Home / LGBTQ+ / When A Leaf Falls On Your Head / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng When A Leaf Falls On Your Head: Kabanata 11 - Kabanata 20

25 Kabanata

[11] A Failure

Halos lahat ng asignatura nila ay nag-abiso na sa susunod na linggo na ang mga midterm exams nila. Madalas pa rin na wala si Elm sa klase kaya naman pinuntahan siya ni Leaf sa gym pagtapos ng klase.Pumasok si Leaf sa loob ng gym at naupo sa may mga upuan doon. Nagba-basketbol pa kasi sila Elm. Maya-maya, humingi ng time out si Elm para malapitan siya. Naupo siya sa tabi ng kasintahan."Bakit?" tanong ni Elm habang sa mga kasamang naglalaro pa rin ang tingin niya. Inilagay niya ang mga braso sa likuran at ipinabuhat sa pwersa nu’n ang bigat niya.Tinitigan muna siya ni Leaf bago ibaling ang tingin rin sa mga naglalaro at nagsalita. "Nag-announce na ‘yung mga teachers. Midterm exams na next week. Sana naman nabasa mo na 'yung mga notes ko.""Oo. Sabado at linggo, magbabasa ako. Next week na rin kasi ‘yung laban namin para sa championship. Konti na lang, matatapos na rin 'to. Hindi ka ba proud sa ‘kin?" Hinarap na siya ni Elm."Proud. Proud ako sa’ yo. Pero kasi Elm, kailangan ko rin ‘y
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

[12] Broken

Sandaling huminga ng malalim at tumigil si Leaf nang malapit na siya sa gym bago nagpatuloy sa paglalakad. Pagsilip niya, nakita niya si Elm na nakaupo at kausap ang mga kagrupo niya na nakapabilog sa kaniya habang drini-dribol ang hawak na bola. Tumayo lang siya sa pintuan ng gym hanggang sa makuha niya ang atensyon ni Elm. Dahan-dahan na tumayo si Elm at seryoso ang mukha niya na lumapit kay Leaf. Hawak pa rin niya ang bola. “Babe, please. Huwag muna tayo mag-usap ngayon kasi hindi maganda ang mood ko. Natalo kami,” ani Elm. “Ako ba tinanong mo kung maganda rin ‘yung mood ko?” Bahagyang nanlaki ang mga mata niyang nasa ilalim ng kumunot niyang noo. “Ano? Worth it ba lahat ng pagpapa-excuse mo sa klase para lang sa basketbol na yan?” “Bakit ka ba nagkakaganiyan? Please, sabi ko sa’yo huwag ngayon. Bukas na lang tayo mag-uusap.” Tumalikod na siya at maglalakad na sana palayo nang sagutin siya ni Leaf. “Dalawang subject ang bagsak mo.” Nanatili siyang nakatalikod kay Leaf. Naging m
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

[13] Finding Elm

Nasa harap na ni Leaf ang traysikel pero nakatitig lang siya sa loob nito. “Sasakay ka ba?” Napatingin siya sa drayber ng traysikel na nagsabi niyon. Bigla niyang gustong kausapin si Elm. Gusto niyang magbaka-sakaling maayos pa nila ang lahat. Baka hindi lang maganda parehas ang araw na ‘yun para sa kanilang dalawa. Baka sakaling pwede pa. “May nakalimutan po pala ako sa loob,” aniya at bumalik siya sa loob ng eskwelahan. Una niyang pinuntahan ang gym. Pumasok siya sa loob at nagtanong sa mga taong andoon pa. Iilan na lang ang natira. Nilapitan niya si Birch. “Nanggaling ba rito si Elm?” tanong niya. “Hindi siya dumaan. Baka nakauwi na,” sagot ni Birch habang nagdi-dribol ng bola. “Kanina pa ako sa gate pero hindi ko naman siya nakitang lumabas.” “Tawagan mo kaya?” Sinunod niya ang suhestiyon ni Birch. Kinuha niya ang telepono niya at tinawagan si Elm. Tumutunog lang ito pero walang sumasagot. “Baka galit pa rin sa akin kaya ayaw sagutin,” aniya sa sarili. “Birch, favor. Pwe
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

