lang para sabihin na niya. May ugali kasi ito na kapag tingin niya ay wala nang pakinabang sa sitwasyon o hindi na interesado ang kausap ay sasarilihin na lang niya ang nalaman. At dahil sabi niya ay ako ang nagpaimbestiga kaya mabuti ring malaman ko. Baka naman importante at nawala lang sa isip ko. “Iyong mga bansa na may gamit ng Swedish language…” I smirked. Naalala ko na. Sineryoso niya pala iyon? But come to think of it… bakit ba nalimutan ko ang tungkol sa mga narinig kong salita kay Freya bago ang kasal namin? “Iilan lang naman ang bansang may gamit ng Swedish language,” simula ni Nikias. “Sweden, Finland, and Åland Islands. Mga 'yan ang may official use ng
FREYA Nakatingin ako sa anak kong tulog na tulog sa crib niya. Tiningnan ko ang oras, alas-nuwebe ng gabi at kakalapag ko lang kay Heres. Ganitong oras talaga ang tulog ng baby ko at napangiti ako sa kapayapaan na nasa mukha niya. Napakapayapa ni Heres at kabaliktaran naman sa nararamdaman ko. Gulong-gulo ako... Gulong-gulo sa mga sinabi ni Auntie Tonette tungkol sa akin kanina. Hindi pala… hindi sa sinabi niya ako naguluhan kung hindi sa mga pangalan na nabasa ko doon sa papel na binigay niya. At sabi niya na gusto niyang kausapin ang gobernador sa lugar na ito para sana magpatulong para hanapin ako. Bakit? Kung kinausap niya ang gobernador ay tutulungan kaya siya kahit hindi naman ako kilala. Si Ana Francesca Ferreira… siya iyon. Naalala ko ang picture niya sa mansion ni Alguien sa Bulacan. Iyong kasama si Alguien at si Don Raymundo. May isang bata pa roon na kasing-edad ni Alguien na hindi ko maalala ang pangalan. Pagbukas ng pinto ang nagpatigil sa kung ano-anong nasa isip
ALGUIEN “Hindi ko na maalala pero… pero natatakot ako…” Muli kong naalala ang nangyari kagabi at ang sinabi ni Freya. Nagising ako sa malakas na sigaw niya at nang tanungin ko bakit siya umiiyak ay iyon ang sagot niya. Natatakot siya. Saan? O kanino? “Heres…” malambing na sabi ni Freya sabay halik sa noo ng anak namin. Napangiti ako sa tanawin na nagbalik sa atensyon ko kay Freya. She smiled at me nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanila ni Heres. “Bigay na muna kita kay Tita Carmen at kakain muna si mama…” dagdag pa ni Freya sabay tayo. Pinanood ko siya na lumakad palapit kay Carmen at pinasa si Heres dito. Tinitingnan ko lang ang bawat galaw niya. Gusto kong sabihin niya sa akin ang tungkol sa panaginip niya kagabi, kaso mukhang kinalimutan na niya, o mas tamang sabihin na kunwari na lang balewala sa kaniya. Nakangiti siyang bumalik sa hapag-kainan at tinabihan ako. I am watching her preparing foods. Pagkatapos niyang maghiwa ng kung ano-anong kailangang sangkap
FREYA Lumipas ang mga araw na wala na naman si Alguien dito sa Salvacion. Ang sabi niya ay may aasikasuhin lang siya. Kakausapin niya raw si Nikias at pupunta siya ng Switzerland dahil nandoon ang pinsan niya. Bago siya umalis ay paulit-ulit sinasabi na sa susunod ay isasama na niya kami ni Heres sa mga byahe niya, na halos ayaw na niya malayo sa akin. At dahil wala si Alguien at nalulungkot ako ay naisip kong mamasyal. Mamaya ay pupunta kami nina Carmen sa isang park sa city proper at maganda doon mag-picnic. Lumipas ang buong umaga na naghahanda kami ni Carmen ng mga dadalhin namin. Kasama naman namin si Rogelio kaya siguradong hindi magagalit si Alguien, ang bilin lang naman lagi ng isa ay huwag akong aalis ng bahay na hindi kasama si Rogelio. Bandang alas-dos ng hapon nang maisip na namin pumunta sa park. Maraming puno ng acacia sa lugar kaya malilim doon. Paboritong pasyalan ng mga magkakasintahan, magbabarkada, at maging buong pamilya. Maganda ang lugar at kahit katirikan
