Thank you po sa mga narito at naghihintay ng update. Straight po ako mag-update kay Alguien hanggang matapos ko ang Season 1 niya. Season 2 will be the finale season at need ko maumpisahan, dahil ang mga readers ni Trace na nagbabasa rin dito, ay sure alam na ang dahilan sa nangyari kay Alguien sa Season 3 ni Trace. At masyado spoiler ang Season 4 ni Trace kina Alguien at Freya ko, kaya need maisabay na ang finale season ng dalawang story. Thank you sa mga nagmamahal at suporta kay Alguien at nagbibigay ng gems. Love you all po.
ALGUIEN I need to go home. Home where Freya is. Nandito na ako sa Maynila pero hindi pa ako makapunta sa Salvacion dahil hinihintay ko pa ang resulta ng imbestigasyon ng tao ni Matthias tungkol sa mga nagpalaki kay Freya. The percentage that Freya was the lost princess of Fielvia is ninety. Ang kailangan na lang ay masagot ang tanong kung paano siya napunta sa mga magulang na kinalakihan niya. Isa lang ang tumatakbong hinala ko. Maaring ang kinilala niyang ina ay yaya niya noon kaya naisulat ang mga pangalan ng mga may kaugnayan sa tunay na pagkatao niya. Iyon kasi ang nakakapagtaka, ang iniwan na listahan ng nanay niya. Kung nadampot lang si Freya ay dapat walang alam ang mga nakakuha sa kaniya sa mga pangalan na nakasulat, pero mayroon alam ang nanay niya. Kagabi ay kausap ko si Matthias. Magkikita kami mamayang gabi dahil parating na ang taong inutusan niya para mag-imbestiga sa mga umampon kay Freya. Parating pa lang pero hindi ko alam bakit kinakabahan ako sa maari kong malama
FREYA “Hi!” bati sa akin ng lalaki na ikinatingin ko sa kaniya. Napatitig ako at saka ko siya naalala. Siya iyong— “Ice,” pakilala niya at ngumiti. “Ice?” tanong ko para malinaw. Iyon talaga ang pangalan niya? Ice? Pero… oo pala, narinig kong tinawag siya noong lalaking kulot na Yelo. Kaya pala. Ice nga… “Isidro Ferreira,” nakangiting sabi pa niya sa buong pangalan at ngumiti na rin ako. Nagtataka man ako bakit niya ako nilapitan pero mali naman na talikuran ko na lang siya. “Ikaw iyong… iyong anak ng aleng maganda, 'di ba?” nahihiyang tanong ko. Tinanong ko lang kasi wala akong masabi na iba. Nagpalinga-linga na rin ako. Baka naman kasama niya ang mama niya. Nakakapagtaka lang kasi talaga na narito siya ulit sa mall at lapitan ako. Pero bakit ba? Ano pala ang pakialam ko? “Yeah. I just wanna say my apology for what I did that day,” nakangiting sabi ni… ni Ice. “I just saw you while I was strolling and I think I was bad that day and—” “Apology?” nagtatakang tanong ko agad n
ALGUIEN “What are you thinking?” tanong sa akin ni Camilla na may pahimas pa sa braso ko. Gusto ko siyang saktan talaga. Wala akong pakialam kung sikat siyang artista o celebrity pero hindi ako natutuwa sa kaniya. “Alguien, mi querido?” “Nothing to worry, Camilla.” I simply said. Ayokong pahabain ang usapan namin at ang totoo ay ayoko talaga siyang kausap. Ang gusto ko ay umuwi ng Salvacion at naroon ang mag-ina ko. At hindi ako natutuwa na kasama ang Camilla na ito. Two nights ago na ang party na naganap pagkatapos ng pa-presscon ni Camilla at pag-anunsyo na may pelikula siyang gagawin dito sa Pilipinas. At kagaya nga nang naisip ko ay talagang isiningit ni Camilla ang usapin sa plano niyang pagpapakasal sa nobyo niya umano na nasa Pilipinas. What a slut she is… kahit wala pa si Freya sa buhay ko ay hindi ko talaga magugustuhan itong si Camilla. “Boss, may tawag si Rogelio,” bulong ni Carlos sa akin. Kinuha ko naman ang phone na inaabot niya. Mas okay na iyon na tumawag si R
FREYA Ilang araw na akong tulala at kahit si Heres ay tamang asikasuhin ko na lang. Mas gusto ko ang mag-isa at isipin ang mga nangyayari sa buhay ko. Pagkatapos kong mapanood ang trending video na iyon online ay hindi pa rin nakakabalik si Alguien, mukhang inabandona na nga kami ni Heres. Katok sa pinto at kasunod na pagbukas niyon ang umagaw sa atensyon ko, si Carmen. May dala siyang pagkain sa tray. Napatingin ako sa orasan sa dingding, lampas alas-otso na pala ng gabi. “Sana tinawag mo na lang ako para bumaba,” ani ko kay Carmen. “May sakit ka yata, eh.” Nilapitan niya ako at ibinaba sa tabi ko ang tray ng pagkain bago sinalat ang leeg ko. “Okay lang ako. Wala akong sakit…” “Freya… ano ba ang nangyayari? Ilang araw ka nang ganiyan. Mag-iisang linggo na.” “Kung sasama ba ako sa inyo ni Rogelio sa lugar niyo ay isasama niyo rin ako?” direktang tanong ko na. Hindi ko dapat isipin ang lumayo kay Alguien pero ang katotohanan na may iba siyang pakakasalan, na ayaw kong paniw
