Home / Romance / The Billionaire's Revenge / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng The Billionaire's Revenge: Kabanata 21 - Kabanata 30

60 Kabanata

CHAPTER 21

"TOTOO nga ang balita, ikinasal ka na talaga." Paglingon ni Gareth ay nakita niya si Cherry na papalapit sa kaniya. May pilit na ngiti ito sa mga labi at lungkot sa mga mata? Hangang ngayon ba ay may nararamdaman pa si Cherry para sa kaniya? Bumuntong-hininga si Gareth at marahang tumango sa babae. Muli niyang ibinaling sa malawak na swimming pool ang paningin. Naroon pa rin siya sa mansion at wala pang balak pumasok sa kaniyang opisina, ni hindi pa nga siya nakakaligo kaya mas lalo niyang ramdam ang hang over niya. Pagkatapos kasi nilang magsagutan ni Sam kagabi ay uminom siyang muli hangang sa makatulog sa may lanai. "At hindi ko akalain na sa babaeng kinamumuhian mo pa..." dagdag pa ni Cherry na tuluyan nang nakalapit sa lalaki. Ofcourse Cherry knew about Sam. Nabanggit niya noon si Sam sa babae. Hindi sumagot si Gareth. Paniguradong si Gail ang nagkwento kay Cherry na ikinasal na siya. Knowing her sister, lalo na at boto ito kay Cherry para sa k
Magbasa pa

CHAPTER 22

GAIL'S POV "ANOTHER lemon drop martini, please," ani Gail sa bartender na nasa harapan niya. Prente siyang nakaupo sa stool at nakapangalumbaba sa counter habang hinihintay ang ladies drink na nais niya. Medyo halu-halo na ang nainom niyang alak, kaya mapapansin na ang pagkakaroon niya ng tama. Tanging pag-inom sa exclusive bar na 'yon ang nagiging karamay ni Gail noon pa man, sa tuwing kinakain siya ng galit, inis, problema o inis. Kagaya ngayon, naroon siya dahil sa hindi nila pagkakaunawan ng kaniyang Kuya Gareth simula dumating ang Samantha na 'yon. Sabagay, naroon man si Samantha o wala, lagi pa rin silang nagtatalo ng kaniyang kapatid. Sobrang ang laki na talaga ng ipinagbago ng relasyon nilang magkapatid. Kung dati ay sobrang close nila at halos nasasabi niya lahat sa kuya niya, at kung dati ay laging present si Gareth sa mga ganap niya sa buhay, ngayon ay wala na 'yon. Nilalamon ng kompanya ang oras ng kapatid niya at hindi napapansin iyon ni Gareth. Darn
Magbasa pa

CHAPTER 23

TAHIMIK na nakatayo si Gareth sa gilid ng kama nila ni Sam, habang malaya nitong pinagmamasdan ang kagandahan ng asawa na nasa kahimbingan na ng tulog. Tanging ang kaunting liwanag na nanggagaling sa lampshade ang tumatanglaw sa mukha ng babae, ganoon pa man ay hindi naging dahilan iyon upang hindi maaninag ni Gareth ang mala anghel na mukha nito. Hindi akalain ni Gareth na muli niyang makakapiling ito at magiging asawa pa. Hindi niya akalain na nasa kamay na niya ang babaeng nagwasak ng buong pagkatao niya. Ganoon kalaki ang naging impact ng ginawa ni Sam noon sa kaniya, kaya hangang ngayon, lumipas man ang maraming taon ay hindi naghilom ang mga sugat na gawa nito. He could have hurt her, but he couldn't. May kung anong pumipigil sa kaniya. Takot siyang lumambot muli at mahulog muli sa asawa. No. Hindi niya hahayaan ang sarili niya na muling mabaliw sa babaeng nasa harapan niya. Lumakad siya papalapit kay Sam at umupo sa gilid ng kama, tangka niyang hahaplusin s
Magbasa pa