ALGUIEN “Check this one. Check everything inside,” Nikias said as he saw me entering the room. Inilapag ang envelope sa coffee table at nahiga sa pahabang sofa. Galing ako sa labas dahil may kinausap akong katransakyon sa bansang ito. Nandito na rin lang ako ay sulitin ko na ang lahat ng sadya ko. “All you need is inside the envelope and I'm positive that you will owe me bigtime for that.” “I never turned back with my words, Nikki. Anyway, are you going back to the Philippines after you're done here? Or to Colombia?” “Will stay here for a month. Hayaan ko na muna si Matti sa Colombia. Baka nga sa Russia pa ako dumiretso pagkatapos dito.” Naupo ako sa single couch na nasa gilid ng pahabang couch kung nasaan siya nakahiga at nakataas na ang kaliwang paa sa sandalan nito. I wanna ask him about Fielvia when a doorbell disturbed us. “That’s my guest.” Mabilis na tumayo si Nikias at pumunta sa pinto para salubungin ang guest na sabi nito. Guest? Awesome! My playboy cousin has a
FREYA “Salamat po, dok.” Nakangiti na akong tumayo pagkatapos kong ayusin ang baby carrier ni Heres sa mga balikat ko. Nasa clinic kami ng pediatrician ni Heres dahil nagpantal-pantal siya kanina at natakot ako. Wala naman problema sabi ng doktor kasi allergy lang naman ang mga pantal na tumubo sa kaniya. Inisip ko pa kung ano ang nabigay ko sa baby ko na pwedeng ika-allergy niya at iyong sabaw pala ng tinola na pinatikim ko lang sa kaniya ang pinagmulan. May allergy pala si Heres sa chicken at mabuti alam ko na. Okay na rin naman at naresetahan na siya ng gamot na kailangan niya. Nakalabas na ako ng clinic ni Doctora Valderama nang matanaw ko sina Carmen at Rogelio na palapit sa amin. Dumiretso na kami sa sasakyan at pumunta sa WEI Mall ni Willow. Dumiretso kami sa isang resto. Umorder na si Carmen nang maisip ko na bilhin muna sa pharmacy doon sa kabilang wing ng mall ang nasa reseta na anti-allergy ni Heres, at pampahid na cream kapag kumakapal ang pantal. Bibilhan ko na rin ng
ALGUIEN I need to go home. Home where Freya is. Nandito na ako sa Maynila pero hindi pa ako makapunta sa Salvacion dahil hinihintay ko pa ang resulta ng imbestigasyon ng tao ni Matthias tungkol sa mga nagpalaki kay Freya. The percentage that Freya was the lost princess of Fielvia is ninety. Ang kailangan na lang ay masagot ang tanong kung paano siya napunta sa mga magulang na kinalakihan niya. Isa lang ang tumatakbong hinala ko. Maaring ang kinilala niyang ina ay yaya niya noon kaya naisulat ang mga pangalan ng mga may kaugnayan sa tunay na pagkatao niya. Iyon kasi ang nakakapagtaka, ang iniwan na listahan ng nanay niya. Kung nadampot lang si Freya ay dapat walang alam ang mga nakakuha sa kaniya sa mga pangalan na nakasulat, pero mayroon alam ang nanay niya. Kagabi ay kausap ko si Matthias. Magkikita kami mamayang gabi dahil parating na ang taong inutusan niya para mag-imbestiga sa mga umampon kay Freya. Parating pa lang pero hindi ko alam bakit kinakabahan ako sa maari kong malama