ALGUIEN “You’re right. Ang asawa mo nga ang nawawalang prinsesa.” Matthias’ voice disturbed me. I turned my swivel chair paharap sa kaniya at napatingin sa pinto. Nakasara naman kaya safe ang impormasyon na sinabi niya, walang nakarinig. “Check this.” Inabot niya sa akin ang isang USB drive at saka naupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng desk ko. Agad ko namang kinuha at tiningnan ang laman niyon. I read the information he got. Naniningkit na ang mga mata ko sa halo-halong emosyon. I pulled the flash drive from my laptop at napatingin kay Matthias. “Sino ang ibang nakakaalam nito?” “Tayo lang tatlo nina Nikias ang nag-iimbestiga tungkol diyan. Unless may sinabihan kang iba…” Matthias shrugged. “Si Nikias…” biglang naalala ko. Nasa Switzerland kami noong pinapaimbetigahan ko sa kaniya ang tungkol sa nawawalang si Princess Karina Faith Van Ackere pero… pero paano kung may nasabih palang iba iyon? Lagi pa namang may babaeng kasama. “Ako ang bahala kay Nikias, tatawagan ko ul
FREYA “C—Carmen?” nanginginig ang boses na tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko. Nagising ako dahil narinig kong umiiyak siya. “Car–Carmen? Kausapin mo ako… Nasaan ka?” Tumigil siya sa pag-iyak. Hindi ko alam kung nasaan siya. Madilim. Madilim na madilim ang paligid at ilang beses na akong natumba at natalisod sa kung ano-anong mga bagay na nasa loob ng kuwarto kung saan ako dinala. Kaninang umaga ay nagulat na lang kami ni Carmen na biglang pinasok ang bahay ng limang lalaki. Nanlaban kami pero may kung ano silang pinaamoy sa akin na dahilan kaya nawalan ako ng malay. Nagising na lang ako na naririnig ko ang mga iyak ni Carmen na parang nasa kabilang kuwarto tapos nakatulog ako ulit kasi hindi ko malabanan ang antok ko. Ngayon na lang ako nagising ulit. At si Heres… nasaan si Heres? “Carmen…” muling tawag ko sa pangalan ng kaibigan ko pero hindi pa rin siya sumasagot. Kasalanan ko ba? Ito ba ang resulta ng pag-alam ko sa tunay na pagkatao ko? Ako ba ang nagpahamak sa kaibigan
ALGUIEN Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa ako kinakabahan. Walang Rogelio na sumasagot ng mga tawag ko kahapon pa. Not even messages. At hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa Salvacion. Kaninang umaga pa kinuha ni Bruno ang phone ko, pinapakuha raw ni Mamita. They are really making me defeated before everything starts. Carajo… Nang pumasok si Willow sa kuwarto kung nasaan ako ay nakasimangot siyang lumapit sa akin. “And you really wanna continue this stupid wedding…” umiling siya. “This is insane, Alguien!” “I am doing my best for all of us,” asar kong tugon sa kaniya. Kanina pa ako badtrip dahil wala akong mabalitaan mula pa kahapon sa Salvacion at ngayong dapit-hapon na nga ang kasal namin ni Camilla tapos dadagdag pa siya. “This will break you! I am telling you, Alguien! This plan of yours will make your life a living hell! Huwag mo nang ituloy at piliin mo si Freya! Ipaglaban mo ang asawa mo!” Ipaglaban at matulad siya kay Damian? Choosing Freya will make her a tar
FREYA “Faith!” tawag sa pangalan ko ni pappa. Pangalan na parang hindi pa rin ako sanay na marinig na pantukoy sa akin. Nilingon ko siya na palapit sa akin at nginitian. Siguro ay kanina pa niya ako hinahanap. Narito kasi ako sa pond at nagpapakain ng mga alaga kong pato. Natutuwa ako sa kanila at sila ang naging mga libangan ko kapag nalulungkot ako. “You love them so much…” tukoy ni pappa sa mga alaga ko. “I do.” Gusto kong sabihin sana na ang mga pato kasi ay nagpapaalala sa akin sa pagkatao ko noon. Na katulad ako ng mga pato na masyadong dependent at naghihintay lang lagi ng mag-iintindi sa akin. “They are good pets.” Tumingin ako kay pappa at ngumiti ulit. Sa ilang taon ko na narito sa palasyo ay puro kabutihan lang niya ang nakikita ko. Wala akong makita na pangit o negatibo para ipuna, na hindi ko alam bakit naghahanap ako. Siguro kasi kapag marangyang buhay, ay iniisip ko lagi na may karugtong na kasamaan kagaya sa buhay na mayroon ang pamilya nina Alguien. Huminga ak