Tapos na silang maghapunan nang kausapin ni Elm si Leaf. Paakyat na sila ng hagdan papunta sa taas. âUuwi pala ako ngayon. Hinahanap na ako ni Papa. Gusto niya rin daw ako makausap.â Humarap si Leaf kay Elm habang umaakyat sila ng hagdan. âIpangako mo muna. Hindi mo na gagawin ulit âyun.â Nasa ikalawang palapag na sila ng bahay nina Leaf. Ngumiti si Elm sa kaniya at nagtaas ng kamay. âPromise, master. Hindi na.â Hinawakan siya ni Leaf sa kamay. âKapag pakiramdam mo mag-isa ka na lang at wala ng solusyon sa problema mo, andito lang ako palagi para saâyo. Ako ang magiging solusyon mo.â Hinila niya si Elm para yakapin. âTawagan mo ako. Puntahan mo ako. Kahit nasaan ako, dadating ako. Kahit anong ginagawa ko, ititigil ko, tutulungan kita. Palagi mo akong maasahan kapag kailangan mo ako. Pangako iyan.â Tinanggal ni Leaf ang suot niyang pulseras. Mayroon itong kalawit na korteng luha. Isinuot niya ito kay Elm pagkakalas niya sa pagkakayakap. âPara saan âto?â tanong ni Elm. Pinagmamasda
Nakangiti si Hazel habang palabas si Elm ng banyo papalapit sa kaniya. Suot pa rin ni Elm ang bag niya kung saan niya isinilid ang unipormeng binihisan niya. âGinagawa mo rito?â ani Elm. Hindi siya ngumiti pabalik. âSungit mo naman agad. Nag-iba ka na nga talaga. Nakilala mo lang âyung beki na âyun.â Nag-flip pa ng buhok si Hazel. âAno bang kailangan mo? May laro pa ako.â âWala akong kailangan saâyo. May kinuha lang ako rito sa eskwelahan pagkatapos binisita na rin kita.â Naghalukipkip si Hazel. âButi nga nakita kita rito. Sabi kasi nila, bihira ka na raw mag basketbol. Baka mangayayat ka.â Hinawakan niya sa braso si Elm at napakagat labi. Inalis naman agad ni Elm ang kamay ng dalaga.â Ano ba! Pwede ba umalis ka na?â âPwede ba chill ka lang? Dapat nga masanay ka na kasi...dito na ulit ako mag-aaral sa susunod na sem. Isnât exciting?â Nanlalaki ang mga mata ni Hazel at malakas ang boses niya iyong sinabi. âAno?â Nanlaki rin ang mga mata ni Elm. Ang hindi alam ni Elm ay nakita p
Nilagpasan na lang ni Leaf si Hazel at hinanap na ang silid-aralan niya.Alam na niyang hindi na niya kaklase si Elm dahil naging labo-labo ang paglalagay ng eskwelahan ng estudyante sa bawat seksyon. Paulit-ulit niya pang tiningnan noon ang listahan na ibinigay sa kanila ng eskwelahan nila. Mabuti na lang at kaklase pa rin niya si Clover.âMabuti na lang at nakita na kita,â ani Leaf nang makitang nakatayo si Clover sa pasilyo at nakikinig ng tugtog mula sa pang-ulong hatinig na nakasalpak sa tenga niya.Pinatay na ni Clover ang tugtog at tinanggal ang pang-ulong hatinig na suot niya. âBakit? Anong nangyari?ââNasalubong ko si Hazel. Hindi talaga maganda pakiramdam ko sa pagbabalik ng babaeng âyun sa eskwelahan na âto.â Lumingon pa siya pero wala na si Hazel sa kung saan niya ito nakasalubong kanina.âNako. Kaya ikaw, bantayan mo âyang si Elm. May mga desperada talaga na gagawin ang lahat maiputan ka lang sa ulo. Bantayan mo kung anong saâyo. At saka kung mahal ka naman talaga ni Elm
Hindi nakapasok ng eskwelahan si Hazel kinabuksan. Naisip ni Elm na marahil ay nagpapahinga siya dahil masama nga ang pakiramdam kahapon pa.Pagkatapos ng mga klase ni Elm, pinuntahan niya si Leaf sa may silid-aralan nila. At âdi tulad kahapon, si Leaf naman ang may ginagawang aktibidad kasama ang mga kagrupo niya sa loob ng silid-aralan nila. Tahimik silang nagkukumpol-kumpol sa nag-iisang laptop na mayroon sila. Kumaway si Elm at tumayo naman si Leaf sa kinauupuan niya nang mapansin niya si Elm na nakatayo sa labas ng pintuan. Lumapit siya sa kasintahan.âAntayin na kita. Matagal ba âyan. Yayain sana kita pumunta sa bahay,â ani Elm. Hinawakan niya sa kamay si Leaf at hinalikan siya dito. âMiss na rin kasi kita.âNilingon ni Leaf saglit ang mga kasama sa loob. âMukhang matatagalan pa kasi kami rito. Tapos kung pupunta pa ako sa inyo, baka late na ako makauwi. Sige na. Umuwi ka na. Huwag mo na akong antayin. Kita na lang tayo sa ibang araw. Ingat,â saad ni Leaf na wala man lang sigla.