FREYA “Hi!” bati sa akin ng lalaki na ikinatingin ko sa kaniya. Napatitig ako at saka ko siya naalala. Siya iyong— “Ice,” pakilala niya at ngumiti. “Ice?” tanong ko para malinaw. Iyon talaga ang pangalan niya? Ice? Pero… oo pala, narinig kong tinawag siya noong lalaking kulot na Yelo. Kaya pala. Ice nga… “Isidro Ferreira,” nakangiting sabi pa niya sa buong pangalan at ngumiti na rin ako. Nagtataka man ako bakit niya ako nilapitan pero mali naman na talikuran ko na lang siya. “Ikaw iyong… iyong anak ng aleng maganda, 'di ba?” nahihiyang tanong ko. Tinanong ko lang kasi wala akong masabi na iba. Nagpalinga-linga na rin ako. Baka naman kasama niya ang mama niya. Nakakapagtaka lang kasi talaga na narito siya ulit sa mall at lapitan ako. Pero bakit ba? Ano pala ang pakialam ko? “Yeah. I just wanna say my apology for what I did that day,” nakangiting sabi ni… ni Ice. “I just saw you while I was strolling and I think I was bad that day and—” “Apology?” nagtatakang tanong ko agad n
ALGUIEN“Chelsea Perez…” Mathias yawned the name. “Sí… did your men find her?”“Nawala na sa isip kong ipahanap pa si Chelsea Perez…” Mathias shrugged and clicked his tongue with his teeth. “Trace and Chloe’s remaking of Romeo and Juliet’s love story became our main agenda for the last few months. Nalimutan natin ang lahat dahil sa pasaway na kapatid mong ayaw magpaawat kay Dimagiba.”“Should I thank Willow for that?” tanong ko na ikinatawa ni Mathias. Habang hinihigpitan ko kasi si Chloe, at hinahanapan ng mapapangasawa sa katauhan ni Zeno Scotto para mailayo kay Trace, ay gumawa naman ng paraan si Willow para maging tulay ng dalawa.“Yeah, Willow’s ‘obviously’ guilty with that,” natawang sang-ayon ni Mathias. “My sister is such a sucker for romance as we all know that. And with what you did with her ex years ago… I think my sister’s way of helping Chloe is her revenge on you.”“That’s unfair.” I snickered. “Sa pagkakatanda ko ay ‘napakiusapan’ lang naman ninyo ako ni Nikias para tap
FREYA “Kapatid ni Alguien ang tagapagmana ng CJ clothing line?” tanong ko sa kausap na nasa Pilipinas. Si Marco. Imbestigador na tanging pinagtitiwalaan ko. We are talking through another phone. The one my father doesn’t know I possess. Iniingatan ko na huwag malaman ni Pappa na mayroon talaga akong ibang phone, na hindi registered sa pangalan ko bilang prinsesa. I am using my old name with it when I registered it. Ayaw kong magalit sa akin si Pappa kaya hangga’t maaari sana ay hindi niya malaman ang pakikipag-ugnayan ko pa rin sa ilang tao sa Pilipinas. “Opo,” pagkumpirma ni Marco na tama ang sinabi ko. “Magkapatid sila sa ama. Iyan ang nakuha kong impormasyon mula sa mga balita, at sa mga social media na sila ang bumida sa mga post ng mga netizens ilang buwan na ang lumipas.” I smiled thinking na kapatid pala ni Alguien iyong si Chloe Jordan. Ngiti na agad kong inalis sa mga labi ko. I sighed. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako natuwa sa balita. I should be irritated na ma