[14] While You Are Asleep

"Rinig mo 'yun? Tulog na," sabi ni Leaf. Magkaharap silang dalawa na nakahiga. Pumikit na si Elm pero nanatiling bukas ang mga mata ni Leaf. Pinapanood niya lang ang kasintahan hanggang sa makatulog ito.Hinawi niya ang buhok ni Elm. Mahimbing na ang tulog nito. Nag-monologo siya habang nakatitig sa mukha ni Elm.Hindi mo alam kung gaano mo ako tinakot kanina. Akala ko mawawala ka na sa akin. Hindi ko pa kaya at sana huwag sa ganoong paraan. Siguro, hindi mo pa nga talaga oras. biglang pakiramdam na hanapin kita, tingin ko plano 'yun ng Diyos para mailigtas pa kita. Marami pa siyang plano sa'yo. Marami pa siyang plano para sa atin. Kaya pangako ko, hindi na kita iiwan. Magiging mas maingat na ako sa nararamdaman mo. Manatili ka lang. Kumapit ka lang. Malalampasin natin lahat ng problema.Hinalikan niya ito sa labi at muli pa niyang tinitigan ang binatilyo bago niya ipinikit ang mga mata niya nang may ngiti sa labi.🍀🍀🍀Kinabukasan. Pinahiram muna ni Leaf ng uniporme si Elm para maka
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

[15] Bracelet with Tears Pendant

Tapos na silang maghapunan nang kausapin ni Elm si Leaf. Paakyat na sila ng hagdan papunta sa taas. “Uuwi pala ako ngayon. Hinahanap na ako ni Papa. Gusto niya rin daw ako makausap.” Humarap si Leaf kay Elm habang umaakyat sila ng hagdan. “Ipangako mo muna. Hindi mo na gagawin ulit ‘yun.” Nasa ikalawang palapag na sila ng bahay nina Leaf. Ngumiti si Elm sa kaniya at nagtaas ng kamay. “Promise, master. Hindi na.” Hinawakan siya ni Leaf sa kamay. “Kapag pakiramdam mo mag-isa ka na lang at wala ng solusyon sa problema mo, andito lang ako palagi para sa’yo. Ako ang magiging solusyon mo.” Hinila niya si Elm para yakapin. “Tawagan mo ako. Puntahan mo ako. Kahit nasaan ako, dadating ako. Kahit anong ginagawa ko, ititigil ko, tutulungan kita. Palagi mo akong maasahan kapag kailangan mo ako. Pangako iyan.” Tinanggal ni Leaf ang suot niyang pulseras. Mayroon itong kalawit na korteng luha. Isinuot niya ito kay Elm pagkakalas niya sa pagkakayakap. “Para saan ‘to?” tanong ni Elm. Pinagmamasda
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

[16] His Savior

Nakangiti si Hazel habang palabas si Elm ng banyo papalapit sa kaniya. Suot pa rin ni Elm ang bag niya kung saan niya isinilid ang unipormeng binihisan niya. “Ginagawa mo rito?” ani Elm. Hindi siya ngumiti pabalik. “Sungit mo naman agad. Nag-iba ka na nga talaga. Nakilala mo lang ‘yung beki na ‘yun.” Nag-flip pa ng buhok si Hazel. “Ano bang kailangan mo? May laro pa ako.” “Wala akong kailangan sa’yo. May kinuha lang ako rito sa eskwelahan pagkatapos binisita na rin kita.” Naghalukipkip si Hazel. “Buti nga nakita kita rito. Sabi kasi nila, bihira ka na raw mag basketbol. Baka mangayayat ka.” Hinawakan niya sa braso si Elm at napakagat labi. Inalis naman agad ni Elm ang kamay ng dalaga.” Ano ba! Pwede ba umalis ka na?” “Pwede ba chill ka lang? Dapat nga masanay ka na kasi...dito na ulit ako mag-aaral sa susunod na sem. Isn’t exciting?” Nanlalaki ang mga mata ni Hazel at malakas ang boses niya iyong sinabi. “Ano?” Nanlaki rin ang mga mata ni Elm. Ang hindi alam ni Elm ay nakita p
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

[17] The Desperate

Nilagpasan na lang ni Leaf si Hazel at hinanap na ang silid-aralan niya.Alam na niyang hindi na niya kaklase si Elm dahil naging labo-labo ang paglalagay ng eskwelahan ng estudyante sa bawat seksyon. Paulit-ulit niya pang tiningnan noon ang listahan na ibinigay sa kanila ng eskwelahan nila. Mabuti na lang at kaklase pa rin niya si Clover.“Mabuti na lang at nakita na kita,” ani Leaf nang makitang nakatayo si Clover sa pasilyo at nakikinig ng tugtog mula sa pang-ulong hatinig na nakasalpak sa tenga niya.Pinatay na ni Clover ang tugtog at tinanggal ang pang-ulong hatinig na suot niya. “Bakit? Anong nangyari?”“Nasalubong ko si Hazel. Hindi talaga maganda pakiramdam ko sa pagbabalik ng babaeng ‘yun sa eskwelahan na ‘to.” Lumingon pa siya pero wala na si Hazel sa kung saan niya ito nakasalubong kanina.“Nako. Kaya ikaw, bantayan mo ‘yang si Elm. May mga desperada talaga na gagawin ang lahat maiputan ka lang sa ulo. Bantayan mo kung anong sa’yo. At saka kung mahal ka naman talaga ni Elm
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