Natapos ang kinakanta ng banda na naabutan nila pagpasok nila. Ang sunod na kanta ay isang malungkot na awitin. Sakto sa mga sawi na nagpunta ng bar ng oras na iyon. Sakto sa nararamdaman ni Leaf. Ramdam niya rin iyon kaya naman hindi niya maialis ang mata niya sa entablado. Tutok na tutok siya sa pakikinig hanggang sa lumipad na ang isip niya at naalala na naman niya ang ginawa sa kaniya ni Elm. Muling tumulo ang luha mula sa mata niya.Agad siyang napansin ni Clover kaya hinaplos niya ang likod ng kaibigan para subukang pakalmahin siya.âAno bang nangyari?â tanong ni Clover. Bigla na lang siyang niyakap ni Leaf. Hindi sumagot si Leaf kaya muli siyang nagsalita. âAyos lang. Ilabas mo iyan. Ikwento mo. Makakatulong âyan para pagaanin ang loob mo.ââNag-cheat siya sa akin. Nahuli ko sila ni Hazel.âNamilog ang mga mata ni Clover. âNagawa saâyo âyun ni Elm? Akala ko pa naman nagbago na talaga siya.âKumalas na sa pagkakayakap si Leaf. âParang wala lang sa kaniya lahat ng pinagsamahan na
Tumayo si Elm sa kama niya at inilagay ang nakabuhol na kabilang dulo ng lubid sa leeg niya. Tatalon na lang siya at malalagutan na siya ng hininga. Iniisip niyang âpag nangyari iyon ay matatapos na rin ang paghihirap niya. Mawawala na rin ang bigat at sakit na nararamdaman niya. Wala na siyang kailangang intindihin. Matatapos na lahat.Naging malalim ang paghinga niya. Pinagpawisan siya ng malamig.Nakahawak siya sa lubid na nasa leeg niya nang muli siyang napatingin sa pulseras na suot niya. Tinitigan niya ang palawit nitoâkorte ng luha.Naalala niya ang sinabi ni Leaf sa kaniya.Kung may kakayahan ka na lumuha, umiyak ka. Ilabas mo.Nanginig ang mga kamay niya at nagsimulang kuminang ang mata niya nang may luha na bigla na lang umusbong sa mata niya.âSinong mag-aalaga kay Papa kapag lumala na ang sakit niya?â tanong niya sa sarili. âMawawala ang bigat ng nararamdaman ko pero si Papa naman ang mas mahihirapan dahil sasaluhin niya lahat iyon.âHindi na niya napigilan na umagos mula
"Excuse lang," ani Elm sa mga estudyanteng nakapaligid sa kaniya at lumapit siya kay Leaf. "Uy, Leaf. Pauwi ka na?"Sasagutin na sana siya ni Leaf nang makita niyang nagbubulungan at tinitingnan siya ng mga presman sa likod ni Elm."Siya ba 'yung sinasabi nilang ex?""Siya nga ata. Hindi naman maganda."âLalampasuhinâ yung ganiyang mukha ng ibang paminta na kilala ko.ââPero in fairness, gwapo rin naman kahit papaano.â"So, totoo nga ang chismax. Beki nga siya. Pogi rin ang bet." Nagtawanan pa sila ng mahina."Baliw. Hindi siya beki. Attracted pa rin siya sa babae. 'Di ba nga ang chismax naghiwalay sila dahil sa bilatchi.""Huwag mo na silang pansinin. Pauwi ka na ba?" pag-ulit ni Elm sa tanong niya. Gusto niya kasing hilain ang atensyon ni Leaf mula sa mga rinig na bulungan ng mga presman.Pinilit na lang ni Leaf na ngumiti at tumango. "Oo. Ikaw ba?""Tapos na klase ko. Hatid na kita?"Saglit na umiling si Leaf. "Hindi na. Hindi mo naman 'yun kailangang gawin."Napakibit-balikat si E
Nasa loob na sila ng isang restwarant na ang mga mesa ay mahahaba at maraming upuan na nakapaligid bawat mesa. Ang mga pagkain ay iba-iba. Mayroong pang-Pinoy, pang-Mexicano, pang-Italiano, at iba pa. Kumakain na sila nang biglang magtanong si Maple."Ano nga pa lang plano mo, Elm, ngayong naka-gradweyt ka na? Saang eskwelahan ka papasok?"Binitiwan ni Elm ang kutsara bago sumagot. "Hindi po muna ako mag-aaral."Nakatagilid siyang nilingon ni Leaf. "Bakit?"Huminga si Elm ng malalim bago sumagot. "May sakit kasi si Papa. Emphysema.""Naninigarilyo ba siya?" tanong ni Alder.Umiling si Elm. "Secondhand Smoker. Mga smoker ang mga kasama niya sa trabaho kaya po ganoon.""Dapat hindi siya sumasama kapag naninigarilyo sila." Patuloy lang sa pagkain si Alder."Iyon nga po. Hindi ko rin alam. Sinabi nalang niya sa akin. Nagulat na lang rin ako." Nakatingin lang si Elm sa kanila habang sumasagot."May iniinom naman siyang gamot?" tanong ni Maple."Meron ho. Nakapagpa-check up na siya at na-re