ALGUIEN “Tino ta?” tanong ng isang bata na naabutan kong nakaupo sa ibabaw ng mesa. Nasa kusina kami. Kauuwi ko lang din kaya nagtaka ako kung sino ang bata na nakatingin sa akin at nagtatanong. Ngayon ko lang ito nakita dito sa bahay. Galing akong Fielvia at nakibalita sa mga tao ni Nikias na naroon tungkol kay Freya. I only need time and I can face again my wife. My real wife. I will never consider Camilla as my wife no matter what the circumstances are. For now, I can only do every plan of mine discreetly. Hindi pwedeng malaman ni Camilla ang mga plano ko. That woman is dangerous. Hindi ko naman mapatay basta-basta at makokompromiso ang Excellante. “Tagataan ta?” tanong na naman ng bata sa akin na nagbalik sa kaniya ng atensyon ko. Napangiti ako sa kainosentehan ng bata. “Anong pangalan ng mama mo?” tanong ko sa kaniya. Baka anak siya ng kasambahay rito sa mansion. “Mama to?” tanong niya sa akin. Napangiti ako dahil kahit bulol siya ay bibo pa rin makipag-usap. Mukhang ma
FREYA ‘The king summoned you…’ Iyon ang sabi sa akin ng royal messenger ng hari, ni Pappa. Nakakatawa na lang isipin na dito sa Fielvia ay napakapormal ng lahat. Pwede naman sabihin na hinahanap ako ng ama ko at gustong makausap, pero kapag kinakausap talaga ako ng mga kawal at kahit sino na naninilbihan sa palasyo ay pormal talaga silang magsalita. “The Princess of Stellan, Crowned Princess Faith Van Ackere!” pakilala sa akin ng tagapagsalita ng ama ko. I rolled my eyes. Sa araw-araw na senaryo na lang ay gano’n ang sistema kapag pinapatawag ako rito sa Blue Hall. I know that formality is a must of course but I admit it is kinda boring most of the time. Ngumiti ako sa ama ko at lumakad palapit. Nasa harap na niya ako nang yumukod ako bilang pagbibigay galang sa trono niya. Tatanungin ko pa sana si Pappa kung ano ang dahilan at pinatawag niya ako nang matigilan ako dahil sa mga biglang pumasok. “Prince Froyan Van Ackere of Nilsen!” pakilala sa pinsan ni Pappa na ang mga mata ay
ALGUIEN “Look!” ani Willow sabay abot sa akin ng phone niya. Sinulyapan ko lang ang larawan ni Freya na pinapakita niya at ibinaling agad ang tingin kay Heres na naglalaro sa may garden kasama ang yaya. Three years… three years and still I can’t do anything. Minsan ay gusto ko nang isipin na wala talaga akong kwentang tao. Tama nga si Freya na masama ako, at tama nga yata siyang iwan ako para sumama sa iba. “Is she still with Isidro Ferreira?” tanong ko kay Willow pero alam ko naman ang sagot na hindi na magkasama ang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng Ferreira na iyon na nangialam sa amin ni Freya. Kung mayroon mang may kasalanan sa akin ay si Ferreira talaga dahil pakialamero siya. Wala siyang pinagkaiba sa pinsan niyang si Dimagiba, pareho lang silang epal sa buhay ko. “That's unnecessry question.” Willow rolled her eyes and made a face. “Alam naman natin na nakaraang taon lang kumalat ang balita sa underground na patay na ang asawa’t anak ni Isidro Ferreira. Nakaka
FREYA “Faith!” tawag sa pangalan ko ni pappa. Pangalan na parang hindi pa rin ako sanay na marinig na pantukoy sa akin. Nilingon ko siya na palapit sa akin at nginitian. Siguro ay kanina pa niya ako hinahanap. Narito kasi ako sa pond at nagpapakain ng mga alaga kong pato. Natutuwa ako sa kanila at sila ang naging mga libangan ko kapag nalulungkot ako. “You love them so much…” tukoy ni pappa sa mga alaga ko. “I do.” Gusto kong sabihin sana na ang mga pato kasi ay nagpapaalala sa akin sa pagkatao ko noon. Na katulad ako ng mga pato na masyadong dependent at naghihintay lang lagi ng mag-iintindi sa akin. “They are good pets.” Tumingin ako kay pappa at ngumiti ulit. Sa ilang taon ko na narito sa palasyo ay puro kabutihan lang niya ang nakikita ko. Wala akong makita na pangit o negatibo para ipuna, na hindi ko alam bakit naghahanap ako. Siguro kasi kapag marangyang buhay, ay iniisip ko lagi na may karugtong na kasamaan kagaya sa buhay na mayroon ang pamilya nina Alguien. Huminga ak