[18] Old Habits Will Never Grow Old

Hindi nakapasok ng eskwelahan si Hazel kinabuksan. Naisip ni Elm na marahil ay nagpapahinga siya dahil masama nga ang pakiramdam kahapon pa.Pagkatapos ng mga klase ni Elm, pinuntahan niya si Leaf sa may silid-aralan nila. At ‘di tulad kahapon, si Leaf naman ang may ginagawang aktibidad kasama ang mga kagrupo niya sa loob ng silid-aralan nila. Tahimik silang nagkukumpol-kumpol sa nag-iisang laptop na mayroon sila. Kumaway si Elm at tumayo naman si Leaf sa kinauupuan niya nang mapansin niya si Elm na nakatayo sa labas ng pintuan. Lumapit siya sa kasintahan.“Antayin na kita. Matagal ba ‘yan. Yayain sana kita pumunta sa bahay,” ani Elm. Hinawakan niya sa kamay si Leaf at hinalikan siya dito. “Miss na rin kasi kita.”Nilingon ni Leaf saglit ang mga kasama sa loob. “Mukhang matatagalan pa kasi kami rito. Tapos kung pupunta pa ako sa inyo, baka late na ako makauwi. Sige na. Umuwi ka na. Huwag mo na akong antayin. Kita na lang tayo sa ibang araw. Ingat,” saad ni Leaf na wala man lang sigla.
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

[19] Attempt

Natapos ang kinakanta ng banda na naabutan nila pagpasok nila. Ang sunod na kanta ay isang malungkot na awitin. Sakto sa mga sawi na nagpunta ng bar ng oras na iyon. Sakto sa nararamdaman ni Leaf. Ramdam niya rin iyon kaya naman hindi niya maialis ang mata niya sa entablado. Tutok na tutok siya sa pakikinig hanggang sa lumipad na ang isip niya at naalala na naman niya ang ginawa sa kaniya ni Elm. Muling tumulo ang luha mula sa mata niya.Agad siyang napansin ni Clover kaya hinaplos niya ang likod ng kaibigan para subukang pakalmahin siya.“Ano bang nangyari?” tanong ni Clover. Bigla na lang siyang niyakap ni Leaf. Hindi sumagot si Leaf kaya muli siyang nagsalita. “Ayos lang. Ilabas mo iyan. Ikwento mo. Makakatulong ‘yan para pagaanin ang loob mo.”“Nag-cheat siya sa akin. Nahuli ko sila ni Hazel.”Namilog ang mga mata ni Clover. “Nagawa sa’yo ‘yun ni Elm? Akala ko pa naman nagbago na talaga siya.”Kumalas na sa pagkakayakap si Leaf. “Parang wala lang sa kaniya lahat ng pinagsamahan na
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa

[20] Light Through Small Hole Is Still Hope

Tumayo si Elm sa kama niya at inilagay ang nakabuhol na kabilang dulo ng lubid sa leeg niya. Tatalon na lang siya at malalagutan na siya ng hininga. Iniisip niyang ‘pag nangyari iyon ay matatapos na rin ang paghihirap niya. Mawawala na rin ang bigat at sakit na nararamdaman niya. Wala na siyang kailangang intindihin. Matatapos na lahat.Naging malalim ang paghinga niya. Pinagpawisan siya ng malamig.Nakahawak siya sa lubid na nasa leeg niya nang muli siyang napatingin sa pulseras na suot niya. Tinitigan niya ang palawit nito—korte ng luha.Naalala niya ang sinabi ni Leaf sa kaniya.Kung may kakayahan ka na lumuha, umiyak ka. Ilabas mo.Nanginig ang mga kamay niya at nagsimulang kuminang ang mata niya nang may luha na bigla na lang umusbong sa mata niya.“Sinong mag-aalaga kay Papa kapag lumala na ang sakit niya?” tanong niya sa sarili. “Mawawala ang bigat ng nararamdaman ko pero si Papa naman ang mas mahihirapan dahil sasaluhin niya lahat iyon.”Hindi na niya napigilan na umagos mula
last updateHuling Na-update : 2023-03-06
Magbasa pa
PREV
123
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status