CHAPTER 24

HINDI na naman siya natulog sa tabi ko kagabi... Napailing si Sam sa naisip, habang nakaupo at nakatingin sa vanity mirror nang umagang iyon. Simula umuwi siya kay Gareth ay hindi na ito natulog sa kama, matutulog siyang wala ito at hindi alam kung anong oras dumarating, pagkatapos ay magigising siyang walang Gareth sa loob ng kwarto. Para bang may sakit siyang nakakahawa kung makaiwas ang asawa. Natawa siya kapagdaka, hindi ba dapat ay magpasalamat siya na ganoon ang ginagawa ng lalaki? Pero bakit iba ang nararamdaman niya. May kung ano sa kaibuturan ng puso niya na nangungulila sa lalaki at iyon ang bagay na hindi niya maintindihan. Naputol siya sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya, udyat na may tumatawag. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag, si Ren iyon. Agad niyang sinagot ang tawag ng lalaki, dahil baka may magandang balita ito para sa kaniya. "Ren," bungad niya sa lalaki. "Parang gusto kong magtampo. Ikinasal ka na pala, pero hind
Magbasa pa

CHAPTER 25

"SI GRACIELLA po?" Usisa ni Sam kay Doña Thesa na naabutan niya sa may living room. Nagpunta siya sa Walton mansion pagkagaling sa opisina, na gawain naman niya araw-araw para makita ang anak. Tila nagulat pa ang ginang at napatayo. "Sam, sa wakas at nahuli rin kita. Halika nga at mag-usap tayo habang tulog pa si Graciella, kasama niya si Toneth sa taas." Huminga nang malalim si Sam. Alam na niya kung ano ang gustong pag-usapan ng kaniyang madrasta. Lumapit siya rito at umupo sa may single sofa. Muli rin umupo ang doña sa kinauupuan kanina. "Napapansin ko na sa tuwing gabi ay hindi ka rito natutulog. Magtapat ka nga sa akin, hija? Saan ka ba nagtutungo?" Salubong ang kilay ng ginang ngunit banayad naman ang pananalita. Hindi agad nakakibo si Sam at inisip kung sasabihin na ba sa kaharap ang tungkol sa naganap na kasal sa pagitan nila ni Gareth. "Sam?" Untag muli ni Doña Thesa sa babae. "Huwag kang mag-alinlangang magsabi sa akin, hija. Para
Magbasa pa

CHAPTER 26

"OH, DARN. Bakit ngayon ka pa nasira?" Inis na bulong ni Sam nang ayaw mag-start ng kaniyang kotse. Kung kailan patungo na sila sa mall. "Mommy, what's wrong?" Inosenteng tanong ni Gracie na nasa back seat. Nilingon niya ang anak. "Ayaw mag-start ng car, hun." Ito na lang ang sasakyan na mayroon siya, nagawa na niyang ibenta ang iba nang magsimula ng bumagsak ang kompanya. May car naman si Doña Thesa at Carmela at hihiramin niya sana, ang kaso ay umalis din ang dalawa. "Mag-taxi na lang tayo, anak. Come on, get out of the car, honey." Nagpatiuna na siyang bumaba at pinagbuksan ang anak. Naglakad sila palabas ng gate. Tatawag na sana siya ng taxi nang biglang dumating si Drake. "Hi, guys!" Masayang bati nito sa kanila nang maibaba ang bintana ng sasakyan nito. Gaya ng lagi nitong ginagawa ay napakalawak ng ngiti nito. Nangunot ang noo ni Sam, pero may ngiti pa rin sa labi. "What are you doing here, Drake?" "It's sunday, Sam. Alam k
Magbasa pa

CHAPTER 27

"HINDI mo ako kilala, Gareth. Dahil kung kilala mo ako, alam mong hindi ako ganoong babae!" Hindi na napigilan ni Sam ang paghikbi, dahil sa sobrang sama ng kaniyang loob. "Nagka amnesia man ako, maaring marami akong hindi natatandaan sa sarili ko, pero alam ng puso kong hindi ako maruming babae, gaya ng iniisip mo!" Puno ng hinanakit na dagdag pa ni Sam sa lalaki na ngayon ay nakatitig lamang sa kaniya at hindi mababasa kung ano ang emosyong mayroon ito nang mga sandaling 'yon. Makalipas ang ilang sandali, walang salitang umalis si Gareth at iniwan si Sam sa silid, gaya madalas nitong ginagawa matapos ang isang argumento. Napaupo ang nanlalambot na si Sam sa sahig kasabay ng mga masakit na paghikbi. Deserve ba niya ang mapunta sa ganoong sitwasyon? Hangang kailan kaya siya pahihirapan ng lalaki? Kelan kaya siya maaring kumawala sa kasal na kinasadlakan niya, sa kasal na alam niyang walang bahid ng pagmamahal. ************* KINABUK
Magbasa pa

