Angela's PovMula sa mahimbing na pagkakatulog ay napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan ng kuwarto ko. Pupungas-pungas na bumangon ako sa kama at pinagbuksan ang taong kumakatok sa labas."Bakit po, Mama?" tanong ko sa mama ni Eric na siyang napagbuksan ko ng pintuan."Anong bakit po? Umaga na ay hindi ka pa rin bumabangon diyan?" singhal niya sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya at tila ba nais niya akong tirisin ngunit nagtitimpi lamang."Po?" naguguluhan kong tanong. Hindi ko kasi maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin."Uy, Angela, may asawa ka na kaya kailangan mong bumangon diyan para ipagluto kami ng almusal. Ayusin mo ang sarili mo't bumaba ka na. Ipagluto mo kami ng almusal," parang reyna na utos niya sa akin."Pero may mga katulong naman tayo, Mama. Tawagin n'yo na lang po sila para magluto. Hindi kasi ako marunong magluto," nahihiyang saad ko. Hindi naman kasi ako hinayaan ng daddy ko na gumawa ng mga gawaing-bahay lalong-lalo na
Last Updated : 2022-12-27 Read more