ALGUIEN Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa ako kinakabahan. Walang Rogelio na sumasagot ng mga tawag ko kahapon pa. Not even messages. At hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa Salvacion. Kaninang umaga pa kinuha ni Bruno ang phone ko, pinapakuha raw ni Mamita. They are really making me defeated before everything starts. Carajo… Nang pumasok si Willow sa kuwarto kung nasaan ako ay nakasimangot siyang lumapit sa akin. “And you really wanna continue this stupid wedding…” umiling siya. “This is insane, Alguien!” “I am doing my best for all of us,” asar kong tugon sa kaniya. Kanina pa ako badtrip dahil wala akong mabalitaan mula pa kahapon sa Salvacion at ngayong dapit-hapon na nga ang kasal namin ni Camilla tapos dadagdag pa siya. “This will break you! I am telling you, Alguien! This plan of yours will make your life a living hell! Huwag mo nang ituloy at piliin mo si Freya! Ipaglaban mo ang asawa mo!” Ipaglaban at matulad siya kay Damian? Choosing Freya will make her a tar
FREYA “C—Carmen?” nanginginig ang boses na tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko. Nagising ako dahil narinig kong umiiyak siya. “Car–Carmen? Kausapin mo ako… Nasaan ka?” Tumigil siya sa pag-iyak. Hindi ko alam kung nasaan siya. Madilim. Madilim na madilim ang paligid at ilang beses na akong natumba at natalisod sa kung ano-anong mga bagay na nasa loob ng kuwarto kung saan ako dinala. Kaninang umaga ay nagulat na lang kami ni Carmen na biglang pinasok ang bahay ng limang lalaki. Nanlaban kami pero may kung ano silang pinaamoy sa akin na dahilan kaya nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na naririnig ko ang mga iyak ni Carmen na parang nasa kabilang kuwarto tapos nakatulog ako ulit kasi hindi ko malabanan ang antok ko. Ngayon na lang ako nagising ulit. At si Heres… nasaan si Heres? “Carmen…” muling tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko pero hindi pa rin siya sumasagot. Kasalanan ko ba? Ito ba ang resulta ng pag-alam ko sa tunay na pagkatao ko? Ako ba ang nagpahamak sa kaibigan
ALGUIEN “You’re right. Ang asawa mo nga ang nawawalang prinsesa.” Matthias’ voice disturbed me. I turned my swivel chair paharap sa kaniya at napatingin sa pinto. Nakasara naman kaya safe ang impormasyon na sinabi niya, walang nakarinig. “Check this.” Inabot niya sa akin ang isang USB drive at saka naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng desk ko. Agad ko namang kinuha at tiningnan ang laman niyon. I read the information he got. Naniningkit na ang mga mata ko sa halo-halong emosyon. I pulled the flash drive from my laptop at napatingin kay Matthias. “Sino ang ibang nakakaalam nito?” “Tayo lang tatlo nina Nikias ang nag-iimbestiga tungkol diyan. Unless may sinabihan kang iba…” Matthias shrugged. “Si Nikias…” biglang naalala ko. Nasa Switzerland kami noong pinapaimbetigahan ko sa kaniya ang tungkol sa nawawalang si Princess Karina Faith Van Ackere pero… pero paano kung may nasabih palang iba iyon? Lagi pa namang may babaeng kasama. “Ako ang bahala kay Nikias, tatawagan ko ul