Naglalakad siya nang matanaw niya ang kumpulan ng mga tao. Hindi na sana niya papansinin pero napilitan siyang usisain dala ng matinding pag-uudyok ng kaniyang kuryosidad. Naglakad siya roon papalapit.âBaka kilala niyo po âyung nagpakamatay. Nawawala kasi ang pitaka at cellphone niya kaya hindi pa kami makatawag sa mga kakilala niya para sabihin na patay na siya,â sabi ng isa sa mga pulis. âHindi rin namin siya makilala dahil wala kaming makuhang ID.ââHindi ko masyadong nakitaâ yung mukha,â sagot ng isang ale sa pulis. âPero, parang hindi ko naman kilala âyung lalaki.âNatanaw ni Leaf ang bangkay ng lalaki nang kuhain na siya ng may awtoridad. Hindi man niya makita kung sino âyun ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Pamilyar ang hubog ng katawan nito sa kaniya. Tinitigan niya ng maigi habang binubuhat at bigla niyang naramdaman na parang kilala niya ang lalaki na âyun kahit pa may kalayuan ito mula sa kinatatayuan niya.âSuot niya po itong pulseras na âto,â ani pulis. Itinaas niya an
Kasalukuyang nasa speech room si Leaf kasama ang propesor na si Carob habang nasa harap sila ng iisang laptop. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Elm. âSagutin ko lang po ito,â aniya at itinaas ang telepono para ipakita sa propesor ang tawag. Lumabas siya ng kwarto na iyon at sinagot ang tawag. âHello, mahal?â Maririnig ang pag-iyak ni Elm mula sa kabilang linya. âSinugod namin ngayon si Papa sa ospital. Pwede mo ba akong puntahan ngayon dito?â Napalingon si Leaf sa propesor na nasa loob ng speech room. âElm, may importante kasi akong ginagawa ngayon. Kung mahihintay mo akong matapos ito, pupuntahan kita. Pangako.â âNagkaroon ng kumplikasyon si Papa mula sa surgery. Kritikal ang kondisyon niya. Kailangan kita dito ngayon, Leaf, pakiusap. Puntahan mo ko.â âGanto, Elm, kumalma ka lang muna. Magdasal ka. Ipagdasal mo na makaligtas âyung Papa mo. Tatagan mo âyung loob mo. Susunod ako diyan.â Hindi sumagot si Elm at nagpatuloy lang sa pag-iyak. âPagtapos ko rito, pupuntahan kita. Pr
Dinala sila pareho sa pinakamalapit na presinto. Nasa magkahiwalay na kwarto dinala sina Elm at Basil at hinihingian ng pahayag. Parehong may mesa sa gitna nila at may kaharap na pulis. Nang matapos ang mga pagtatanong, humiling si Elm na gumamit ng telepono para tawagan si Leaf.Nasa eskwelahan na si Leaf ng oras na iyon. Nasa kalagitnaan siya ng klase niya nang biglang tumunog ang telepono niya. Nagpaalam siya sa propesor na lalabas sandali para sumagot ng tawag. Alam niya kasi na alam ni Elm ang iskedyul niya at hindi ito tatawag basta-basta sa gitna ng klase niya. Sigurado siyang importante ang sasabihin ng kasintahan. Sinagot niya ang tawag.âHello, Elm. Anong problema?â aniya.âLeaf, nasa presinto ako ngayon. Dinampot ako.ââHuh? Bakit? Anong nangyari?â Napalakas ang boses niya at tahimik siyang humingi ng tawad sa guro na nasa loob ng silid-aralan nila. Napatingin kasi ito sa kaniya. Tumalikod na lang siya mula sa direksyon na iyon.âYung kasama ko kasi inabutan ako ng droga ta