CHAPTER 28

PAGKARATING sa kompanya ng asawa ay agad niyang tinungo ang floor ng opisina nito. Lumapit siya sa isang babae na abalang nag-aayos sa table nito. Malamang na ito ang sekretarya ni Gareth, base na rin sa pwesto nito, kung ganoon ay bakit kailangan pa nito ng PA kuno? "Hi, good morning, nasaan si Mr. Sebastian?" magiliw na bati niya sa babae. Napatingin ito sa kaniya at ngumiti. Pero huling-huli niya kung paano pinag-aralan nito ang suot at mukha niya. "Good morning, ma'am. Ano ho ang sadya niyo kay Mr. Sebastian?" Natahimik si Sam. Ano nga ba ang sasabihin niya dapat sa babae? Hindi siya nito kilala bilang asawa ni Gareth at alam niyang halos walang nakakakilala sa kaniya bilang asawa nito. Iniisip niya kung magpapakilala ba siya bilang Mrs. Sebastian. "Pakisabi hinahanap ko siya. My name is Sam by the way." Sa huli ay pinili niyang huwag na lang. Tila nag-alangan ang babae kung gagawin ba ang sinabi niya. "E, ma'am busy po kasi s
Magbasa pa

CHAPTER 29

"MAUNA ka na, hindi ako sasabay," ani Sam kay Gareth nang mag-aya ng umuwi ang lalaki nang hapon. Salubong ang kilay ni Gareth na nagtanong, "Why? Ayaw mo akong kasabay?" Kinuha ni Sam ang bag at muling hinarap ang asawa. "Pupuntahan ko si Graciella," simpleng sagot niya at nilampasan na ang asawa. "I'll go with you," mabilis na wika ng lalaki na nagpatigil kay Sam. "Sure ka?" Paninigurado pa ni Sam sa kausap. Seryosong tumango si Gareth at nagpatiuna nang maglakad palabas ng opisina nito. Humabol na lang si Sam at nadaanan pa nga niya ang sekretarya ni Gareth na pasimpleng nakatingin sa kaniya na. Si Butler Andy ang nag-drive para sa kanila patungo sa mansion ng mga Walton. Madilim na nang makarating sila doon at agad siyang pumasok sa loob ng mansion at hinayaan na lamang si Gareth kung susunod ito sa loob o magpapaiwan sa labas. Agad siyang nagtungo sa taas, sa silid ni Graciella. Siyempre ay lagi siyang sabik na makita ang anak niy
Magbasa pa

CHAPTER 30

SIMULA nangyari ang insidente sa mansion ng mga Walton, hindi nakaligtas sa paningin at pakiramdam ni Gareth ang pananahimik ni Sam sa mga nakalipas na araw, tila laging malalim ang iniisip nito at natutulala. "Where is my coffee?" Usisa niya sa asawa na abalang nakatingin sa laptop nito. Ang bilin kasi niya kay Sam na bago siya umuwi para harapin ang mga paper works niya ay dapat may kape ng nakahanda. Walang salitang tumayo ito at nagtungo sa maliit na silid, kung saan naroon ang nagsisilbing pantry at gawaan ng kape. Pagkaraan ang ilang saglit ay lumapit si Sam sa mesa niya at ibinigay ang kape sa kaniya at walang salitang muling bumalik sa corner nito at humarap sa laptop. "Matabang ito," reklamo niya kay Sam, makaraang tikman ang kapeng gawa nito. Sinabihan na niya itong ayaw niya ng matabang na kape. Tumingin si Sam sa kaniya at bumuntong-hininga, pagkaraan ay walang salitang muling tumayo at kinuha ang tasa ng kape na nasa taas ng mesa niya. Il
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status